You are on page 1of 50

3rd Quarter

ESP 1 WEEK 8 - DAY 1


Pagpapamalas ng Pagkamalikhain at Pagmamalasakit sa
Kapaligiran
Ngayon ay pag-aaralan mo kung
paano magmamalasakit sa
kapaligiran sa pamamagitan ng
pagre-recycle ng mga lumang
gamit.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw
ay inaasahang makapagbawas
sa paggamit ng mga bagay na
nagiging sanhi ng pagdami ng
basura
Pagmasdan ang larawan
Alam mo ba ang 3R’s?
Ito ay ang Reduce,
Reuse at Recycle.
Ito ay mga paraan upang mabawasan
and mga basura sa inyong kapaligiran.
Dahil sa mga dami ng basura na
itinatapon araw-araw, kailangan tayong
tumulong sa ating pamahalaan.
Nakabili ka na ba ng isang bagay na
maraming balot?
Alam mo ba na pati ang mga pambalot na
ito ay iyong binabayaran?Kaya kadalasan
ay napapamahal pa ang iyong pagbili. At sa
kalaunan ay makakadagdag pa sa basura sa
kapaligiran.
REDUCE
Halimbawa ng pagre-REDUCE
1. Pag-bawas sa paggamit ng plastic na supot
2. Pagtitipid sa paggamit ng mga nauubos na bagay
n amula sa liaks na yaman tulad ng papel at
kuryente.
Pupunta si Imelda sa palengke, nagdala
na lamang sya ng eco bag upang ndi na
bumili pa ng plastic sa palengke at
upang mabawasan na rin ang mga supot
na paglalagayan. Tama ba ang kanyang
ginawa? Bakit?
Reduce ang tawag sa pagbabawas
sa paggamit ng mga bagay na
nagiging sanhi ng maraming
basura.
Isulat ang Tama kung ang nkasaad ay nagpapakita ng
pagre-reduce at mali kung hindi.
____1. Gumagamit si Terrence ng baso sa pagsesepilyo.
____ 2. Pinapatay ni Yuri ang switch ng ilaw kung
maliwanag na sa umaga.
____ 3. Nagdadala ng bayong si nanay sa kanyang
pamamalengke.
____ 4. Tinatapon ni ayen ang mga kawderno niya kahit
marami pang pahianang hindi pa nasusulatan.
____ 5. Nagdadala ni Ana ng eco bag sa tuwing siya ay
magmimili.
3rd Quarter

ESP 1 WEEK 8 - DAY 2


Pagpapamalas ng Pagkamalikhain at Pagmamalasakit sa
Kapaligiran
Ano ang tawag sa pagbabawas
sa paggamit ng mga bagay na
nagiging sanhi ng pagdami ng
basura?
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay
inaasahang makagagamit muli ng
mga kagamitan na pinaglumaan
tulad ng lumang sapatos o mga
paper bags na pinagbalutan ng mga
pinamili sa mga mall at
supermarket
Tingnan ang larawan
May bag ang iyong nanay na
hindi na niya ginagamit.
Paano mo kaya ito
mapapakinabangan?
Maaari mo itong hiramin sa
kanya kapag marami kang mga
gamit na kailangang dalhin sa
paaralan.
Ang paraang ito ay tinatawag na
Reuse.
Ang pagbibigay ng piang lumaang mga damit ay
isnag halimbawa ng REUSE.
Nasunugan ang inyong kaibigan,
Nakita mo na marami kang mga
damit na hindi mo na naisusuot, ano
ang iyong magandang gawin upang
mapakinabangan pa ito?
Tandaan:
Reuse ang tawag sa paggamit muli
ng mga kagamitan na pinaglumaan
tulad ng lumang damit, sapatos o
mga paper bags na pinagbalutan.
Tsek o Ekis
___1. Gagamitin kong muli ang mga kwaderno kong
kakaunti pa lang ang nasusulatang pahina.
___ 2. Isusuot ko ang pinagliitang uniporme ni ate o ni
kuya para hindi na bibili si nanay.
____ 3. itatapon ko ang sapatos ko para ibili ako ng
bagong sapatos ni tatay.
____ 4.Itatabi at gagamitin ko ulit ang mga paper
bags na pinaglagyan ng mga pinamili naming gamit.
___ 5. Susunugin ko na lang ang mga luma naming
damit
3rd Quarter

