You are on page 1of 13

PANGALAN: _______________________ BAITANG AT SEKSIYON: ______________

ASIGNATURA: Filipino 4 GURO: ______________________________

SANAYANG PAPEL BILANG 1


POKUS: Pagbibigay ng Kahulugan Ayon sa Pormal na Depinisyon

MARKAHAN: UNA LINGGO: IKAANIM ARAW: UNA

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa pormal na depinisyon, kasingkahulugan,
kasalungat, pahiwatig at gamit ang diksiyonaryo. (F4P-Id-1.10, F4PT-Ig-1.4, F4PT-Ii-1.5,
F4EP-Ib-6.1)

LAYUNIN:
Naibibigay ang kahulugan ayon sa pormal na depinisyon.

BUTIL SA KAISIPAN

Higit na kaaya-ayang basahin ang isang akda kung maayos ang paglalahad at
malinaw na napauunawa ang ibig sabihin nito. Kaya mahalagang malaman ang mga
paraan sa pagsasaayos o oganisasyon ng pagpapahayag ng isang paksa. Kabilang sa
tinatawag na hulwaran ng organisasyon ng teksto ay ang pagbibigay ng pormal na
depinisyon. Mahalagang bahagi ng pagsulat, pagpapaliwanag, at paglalahad ang
pagbibigay ng kahulugan o depinisyon sa isang paksa o maging salita.

Nahahati sa dalawang uri ang pagbibigay ng depinisyon: maanyong depinisyon


at ang pasanaysay na depinisyon. Nagkakaiba lamang ang dalawa sa lawak ng
paglalahad o pagpapaliwanag. Ang maanyong depinisyon ay tumutukoy sa mga
salitang nabibigyan ng malawak na depinisyon na kalimitang naaayon sa patakaran
ng diksiyonaryo at encyclopedia.
PAGSASANAY 1
Bilugan ang termino o salitang binibigyang-depinisyon sa pangungusap.
1. Ang diksiyonaryo ay isang klase ng sanggunian na naglalaman ng
kahulugan ng mga salita.
2. Ang babaeng kilala bilang ilaw ng tahanan ay nanay.
3. Ang Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyo na nanalasa sa
Pilipinas.
4. Mayaman sa Bitamina A ang gulay na kalabasa.
5. Ang cellphone ay klase ng gadget na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon.
6. Ang niyog ay punong kilala bilang puno ng buhay.
7. Ang paaralan ay lugar kung saan natututo ang mga mag-aaral.
8. Kinikilalang pambansang hayop ng Pilipinas ang kalabaw.
9. Ang kalamansi ay isang prutas na mainam na panlaban sa sakit tulad
ng ubo at sipon.
10. Ang dengue fever ay isang sakit na nagmumula sa kagat ng lamok.

PAGSASANAY 2
Gumawa ng isang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga salita sa angkop na
pormal na depinisyon nito.
TALASALITAAN
Salita Depinisyon

panig uri ng komunikasyon na naglalayong


mangumbinsi
debate
tawag sa mga taong naninirahan sa Ilocos
survey
sining ng pagtatalo para sa isang paksa
Ilocano
isang grupong kinabibilangan
manghikayat
pananaliksik gamit ang pagtatanong

PANGALAN: _______________________ BAITANG AT SEKSIYON: ______________


ASIGNATURA: Filipino 4 GURO: Bb. Yasmin Kaye M. Pellejera
SANAYANG PAPEL BILANG 2
POKUS: Pagbibigay ng Kahulugan Ayon sa Kasingkahulugan

MARKAHAN: UNA LINGGO: IKAANIM ARAW: IKALAWA

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa pormal na depinisyon, kasingkahulugan,
kasalungat, pahiwatig at gamit ang diksiyonaryo. (F4P-Id-1.10, F4PT-Ig-1.4, F4PT-Ii-1.5,
F4EP-Ib-6.1)

LAYUNIN:
Naibibigay ang kahulugan ayon sa kasingkahulugan.

