You are on page 1of 4

Di-Masusing Banghay Aralin sa EPP

Ika-limang Baitang

Date: November 7, 2022 Time: 8:50-9:40 Section: Marcos

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Nailalahad ang kahalagahan ng pagluluto ng masustansyang pagkain ayon
sa badyet ng pamilya,
b. Natutukoy ang mga salik sa pagpaplano ng pagkain ng pamilya,
c. Nakakagawa ng menu para sa isang araw na pagkain ayon sa food pyramid.

II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Pagplano at pagluto ng masustansiyang pagkain ayon sa badyet ng
pamilya.
b. Sangunian: Curriculum Guide sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5, EPP5HE-0i24
c. Kagamitan: Larawan, Visual aids, Powerpoint Presentation at Laptop

III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagstek ng liban
4. Pagtatakda ng mga tuntunin sa silid-aralan

1. PAgganyak na Gawain:
Panuto: Hanapin mo sa word puzzle ang anim(6) na salita na may kinalaman
sa mga kabutihang naidudulot ng mga hayop na may dalawang paa at
pakpak o isda. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

K A W I L I W I L I Q H
A S H O I M L B E K T A
R R G H B A L U T L J N
N I Q B A S U Y Q H J A
E K C P N E O K R O H P
P B A L S P P K Y G Y B
B K I T A O R R O A H U
L T O T N K O L Y M G H
C U N R T M T Y B A G A
D K C F L I R R P F T Y
X A N K D U N K M S H N
A C O B A L A H I B O E
2. Balik Aral
Gabay sa Pagtatanong
1. Ano ang iyong natutunan sa nakaraang leksyon?
2. Mayroon pa bang mga tanong tungkol sa ating nakaraang leksyon?
Panuto: Lagyan ng tsek ( ⁄ ) kung tama ang isinasaad ng mga pangungusap sa
wastong pangangalagansa halaman at ekis (x) naman kung hindi.
__1. Ang kulisap at peste ay mapaminsala sa halaman.
__2. Gumamit ng organikong fertilizer upang puksain ang mga kulisap sa
halaman,
__3. Huwag pansinin angg mga kulisap at peste na dumarapo sa mga
halaman.
__4. Gumamit ng organikong pataba sa mga halaman.
__5. Alisin ang mga tuyong dahoon sa mga halaman

A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak: Magpabasa ng tula tungkol sa “Ang Aking Maamong Manok”.

ANG AKING MAAMONG MANOK


(Isinulat ni: Sunshine Joy C. Manglib)

Ako'y may alagang maamong manok


Mabait, mataba at maliksi ang alaga kong manok
Aking inalagaan, pinakain, pinainom at tiniyak
ang lugar para mabuhay.

Nang hindi naglaon, di lang siya nag-iisa


Pagkat nangitlog ito ng isang dosena
At di kalauna'y naging magagandang sisiw
Sila ay nagbibigay aliw sa tuwing bigyan ng pagkain.

Kapag ako'y malungkot, ito'y nauudlot


Saya at tuwa ang kanilang dulot
Dating isang manok ngayo'y naging labing tatlo
Tanging saya ang kanilang naidulot.

Gabay sa pagtatanong:
1. Anu ang pamagat ng tula?
2. Ilang saknong meron ang tula?
3. Anong hayop ang inaalagaan ang inaaagaan sa tula?Sino sa inyo ang
may manok?
4. Ano ang dulot ng pag-aalaga ng manok na nabanggit sa tula?

Pag-alis ng Sagabal: Ilahad ang kwento tungkol kina Aling Greta at Aling Marjorie.

SI ALING GRETA AT SI ALING MARJORIE


Madalas magkasabay na mamalengke ang magkapitbahay na sina Aling Greta at
Aling Marjorie. Si Aling Greta ay mahilig bumili ng mga pagkaing de lata tulad ng
sardinas, ham, corned beef, at iba pang pagkaing madaling iluto. Si Aling Marjorie
naman ay nakagawiang bilhin ang mga pagkaing nakatala sa kanyang listahan. Sa
listahan ng bibilhing pagkain, hindi nawawala ang mga mura at masusustansyang
pagkain gaya ng isda, petsay, talong, kalabasa, at kamatis.
Ipasagot sa mga bata ang tanong:

a. Sa iyong palagay, sino sa dalawang magkapitbahay ang matalinong mamimili ng


pagkain? Ipaliwanag kung bakit.

B. Paglalahad
 Talakayin ang mga kaalaman sa paghahanda ng masustansyang pagkain.
 Bigyang diin ang na mahalaga ang pagiging maingat upang makatipid sa
oras, lakas at salapi sa paghahanada ng pagkain.
 Talakayin ang mga uri ng Pagkaing dapat ihanda sa agahan, tanghalian at
hapunan.
 Ipresenta sa klase ang huwaran ng masustasya, mura at sapat na pagkain ng
mag-anak sa isang araw.

1. Pagsusuri
a. Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pagkain?
b. Anong uri ng pagkain ang dapat ihanda sa: agahan, tanghalian at hapunan?
c. Kailangan ba naka badyet ang pang araw-araw na lulutuin?
d. Dapat ba na masustansya ang inihahanda na pagkain sa pamilya?

2. Paglalahat
a. Bakit mahalagang malaman at maunawaan ang masusutansiyang pagkain?
b. Bilang isang mag-aaral sa baitang lima ano ang dapat mong gawin upang
ikaw ay maging malusog?

3. Paglalapat
Pangkatang Gawain Ang klase ay mahahati sa tatlong grupo (Grupo ng
Agahan, Grupo ng Tanghalian, Grupo ng Hapunan) Panuto: Gumawa ng menu para sa
agahan, tanghalian, at hapunan na ayon sa food pyramid. Isulat ito sa manila paper at
ipresenta sa klase ang nabuong huwarang pagkain

IV. Ebalwasyon
Panuto: Isulat sa 1 buong papel ang iyong sagot. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

RESIPE TANGHALIAN MENU PATTERN

MENU BADYET ORAS NA GUGULIN

HAPUNAN LAKI NG PAMILYA

AGAHAN PANAHON

_________1. Ginagamit ito sa pagpaplano ng menu upang makabuo ng resipi sa tiyak


na age group. Ito din ang pattern ng pagkain sa agahan, tanghalian at hapunan.
_________ 2. Ito ang tumutukoy sa talaan ng sangkap at pamamaraan para sa
pahahanda ng isang lulutuing puhate o pagkain.
_________ 3. Ito ang talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan.
_________ 4. Ito ang unang pagkain sa loob ng isang araw. Ito ay maaring ihain mula
5:009:00 ng umaga.
_________ 5. Ihahain mula 11:00 hanggan 1:00 ng hapon, maaring sabaw, kanin,
ulam na sagana sa protina, gulay at himagas.
_________ 6. Maaari itong ihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi,
katulad ito ng pattern ng tanghalian ngunit mas magaan.
_________ 7. Ito ay tumutukoy na perang nakalaan para sa lulutuing pagkain.
_________ 8. Ito ay tumutukoy sa bilang, edad at kasarian ng bawat kasapi ng
pamilya na para sa ihahandang pagkain.
_________ 9. Sapat dapat ang ________ sa pagluluto upang maihanda ng maayos ang
pagkain sa tamang oras.
_________ 10. Naaayon dapat dito ang pagkaing ihahain tulad ng higit na maganang
kumain ng sabaw kapag malamig o tag-ulan.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng huwaran ng masustansya, mura at sapat na pagkain ng mag-anak


sa loob ng isang linggo. Isulat ito sa buong papel. Isusumite bukas.

You might also like