You are on page 1of 9

ESP 6

Second Periodic Examination


SY 2023-2024

Pangalan: _________ Petsa:


Pangkat:

Panuto:Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa, o anumang bagay na hindi pinananagutan, o


walang pagsasaalang-alang sa kapuwa.
A. matapat C. responsable
B. iresponsable D. pagsisinungaling

2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.


A. kapuwa C. kapitbahay
B. kaibigan D. pamayanan

3. Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad sa isang bagay. Ito rin ay
tumutukoy sa anumang ginagamit bilang garantiya.
A. kilos C. pangako
B. sumpa D. katapatan

4. Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang kasunduan o sa iyong mga ipinangako,
ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay makalimutan ng taong iyong
pinangakuan.
B. Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o paninisi na hindi
kinakailangan.
C. Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi ka nakatupad sa pangako
o kasunduan.
D. Hintayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong pinangakuan upang malaman kung
masama ba ang loob niya sa iyo o hindi.

5. May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin ang puno kung alam mong hindi
mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.
B. Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
C. Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo ito tuparin.
D. Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas na makasakit ng damdamin
ng iyong kapuwa.

6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging responsable sa kapuwa


MALIBAN sa:
A. Pangangako kahit mahirap itong gawin.
B. Pagtupad sa mga pangako o kasunduan.
C. Pagiging matapat sa anumang sitwasyon.
D. Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapuwa.

_________ 7. Nakita mong umiiyak ang kaibigan mo dahil may problema siya. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan ko siyang umiyak.
B. Awayin ko siya para lalong umiyak.
C. Tanungin ko siya kung ano problema at kung ano maitutulong ko.
D. Ipagsabi ko sa mga kamag-aral ko na may problema siya.
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kaibigan?
A. Pabayaan siya mag-isa kung may suliranin siya.
B. Magtutulungan kami upang pareho kaming umunlad.
C. Iiwasan ko siya kapag nakakuha siya ng mas mataas na marka kaysa sa akin.
D. Hindi ako makikipagkaibigan sa iba dahil kaya ko naman ang sarili ko.

9. Sa pagpapanatili ng pagkakaibigan, ano ang nararapat isaalang-alang?


A. Mapagmataas sa isa’t isa.
B. Tumitingin sa estado ng buhay.
C. Mapaglihim sa isa’t isa.
D. May paggalang at pagbibigayan ang bawat isa.

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?


A. Si Jaypee na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hinihiram sa takdang-oras.
B. Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang.
C. Si Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kaniyang
mga magulang.
D. Si Mico na ipinakokopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay
hindi na mahirapang pumasa.

11. Si John ay isang trabahador sa araw at mag-aaral naman sa gabi. Malapit na ang kanilang
huling pasulit at maraming proyektong dapat isumite kaya’t hindi siya masyadong nakatulog dahil
tinapos niya ang proyekto. Kinabukasan, sa kanyang pinagtratrabahuan ay nakatulog siya sa oras ng
trabaho, nagkataong nakita pa naman siya ng kanyang amo.
A. Hindi pansinin ang kanyang amo na nakakita sa kanya.
B. Hihingi ng paumanhin at sabihin ang totoong dahilan sa kanyang Pagkapagod.
C. Antayin na ipatawag at pagsasabihan siya sa opisina.
D. Huminto sa pag-aaral upang hindi na makatulog sa oras ng trabaho.

12. Inutusan ka ng Nanay mong bumili sa tindahan. Napansin mong sobra ang sukling ibinigay ng
tindera at nagkataong nagugutom ka pa naman.
A. Bumalik sa tindahan at ibili ang pera ng pagkain.
B. Itago ang sobrang pera at humingi sa nanay ng pambili ng pagkain.
C. Iimpok ang pera at ilagay sa alkansiya.
D. Isauli ang sukli sa tindera at sabihing sobra ang naibigay nito.