BUTIL SA KAISIPAN

Magkasingkahulugan ang mga salitang pareho o magkatulad ang kahulugan.


Ito ang tinatawag na synonyms sa Ingles. Mahalaga ang kaalaman sa
magkasingkahulugang salita. Sa tulong nito, nakagagamit tayo ng magkaibang salita
upang ipahayag ang iisang salita. Gayunman, may mga magkakahulugang salitang
nagkakaiba ng antas at tindi ng kahulugan.
Halimbawa: malinis- maayos, organisado

PAGSASANAY 1
Bilugan ang salitang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan o
uri nito.

1. 2.
doktor hinikayat
espesyalista hinimok
manggagamot inaya
pasyente pinabayaan

pagkaintindi
3.
pagkaalam
pagkalimot
pagkaunawa
4. alituntunin 5. ibinigay
malnutrisyon inagawan
panuntunan inihandog
panuto ipinagkaloob

PAGSASANAY 2
Suriin ang salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Pagkatapos, ibigay ang
kahulugan nito sa pamamagitan ng kasingkahulugan.
1. Ang alitan ng dalawang babae ay madaling natapos dahil sa mahusay na
pagpapasya ng hari.

KASINGKAHULUGAN: _________________________

2. Mapalad tayo sa pagkakaroon ng marunong na pinuno.

KASINGKAHULUGAN: _________________________

3. Madaling nasolusyunan ang mga problema sa pamahalaan dahil sa kanyang


matapat na pamumuno.

KASINGKAHULUGAN: _________________________

4. Nalungkot ang ina dahil sa pagpanaw ng kanyang anak.

KASINGKAHULUGAN: _________________________

5. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay naging mariwasa ang kanyang buhay..

KASINGKAHULUGAN: _________________________

PANGALAN: _______________________ BAITANG AT SEKSIYON: ______________


ASIGNATURA: Filipino 4 GURO: Bb. Yasmin Kaye M. Pellejera

SANAYANG PAPEL BILANG 3


POKUS: Pagbibigay ng Kahulugan Ayon sa Kasalungat
MARKAHAN: UNA LINGGO: IKAANIM ARAW: IKATLO

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa pormal na depinisyon, kasingkahulugan,
kasalungat, pahiwatig at gamit ang diksiyonaryo. (F4P-Id-1.10, F4PT-Ig-1.4, F4PT-Ii-1.5,
F4EP-Ib-6.1)

LAYUNIN:
Naibibigay ang kahulugan ayon sa kasalungat.

BUTIL SA KAISIPAN

Magkasalungat ang mga salitang magkataliwas o magkaiba ang kahulugan.


Tinatawag itong antonyms sa Ingles. Sa pagtukoy ng mga salitang magkasalungat,
alamin lamang ang kataliwas o kabaligtarang kahulugan ng mga salita.

Halimbawa: malawak – makipot


tahimik - mahangin

MALAKI MALIIT

PAGSASANAY 1
Hanapin sa Hanay B ang kabaliktaran ng mga salita sa Hanay A.
A B
1. tiwala a. galit
2. liwanag b. digmaan
3. kapayapaan c. taksil
4. pagmamahal d. dilim
5. nangunguna e. nahuhuli

PAGSASANAY 2
Bilugan ang titik ng kasalungat ng salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap.
1. Ayaw ni Carrie sa binili niyang upuan dahil matigas ito.
a. marupok c. malambot
b. maliit d. mataas
2. Ang mag-aaral na hindi nag-aaral ay lumagpak sa pagsusulit.
a. pumapasa c. pumapaitaas
b. bumabagsak d. pumapaibaba
3. Tuyo na ang damit na sinampay ni Ate Georgia.
a. mabaho c. malinis
b. basa d. gusot
4. Kailangan kong maghugas ng kamay dahil ito ay dugyot.
a. malinis c. magaspang
b. maamoy d. matigas
5. Mahaba ang daan patungong lungsod ng Calbayog.
a. maluwag c. madumi
b. maiksi d. madamo
6. Nakalulungkot dahil maraming maralita ang lalong naghihirap
sa lungsod.
a. mayaman c. mahirap
b. mapagmataas d. dukha
7. Mapalad ang mga taong kinalulugdan ng Diyos.
a. masuwerte c. mabuti
b. malas d. masaya
8. Laging hinahasa ni Jano ang kaniyang gulok kaya ito nagiging
matalas.
a. mapurol c. mahaba
b. matalim d. matulis
9. Malabnaw ang sabaw ng sopas na niluto ni Kendra.
a. matubig c. matigas
b. malapot d. masabaw
10. Ang taong masinop ay lagging maayos ang gamit sa lahat ng
pagkakataon.
a. pabaya c. magulo
b. masipag d. malinis

