You are on page 1of 3

Baitang 4

PAGTULONG SA KALINISAN NG KAPALIGIRAN


(PAGTATAPON NG MGA TUYONG DAHON SA COMPOST PIT
AT BASURA SA BASURAHAN)

Alamin Mo

Ano ang ipinakikita sa larawan? Kaya mo ba itong gawin? Malaki ang maitutulong mo sa
iyong mga kasambahay kung alam mo ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura at ng mga
tuyong dahon sa inyong kapaligiran.

Sa modyul na ito, malalaman mo ang pagsasagawa ng palagiang pagtulong sa pagtatapon


ng mga tuyong dahon at basura sa compost pit o basurahan.

1
Pag-aralan Mo

Basahin ang diyalogo at tingnan natin kung matutularan mo si Gary.

Nanaog si Tatay sa bahay at nakita niyang nakakalat ang dahon sa bakuran.

Tatay: Gary, bakit ang daming kalat sa bakuran?


Gary: Wawalisin ko na nga po ang mga tuyong dahon.
Tatay: Saan mo naman itatapon ang mga tuyong dahon na iyan?
Gary: Siyempre po sa ginawa ninyong compost pit.
Tatay: Alam mo ba kung bakit kailangang sa compost pit dapat itapon ang mga tuyong dahon?
Gary: Opo, sabi po ng teacher ko, ito raw po ay mabubulok at magiging pataba ng mga
halaman. Kaya kailangan po talagang sa hukay ito ilagay.
Tatay: Aba! Nakikita ko na ang mga papel na basura ay inilalagay mo rin sa “compost pit”.
Gary: Hindi po! Sa basurahan po ng di-nabubulok itinatapon ang mga papel.
Tatay: Magaling na bata! Alam mo anak, malaking tulong ka na sa amin.

Mula noon ay naging ugali na ni Gary ang pagtulong sa Tatay niya sa pamamagitan ng
tamang paraan ng pagtatapon ng tuyong dahon at basura.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Anong katangian ang ipinakita ni Gary?


2. Kung ikaw si Gary, ganoon din ba ang gagawin mo sa mga basura?
3. Sa palagay mo, bakit sinusunod ni Gary ang kagustuhan ng Tatay niya?
4. Kung gagawin mo rin ito, ano ang mangyayari sa kapaligiran mo?
5. Saan mo itatapon ang mga tuyong dahon sa inyong bakuran? ang basurang papel?

Isaisip Mo

Ang pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran lalo na ang tamang paraan ng pagtatapon ng


mga basura ay pangangalaga rin sa ating kalusugan.

2
Isapuso Mo

Nakita mo na maraming kalat sa iyong eskuwelahan. May mga tuyong dahon, mga balat
ng kendi, papel, at mga balat ng saging. Kung wawalisin mo ang mga ito, saan mo dapat itapon
ang mga ito? Ano kaya ang mararamdaman mo kapag nakita mong malinis at maayos ang
kapaligiran?

Isagawa Mo

Magmasid sa isang paaralan sa inyong lugar at tingnan mo kung nagtutulungan ang mga
bata sa paglilinis dito. Saan nila inilalagay ang mga tuyong dahon at iba pang basura? Iguhit mo
sa kuwadernong sagutan ang iyong nakita.

You might also like