13. Pinalinis nang inyong guro ang kanyang mesa. Nakalagay pa naman ang kanyang bag at nakita
mong bukas ito at may laman na maraming pera.
A. Isarado ang bag at ibigay ito sa guro at sabihing bukas itong nakalatad sa mesa.
B. Kunan ng kaunti ang pera na tama lang na hindi mapansin ng guro.
C. Isantabi lang ang bag upang malinis ang mesa ng mabuti.
D. Bantayan ang bag at utusan ang kaklase na siyang maglinis ng mesa.
14. May proyekto kayong kailangang tapusin sa paaralan, ngunit ayaw ng magulang mo na
makitulog ka sa bahay ng iyong kamag-aral.
A. Hindi na lang gagawa ng proyekto kapag hindi ka pinayagan.
B. Ililihim sa magulang ang gagawing pagpunta sa bahay ng kamag-aral at hihingi na lang ng
paumanhin pagkatapos.
C. Sasabihin mo sa magulang mo na kung pwede ay sa bahay ninyo na lang kayo gumawa ng
inyong proyekto.
D. Hindi na kakausapin ang mga magulang kailanman.

15. Habang nahirapan ka sa pagsagot sa pasulit na ibinigay ng iyong guro, kinalabit ka ng iyong kaklase
at ibinigay sa iyo ang susi sa pagwawasto ng inyong sinagutang pasulit.
A. Magpasalamat sa kaklase sa natanggap at kopyahin ang lahat na sagot.
B. Ibigay ito sa katabi upang makakuha siya ng tamang sagot.
C. Hindi ito tanggapin at sabihan ang guro sa nagawang pandadaya ng kamag-aral.
D. Tanggapin ang kodigo ng walang nakapansin na kamag-aral.
16. Nagpasya kayo ng mga kaibigan mong manood ng sine sa mall. Nakatakda kayong magkita- kita sa
hintayan ng sasakyan malapit sa simbahan ng ika-3 ng hapon. Pero hindi dumating ang mga kaibigan mo.
Nalaman mo na nauna na pala sila sa mall. Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Aawayin ko sila at hindi na makipagkaibigan.
C. Uuwi nalang ako dahil hindi sila tumupad sa usapan.
D. Kakausapin sila ng mahinahon tungkol sa nangyari at
pagsasabihan na hindi tama ang ginawa nila.

17. Magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit ang inyong paaralan. Gustong-gusto sanang sumali ng
kaibigan mo ngunit wala siyang gamit. Pinahiraman mo siya ng gamit. Nangako siya na ibabalik niya agad
ito pagkatapos ng paligsahan. Lumipas ang ilang araw at natapos na ang paligsahan ngunit hindi pa rin
niya ibinabalik ang kanyang hiniram. Ano ang magiging reaksiyon mo rito?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Iiyak at hindi na papahiramin ng gamit.
C. Kakausapin at sabihin ang totong naramdaman sa nangyari.
D. Papagalitan ko siya dahil hindi pa niya binalik sa takdang oras ang gamit mo.

18. Si Sarah at Pat ay nagkasundong magsisimba tuwing Linggo. Sa di inaasahang pangyayari hindi
nakasimba si Pat, ano ang mararamdaman ni Sarah sa pagkakataong ito?
A. Magagalit kay Pat dahil hindi siya nagsimba.
B. Aalamin ang dahilan kung bakit hindi nakasimba si Pat.
C. Matutuwa si Sarah dahil hindi niya makakasama si Pat sa pagsimba.
D. Kakalimutan na niya si Pat dahil sa hindi pagtupad sa napagkasunduang
pagsisimba.

19. Pinayagan ka ng iyong nanay na dumalo sa kaarawan ng kaibigan mo at nangakong uuwi sa


takdang oras. Ngunit pinipilit ka ng mga kaibigan mo na huwag munang umuwi. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-eenjoy ako hanggat gusto ko.
B. Hindi ko nalang pansinin ang nanay kapag magalit sa akin.
C. Hindi ako uuwi sa takdang oras kahit mapagalitan ng nanay.
D. Ipapaliwanag ko sa mga kaibigan ko na nangako ako sa aking nanay na dapat ko itong tuparin
at upang hindi ako mapagalitan.

20. Kasalukuyang nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon nang may tumawag na
matandang babae na humihingi ng tubig na maiinom. Hindi mo siya kilala. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mo siya papansinin.
B. Itatanong mo muna kay nanay kung maari mo siyang bigyan ng tubig.
C. Bibigyan mo siya ng maiinom na tubig.
D. Hayaan lang siya hanggang sa umalis.

II. Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Lolit at Lita sa paaralang kanilang pinapasukan. Nagustuhan ni Lita ang
pagkamasayahin, makwento at maalalahanin ni Lolit. Masaya sila sa kanilang relasyon bilang
magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang
ilang kapintasan. Para kay Lita, lubos at walang kondisyon ang kanyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal,
napansin niya na kapag natataasan niya ng iskor si Lolit sa kanilang pagsusulit,ay naiinis ito. Kapag pinupuri ng kanilang guro
si Lita dahil sa magagandang gawaing naipasa niya, sa ibang kaklase sumasama si Lolit. Sahuli, nasasaktan si Lita pero wala
siyang lakas ng loob sabihin ito kay Lolit. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.

21. Kung ikaw si Lita, ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng kaniyang
pakikipagkaibigan kay Lolit?
A. Ipakita kay Lolit na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kanya.
B. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan.
C. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigan na naiinggit sa kaniya.
D. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal o ugali ng kaibigan.
22. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Lolit sa kanyang kaibigan na si Lita?
A. Hindi niya mahabol ang kanyang kaibigan.
B. May nabubuong kumpetisyon sa kanilang dalawa.
C. Nagsasawa na siya sa kabaitang pinapakita ng kaibigan.
D. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase.
__________23. Mula sa kwentong pagkakaibigan nina Lolit at Lita, alin sa mga sumusunod na konsepto ang angkop dito?
A. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y maaaring dahilan
ng ating paglago.
B. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaasahan sa kanila na makatutulong sa
pagpapabuti ng pagkatao.
C. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng anumang kapalit sa mga bagay na hatid ng
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
D. Ang tunay at mabuting pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na pagdalisayin at patatagin ang ugnayang
namamagitan.

_________24. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan MALIBAN sa isa.


A. Ang pakikipagkaibihgan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili.
B. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba.
C. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na patatagin at palawakin ang ugnayan sa pangmatagalang
panahon.
D. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala
sa atin.

25. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong
kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang mabuting layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na
isaalang-alang ang:
A. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan.
B. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo.
C. Paggalang sa mga katangian at kahinaang taglay sa kanilang seksuwalidad.
D. Pagkontrol sa posibleng atraksiyon na makamit mula sa
pakikipagkaibigan

III. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

26. Ano ang tawag sa kagandahang-asal na nararamdaman o ipinapakita sa pamamagitan ng mataas na pagkilala o
pagtingin?
A. ideya C. pagsalungat
B. paggalang D. suhestiyon
27. Ano ang tawag sa hindi maayos na ugnayan ng dalawa o higit pang panig?
A. ideya C. pagsalungat
B. paggalang D. suhestiyon
28. Bakit mahalaga ang ideya o suhestiyon?
A. Ito ay makapagbibigay ng mahalagang imbensiyon sa mundo.
B. Ito ay makatutulong sa ating kapuwa sa oras ng pangangailangan.
C. Ito ay magbibigay ng kasiyahan at kaginhawahan sa ating kapuwa.
D. Ito ay makakatulong na makabuo ng isang konkretong ideya na maaaring maging kapaki-pakinabang.
________29. Si Marco ay likas na matalino kung kaya’t madalas sa usapan nilang magbabarkada ay palaging gusto na lamang
ang nasusunod. Bilang isang kaibigan, paano mo maitutuwid ang ganitong pag-uugali ni Marco?
A. Patitigilin siya kapag nagsasalita.
B. Pahiyain ito sa harap ng iyong mga kaibigan.
C. Hintaying matapos siya magsalita at ipaintindi na mali ang kanyang inaasal.
D. Kausapin siya ng masinsinan at ipaliwanag ang kabutihang dulot ng pakikinig sa suhestiyon ng iba.
_________ 30. Nagpatawag ng pulong ang kapitan ng baranggay para pag-usapan ang isang mahalagang isyu. Gusto nitong
marinig ang opinyon ng kanyang nasasakupan. Anung pag-uugali ang ipinakikita ng kapitan?
A. pagkamahinahon C. paggalang sa suhestiyon ng iba
B. pagkamagalang D. pagkamahabagin
31. Pinagsabihan si Arman na limitahan ang paglaro ng cellphone dahil ito ay nakasisira sa kanyang
mata. Kung ikaw si Arman ano ang gagawin mo?
A. Pakinggan ko ang kanilang sinabi ngunit hindi ko ito susundin.
B. Pakinggan ko ang kanilang payo at susundin ko ito.
C. Pakinggan ko lamang ang kanilang sinabi.
D. Pakinggan ko pero gagawin ko pa rin ang nais ko.

