You are on page 1of 5

Grade 8- Filipino

Summative Test -

1.1

Panuto:

1. Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat.

a. Iba kung papansinin ang baho ng ibang tao lalo’t na hindi ka rin malinis

b. Maaaring hindi maganda ang kanyang ipinakikita, kaya kailangan siya kilatisin ng husto.

c. Huwang maging mapanghusga lalo’t na wala kang alam sa kanyang buhay.

d. Hindi lahat ng ating nakikita ay tunay at totoo. Minsan, may mas malalim itong tinatago na dapat

nating pagtuunan ng pansin.

2. Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabaitan.

a. Mas gumaganda ang tao kapag ito ay mabait din.


b. Piliing maging mabait kaysa sa pagiging maganda.
c. Mas bigyan nating halaga at pansin kung ano ang nasa kalooban ng isang tao kaysa sa mga bagay
na nakikita ng ating mga mata lamang.
d. Magkaroon ng lakas ng loob na magtagalay ng kagandahan at kabaitan sa lahat ng oras.

3. Gaano man ang tibay, ng piling abaka; ay wala ring lakas, kapag nag-iisa.

a. Sa buhay ng isang tao, hindi tayo mabubuhay ng tayo lang mag-isa. Kakailanganin din natin ang
tulong ng iba kahit gaano tayo kagaling.
b. Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Lalo’t higit ang may sapat na yaman para
makatulong sa iba.
c. Sa pagkakaisa’y nakamit ang tagumpay, mabuti man o mapamasama ito.
d. Makakamit ang inaasam na resulta kung walang anay sa organinsasyon na nagpapasama sa imahe
nito.

4. Iba ang may natutuhan, kaysa may pinag-aralan.

a. Ang ating natutunan ay dapat gamitin sa tamang paraan.


b. Iba pa din ang mga natutunang bagay mula sa tinay nating karanasan kaysa sa mga nanggagaling
lamang sa sa mga babasahin at aklat.
c. Huwag magkunwari sa mga bagay na hindi kayang tapusin dahil lamang sa inggit.
d. Kahit walang pinag-aralan, dapat may natutuhan sa karanasan sa buhay.
5. Kung hindi mo kaya’y huwag pangahasan, upang sa ginawa mo’y di ka masumbatan.

a. Kung hindi kayang gawin ang isnag bagay, ‘wag nating ipagmalaki na kaya natin para lang
magyabang dahil sa huli, tayo din ang mahihirapan.
b. Huwag magkunwari sa mga bagay na hindi kayang tapusin dahil lamang sa inggit.
c. Ang paggawa ay dapat bukal sa kalooban.
d. Ipagawa sa iba ang ‘di mo kayang gawin.

1.2

6. Alin sa mga sumusunod na nabuong pahayag ang maari mong bigyan ng pinakamalapit na kahulugan
ng salawikaing “ Kapag malakas ang agps, mababaw ang ilog”?

a. Mababaw man ang ilog, mag-ingat parin sa pagtawid lalo na kung malakas ang agos.
b. Mababaw ang ilog kung malakas ang agos sapagkat maraming bagay na naiipon dito.
c. Higit na makabuluhan ang buhay kung tuloy-tuloy na umaagos ang karunungan.
d. Masalita at maingay ang taong walang sapat na dunong sa paksang pinag-uusapan.

7. Lumipat ng tirahan ang mag-anak na Ferrer dahil di na maganda ang sinasabi ng mga taong
nakapalibot sa kanila. Halos araw-araw na ginawa ng Diyos, puro nakasusugat-puso ang maririnig sa mga
tao laban sa pamilyang ito. Alin sa mga sumusunod na sawikain ang iyong mabubuo na aakma sa
sitwasyon ng pamilyang ito?

a. ngiting-aso
b. basa na ang papel
c. nagtataingang-kawali
d. itaas ang watawat

8. Nang dahil sa dayaang nangyari, nagpalitan ng masasakit na salita ang magkabilang koponan. Umabot
ito sa puntong kailangang mamagitan ang mga pulis at ilang opisyal ng barangay upang ito’y mabigyang-
solusyon. Anong sawikain ang iyong mabubuo na may pinakamalapit na kaugnayan sa natukoy na
sitwasyon?

a. Naghalo ang balat sa tinalupan


b. Habang may buhay, may pag-asa
c. Lintik lamang ang walang ganti
d. Mapaglubid ng buhangin.

9. Anong sawikain, kasabihan o salawikain ang mabubuo mo para sa sitwasyong ito “Pag-aralan mong
mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil mabait ito sa una ninyong pagkikita ay talagang mabait ito.
Huwag kang padadala sa matatamis na salita o mabuting pakita kaagad”.

a. Nasa Diyos ang lubos na awa, nasa tao ang wastong gawa.
b. Hindi lahat ng kumikinang ay gintong nagniningning sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.
c. Ang pagsasabi ng tapat sa tao ay pagsasama nang maluwat.
d. Saan mang gubat ay may ahas.

10. Aang batang laki sa layaw ay alalking suwail, walang galang at walang pagpapahalaga sa kapwa niya.
Anong kasabihan ang iyong mabubuo mula sa pahayag na ito?

a. Ang pagsasabi mo ng tapat, sa magandang pagsasama ay sapat.


b. Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.
c. Anak na hindi paluhain, tiyak ina ang patatangisin.
d. Bago ka pumuna sa kakulangan at kapintasan ng iba, sariling mukha mo’y pahirin muna.

Melc 3

Panuto:

11. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.

a. Pahambing na magkatulad

b. Pahambing na di-magkatulad

12. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.

a. Pahambing na magkatulad

b. Pahambing na di-magkatulad

13. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak.

a. Pahambing na magkatulad

b. Pahambing na di-magkatulad
14. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.

a. Pahambing na magkatulad

b. Pahambing na di-magkatulad

15. Parehong kaliwa ang paa niya kaya hindi siya makasunod sa musika ng sayaw.

a. Pahambing na magkatulad

b. Pahambing na di-magkatulad

Melc- 4

Panuto:

16. Si Chelsea ay madalas maglubid ng buhangin kaya hindi agad pinaniniwalaan ng mga tao ang

Kaniyang ibinabalita.

a. Magsabi ng katotohanan
b. Magsinungaling
c. Maglaro ng buhangin
d. Magpagawa ng lubid

17. Ano ang nangyari? Para kang natuklaw ng ahas sa iyong kinatatayuan.

a. Hindi nakakibo at nakakilos

b. Nakagat ng ahas

c. Namumutla

d. Nawalan ng malay

18. Puro balitang-kutsero ang naririnig ko sa ating mga kapitbahay kaya tuloy ayaw kong makinig sa mga

sinasabi nila.

19. Huwag sanang magpang-abot ang magkaaway na grupo ng kabataang iyon, kundi ay baka maghalo

ang balat sa tinalupan.

a. Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan


b. Matinding labanan o awayan
c. Nagkamabutihan
d. Nagkaisa

20. Sa kabila ng kabutihan ni Raquel sa kaniyang sutil na pamangkin, inahas parin siya nito.

a. Maasahan
b. Masamang tao
c. Taksil o Traydor
d. Magnanakaw

You might also like