PANGALAN: _______________________ BAITANG AT SEKSIYON: ______________


ASIGNATURA: Filipino 4 GURO: Bb. Yasmin Kaye M. Pellejera

SANAYANG PAPEL BILANG 4


POKUS: Pagbibigay ng Kahulugan Ayon sa Pahiwatig
MARKAHAN: UNA LINGGO: IKAANIM ARAW: IKAAPAT

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa pormal na depinisyon, kasingkahulugan,
kasalungat, pahiwatig at gamit ang diksiyonaryo. (F4P-Id-1.10, F4PT-Ig-1.4, F4PT-Ii-1.5,
F4EP-Ib-6.1)

LAYUNIN:
Naibibigay ang kahulugan ayon sa pahiwatig.

BUTIL SA KAISIPAN

May mga salita sa loob ng pangungusap o talata ang nagpapahiwatig sa


kahulugan ng mahihirap na mga salita. Maaaring nasa mismong pangungusap ang
katuturan, kasingkahulugan, o kasalungat ng mahihirap na salitang ginamit.
Halimbawa: Ang Sinulog ay nagsimula sa isang prusisyon bilang
pagsamba sa imahen ng Sto. Niño.

PAGSASANAY 1

Basahin ang mga pangungusap o tugma na patungkol sa drayber at mga pasahero na


nasa Hanay A. Hanapin ang kahulugan sa Hanay B.

A B
1. Ibigay po lamang a. nakalampas
tamang kabayaran
2. Kahit na lumuha ka pa. b. maging maagap
Hindi ako papara kapag nasa sa pagbabayad
gitna. Pagkat baka ka madisgrasya.
3. Pag sa dyip nahimbing, c. maging matapat
malayo ang mararating. sa pagbabayad
4. Magbayad muna bago bumaba. d. bumaba sa
5. Barya lang po umaga nang tamang lugar
tayo’y di-maaabala. e. iwasang matulog
sa sasakyan
f. laging maghanda
ng baryang
pambayad

PAGSASANAY 2
Piliin ang mga salitang nagpapahiwatig ng kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pamamagitan ng paglalagay ng ekis.
1. Ang kulturang Pilipino ay kalinangang binubuo ng paniniwala,
tradisyon, mathiin, kaugalian, at literatura ng sambayanang
Pilipino.
2. Natapos nang maayos ang gawain dahil katuwang ng ama nag
kaniyang dalawang anak sa paggawa.
3. Ang maybahay ng isang tahanan ay ang ina ng pamilya.
4. Tinangka nilang sirain ang imahen ngunit hindi nila ito
nagawa.
5. Ang alamat ay kuwentong naglalahad kung paano nagsimula
ang mga bagay-bagay.
6. Sa kasalukuyan o hinaharap man, patuloy na isinasagawa ang
Sinulog.
7. Ang imahen ng Santo Niño ang istatwang unang-unang
dumating sa Pilipinas.
8. Ang Kristiyanismo ay pananampalataya kay Hesus bilang
Panginoong Makapangyarihan.
9. Walang nagprotesta sa pagsamba sa imahen.
10. Ang dayuhan at katutubo man ay sumasamba sa imahen ng
Santo Niño.

