You are on page 1of 14

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pinipiling Academic Track ng Baitang 11 sa Blessings in the

Word Fellowship School Inc. S.Y. 2019-2020

Mga Mananaliksik:

Paiton, Zhane Mhayel Montenegro

Romeroso Jr., Edgardo Dela Rea

Cariño, Macky Randy Pascual

Maano, Mark Joseph Pebres

Patulot, Ellen Kate Relevo

Tolentino, Lanze Mercado


Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Gng. Rhose Anne G. Tuquero


KABANATA I

SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula:

Katulad ng kurso na kinukuha sa kolehiyo, kinakailangang magdesisyon at pumili ng mas

maayos na academic track ang isang estudyante. Pero sa pagpili ng maayos na kurso, maaaring

maging isang napakahirap na desisyon ito lalo na sa trabahong naghihintay sayo sa hinaharap.

Ang pagdedesisyon ay kinakailangan sa ganitong sitwasyon at ang mga mag-aaral ay dapat

ikonsidera ang mga maaaring kahihinatnan ng gagawing desisyon.

Sa Pilipinas, ang baitang 11 at 12 ay may mahalagang epekto sa paglago ng bansa. Ang

gobyerno ay nagbigay ng malaking halaga para sa edukasyong K-12 dahil naniniwala sila na ang

mga Pilipino ay magagawa ring makipagsabayan sa ibang bansa sa larangan ng edukasyon.

Ang mga mag-aaral sa bansa ngayon ay kailangang harapin ang dalawang dibisyon sa

sekondaryang edukasyon upang makuha ang diplomang kanilang hinahangad. Ang Kagawaran

ng Edukasyon ay naglabas ng mandato, ang programang K-12 na sa pamamagitan nito ang bawat

paaralan sa bansa ay magkakaroon ng dagdag na dalawang taon sa sekondaryang edukasyon.

Kung mapag iisipan ng mabuti at mabibigyan ng oras ang pagpili, maaaring mas

mapagaan at maging determinado sa pag aaral dahil iyon ang kanyang nais. Kaya

napakaimporatante na dapat tama ang pipiliing strand na pinag-aralan dahil ito ang pangunahing

layunin ng programang K-12.

Ang salik na makaaapekto sa pagpili ng strand na nais kunin ng mga mag-aaral ay isa

talagang malaking parte sa buhay nila. Kapansin-pansin na ang ilang mag-aaral ay pumipili ng
strand na hindi nila gusto. Ang mga mananaliksik, ay nakatagpo ng mga estudyanteng

nahihirapang pumili ng kanilang strand.

Sa pagpili ng karerang tatahakin, makakatulong sa mag aaral na magtakda ng mga

layunin at bumuo ng mga kapasyahan upang makuha kung ano talaga ang nais. Ang pagpili nito

ay makakatulong sa iyo na gumawa ng iba pang mahahalagang desisyon sa buhay. Kapag

pumipili ng karerang tatahakin, iniisip mo ang iyong sarili sa hinaharap at pangwakas na mga

layunin. Ang pagkuha ng tatahaking karera ay makakatulong sa mag-aaral sa prospesyong nais

gampanan at nais makamit. Maaari rin suportahan at gabayan ang isang mag-aaral sa pagbuo ng

personal at propesyonal na mga network sa industriya kung saan interesado. Ang pagkakaroon

ng mga pang matagalang layunin sa buhay ay makakatulong sa isang mag-aaral na maging pokus

sa pagpapasya ng layunin sa karera, sa halip na lumipat ng walang kabuluhan mula sa isang

trabaho patungo sa iba .

Ang mga mananaliksik ay naglalayon tukuyin ang mga salik na magbibigay ng kaalaman

sa bawat isa kung paano nila ito malalagpasan. Kaya’t napagdesisyunan ng mga mananaliksik na

gawin ang pagaaral na may pamagat na “Mga Salik na Nakaaapekto sa Pinipiling Academic

Track ng Baitang 11 sa Blessings in the Word Fellowship School Inc. S.Y. 2019-2020.”
Paglalahad ng Suliranin

Nais ng mga mananaliksik na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong anyo ng mga respondente:

a. Edad

b. Kasarian

c. Baitang at Strand

2. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pinipiling academic track ng Baitang 11?

3. Paano nakaaapekto ang mga sumusunod sa pinipiling academic track:

a. Paaralan

b. Interes

c. Inaasahan ng Pamilya

d. Oportunidad

e. Impluwensiya ng kaibigan

f. Kakayahang pinansiyal

Layunin ng Pagaaral

1. Ilarawan ang mga salik na nakakaapekto sa pinipiling academic track ng baiting 11.

2. Ianalisa ang mga salik na nakakaapekto sa pinipiling academic track ng baiting 11.

3. Tuklasin ang mga salik na nakakaapekto sa pinipiling academic track.


Kahalagahan ng Pagaaral

Para sa mga magulang

Para magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa mga strand at masuportahan ang kanilang

anak sa pinili nilang academic track.

