You are on page 1of 2

Pagtatapon ng Basura at Recyclables

Ang mga basurang mula sa mga kabahayan gaya ng mga nasusunog na basura, mga hindi nasusunog na
basura, mga bagay na mapanganib at madaling masunog, mga malalaking basura ay ipinaghihiwa-
hiwalay bago kolektahin sa bawat area. Gayundin, ang mga bagay na nare-“recycle” gaya ng mga
lalagyan at pambalot na gawa sa plastik ay kinokolekta sa bawat area, ang basyong bote, basyong lata,
mga lalagyan at pambalot na gawa sa papel, boteng may markang PET o PET bottles ay kinokolekta sa
istasyon (lugar ng kolektahan).Ang mga peryodiko, magasin, kahon, lumang damit at iba pang basura ay
dapat dalhin sa pook kolektahan ng mga recyclable na basura sa inyong lugar. Dalhin ang basura sa
umaga ng araw ng pagkokolekta para hindi ito kinukuha ng mga ibang kompanya. Direktang dalhin ang
mga recyclable na basura na hindi ninyo maitapon sa mga pook-kolektahan sa mga “recycling station” o
recycling station para sa lumang papel ng inyong lugar.

Mangyaring ilabas lamang ang mga gamit na papel sa araw ng koleksyon. Ang pagtatapon sa hindi
tamang iskedyul ay maaaring magdulot ng pagkakalat o sunog.

Hindi tamang pagtapon ng basura. Ito ay isang uri ng maling gawain na patuloy na nangyayari sa isang
komunidad. Isang maling gawain na naging sakit na ng iilang mamayanan na kung saan hindi na nila
napapatnubayan ang kanilang sarili sa pagtatapon nila ng basura kung saan. Pagbaha,Pagdumi ng mga
Ilog at Paglaganap ng sakit. Ilan lamang yan sa mga epekto ng di tamang pagtatapon ng basura nating
mga mamamayan. Ang basura rin ang isa sa pinakaproblema ng karamihan sa mga komunidad ngayon.
Dahil nga sa pagtuloy na pagrami ng mga basurang ito hindi na alam ng karamihan kung saan pa ang
dapat nitong paglagyan.

Halos karamihan sa satin ay nagtatapon ng basura sa kung saan-saan isang halimbawa na nito ang
mga balat ng kendi na ating kinakain maaring maliit ito sa inyong paningin ngunit problema pa rin.
Basura na napupunta sa mga ilog na nagiging dahilan ng pagkamatay ng maliliit na isda dahil sa dumi na
dala. Isa rin ito sa mga sanhi ng pagbaha tuwing tag-ulan,dahil nga sa pagtatapon ng mga basura sa mga
kalsada at hindi maayos na pagkakaimbak nito sa isang lugar bumabara ito sa mga daluyan ng tubig o
mga kanal na nagdudulot nga matinding pagbaha. Na nagiging sanhi rin ng pagkakaroon ng iba’t-ibang
sakit ng mga tao sa komunidad.

Upang maiwasan ang anumang mga problema na sanhi ng basura,dapat tayong gumawa ng solusyon
o paraan upang malutas ang suliraning dulot nito.Ngunit,ano nga ba ang dapat nating gawin para
masolusyonan ito? Una,dapat tayong matuto na pangalagaan at pahalagahan ang at ating kapaligiran.
Pangalawa,dapat nating paghiwalayin ang nabubulok at di-nabubulok na basura. Dapat din nating
malaman ang mga alternatibong paraan upang mabawasan ang mga basura halimbawa nito ay ang mga
bote na maari nating taniman ng mga halaman na maari ring magpaganda ng kapaligiran ng isang
komunidad. Pangatlo,maaring gumawa ang mga nangunguna sa komunidad ng isang proyektong tulong-
tulong ang mga mamamayan sa paglilinis ng kanilang lugar at magsagawa ng seminars na magbibigay
impormasyon ukol sa di tamang pagtatapon ng basura.

At para sa panghuli,ang dapat nating taglayin sa ating mga sarili. Ang pagiging disiplinado at
responsable dahil kailangang gawin natin ang tamang pagtatapon ng basura sa basurahan upang maging
isang magandang halimbawa sa ating mga kababayan. Lagi nating tandaan na,”Ang basurang itinapon
mo kung saan-saan ay babalik sa iyo”.

You might also like