You are on page 1of 5

Araling Sagisag Kultura sa

Araling Panlipunan 5
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy ang mga pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong
pre-kolonyal (pangangaso, pagsasaka, pangingisda, panagsana, at iba pa);
2. Maiugnay ang mga pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong
pre-kolonyal sa sistemang barter;
3. Masuri ang mga pang-ekonomikong pamumuhay na ito bilang manipestasyon ng
responsableng produksyon at pagkonsumo;
4. Makagawa ng poster na nagpapakita sa halaga ng mga pang-ekonomikong pamumuhay sa
ating kultura; at
5. Mapahalagahan ang mga pang-ekonomikong pamumuhay bilang mga sagisag kultura

II. PAKSA
Aralin: Pang-ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-
kolonyal
UNESCO ESD Theme: Responsible Consumption and Production
Sagisag Kultura: Pangangaso, Pagsasaka, Pangingisda, at Panagsana
Sanggunian: Tupas, E. I.. (2020). Pang-ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa
Panahong Pre-kolonyal
Kagamitan: dokumentaryo, powerpoint presentation, at mga activity sheet

III. PAMAMARAAN
1. Papanoorin ng mga mag-aaral ang isang dokumentaryo.
Link: https://tinyurl.com/panagsana

2. Pagkatapos panoorin ang dokumentaryo, tanungin ang mga sumusunod:


a. Anong pangkabuhayan ang pinapatungkol ng dokumentaryo?
b. Bukod sa panagsana, ano-ano pa ang mga pre-kolonyal at pang-ekonomikong
pangkabuhayan ng mga sinaunang Pilipino ang alam mo?

1. Paghahawan ng mga Balakid (Word Gallery)


Hanapin ang mga halimbawa ng pang-ekonomikong pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino
sa panahong pre-kolonyal.

P A K T H Q K R G P Q

A P A G S A S A K A S

N U K U L V F J V N F

G S M D Y A B G R G L

I I W Y U O N M W A Z

N Z W Z M R T E F N Z

G A Z A G S B N A G K

I P A N A G S A N A Q

S N A S G Y N A P S F

D C S C B J A O C O R

A S R K W L R B U E O
PANGANGASO - paghuhuli ng hayop sa kagubatan

PAGSASAKA - pagtatanim at pagpapalago ng halaman

PANGINGISDA - paghuhuli ng isda

PANAGSANA - paggawa ng asin


Gabay na Tanong:
1. Ano ang gampanin pangangaso, pagsasaka, pangingisda, at panagsana bilang
pang-ekonomikong kabuhayan?
2. Ano ang kaugnayan ng mga pang-ekonomikong kabuhayang ito sa sistemang barter?
3. Paano ipinapakita ang responsableng produksyon at pagkonsumo sa mga pang-ekonomikong
pangkabuhayang ito?

Pangkatang Gawain: Gumawa ng poster na sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng mga


sinaunang Pilipino na magpahanggang ngayon ay buhay na buhay sa inyong lugar.

Rubrik sa Pagmamarka:
Nilalaman - 40%
Kaangkupan - 40%
Pagkamalikhain - 20%
100%

IV. PAGTATAYA

You might also like