You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO III

SY 2022 - 2023
Pangalan: _______________________________________ Iskor: ____________
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem at sagutin nang
buong husay at galing. Bilugang titik ng wastong sagot.
I. PANUTO: Basahin at bigyan ng angkop na wakas ang talata. Bilugan ang titik ng iyong
sagot.
1. Matapat na bata si Evelyn minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan niya. Buti
nalang kilala niya kung sino ang may-ari. Ano kaya ang gagawin niya?
A. Isinauli sa may-ari ang pitaka
B. Itinago ang pitaka sa kaniyang kuwarto.
C. Kinuha ang pera sa pitaka at itinapon niya sa kalsada.
D. Hinayaan niya lang ang pitaka
2. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya kaya palagi siyang pinasasalubungan ng tsokolate
ng kaniyang Tatay tuwing galing trabaho. Ngunit, sinasabihan naman siya na huwag marami
ang kaniyang kakanin. Minsan, pagkatapos maghapunan dumating ang kaniyang Tatay na
may dalang maraming tsokolate dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito. Ano kaya
ang puwedeng mangyari sa kaniya?
A. Masaya si Aliya.
B. Mahimbing ang kaniyang tulog.
C. Iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
D. Sumakit ang kanyang katawan.
3. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Kc at Kia. Agad silang kumuha
ng walis tingting at nagwalis sa kanilang bakuran.
A. Nagalit ang kanilang ina.
B. Pinaalis sila ng kanilang ina.
C. Walang pakialam ang kanilang ina.
D. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.
II. Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa.
“Pandemic Crisis Covid – 19”
Kinumpirma ang pagkalat ng pandemyang COVID-19, isang bagong nakahahawang
sakit na sanhi ng SARS-CoV-2, sa Pilipinas noong Enero 30, 2020, kung kailan nakumpirma
ang unang kaso ng COVID-19 sa kalakhang Maynila – isang Tsina na 38 taong gulang na
naipasok sa Ospital ng San Lazaro sa Maynila.
Nakumpirma ang ikalawang kaso noong Pebrero 2, na isang 44 taong gulang na Tsino
na namatay isang araw bago ang kumpirmasyon, at ito ang unang kaso na kumpirmadong
pagkamatay dahil sa sakit na nasa labas ng pangunahing lupain ng Tsina. Nakumpirma ang
unang kaso ng isang tao na walang kasaysayan ng paglalakbay noong Marso 5, isang
lalaking edad 62 na madalas pumunta sa isang bulwagang panalanginang Muslim sa lungsod
ng San Juan, Kalakhang Maynila, na nagdulot ng suspetsa sa transimisyon ng COVID-19 sa
pamayanan ay parating na sa Pilipinas. Nakumpirma ang asawa ng lalaki na nahawaan
noong Marso 7, na ang unang lokal na transmisyon na natiyak.
4. Ano ang nakahahawang sakit na kumalat sa ating bansa ngayon?
A. Hepatitis B. Covid 19 C. Pneumonia D. Dengue
5. 2. Saang lugar sa Pilipnas ito unang kumalat?
A. Maynila B. Cebu C. Davao D. Palawan
6. Paano ito kumalat sa ating bansa?
A. May isang taong pumunta sa Tsina.
B. May isang Tsina ang dumating sa ating bansa na siyang nagdala ng virus na ito.
C. Dumating nalang bigla ang virus na ito sa ating bansa.
D. Wala sa nabanggit.
III. Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa sumusunod na
sitwasyon. Bilugan ang titik ng wastong sagot. 
7. Binigyan mo ng keyk ang iyong kuya at nagpasalamat siya sa iyo.
Ano
ang isasagot mo sa kaniya? 
A. Wala pong anoman. C. Pasensya na.
B. Babayaran mo iyan sa akin.  D. Wala sa nabanggit
8. Nais mong dumaan sa lugar kung saan nag-uusap ang iyong guro at ang
kausap niya. Ano ang sasabihin mo sa kanila? 
A. Tumabi kayo. C. Umalis ka diyan.
B. Makikiraan po.  D. Wala sa nabanggit.
9. Isang hapon, nakasalubong mo ang iyong kapitbahay na si Mang Jose sa
parke. Paano mo siya babatiin? 
A. Magandang umaga po,Mang Jose! C. Hoy, Mang Jose.
B. Magandang hapon po,Mang Jose!  D. Wala sa nabanggit.
10. Naputol mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang sasabihin mo sa iyong
hiniraman? 
A. Pasensiya na! Hindi ko sinasadya. C. Anong klaseng lapis to!
B. Bakit mabilis maputol ang lapis mo? D. Wala sa banggit.

IV. Iguhit sa iyong sagutang papel ang masayang mukha kung ang pares ng salita ay
magkatugma at malungkot na mukha naman kung hindi.

___________11. bahay – buhay ___________14. panahon – tahanan

___________12. manatili – mahirap ___________15. lagpasan – maiiwasan

___________13. ngayon – sitwasyon

___________14. panahon – tahanan


V. Ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan. Bilugan ang tamang sagot.

16. A. paaralan B. palaruan C. simbahan D. Mall

A. Pumasok sa paaralan
B. Matutulog na ang mga bata.
17. C. Kakain na sila
D. Maglalaro ang mga bata.

18. A. kuya B. bata C. ate D. matanda

VI. Piliin ang wastong titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

19. _______ang pamagat ng maikling kuwentong binasa mo?


A. Ano B. Sino C. Kailan D. Saan
20. _______tayo makalalanghap ng sariwang hangin?
A. Kailan B. Saan C. Ano D. Sino
21. __________nila gustong pumunta roon?
A. Saan B. Kailan C. Ilan D. Ano
22. ___________ ang makikita sa bukirin?
A. Saan-saan B. Sino-sino C. Ano-ano D. Kailan
VII. Piliin ang salitang may wastong baybay na nasa loob ng panaklong sa bawat pangungusap.
23. . Ito ay bagay na ating isinusuot upang matakpan ang ating katawan.

( damit damet damite)

24. Ito ay karaniwang lumulutang sa kalangitan at kulay puti.

( olap ulap oulap)


25. Ang nangangasiwa at gumagamot sa taong may sakit.

(duktur duktor doktor)

VIII. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang
ang sagot.

malapit matamis malaking maliksi dilaw

1. _____________ ang alagang aso ni Tina.

2. Si Gina ay may suot na ______________ na laso.

3. _____________ sa paaralan ang bahay ni Ramon.

4. Bumili si Anton ng ______________ na kendi sa tindahan.

5. Ang aking kapatid ay may dalang ______________ regalo.


----- GOD BLESS-----

You might also like