You are on page 1of 2

SURVEY QUESTIONNAIRE (TALATANUNGAN)

Mahal Naming Respondente:

Maalab na pagbati!

Kami ay mag-aaral ng STI College Sta. Cruz at kumukuha ng asignaturang National Service Training
Program 1 (NSTP1). Kami po ay kasalukuyang nangongolekta ng impormasyon hingil sa paksang “Pamamahala ng
Basura (Waste Management) sa Brgy. San Pablo Sur”. Ang mga datos na makakalap ay gagamitin sa paggawa ng
panukala (proposal) para sa gagawing “Community Extension Program” sa nasabing barangay.

Kaugnay nito, inihanda namin ang mga katanungang nakasaad sa papel na ito upang makangalap ng datos
na kailangan namin sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyaring sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na mga katanungan at tinitiyak
po naming magiging konpidensyal ang inyong mga kasagutan.

Maraming salamat po!

- Mga Mag-aaral ng NSTP1

Direksyon : Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod na katanungan . Kung may pagpipilian,
lagyan na lamang ng tsek ( ∕ ) ang bilog na tumutugon sa inyong sagot at isulat ang iba pang sagot sa linya kung
wala sa pagpipilian at may kinakailangan pang ibang tugon.

Pangalan : ______________________________________

Kasarian : ( ) Lalaki ( ) Babae

Edad : ( ) 15 – 21 taong gulang ( ) 28 – 34 taong gulang

( ) 22 – 27 taong gulang ( ) 35 taong gulang pataas

1. Napapatupad na ba sa inyong barangay ang “Tapat mo, Linis mo”?

o Oo
o Hindi
o Iba pang kasagutan ________________________________________________________

2. Ang barangay ba ay nakikiisa sa paglilinis ng inyong komunidad?

o Oo
o Hindi
o Iba pang kasagutan ________________________________________________________

3. Naghihiwalay ka ba ng basura ayon sa mga sumusunod: Nabubulok, Di-Nabubulok, Nareresiklo?

o Oo
o Hindi

4. Regular ba ang pangongolekta ng basura sa inyong barangay?

o Oo
Kung Oo, tuwing kailan? ____________________________________________________
o Hindi
o Iba pang kasagutan ________________________________________________________
5. Ang mga basura ba ay isa sa nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa inyong barangay?
o Oo
Kung Oo, anong posibleng sakit? __ Dengue __ sakit sa balat __alipunga __pigsa __Ibang
Kasagutan ___________________________
o Hindi
o Iba pang kasagutan ________________________________________________________

6. Ang basura ba ay isa sa dahilan ng pagbaha sa inyong Barangay?

o Oo
o Hindi
o Iba pang kasagutan ________________________________________________________

7. Mayroon bang mga karatula na nagsasabi na doon ang tamang tapunan ng mga basura?
o Oo
Kung oo, sapat ba ito upang mas mapangalagaan pa ang kalikasan?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
o Hindi
o Iba pang sagot_____________________________________

8. Sa iyong palagay, mayroon pa bang ibang isyu o problema hinggil sa kalusugan at sa

kapaligiran/kalikasan ang dapat na mapagtuunan ng pansin sa inyong barangay?
o Oo
Kung oo, ano ito? ___________________________________________________________________
o Wala

9. Sa iyong palagay, lahat ba ng tao sa inyong komunidad ay may personal na kontribusyon sa paglilinis ng
inyong lugar?
o Oo
o Hindi
o Iba pang sagot_____________________________________

10. Bilang bahagi ng Brgy. San Pablo Sur, ano ang iyong kontribusyon upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan sa inyong barangay?
______________________________________________________________________________________

You might also like