32. Pinaalalahanan mo ang iyong ate dahil laging puyat sa pagbabasa ng


wattpad. Kung ikaw ang ate, ano ang iyong mararamdaman?
A. Magagalit ako sa kapatid ko kasi pinapakialaman niya ako.
B. Sasabihin sa kapatid ko na mas nakatatanda ako kaya alam ko ang ginagawa ko.
C. Maiinis ako kasi matanda ako sa kanya.
D. Magpapasalamat ako sa aking kapatid sa kanyang paalala.

33. Tinuruan mo si Kizzia maglinis ng maayos dahil hindi ito sanay sa gawaing bahay. Kung
ikaw si Kizzia ano ang mararamdaman mo?
A. Magpapasalamat ako dahil natuto akong gawin ng tama.
B. Magagalit ako dahil nagmamagaling siya sa akin.
C. Sasabihin ko sa kanya na siya na lang ang gumawa.
D. Sasabihin ko sa kanya na tulungan niya ako.

34. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon ng iyong magulang hinggil sa iyong
mababang marka?
A. Balewalain ko ang kanilang sinasabi.
B. Magalit ako dahil pinagbawalan na gumamit ng cellphone.
C. Pakinggan ko ang kanilang suhestiyon pero di ko gagawin.
D. Papakinggan at gagawin ang kanilang suhestiyon.

35. Kalahok kayo sa isang patimpalak ni James ngunit magkaiba kayo ng naisip. Ano ang iyong gagawin?
A. Ilihim ko nalang kay James ang ideya ko.
B. Sabihin ko kay James at pilitin siya na ito ang aming gagawin
C. Banggitin ko kay James ang aking konsepto ngunit hindi ko ipipilit.
D. Lahat ng nabanggit.
_______ 36. Ang iyong nakababatang kapatid ay pinagsabihan ng iyong kapitbahay na magdahan-dahan sa paglalakad dahil ito
ay maaring makadisgrasya sa mga maliit na batang naglalaro sa kalye. Ano ang iyong gagawin?
A. Susugurin ko siya dahil wala siyang pakialam sa buhay ng kapatid ko.
B. Hahayaan kong makapinsala ang aking kapatid.
C. Tatawagin ko ang aking kapatid at sasabihang makinig sa sinabi ng ale.
D. Lahat ng nabanggit.
________ 37. Isang dati mong kaibigan ang nagkakalat ng mga di-kaaya-ayang tsismis tungkol sa iyong nakababata kapatid.
Nagkataong nasalubong mo siya sa hallway ng inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Magagalit at aawayin ko siya.
B. Iimbitahan ko ang dati kong kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon kung bakit
niya nasabi ang ganoong kwento.
C. Ibabalik ko rin sa kanya kung ano ang kanyang ginawa.
D. lahat ng nabanggit.
38. Nakabasag ng plorera ang iyong kaklase at ikaw ang kanyang iturong nakabasag. Pinagalitan ka ng iyong guro sa
harap ng iyong mga kaklase.
Napag-alaman mo na ang iyong kamag-aral ang may nakagawa. Humingi siya ng patawad at nangakong sasabihan sa iyong
guro. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko siya at hindi na papansinin hanggang kailan.
B. Hindi ko na siya kakausapin dahil napahiya na ako sa buong klase.
C. Pakikinggan ang paliwanag at tatanggapin ang kaniyang suhestiyon
D. lahat ng nabanggit.
_______ 39. Nagkaroon ng sunog sa inyong barangay at marami sa kanila ang nawalan ng tirahan. Magkakaroon ng
pagpupulong ang barangay na magkakaroon ng programa upang makalikom ng pera para makatulong ito sa mga nasunugan.
A. Ipagwalang bahala ang nasabing pagpupulong
B. Huwag pumunta sa pagpupulong
C. Tumulong at pumunta sa nasabing pagpupulong
D. Pupunta sa nasabing pagpupulong at huwag makinig
______ 40. Binoto ng lahat si Marco dahil marami siyang pera at kaya niyang bilhin ang boto ng mga tao. Kahit alam nila na
hindi nito kayang pagsilbihan ang bayan.
A. Pagsabihan ang mga tao na tama ang kanilang gagawin na iboto si Marco
B. Kausapin ang mga tao at sabihin ang maaring epekto ng kanilang desisyon kung sakali
C. Huwag nalang makialam
D. Igalang ang desisyon nila at huwag makialam dahil may trabaho naman at hindi ka maapektuhan nito.

You might also like