You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

DIAGNOSTIC/ACHIEVEMENT TEST

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Layunin Bilang ng Aytem Kinalalagyan Bahagdan


1. Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging 2 1-2 10
bunga nito. (Katatagan ng Loob)
2. Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging 2 3-4 10
bunga nito. (Pagkamatiyaga)
3. Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng 1 5 5
anumang hakbangin o pagsangguni sa taong kinauukulan.
(Pagkamapagtiis)
4. Nakapagninilay-nilay ng katotohanan sa mga balitang 1 6 5
napakinggan at patalastas na nabasa o narinig.
(Mapanuring Pag-iisip)
5. Nakapagninilay ng katotohanan mula sa mga napanood 1 7 5
na programang pantelebisyon. (Mapanuring Pag-iisip)
6. Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga 1 8 5
nababasa sa internet at mga social networking sites.
(Pagmamahal sa Katotohanan)
7. Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng 2 9-10 10
tamang pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan. (Mapagpasensiya)
8. Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng 2 11-12 10
tamang pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan. (Mapagtimpi)
9. Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng 2 13-14 10
tamang pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan. (Pagkamahinahon)
10. Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng 1 15 5
pakikipagkapuwa. (Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin
ng Iba)
11. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at 1 16 5
kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa
ng maluwag sa kalooban. (Pagiging totoo)
12. Pagpili ng mga salitang di nakakasakit sa damdamin sa 1 17 5
pagbibiro.
13. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang 1 18 5
pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa
kalagayan/pangangailangan ng kapuwa.
(Kabutihan/Kindness)
14. Naisasabuhay ang pagiging bukas palad para sa mga 2 19-20 10
nangangailangan at sa panahon ng kalamidad.

Inihanda ni

JUNEIL C. ABASTILLAS
Teacher III
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
DIAGNOSTIC/ACHIEVEMENT TEST
Pangalan: _________________________ Iskor: _________
Baitang: __________________________

