You are on page 1of 2

FILIPINO IV

QUARTER 2
ACTIVITY- Makasulat ng timeline tungkol sa mga pangyayari sa binasang teksto. ➢ Maisalaysay nang may tamang pagkakasunod–
sunod ang nakalap na impormasyon mula sa nabasa. ➢ Mapagsunod-sunod ang mga detalye/pangyayari sa tekstong nabasa sa
pamamagitan ng tanong. ➢ Magamit nang wasto ang pang-abay at pandiwa sa pangungusap

PANGALAN: __________________________________________ PANGKAT: ______________PUNTOS: ___________


A. PANUTO: BASAHIN ANG TALAARAWAN AT SAGUTIN ANG MGA TANONG TUNGKOL DITO. ILAGAY SA
PATLANG ANG TAMANG SAGOT.
ANG TALAARAWAN NI MIA

Sabado,14 Marso 2020, ika 3 ng hapon Maaga kaming natulog dahil nawalan kami ng kuryente. Kinabukasan na nang magbalik ang
kuryente sa aming lugar kung kaya’t hapon na naming nalaman ang tungkol sa kumakalat na virus sa buong bansa.
Linggo 15, Marso 2020, ika 8 ng umaga Maaga kaming nagsimba ng aking pamilya.Taimtim akong nagdarasal para sa mga
nagpositibo ng covid 19.
Lunes 16, Marso 2020, ika 10 ng umaga Seryosong tinalakay ng aming mga magulang ang mga paraan para hindi mahawa sa virus
na kumakalat.
Lunes 16, Marso 2020, ika 9 ng gabi Pagkatapos naming nag-usap, agad kong tinawagan ang aking mga kaklase para ipaalam sa
kanila na mag –ingat at huwag ng lumabas ng bahay
_____________1. Aling pangungusap ang unang naganap sa talaarawan?
A. Ipinaalam ko sa aking kaklase na mag-ingat. ‘
B. Tanghali na nang magbalik ang kuryente sa amin.
C. Taimtim kong ipinagdasal ang mga biktima ng Covid
D. Seryosong tinalakay ng aming mga magulang ang mga hakbang para makaiwas.
______________2. Aling pangungusap ang huling naganap sa talaarawan?
A. Ipinaalam ko sa aking kaklase na mag-ingat.
B.Tanghali na nang magbalik ang kuryente sa amin.
C.Taimtim kong ipinagdasal ang mga biktima ng Covid.
D. Seryosong tinalakay ng aming mga magulang ang mga hakbang para makaiwas sa Covid-19.
_____________3. Piliin ang pangungusap na bubuo ng isang timeline tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Mia. Gawing
batayan ang kaniyang talaarawan.
A. Tinawagan ni Mia ang kaniyang kaklase.
B. Maagang nagsimba ang kaniyang pamilya.
C. Ang buong pamilya ay nag-iingat at hindi lumalabas ng bahay.
D. Nalaman ng pamilya ang tungkol sa kumakalat na virus sa buong bansa

B. PANUTO: SUMULAT NG PANGUNGUSAP GAMIT ANG SUMUSUNOD NA PANG-ABAY AT PANDIWA MULA SA TALATA NA
IYONG BINASA. (ISULAT NG MAAYOS ANG BAWAT SALITA, IWASAN ANG MADAMING BURA) 5 POINTS EACH
1. maagang - gumising
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
2. maayos - pagpapalaki
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
3. mahusay – mag-aral
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
C.PANUTO: PILIIN ANG ANGKOP NA PANG-ABAY AT PANDIWA NA BUBUO SA PANGUNGUSAP. BILUGAN ANG
TITIK NG TAMANG SAGOT.
4.Ang mga magsasaka ay _______ _______ papunta sa palayan upang magtanim.
A. Maagang –kumain B. Maagang- nagising C. Maagang – natulog D. Maaga - naglakad
5. ______ na _____ ang mga pagong sa karera
A. Mabagal-umalis B. Mabagal-lumakad C. Mabagal-tumalon D. Mabagal-tumakbo
6. _____ na _____ ang mga natanggal na bubong dala ng Bagyong Osang.
A. Agad-agad –tinanggal B. Agad-agad - natanggal C. Agad-agad - inayos D. Agad-agad – binalik
7._______ na ________ ang mga tao dahil sa bagyong darating
A. Labis-nagpanik B. Labis-nalungkot B. Labis-nasiyahan D. Labis-nanlumo
8. _______ na __________ ang mga tao sa simbahan.
A.Taimtim-kumanta B. Taimtim-nagsalita B. Taimtim-nagdarasal D.Taimtim -kumain
9.__________ _________ ang aking nanay sa tindahan upang makauwi ng maaga.
A.Nagmamadaling-bumili C.Nagmamadaling-umuwi
B.Nagmamadaling-lumisan D.Nagmamadaling-tumalikod
10. Si Jenny ay _________ na _________ sa loob ng Jollibee.
A.masaya-nakikipag-usap B. masaya-umupo C. masaya-nagsalita D. masaya- kinausap

You might also like