You are on page 1of 4

PANGALAN: ISKOR:

BAITANG AT SEKSYON: LAGDA NG MAGULANG:

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6


I. Panuto: Basahin at uanwain ang pabula. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang .
Si Togak at ang Gintong Uwak
Noong unang panahon ay may isang ibon na nakatira sa kagubatan na ubod ng itim at may mapupulang mga
mata. Ang pangalan ay Togak. Dahil sa kaniyang anyo ay nahihiya itong lumapit at makipaglaro sa iba dahil baka
pagtawanan lamang siya ng mga ito. Kaya palagi siyang nag-iisa at nagdarasal na sana ay maging maganda ang
kaniyang anyo tulad ng iba.
Isang araw, habang naghahanap ng pagkain si Togak ay may narinig siyang tumawag sa kanya. Agad na
lumapit si Togak at nakita niya ang isang magandang diwata. “Ako si Inang diwata. Ang diwata ng mga ibon. At
narito ako para tuparin ang iyong kahilingan ngunit sa isang kondisyon,” wika ng diwata Kailangan mong magpakita
ng magandang asal at huwag ipagmalaki kung ano man ang iyong kaanyuan. Kung hindi, ikaw ay babalik sa dati
mong anyo,” malinaw na sabi ng diwata. At isang kumpas lang ng kamay ng diwata naging kulay ginto ang kaniyang
mga balahibo at naging maamo ang kaniyang mga mata. “Maraming salamat!” Masayang sabi ni Togak sa diwata.
Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanag at kulay ginto ang mga
balahibo ni Togak. Inggit na inggit sa kaniya ang mga ito. “Togak, puwede bang makipag-kaibigan?” Sabi nila.
“Ayokong makipag-kaibigan sa mga mabababang uri,” pahambog na sabi ni Togak. “Umalis kayo sa harapan ko,
ayokong makipag-kaibigan sa mga katulad niyo!” Pagyayabang na sabi ni Togak sa mga ito. “Talagang nagbago na
nga si Togak mula ng maging ginto ang kaniyang mga balahibo.” Wika ni Kuwago. “Oo nga, talagang wala na siyang
kinikilalang kaibigan.” Sabi naman ni Maya.
Kaya isang araw habang naglalakad si Togak ay nagpakita muli sa kaniya ang diwata.
“Togak, dahil sa ipinakita mong masamang pag-uugali at pagiging hambog, ikaw ay babalik sa dati mong anyo.”
Wika ng diwata. At sa isang iglap lang ay bumalik nga ang dating anyo ni Togak na sobrang itim at mapupula ang
mga mata. Kaya umuwi si Togak na luhaan at hiyang hiya sa sarili. At ng papauwi siya ay nasalubong niya sina
Kalapati, Kuwago at Maya. “Puwede bang makipagkaibigan sa iyo?” Sabi ni Kuwago. “Kahit na ganito ang anyo
ko,”malumanay na sabi ni Togak.
“Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan, ang importante ay tanggap ninyo ang isa’t
isa.” wika ni Kalapati. Kaya mula noon ay masayang masaya na si Togak sa mga bago nitong kaibigan. Kahit na ubod
ng itim at mapupula ang mga mata ay wala na siyang ikinahihiya. Dahil tanggap siya ng mga ito ano man ang
kaniyang anyo.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. diwata B. kalapati C. Togak D. Maya
2. Bakit umiiwas si Togak sa ibang ibon?
A. ayaw niyang makipaglaro sa ibang ibon at baka masaktan lamang siya
B. nahihiya siyang lumapit sa iba dahil sa kaniyang anyong ubod ng itim at may mapupulang mata
C. ayaw niyang pagtawanan ang kaniyang anyong ubod ng itim at may malalaking paa
D. baka pagtawanan ang kaniyang maputing balahibo at malaking mata
3. Paano binago si Togak sa kaniyang bagong anyo?
A. naging palakaibigan C. sumikat siya
B. palaaway D. hambog at mayabang
4. Kung ikaw si Togak, paano mo dadalhin ang iyong sarili bilang isang batang may ubod ng itim na balat?
A. hindi ako lalapit sa iba
B. hindi ko ikakahiya at ipagmamalaki ko ang biyayang bigay ng Diyos
C. magtago at iiwas sa ibang bata baka ako ay kutyain
D. sisihin ko ang Diyos dahil ginawa niya akong iba sa lahat
5. Aling talata sa kuwento ang magbibigay inspirasyon sa iba at nagpapakita ng pagkapantay-pantay?
A. 5 B. 4 C. 3 D. 2
6. Si Togak ay isang ibong ubod ng itim at may mapupulang mga mata. Anong uri ng pangngalan ang
nakasalungguhit?
A. pantangi B. basal C. pambalana D. lansakan
7. Naging kulay ginto ang balahibo ni Togak ngunit ito ay nagpabago sa kaniyang ugali. Tukuyin ang
pambalanang basal sa pangungusap.
A. balahibo B. Togak C. kulay D. ugali
8. Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanang at kulay ginto ang
mga balahibo ni Togak. Anong uri ng pambalana ang nakasalungguhit?
A. lansakan B. tahas C. basal D. pantangi
9. Anong ugali ang ipinakita ni Togak sa pabula?
A. pagkamapagkumbaba C. pagkamatapang
B. pagkamahiyain D. pagkamayabang
10. “Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan. Ang importante ay tanggap ninyo ang
isa’t isa.” wika ni Kalapati. Ano ang ipinahihiwatig ng katagang sinabi ni Kalapati?
A. Huwag husgahan ang kapwa. C. Maging mapanuri sa lahat ng oras.
B. Magtiwala sa sarili. D. Ipagmalaki ang kakayahan sa iba.
11. “Ako’y nabighani kay Maria dahil sa di-makabasag pinggang kilos niya.” Ano ang kahulugan ng
sawikaing may salungguhit?
A. Magaslaw B. Mabait. C. Malambing D. Mahinhin
12. Aling sawikain ang bubuo sa ideya ng pangungusap, “Nalulungkot si Ema. Dalawang taon na niyang
pinag-iipunan ang pinapangarap na washing machine subalit hindi pa rin niya mabili dahil talagang _______________
pa rin sila.”
A. suntok sa buwan C. kapit-bisig
B. bantay-salakay D. isang kahig, isang tuka