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Si Jason ay bagong lipat sa Mababang Paaralan ng Alincaoeg. Sa unang araw ng pasukan ay tinawag siya
ng guro upang ipakilala ang kanyang sarili. Ano ang nararapat gawin ni Jason?
A. Manatiling nakaupo. C. Lumabas sa klase.
B. Tumayo at ipakilala ang sarili. D. Umuwi sa bahay.
2. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong umawit. Alam mong may kakayahan ka sa pag-
awit ngunit sadyang mahiyain ka lamang. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin ang sinasabi ng guro.
B. Sabihin ang totoo na marunong kang umawit.
C. Magsinungaling at sabihing hindi ka marunong umawit.
D. Tumayo at ituro ang iyong katabi na siyang magaling umawit kahit hindi totoo.
3. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matiyaga?
A. Itinapon na lamang ni Jasmine ang punit na damit dahil ayaw niya itong tahiin.
B. Sumingit sa pilahan ng pagkain si Luz dahil nagugutom na siya.
C. Isa-isang pinulot ni Carl ang butil ng bigas na nahulog.
D. Hindi tinapos ni Mara ang kanyang mga takdang-aralin.
4. Maraming nilabhan ang iyong nanay na damit. Nagpapatulong siya sa pagsasampay ngunit marami ka ring
gagawing takdang aralin. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Ipagpatuloy ang paggawa ng takdang aralin.
B. Tulungan ang ina sa pagsasampay ng damit.
C. Magkunwaring hindi narinig ang nanay.
D. Magdabog sa pagsampay ng damit.
5. Gusto mong magkaroon ng bagong sapatos ngunit ayon sa iyong nanay wala pang perang pambili. Paano
mo ipapakita ang pagiging mapagtiis?
A. Ipagpilitan ang pagbili ng sapatos. C. Huwag pumayag na di ka ibili.
B. Antaying maibili ng nanay ang sapatos. D. Umiyak para ibili ng sapatos.
6. Napanood mo sa patalastas sa telebisyon ang isang juice drink na mainam umano sa mga bata. Ano ang
dapat gawin bago maniwala?
A. Tignan ang nutrition facts kung totoong mabuti ito sa mga bata.
B. Paniwalaan kaagad ang sinabi sa patalastas.
C. Pumunta sa palengke at bumili ng juice.
D. Magpabili sa nanay ng juice.
7. Nakita ni Jun ang kanyang kapatid na nanonood ng palabas na may barilan sa telebisyon. Ano ang dapat
gawin ni Jun?
A. Makinood sa tabi ng kapatid. C. Pabayaan ang kapatid sa pinapanood.
B. Sabihing itigil ang panonood dahil hindi ito pambata. D. Suntukin ang kapatid.
8. May nabasa ka sa facebook na humihingi ng iyong address dahil nanalo ka umano ng isang gadget. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Ibigay ang iyong address.
B. Awayin ang humihingi ng address.
C. Makipagkita na lamang sa humihingi ng address.
D. Huwag basta ibibigay ang address kung hindi nasuri ang katotohanan ng sinasabi.
9. Mahaba ang pila sa pagbili ng kantina. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pumunta sa hulihan at pumila. C. Pumunta sa unahan ng pila.
B. Pumunta sa gitna ng pila. D. Magpasuyo sa kakilala.
10. Nagpapaliwanag ang iyong guro pero maingay ang iyong kaklase. Ano ang dapat mong gawin?
A. Patuloy makinig sa guro kahit na maingay ang mga kaklase.
B. Sigawan ang mga kaklase at sabihing manahimik sila.
C. Lumabas na lamang sa klase.
D. Awayin ang mga kaklase.
11. Naglalaro sina Cris at Sam ng holen. Natalo si Cris kaya siya nagsalita ng masama. Ano ang dapat gawin
ni Sam?
A. Awayin din si Cris. C. Suntukin si Cris.
B. Magtimpi at huwag patulan si Cris. D. Batuhin ng holen si Cris.
12. Magulo ang isa ninyong kasama sa paggawa ng inyong proyekto. Ano ang dapat mong gawin?
A. Palayasin siya. C. Magtimpi at huwag patulan.
B. Sigawan at paalisin siya. D. Itali upang hindi siya makapanggulo.
13. Namamasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa mall nang biglang lumindol. Ano ang gagawin mo?
A. Tumakbo palabas sa mall. C. Huwag pansinin ang lindol.
B. Humanap ng matibay na mesa at magtago sa ilalim nito. D. Umiyak nang malakas.
14. Nagsusulat ka ng iyong takdang aralin nang biglang pinunit ng iyong kapatid ang iyong papel. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Paluin ang kapatid. C. Pagalitan ang kapatid.
B. Maging mahinahon at pagsabihan na huwag itong uulitin. D. Suntukin ang kapatid.
15. Ano ang dapat gawin kapag nakagawa ng pagkakamali?
A. Humingi ng tawad. C. Ipagwalang bahala.
B. Iwasan ang nagawan ng pagkakamali. D. Huwag kausapin ang nagawan ng mali.
16. Pinuna ka ng isang kaibigan dahil hindi bagay sa iyo ang kulay ng iyong damit. Ano ang sasabihin mo?
A. Wala kang pakialam sa suot ko! C. Ano naman ngayon sa’yo?
B. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo. D. Marunong ka pa sa akin!
17. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagbibiro na hindi nakakasakit sa damdamin?
A. Elepante ka ba? Kasi anlaki ng tenga mo.
B. Crayola ka ba? Kasi ikaw ang nagbibigay ng kulay sa buhay ko?
C. Alam mo may kamukha kang artista. Kontrabida nga lang.
D. Alam mo angganda mo….kung nakatalikod ka.
18. Umiiyak si Steffi. Nang itanong ni Matteo kung bakit, sinabi ni Steffi na may malubhang sakit ang kanyang
tatay. Ano ang maaaring sabihin ni Matteo upang maipakita ang pag-unawa sa kalagayan ni Steffi?
A. Buti nga sa iyo. C. Dapat lang yan sa tatay mo.
B. Huwag ka ng malungkot. May awa ang Diyos. D. Ano naman ang iniiyak mo?
19. Nasunugan ang iyong kapitbahay na si Matteo. Wala silang matuluyan ng kanyang pamilya. Ano ang
gagawin mo?
A. Pagtawanan si Matteo. C. Huwag makialam kay Matteo.
B. Patuluyin muna sa bahay sina Matteo. D. Ipagtabuyan sina Matteo.
20. Napanood sa telebisyon ni Steffi na nasalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Paano makakatulong si Steffi?
A. Magbigay ng mga luma niyang damit.
B. Ipagdasal ang kanyang mga kababayan.
C. Magpadala ng kayang halaga ng pera o mga pagkain.
D. A, B, C

Inihanda ni

JUNEIL C. ABASTILLAS
Teacher III

You might also like