ESP 1 WEEK 8 - DAY 3


Pagpapamalas ng Pagkamalikhain at Pagmamalasakit sa
Kapaligiran
Ano ang tawag sa pagbabawas
sa paggamit muli ng mga
pianglumaang gamit upang
mapakinabangan?
Magbigay ng halimbawa.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay
inaasahang makagagamit ng mga
bagay na patapon ngunit maaari pang
pakinabangan.
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang napapansin mo?
May mga lumang kahon sa inyong bahay, ano kaya ang maari
mong gawin upang mapakinabangan pa ang mga ito?
Pag-recycle o paggamit muli sa
mga bagay na patapon ngunit
maaari pang pakinabangan
Mayroon kayong lumang garapon sa
bahay. Ano kaya ang maaari mong
gawin upang mapakinabangan pa
ang garapon?
Tandaan:
Recycle ay tawag sa paggamit
ng mga luma patapon nang
kagamitan sa ibang paraan
upang mapakinabangan
Lagyan mo ng smiley ()kung ang gawain ay nagpapakita ng mga
paraan upang magamit muli ang mga bagay na patapon ngunit maaari
pang pakinabangan at sad face () kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
___ 1. “Mommy, bakit hindi po natin gawing bulaklak itong mga
lumang papel.”
___ 2. “Tatay, lagyan po kaya natin ng mga tanim itong lumang
gulong po ng sasakyan?”
___ 3. “Bakit ayaw niyo pa po itapon yang mga plastic bottle?
Kalat lang po ang mga iyan.”
___ 4. “Ayoko ko ng mga lumang gamit dito sa bahay. Please,
itapon n’yo na po.”
___ 5. “Magandang gawin nating lalagyan ng mga lapis at krayola
ang mga latang ito
3rd Quarter

ESP 1 WEEK 8 - DAY 4


Pagpapamalas ng Pagkamalikhain at Pagmamalasakit sa
Kapaligiran
Sabihin kung ang halimbawang
babasahin ng guro ay Reduce,
Reuse o Recycle.
1. Ginawang pencil holder ni
mavy ang plastic bottle na
pianglagyan ng kanyang inumin.
2. Dinala ni joy sa mga
nasunugan ang kanilang mga
lumang damit at sapatos.
3. Ginamit na listahan ni Aling
Irene ang mga papel na wala
pang sulat ang likuran
Muli natin pag-aaralan ang tungkol
sa 3Rs, reduce,Reuse at Recycle.
PERFORMANCE TASK
Pumili ng isa sa
sumusunod na sitwasyon
at ibahagi ang iyong
saloobin sa klase.
1. May mga damit kang hindi mo
na ginagamit. Nabalitaan mo na
may mga pamilyang nasunugan sa
kabilang barangay.
2. Noong huli kayong
namalengke ng iyong nanay ay
nalaman mo na hindi na
pinapayagan ang paggamit ng
plastic bag?
3. Itatapon ng iyong kapatid
ang kaniyang notebook.
Marami pa itong pahinang
hindi pa nasusulatan
Isulat sa Drill
Board kung
Pagreresiklo o
Pag aaksaya.
1. Iisip ako ng paraan upang
may mapaggamitan muli ng
mga bagay na hindi na
ginagamit para mabawasan ang
basurang itatapon.
2. Aayusin ko ang pagbubukas
ng regalo sa akin para di
masira ang pambalot. Puwede
ka pang magamit ito sa
pagbabalot ng iba ko pang
regalo.
3. Pagkatapos kong kunin sa
refrigerator ang mga gulay at
iba pang sangkap na gagamitin
ni nanay, iiwan ko itong
nakabukas.
4. Iipunin ko ang mga lumang
bote at garapon na ginamit ni
nanay sa kusina at ipagbibili ko
ito.
5. Pagsasama-samahin ko ang
mga pahina ng kwaderno na
wala pang sulat para
mabawasan ang bibilhin na
kwaderno ni nanay sa susunod.
Tandaan:
Ang pag reduce, reuse at recycle
ay isang paraan upang
maiwasan ang pagdami ng
basura sa ating kapaligiran.
Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay Tama at
letrang M kung ito ay Mali.
___ 1. Hindi maaaring pakinabangan ang anumang basura.
___ 2. Ang mga pinagbalatan ng prutas ay maaring ibilad at
patuyuin sa araw at gawing potpourri o pinatuyong maliit na
bagay na nilagyan ng pabango at pampalamuti na inilalagay
sa garapon para idisplay.
___ 3. Ang reuse ay ang muling paggamit ng mga bagay na
luma o piang sawaan na.
____ 4. Hindi mababawasan ang itatapong basura kahit
gawin ang 3 R’s.
____ 5. Ang maliliit na bata ay walang magagawa upang
mabawasan ang mga kalat sa kapaligiran.

You might also like