You are on page 1of 3

Panitikan kabisaan

· Miu

Siya ang babaeng minamahal ni Sumire. Nakakalungkot nga lang dahil takot na ito magmahal. Ito ay
dahil sa sumusunod na pangyayari. Napanaginipan niyang nakulong siya sa ferris wheel, nakita niya ang
kanyang sarili na nakikipagtalik sa isang lalaki. Simula noon, naramdaman niyang parang kulang ang
kanyang pagkatao at hindi na rin siya muling umibig. Natuwa ako kay Miu dahil hindi niya pinatulan si
Sumire. Labag sa mata ng Diyos at ng lipunan na makipagrelasyon sa kapwa babae. At nang umalis si
Sumire, kaagad siyang tumawag kay K upang humingi ng tulong at mahanap ang kaibigan. Ipinakita niya
na mahala si Sumire at nag-aalala siya sa kalagayan nito.

b. Galaw ng Pangyayari

Mabilis at maayos ang galaw ng mga pangyayari. May mga parte ng lamang na puro pahiwatig
ang inilalahad kaya nag-iiwan ito ng tanong sa aking isipan. May pangyayaring tila hindi totoo o pantasya
lamang gaya ng nakita ni Miu ang kanyang sarili na nakikipagtalik sa isang lalaki. Nakakasorpresa ang
ibang pangyayari at ang iba’y parang walang kaugnayan sa kuwento, ngunit sa huli mauunawaan mo na
ang bawat inilahad ay magkakaugnay. May mga rebelasyon na hindi mo aakalaing iyon pala ang
naganap, tulad ng nakaraan ni Miu at ang hindi napagbigyang nais ni Sumire na makatalik si Miu. Ang
lahat ay natuklasan ni K dahil sa dokumento na nakalagay sa kompyuter ni Sumire.

Nagustuhan ko ang sinulat ni Haruki Murakami. Napag-isip ako ng nobelang ito. Medyo nalito ako
sa kalagitnaan ng pagbabasa dahil na rin sa estilo ng manunulat, ngunit sa huli ay naunawaan ko rin
naman.

3. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Tumatak sa aking isipan ang katangian ng bawat karakter. Ipinakita sa kuwento kung paano
nakaapekto ang kanilang emosyon sa pagdedesisyon nila sa buhay. Nararapat na balansehin nating ang
ating sarili, huwag puro emosyon ang pairalin. Gaya ni Sumire, gusto niyang maging isang manunulat
ngunit hindi niya itinuloy dahil mas pinili niyang magtrabaho kasama ang iniibig niyang si Miu. Dapat ay
itinuloy niya ang kanyang pangarap lalo na’t hindi naman siya nakasisiguro na kapag sumama siya kay
Miu, may maganda itong kalalabasan. Sa bandang huli, nabigo rin naman siya at piniling lumayo upang
malimot ang kanyang dinaramdam.

Malaki ang papel ng nakaraaan sa kasalukuyan. Katulad ni Miu, nadala na siya makipagrelasyon dahil sa
nangyari noong siya ay bata pa. Kung kaya, ang kanyang buhok ay pinakulayan ng puti upang maiwasang
magustuhan siya ng mga lalaki. Patunay lamang ito na malaki ang epekto ng mga nakaraang pangyayari
sa paghubog ng ating pagkatao sa kasalukuyan.

b. Bisa sa Damdamin

Nakakalungkot isipin na hindi lahat ng pag-ibig sa mundo ay nasusuklian. Katulad ng pag-ibig ni


Sumire kay Miu, isinakripisyo pa naman ni Sumire ang kanyang pangarap na maging manunulat ngunit
hindi naging sulit ang ginawa niyang sakripisyo. Hindi rin siya naging masaya o sa madaling sabi, nabigo
siya, dahil ang babaeng kanyang inibig ay takot nang magmahal. Humanga ako sa pagpapahalaga ni K
kay Sumire. Pumunta siya agad ng Greece nang malamang nawawala ito. Kahit alam niyang hindi naman
nito masusuklian ang lihim niyang pagtingin, hindi siya nag-alinlangan na tumungo doon upang
tumulong sa paghahanap.

c. Bisa sa Kaasalan

Tama ang ginawang desisyon ni K na makipaghiwalay sa kanyang kasintahan. Hindi kaaya-ayang


tingnan na ang isang guro ay nakikipagrelasyon sa ina ng kanyang estudyante. Sa ating lipunan, hindi
katanggap-tanggap ang ganitong sitwasyon.

