You are on page 1of 3

FILIPINO 5

Summative Test No. 1


4th Quarter
Pangalan: ________________________________ Score: _____

I. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____1. Upang magtagumpay sa buhay kailangang _______________.


A. mag-aral nang mabuti. C. liliban sa klase.
B. matulog sa klase. D. mangopya sa kaklase.
_____2. Malimit siyang magdahilan kaya _______________.
A. marami ang nagkakagusto sa kanya. C. walang naniniwala sa kanya.
B. maraming naniniwala sa kanya. D. iniiwan siya.
_____3. Upang maging malusog ang katawan kailangang _______________.
A. palaging magpuyat. C. palaging uminum ng softdrinks.
B. hindi maliligo araw-araw. D. kumain ng masustansiyang pagkain.
_____4. Si Ana ay laging kumakain ng tocino, fried chicken, at hotdog. Ano kaya ang
maaaring mangyari sa kanyang kalusugan?
A. magiging masigla C. magiging mahina
B. magiging maliksi D. magiging maganda
_____5. Niyaya ka ng iyong tatay na sumama sa paghingi ng binhing itatanim ngunit sumama ka sa iyong kaklase na
maglaro sa plasa. Ano kaya ang maaring maging reaksiyon ng iyong tatay?
A. Magagalit C. Maiiyak
B. Matutuwa D. Walang imik
_____6. Tulog ang sanggol kaya _______________.
A. magtawanan kayo. C. magtatalon kayo.
B. maglaro kayo sa loob. D. huwag kayong maingay.
_____7. Pumutok ang gulong ng bisekleta ni Justin _______________.
A. kasi naiwan na nakabukas ang bintana. C. kasi nagtawanan sila.
B. kaya napatigil siya sa daan. D. kaya nakatulog siya
_____8. Dahil basa ang sahig, _______________.
A. nawalan ng kuryente C. naglaro ang mga mag-aaral
B. pinunasan ito ni Carlo D. nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral
_____9. Tahimik at madilim na ang bahay dahil _______________.
A. naglalaro pa sila C. kumakain sila
B. nag-aaral pa ang mga bata D. tulog na ang lahat
_____10. Pumunta sila sa hapagkainan _______________.
A. kasi uminom siya ng maraming tubig. C. kasi magkuwentuhan sila.
B. kasi nakahain na ang pagkain. D. kasi magtawanan sila.

II. Basahin nang may pag-uunawa ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

_____11. Batay sa binasa, alin sa sumusunod na pangungusap ang maari mong sabihin upang maisalaysay mo nang wasto
ang balita?
A. Alam niyo na ba na may paparating na bagyo sa ating bansa?
B. Magsilikas na tayong lahat dahil may paparating na bagyo sa atin.
C. Huwag tayong maniwala sa mga balita dahil walang katotohanan iyon.
D. Ayon sa balita na narinig ko mula sa radyo, may paparating na napakalakas na bagyo sa ating bansa.
_____12. Kung ikaw ay magtatanong ukol sa balita, aling pangungusap ang gagamitin mo?
A. Hala! Paparating na ang napakalakas na bagyo.
B. Matulog kayo nang maaga para maaga kayong gumising.
C. Kailan dumating sa ating bansa ang napakalakas na bagyo?
D. Magsipaghanda tayong lahat dahil paparating na ang napalakas na bagyo.
_____13. Paano mo uutusan ang iyong kapatid na maghanda para sa paparating na bagyo?
A. Hoy! Matulog ka na.
B. Maghanda ka dahil may paparating na napakalakas na bagyo.
C. Bakit maghahanda tayong lahat para sa paparating na bagyo sa atin?
D. Pumunta ka na sa paaralan para maging ligtas ka sa paparating na bagyo.
_____14. Ano ang maging reaksiyon mo sa napakinggang balita?
A. Naku! Nakakatakot ang paparating na bagyo.
B. Mga kapitbahay alam niyo na ba ang balita ukol sa bagyo?
C. Gumising kayong lahat may darating na mga pulis sa ating barangay.
D. Aray! Biglang sumakit ang aking ulo nang makita ko ang mga itim na ulap.
_____15. Paano mo pakiusapan ang iyong kaibigan na ayaw lisanin ang kanilang bahay?
A. Lumikas na tayo dahil nasa panganib na ang ating mga buhay.
B. Lilisanin mo na ang iyong bahay dahil napakalakas na ng bagyo!
C. Maari bang maglinis muna tayo ng bahay dahil wala pang bagyo?
D. Maari bang lisanin mo ang iyong bahay para ligtas ka sa paparating na bagyo?
_____16. Aling pangungusap ang sagot kung bakit kailangang maging makatotohanan sa pagsasalaysay ng balita?
A. Upang maging kapani-paniwala ang isinalaysay na balita.
B. Upang maniwala ang lahat na nakikinig at papalakpakan nila anumang sasabihin ng nagbabalita.
C. Alin kaya ang aking paniniwalaan sa mga balita na nagaganap ngayon sa ating bansa?
D. Huwag na kayong makinig ng balita dahil nakakaaksaya lang ng panahon.

_____17. Gusto mong malaman kung kailan gaganapin ang debate, alin ang itatanong
mo?
A. Makinig kayo sa debate.
B. May debate ukol sa COVID-19.
C. Kailan gaganapin ang debate dito?
D. Sino-sino ang mga kasali sa gaganaping debate?
_____18. Alin ang sasabihin mo kung iimbitahin mo ang iyong kuya na manood ng debate?
A. Kuya manood po tayo ng debate.
B. Gusto mong manood ng debate?
C. Ay, manood ka mamaya ng debate.
D. Hoy! Manood ka ng nasabing debate.
_____19. Kung ikaw ay kasali sa debate at ang sagot mo ay dapat, ano ang maari mong
sabihin?
A. Manatili sa bahay para mawala na ang coronavirus!
B. Hoy! Huwag pasaway manatili sa bahay para mahuli ng mga pulis.
C. Huwag kang lalabas ng bahay dahil may mga pulis na huhuli sa iyo.
D. Ang pagpapanatili sa bahay ay isang hakbang upang makaiwas tayo ng
pagkahawa ng coronavirus.
_____20. Ikaw ay isa sa mga tagapamahala ng nasabing debate at malapit nang magsimula ang programa, ano ang dapat
mong sabihin sa mga tagapakinig?
A. Yeheey! Magsisimula na ang debate.
B. Magsiupo na tayong lahat at sisimulan na natin ang debate.
C. Huwag na kayong tatayo dahil narito na ang mga kalahok.
D. Bakit kaunti lamang ang mga tagapakinig na nandidito ngayon.

SUMMATIVE TEST 4 KEY:

1. A 6. D
2. A 7. B
3. D 8. B
4. C 9. D
5. A 10. B
11. D 16. A
12. C 17. C
13. B 18. A
14. A 19. D
15. D 20. B

You might also like