Para sa mga guro

Para magbigay ng payo sa mga estudyante tungkol sa academic tracks.

Para sa mga mag-aaral

Para maging gabay sa kanila sa pagpili ng academic track na kanilang ninanais.

Para sa mga susunod na mananaliksik

Para magkaroon ng panibagong reperensya at impormasyon tungkol sa pagaaral na

kanilang gagawin.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Academic Track. isang konsepto na sakop ng programang K-12 ng DEPED kung saan ito ay

kukuhanin o maaaring pagpilian ng mga mag-aaral na tutuntong ng Senior High School.

Edad. sukat kung ilang taon ka nang nabubuhay sa mundo. Simula ng pagkaanak sa iyo ay may

edad ka na.

Impluwensiya ng Kaibigan. isa itong paraan para magbago ang ugali ng isang tao at mayroong

naman hindi magandang impluwensya at dito maraming kabataan ang naliligaw sa tamang

landas.
Inaasahan ng pamilya. isa sa mga dahilan kung bakit hindi makapili ng ninanais na strand ang

mga mag-aaral.

Kakayahan. isang natural na sa ating sarili na hindi nakukuha sa iba. Kung mayroon kang

kakayahan gawin ang mga bagay na kaya mo dapat linangin mo ito sa pamamagitan ng

pagpapractice.

Kakayahang Pinansiyal. Isang pag-aaring isang sistema ng pananalapi na nag-aalis ng mga

kawalan ng timbang sa pananalapi na lumitaw nang walang katapusang mga merkado sa

pananalapi o bilang isang resulta ng mga hindi inaasahang kaganapan.

Kasarian. Ang pagtukoy sa bayolohikal o pisikal na pagkakaiba ng mga babae at lalaki. Ito ay

kaiba rin sa konsepto ng gender, na tumutukoy naman sa pagkilos o suhektibong pagsasalarawan

ng kultura o lipunan sa pagkakaiba o pagkakapareho ng pagiging babae o lalaki.

Oportunidad. isang sitwasyon kung saan possible para sa iyo na gumawa ng isang bagay na nais

mong gawin.

Paaralan. ay isang lugar kung saan tinuturan ang mga estudyante o mag-aaral upang magkaroon

sila ng mga kaalaman. Ito ay tinaguriang pangalawang tahanan ng mga bata dahil halos araw-

araw silang nandito upang matuto.

Pinipili. pagpili kung ano ang nararapat o ninanais.

Salik. ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na maaaring magkaroon ng impluwensya sa

maaaring kahinatnan ng ano mang paksa. Ang mga salik sa iba’t ibang anyo nito ay nagagawang

baguhin ang direksyon ng maraming bagay.


Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Mga Salik na Nakaaapekto sa Pinipiling Academic

Track ng Baiting 11 sa Blessing in the Word Fellowship Inc. S.Y. 2019-2020.” Ang mga datos

ay inaasahang makuha sa senior high school na kumukuha ng strand na ABM, STEM, TVL at

HUMSS. Ang mga respondente ay ang baiting 11 sa Blessings in the Word Fellowship School

Inc.
Conceptual Framework

INPUT PROSESO AWTPUT


• Mga Salik na • Mga Salik:
Nakaaapekto
sa Pinipiling • Sarbey • Paaralan
Academic (Kwestyoneyr) • Interes
Track ng
Baitang 11 sa • Pag-aanalisa ng • Oportunidad
Blessings in mga Datos • Impluwensiya
the Word ng Kaibigan
Fellowship • Inaasahan ng
School Inc. Pamilya
S.Y. 2019-2020 • Kakayahang
Pinansiyal

Pigura 1. Conceptual Framework ng Pag-aaral

Ang tuon ng pag-aaral ay makukuha mula sa unang pigura. Ang input ng pag-aaral ay ang

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pinipiling Academic Track ng Baitang 11 sa Blessings in the

Word Fellowship School Inc. S.Y. 2019-2020. Ang proseso ay naglalaman ng sarbey

(kwestyoneyr) at pag-aanalisa ng datos. Ang nakapaloob sa awtput ay ang mga salik na paaralan,

interes, oportunidad, impluwensiya ng kaibigan, kakayahang pinansiyal, inaasahan ng pamilya at

kakayahang pinansiyal.
Theoretical Framework

Mga Salik na Nakaaapekto sa


Pinipiling Academic Track ng
Baitang 11 sa Blessings in the
Word Fellowship School Inc.
S.Y. 2019-2020

Baitang 11

Mga Salik:

• Paaralan
Mga Inaasahan
• Interes

• Inaasahan ng
Pamilya

• Impluwensiya
ng Kaibigan
Mga Karanasan
• Oportunidad

• Kakayahang
Pinansiyal

Mga Resulta

Pigura 2. Theoretical Framework ng Pag-aaral


Ang gagawing pananaliksik ay ang Mga Salik na Nakaaapekto sa Pinipiling Academic Track

ng Baitang 11 sa Blessings in the Word Fellowship School Inc. S.Y. 2019-2020 at ang mga

respondente ay ang Baitang 11. Inaasahan ng mga respondente na ang mga salik ay ang mga

paaralan, interes, impluwensiya ng kaibigan, inaasahan ng pamilya, oportunidad, at kakayahang

pinansiyal. Ito ang mga salik na kanilang nararanasan at ito ang maaaring maging resulta ng pag-

aaral.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti. Kahit ang taong ayaw pumili o

magpasya o makialam sa isang bagay o sitwasyon ay pumipili pa rin sa isang aksyon o kilos: ang

hindi pagpili o hindi pakikialam. Dahil ang tao ay malaya at may kakayahang pumili, siya ay

inaasahang maging mapanagutan sa piniling pasya at maging masaya para dito. (Peralta, Andaya,

& Tuguinayo Jr., 2014).

Isipin kung ano ang interes mo, alamin kung saan ka magaling, mga pinahahalagahan,

trabahong makukuha, panahon, nilalaman, haba at mga pangangailangan ng kurso, pinansiyal na

abilidad at kalidad ng unibersidad. Ito lamang ang ilang bagay na dapat tandaan bago tuluyang

magdesisyon. (WikiHow, 2014)

Ang sosyo ekonomikong estado ay isa sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa

pagpili ng kukuning strand (Cabrera & Nasa, 2000).

Ayon kay George-Jackson (2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng

pansariling kagustuhan na nakakaimpluwensya sa mag-aaral sa kanyang pipiliing kurso.

Ang mga magulang ay ang pinakaunang guro ng mga bata, na kung sa gayon sila ay

unang tagapayo at tagagabay. Ayon kay Bladeless (2013) ang mga magulang ay

kumukontrol ng kanilang mga anak tungkol sa kanilang pinipiling kurso. Karamihan, hindi iniisp

ang kagustuhan ng kanilang anak.

Ayon kay Rivera (2008), ang hilig ng isang tao ang mananatiling magtutulak para

magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ang isang tao hindi dahil ang
pangunahin layunin ay ang kumita ng pera kundi ginagawa ito dahil ito ang gusto ng tao na

gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay

kumikita ka narin ng salapi. Maraming mga salik ang nakakaapekto sa pagpili ng karera ng

mga mag-aaral sa sekondarya. Ang pagpili ng pagkuha ng strandng mga magaaral, ay

karamihan mula sa sariling desisyon, ay hindi malaya sa impluw

Ang hilig o interes ay ang mga paboritong gawain na nagpapasaya sa isang tao dahil

gusto at buo ang puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o

pagkabagot. Dapat sukatin ang sarili pagdating sa kasalukuyang katayuang pinansyal na

kakayahan ng magulang sa pagpapaaral. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang

pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. (Peralta, Andaya, &

Tuguinayo Jr., 2014)

Napansin ni Paulsen (1990) na kapag ang mga gastos sa pag-aaral, gastos sa kuwarto at

board, at ang distansya mula sa bahay ay nadagdagan; ang opsyon sa kolehiyo ay naging

mas kaakit-akit sa mga mag-aaral. Ang pagtaas ng mga gastosin sa matrikula, pagkain,

pagrenta na dormitoryo, at distansiya mula sa pamilya, bumababa ang bilang ng posibilidad

na pagpasok sa kolehiyo. Ngunit ang nakapaloob sa epekto na ito ang mga magaaral na

napabilang sa mas mababang antas ng kinikita (Paulsen, 1990).

Ayon kay Encantara (2005), ang mga unibersidad o akademiya ay nagbibigay ng

pagsasanay para sa mga indibidwal na nagnanais na pumasok sa nais nilang propesyon.

Nagsusumikap din silang buuin ang kanilang pagkamalikhain, pananaw at kasanayan. Sa

pamamagitan ng pagpapakilala ng mga komplikadong ideya na konektado sa nakapaligid sa mga


mag-aaral, ang mga kolehiyo at universidad ay nagbibigay ng natatanging mga pagkakataon para

sa personal na pagpaunlad ng mga mag-aaral sa hinaharap.

Sanggunian:

https://www.academia.edu/34673648/MGA_SALIK_NA_NAKAAAPEKTO_SA_PAGPILI_N

G_KURSONG_ABM_NG_MGA_MAG-

AARAL_SA_UNIBERSIDAD_NG_OUR_LADY_OF_FATIMA

https://brainly.ph/question/282541

https://studylib.net/doc/25205886/pap-research

You might also like