Nakakatuwa ang ipinakitang ugali ni K sa kanyang estudyanteng si Carrot na sa kabila ng kamalian


nitong nagawa, hindi siya nanghusga bagkus inunawa niya ang damdamin niyo. Sa kabilang banda,
humanga ako sa ginawang paglilihim ni K ng kanyang nararamdaman para kay Sumire. Kahit pa sa
sabihing si Miu ang gusto ni Sumire, hindi naman umabot sa puntong naging mas malalim ang naging
ugnayan nila ngunit pinili niya pa ring kimkimin ang kanyang pagtatangi at sinuportahan na lang niya si
Sumire kung kanino ito masaya.

d. Bisa sa Lipunan

Isapuso at isaisip natin ang aral ng kuwentong ito. Sa buhay pag-ibig, hindi laging masaya. Minsan
luluha rin tayo at masasaktan. Kailangan natin ito tanggapin dahil parte ito ng buhay. Huwag nga lang
sana tayo magdesisyon kapag tayo ay sobrang lungkot dahil maaari tayong magkamali sa ating
ginagawa. Hindi dapat mangibabaw ang emosyon sa ating buhay. Dapat balanse ang pag-iral ng
emosyon at pag-iisip nang sa gayon ay matimbang natin kung ano ang tama at mali. Kapag gagawa tayo
ng hakbang, isipin din natin yung mga taong nasa paligid natin. Ano kaya ang mararamdaman nila?
Matutuwa ba sila? Masasaktan ba sila? Huwag puro sarili ang isipin sapagkat hindi tayo nabubuhay para
lamang sarili, nabubuhay din tayo para sa ibang tao.

3. Lagom at Kongklusyon

Hindi naging masaya ang tatlong karakter sa kanilang buhay pag-ibig. Si K na matagal nang
minamahal si Sumire ay hindi kailanman nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat. Nakuntento na
lamang siya na suportahan ang minamahal sa nais nitong mapalapit kay Miu. Sumama si Sumire kay Miu
sa pag-asang mas mapalalim pa ang ugnayan nila ngunit nabigo siya dahil takot na muling umibig ang
babaeng minamahal niya. Katulad ni K at Sumire, hindi rin naging masaya si Miu dahil nabuhay siya
kalakip ang takot na naramdaman mula ng siya’y bata pa.

Maraming simbolo at pahiwatig na inilahad sa kuwento na talaga namang hahamon sa kritikal na


pag-iisip ng mambabasa. Dahil sa mga pahiwatig na ito, nalaman ko kung bakit Sputnik Sweetheart ang
pamagat ng aking binasa. Inihalintulad ang pagkakakilala nina Miu at Sumire sa sasakyang
pangkalawakan na ito. Saglit lamang silang nagkasama, parang Sputnik na dumaan lamang ng ilang
Segundo, pagkatapos ay muli nilang daranasin ang pag-iisa.

May taglay ring aral sa buhay ang kuwentong ito. Hindi dapat magpadalos-dalos sa pagdedesisyon
dahil hindi ito magbubunga nang mabuti. Kilalanin muna natin ang taong paglalaanan natin ng pag-ibig.
Alamin ang kanyang pinagdadaanan, saloobin at pananaw nang sa gayon hindi tayo magtaka sa kanyang
mga ikinikilos.

Sa pangkalahatan, napakahusay ng pagkakasulat ni Haruki Murakami sa nobelang ito. Kakaiba ang


kanyang estilo, puno ng pahiwatig at simbolismo ang bawat pahayag, may halong pantasya ang ilang
pangyayari, kapana-panabik ang bawat tagpo at kapupulutan ng aral sa buha

You might also like