Professional Documents
Culture Documents
Diagnostic Esp
Diagnostic Esp
PRE- TEST
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
27. Mahilig magpatugtog ang lolo ni Steffi ng Kundiman o mga katutubong awitin. Paano niya maipapakita
ang kanyang kawilihan sa pakikinig dito?
A. Patayin ang radio ng kanyang lolo.
B. Isuot ang headset ng kanyang cellphone upang di ito marinig.
C. Pabayaan ang lolo na magpatugtog sa mga katutubong awitin.
D. Umalis sa bahay upang hindi marinig ang mga pinapatugtog ng kanyang lolo.
28. Binigyan ni Matteo si Steffi ng kuwintas galing sa Ifugao. Paano ito mapapahalagahan ni Steffi?
A. Itapon ang kuwintas. C. Isuot ang kuwintas.
B. Ibenta na lang ang kuwintas. D. Ibalik kay Matteo ang kuwintas.
29. Ipinagbabawal ang pagsusunog na basura sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magsunog ng basura kung walang nakakakita.
B. Gamitin ang 5Rs sa pagtatapon ng basura.
C. Ikalat sa kalsada ang mga basura.
D. Itapon ang basura sa ilog.
30. Sino sa sumusunod ang nakakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
A. Si Winston ay nagsusunog ng basura.
B. Si Jackson ay nagtatapon ng basura sa ilog.
C. Si Steffi ay nagkakalat ng basura kung saan-saan.
D. Si Matteo ay gumawa ng compost para sa basurang nabubulok.
31. Paano mapapanatili ni Jackson na malinis at maayos ang paligid?
A. Iwasan ang pagsusunog ng basura.
B. Iwasan ang tamang paghihiwalay ng mga basura.
C. Iwasan ang wastong paraan ng pagtatapon ng mga basura.
D. Iwasan ang paggamit ng 5Rs o Reduce, Reuse, Recycle, Repair at Rot.
32. Upang maiwasan ang lalong pagdami ng basura, ano ang maaaring gawin?
A. Sunugin ang mga basura. C. Itapon sa dagat ang mga basura.
B. Muling gamitin ang mga patapong bagay. D. Itago sa bahay ang mga basura.
33. Paano mo mapapahalagahan ang iyong sarili?
A. Kumain ng prutas at gulay. C. Uminom ng maraming softdrinks.
B. Matulog maghapon. D. Maligo kaaagad pagkatapos maglaro.
34. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa kapuwa?
A. Laging tinutukso ni Steffi ang kanyang kaklase.
B. Namimintas ng pananamit ng iba si Winston.
C. Nakikinig kapag may nagsasalita si Jackson.
D. Nakikipag-unahan sa pila si Matteo.
35. Paano maipapakita ang paggalang sa pamilya na bumubuo sa komunidad?
A. Makikipagtalo sa miyembro ng ibang pamilya.
B. Huwag tumulong sa abot ng makakaya sa ibang pamilya.
C. Irespeto ang paniniwala ng ibang pamilya.
D. Iwasang makialam sa iba.
36. Paano mo mapapangalagaan ang mga hayop na ligaw?
A. Bigyan sila ng pagkain. C. Itaboy sila palayo.
B. Paluin upang umalis. D. Hulihin at itapon sa dagat.
37. Paano mo mapapangalagaan ang mga halaman sa ating paaralan?
A. Diligan araw-araw. C. Tanggalin ang mga damong ligaw sa paligid nito.
B. Lagyan ng abono upang lumago. D. A, B, C
38. Paano mo mapapangalagaan ang kapaligiran?
A. Sunugin ang kagubatan. C. Magtapon ng basura sa dagat.
B. Magtanim ng mga puno at halaman. D. Hayaang magbuga ng itim na usok ang sasakyan.
39. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa biyaya ng kalikasan?
A. Pagsusunog ng basura.
B. Pagsuporta sa mga illegal loggers.
C. Pagsama sa pagtatanim ng mga puno at halaman.
D. Pagtatapon ng basura sa mga ilog, dagat at kanal.
40. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga material na kagamitang likas?
A. Madalas mong mapansin ang mga kaklase mo na kapag nagkakamali sa pagsusulat sa papel o
kuwaderno ay agad na pinupunit ang pahina at sabay tapon sa basurahan.
B. Tuwing tanghali pagkatapos kumain ay iniiwan ng iyong kapatid ang pinggan at baso sa inyong
lamesa.
C. Ibinabalik ng iyong kaibigan sa tamang lagayan ang mga aklat pagkatapos itong gamitin.
D. Hinahayaan ng iyong tito na maulanan ang upuang pamana pa ng inyong lolo.