You are on page 1of 2

ANG MABISANG PAKIKIPAG KOMUNIKASYON

Ang mabisang komunikasyon ay higit pa sa pagpapalitan ng impormasyon. Tungkol ito sa pag


unawa sa damdamin at hangarin sa likod ng impormasyon. Pati narin sa malinaw na paghatid
ng isang mensahe , kailangan moring makinig sa isang paraan na nakakamit ang buong
kahulugan ng sinasabi at pinapakinggan at nauunawaan ang ibang tao.

Ayon kay Gng. Teresita S. Buensuceso

( sining ng pakikipag talastasan 1976) ang mga tuntunin o hakbang tungo sa mabisang
pakikipag komunikasyon ay ang mga sumusunod.

 Alamin ang tiyak na layunin ng pakikipag - usap


 Tiyakin ang pananalita at iwasang maging maligoy.
 Ang isip ng tao ay hindi nababasa kaya tiyaking nasabi na ang lahat ng dapat sabihin.
 Ibigay ang pananalita sa gulang, interes , gawain at iba pang nakikinig.
 Ibigay sa okasyon ang himig ng pananalita
 Maghanda ng mga mapamukaw- isip na pamamaraan nang mga interest ang mga
nakikinig .
 Kinakailangan ang wastong kaalamang pang wika sa mga pagkakataong pormal kung
pasulat tandaan ang palaybaybayan at wastong tuntunong pambalirala. Kung pasalita
naman ay ang wastong pagbigkas ng mga salita o palatanungan.

MGA ANTAS NG PAKIKIPAG KOMUNIKASYON

1. Komunikasyong intrapersonal - antas ng komunikasyon na pang sarili at isang


individual lamang o isang tao lamang ang gumagawa.
2. Komunikasyong interpersonal - ang antas ng komunikasyon na ito ay nagaganap sa
pagitan ng dalawa o mahigit pang tao.
3. Komunikasyong Pampubliko - ang tawag sa antas na ito ay sapagitan ng isang tao sa
isang malaking grupo ng mga tao.
4. Komunikasyong Pangmidya - antas ng komunikasyon kung saan ang pagtanggap o
pagpapadala ng mensahe ay ginagamitan ng kagamitang pangmidya.
5. Komunikasyong Pang masa - ang antas ng komunikasyon na ito ay katulad lamang sa
pampubliko , subalit itoy mayroong mas malawak ,mas malawak na sakop.
6. Komunikasyong Pangorganisasyon - ang antas ng komunikasyon na ito ay nangyayari
sa loob ng mga organisasyon.
7. Komunikasyong Pangkultura - sa antas na ito dito natin makikita ang komunikasyong
tungkol sa kultura.
8. Komunikasyong Pangkaunlaran - ito ay ang antas ng komunikasyon naglalayong
gamitin sa pag papaunlad ng bansa.

You might also like