PANGALAN: _______________________ BAITANG AT SEKSIYON: ______________


ASIGNATURA: Filipino 4 GURO: Bb. Yasmin Kaye M. Pellejera

SANAYANG PAPEL BILANG 5


POKUS: Pagbibigay ng Kahulugan Gamit ang Diksiyonaryo
MARKAHAN: UNA LINGGO: IKAANIM ARAW: IKALIMA

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa pormal na depinisyon, kasingkahulugan,
kasalungat, pahiwatig at gamit ang diksiyonaryo. (F4P-Id-1.10, F4PT-Ig-1.4, F4PT-Ii-1.5,
F4EP-Ib-6.1)

LAYUNIN:
Naibibigay ang kahulugan gamit ang diksiyonaryo.

BUTIL SA KAISIPAN

May mga pagkakataong mahirap maunawaan ang ilang salita dahil hindi
pamilyar ang mga ito. Pangunahing ibinibigay na isang diksiyonaryo ang kahulugan
ng salita. Ipinapakita rin dito ang paraan ng pagbigkas ng salita at kung anong
bahagi ito ng pananalita.
Narito ang ilan sa mga gabay kung paano mapapadali ang paggamit ng
diksiyonaryo:
1. Tandaan ang mga salita sa diksiyonaryo ay nakaayos batay sa pagkasunud-
sunod ng 28 titik sa alpabetong Filipino.
2. Tingnan ang simulang titik ng salita at hanapin kung saan ito makikita ayon
sa alpabetong Filipino.
3. Kapag nahanap na ito, sundan lamang ang mga salita pababa hanggang sa
mga susunod na pahina.

PAGSASANAY 1

A. Ayusin nang paalpabeto ang mga salita. Lagyan ng bilang 1-5 ang mga patlang.

_____ gas _____ kalap _____ laso


_____ gatilyo _____ kalatas _____ larawan
_____ gastos _____ kalendaryo _____ lapit
_____ gawa _____ kalbaryo _____ latak
_____ gatas _____ kaliskis
_____ balawis _____ regalo
_____ kiskis _____ retoke
_____ lawiswis _____ remata
_____ kaliskis _____ ragasa
_____ dalisdis _____ ritwal

B. Tukuyin kung saan sa mga pagpipiliang pamatnubay na salita makikita ang


salita sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. gulo
a. gitna – gramatika c. guho - gumon
b. gala – giya d. gubat - guhit
2. binhi
a. bula – bulagta c. bili - binbin
b. belekoy – bintang d. bini – birang
3. himaton
a. hiling - hinaing c. himay - hinaraya
b. huli - gaba d. hindi – huli
4. pila
a. piling – poso c. patubig - piging
b. piko – pili d. piglas – pikot
5. ulan
a. uling – umaga c. usisa - usok
b. uhaw - uling d. unan – uminom

PAGSASANAY 2
Pag-aralan ang bahagi ng isang diksiyonaryo. Pagkatapos, bigyang kahulugan ang mga
salitang nasa ibaba.

ka-li-ka-san [likas] png. 1. Mundo at lahat ng bagay sa paligid nito na hindi


ginawa ng tao o bagay.
ka-li-ka-win png. Paikot na paghalo ng kamay o anuman sa tubig o
anumang likido sa pamamagitan ng kamay o iba pang kamay.
ka-li-gra-po png. 1. Tagasulat-kamay 2. Sistema ng sulat-kamay
ka-lig-ta-san [ligtas] png. Pagkalayo sa panganib. sk: katubusan,
kawalang-panganib.
ka-li-gu-yan [ligoy] png. 1. Pagkamasalita ng isinasagawa sa pamamagitan
ng pagsulat o pagbigkas 2. Pagsasalita o pagsulat nang paligoy-ligoy o
hindi diretsahan
ka-li-na-ngan [linang] png. 1. Kultura 2. Kaalaman; Karunungan

1. kaligra
___________________________________________________________________
2. kalikasan
___________________________________________________________________
3. kalinangan
___________________________________________________________________
4. kaligtasan
___________________________________________________________________
5. kalikawin
___________________________________________________________________

You might also like