You are on page 1of 2

Petras Christian School

3195 ME J.P. Rizal Street Calumpang, Calumpit, Bulacan


Ika-Apat na Buwanang Pagsusulit sa ESP 5

Name: ___________________________________ Date: ____________________ Score: ________

A. Isulat ang salitang Tama kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng
displina para makatulong sa kapaligiran at isulat naman ang salitang Mali kung hindi.

_______1. Nirerecycle ko ang mga bagay na alam kong may pakinabang pa.
_______2. Nagiging malikhain ako kapag akoy nag rerecycle.
_______3. Malaki ang tulong ng pagrerecycle sa kapaligiran nakakabawas na ng basura
nagagamit ko pa ang aking imahinasyon sa paggawa ng bagay na kapakipakinabang gamit ang
basura.
_______4. Reduce, reuse at recycle ay ang tatlong Rs sa pangangasiwa ng basura.
_______5. Huwag magtapon ng dumi at basura sa ilog o sapa
_______6. Hinihiwalay ko ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura.
_______7. Itapon ang balat ng kendi sa basurahan upang di magkalat
_______8. Hayaang nakabukas ang gripo ang habang nagsisipilyo.
_______9. Ang paglilinis ng paligid ay tanda ng pagmamahal sa kapwa.
_______10. Itapon ang plastic sa nabubulok na basura
_______11. Ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan ay pagtulong sa kalikasan.
_______12. Ang polusyon ay isang natural na proseso, kung kaya’t wala tayong magagawa
upang pigilan ito.
_______13. Itapon ang bote sa nabubulok na basura.
_______14. Nagtatapon ng basura sa ilog at dagat.
_______15. Magdala ng bayong kung mamalengke para makabawas sa pag gamit ng plastic.
_______16. Itapon ang mga lumang gamit sa ilog.
_______17. Maging produktibo at gamitin ang mga bagay na pwede pang irecycle.
_______18. Pitasin ang mga bulaklak dahil ito ay makulay.
_______19. Makilahok sa mga Tree Planting activities sa baranggay
_______20. Tinatakpan ko ang basurahan para hindi ito mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo.
B.  Suriin mabuti ang bawat pangungusap na may kinalaman sa ating kultura. Sagutin ang
mga tanong ng OO o HINDI.
________1. Ikinahihiya mo ba na ang pagsasabi na ikaw ay Pilipino?
________2. Nasisiyahan ka bang magsuot ng baro’t saya?
________3. Masigla ka bang kung sumasali sa mga larong Pilipino?
________4. Nagrereklamo ka ba kung ang iteneraryo o talalakbayan ng inyong fieldtrip ay
kasali sa pagdalaw sa museo?
________5. Ipinagmamalaki mo ba ang pasgsusuot ng mga palamuti sa katawan na
matatawag na sariling atin?
________6. Nasisiyahan ka bang umawit o making sa mga awiting Pilipino?
________7. Gumagamit ka ba ng salawikain upang pangaralan ang iyong mga kasamahan?
________8. Sinusubukan mo bang gumawa ng tugma o tula gamit ang wikang Filipino?
________9. Ipinagmamalaki mob a ang paggamit ng Filipino at iba pang katutubong wika?
________10. Ikinahihiya mo ba ang matatandang kamag-anak na mas gustong magkamay
kung kumakain?
C. Lagyan ng Check ang mga ginagawa mo bilang paggalang sa kultura ng ibang pangkat
ng mga Pilipino. Ekisan ang hindi.

1. ________Sumasali ka o nanonood ng mga programang dumadakila sa kulturang Pilipino.


2. ________Ipinagmamalaki mo ang paggamit ng mga bagay-bagay na yari sa iba-ibang
bahagi ng bansa.
3. ________Nasisiyahan ka kapag nakakabasa ng mga papuri sa ating mga pangkat
________pangkulturang nagtatanghal ng mga awit at sayaw sa iabat ibang bansa.
4. ________Pinagsisiskapan mong magkainteres sap ag-aaral tungkol sa gawi at tradisyon
ng mga Pilipino.
5. ________Nanonood ka ng pelikulang naglalarawan ng kultura o uri ng pamumuhay ng
mga Pilipino.
6. ________Sumasali ka sa mga palarong Pilipino sa paaralan man o sa barangay.
7. ________Nagsisikap kang matutong sumayaw ng mga katutubong sayaw.
8. ________Kinikilala mo ang anyo ng pagbati ng kapwa mo Pilipino.
9. ________Ipinagmamalaki mo ang kulturang Pilipino.
10. ________Ikinahihiya mo ang tradisyon at paguugali ng mga Pilipino.

You might also like