You are on page 1of 4

DIOCESAN SCHOOL OF URDANETA

OUR LADY OF MOUNT CARMEL ACADEMY


SISON, PANGASINAN
Third Quarterly Examination
Name:

Score:

EPP – GRADE 6
I. PANUTO. Sagutin ng TAMA o MALI ang mga nakatalang panuntunan. Isulat ang sagot sa
patlang.
1. Ang pag-iimbak ng pagkain ay isang paraan ng pagpapanatili ng kasariwaan ng
pagkain at upang maiwasan ang pagkasira at pagkapanis nito.
2. Ang sinasabing “moisture” at dumi sa pagkain o sa lalagyan nito ang ilan pa sa
puwedeng maging dahilan ng pagkapanis.
3. Ang mga palatandaan na nagpapakita ng pagkasira ng pagkain ay ang pagbabago ng
anyo, amoy, lasa, at sustansya Ninyo.
4. Ang pag-iimbak ng pagkain ay upang mabawasan ang suliranin tungkol sa kulang o
labis na suplay ng pagkain.
5. Nakakatulong ang pag-iimbak ng pagkain upang mapunan ang pangangailangan ng
bawat kasapi ng pamilya.
6. Madadagdagan ang suliranin sa malnutrisyon ang pag-iimbak ng pagkain.
7. Di makakatiyak na ang pagkaing ihahain sa mesa kung ito ay malinis at masustansya
para sa buong pamilya ang pag-iimbak ng pagkain.
8. Hindi mababawasan ang pag-aaksaya ng pera, panahon at pagod sa paghahanda ng
makakain ang pag-iimbak ng pagkain.
9. Hindi makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ang pag-iimbak ng pagkain.
10. Maaaring hindi magiging hanapbuhay at hindi magkakaroon ng dagdag na kita
para sa pamilya ang pag-iimbak ng pagkain.
II. PANUTO. Suriin ang bawat tanong at ilagay sa espasyo ang iyong sagot. Pumili ng sagot sa
kahon sa ibaba.

Ascorbic acid, Pagsasalata Hermetic Sealing Pag-bibilad Paggamit ng


benzoic acid, pampareserba
sulfur dioxide

Refrigeration o Gulay, prutas, Pag-aasin Freeze-drying Pagpapausok


Freezing karne at isda

1. Iniimbak ang pagkain sa temperaturang nagyeyelo.


2. Ito ang paraan ng pag-iimbak na inilalagay sa lata o sa iba pang lalagyan tulad ng garapon.
3. Ito ang paraan ng pag-iimbak ng pagkain na karaniwang ginagamit sa isda at karne.
4. Paraan ng pag-iimbak ng pagkain na kung saan tinatanggal nito ang tubig sa pagkain tulad
ng tuyo at daing.
5. Katulad ng ginagawa nito ay ang pag-iihaw na kung saan ang karne o isda ay inilalapit sa
mainit na baga ng apoy katulad ng inihaw na isda at inihaw na manok.
6. Karaniwang ginagamit ito sa mga sobrang prutas o gulay, ginagamitan ng asin, asukal at
suka. Isang halimbawa nito ay ang paggawa ng atsarang papaya, jam, jelly at marmalade.
7. Isang halimbawa nito ay ang dried mangoes ng Cebu, instant coffee, preserved strawberries
at ang nauuusong dried vegetables.
8. Ang ganitong uri ng proseso ay ginagawa upang mabawasan ang sangkap na oxygen sa
pagkain at ilan sa mga ito ay ang vacuum pack, biological process, clamps.
9. Ang Pilipinas ay mayaman sa pagkain na maaaring iimbak, ano ang mga ito?
10. Ang mga ito ay ang tatlo pang ginagamit sa pampareserba ng pagkain.
III. PANUTO. Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong.

A. MAGBIGAY NG LIMANG KAGAMITAN B. MAGBIGAY NG LIMANG SANGKAP SA


SA PAGGAWA NG ATSARANG PAPAYA PAGGAWA NG ATSARANG PAPAYA
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
IV. PANUTO. Hanapin sa palaisipan ang sampung mahahalagang salita tungkol sa marketing ng
inimbak na pagkain.

MARKETING INIMBAK PAGKAIN PAGPAPAKETE BUMILI

MAGMASID IDENTITY PAMAMAHALA PAGTATALA NET PROFT

P A G P A P A K E T E A B

A N C A V A B B N M J I Q

G E I M A G M A S I D D F

K T N A G T H I J K L E M

A P I M M A R K E T I N G

I R M A N T O P Q R S T T

N O B H U A B U M I L I V

W F A A X L Y Z X V C T B

N I K L Y A S T E P H Y A

N T I A E S H A N E S O T

V. PANUTO. Ihayag ang saloobin tungkol sa tanong. Isulat sa baba ng bawat tanong ang iyong
sagot.
A. BAKIT KAILANGANG MAG-IMBAK NG PAGKAIN? (5 PUNTOS)

B. BAKIT MAHALAGA ANG PAGSUSURI SA ANUMANG INIMBAK NA PAGKAIN? (5 PUNTOS)

Inihanda ni:

Stephanie Shane S. Arellano, LPT

SUBJECT TEACHER

You might also like