13-15. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa tulong ng nakalarawang balangkas. Isulat ang bilang 1, 2 at 3 sa
patlang.

13. Unang-una, ito ay nagmula sa isang itlog. Pangalawa, ito ay nagiging higad na kumakain ng mga dahon
ng halaman.
14. Ang isang paruparo ay dumaraan sa isang paghali-halili.
15. Pagkatapos, ito ay nagiging pupa na nagkukuibli sa isang bahay nakung tawagin ay “cocoon”. Sa wakas,
matapos ang mahimbing na pagkakatulog ay lalabas ito sa kanyang bahay at nagiging isang napakagandang paru-paro.
16-18. Suriin ang mga sumusunod na pangyayari/sitwasyon. Piliin ang angkop na hinuha sa bawat pangyayari.
16. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog
A. Dudumi ito at mamatay lahat ang isda rito
B. Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa pagtapon ng basura sa ilog.
C. Magiging malusog ang isda sa ilog
D. Maging sariwa ang hangin ng mga taong nakatira malapit sa ilog.
17. Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.
A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao
B. Maraming magkakasakit sa baga.
C. Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok na kanilang nilalanghap
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging malusog.
18. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama.
A. Ang mag-ama ay mangingisda sa dagat
B. Ang mag-ama ay magliwaliw sa dagat
C. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat
D. Ang mag-ama ay nagkayayaan tingnan ang dagat.
19-21. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng magalang na pananalita at MALI
naman kung hindi.
19. Magsitigil na kayo, magtatawag ako ng pulis dahil nakakagulo na kayo eh.
20. Tuloy po kayo sa aming munting tahanan.
21. Nabutas yata ang gulong ivulcanize mo nga.

22. Aling pangungusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw?


A. Sino ang kumain ng tsokolate? C. Ang iba ay umalis na kahapon.
B. Kunin mo na ang mga aklat. D. Ito ang dalang bag ni Mike.
23. Aling panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang tirahan ng iyong kaibigan?
A. Ano B. Saan C. Kailan D. Magkano
24. Piliin kung anong uri ng pangahalip ang ginamit sa pangungusap.
Ito pala ang sinasabing pinakamalinis na paaralan
A. Panao B. Pananong C. Pamatlig D. Panaklaw
25. Ito ay tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang epekto nito sa manood
gaya ng pag-ibig, pag-asa at karahasan.
A. Tema B. Layunin C. Tauhan D. Tagpuan
26. ito ay aral na maaring napulot sa napanood na pelikula.
A. Kaisipan B. Layunin C. Tagpuan D. Pagpapahalaga
27. ito ay hangarin ng manunulat na gusto niyang ipahatid sa kanyang pelikula.
A. Kaisipan B. Layunin C. Tagpuan D. Pagpapahalaga
28-29. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at sabihin kung ito ay nagpapahayag ng suliranin o solusyon.
28. Sa tuwing umuulan ang bayan namin ay laging binabaha.
29. Seryosong ipinatutupad ang batas sa bayan namin.
30. Magbigay ng maaring solusyon sa suliraning may kinalaman sa mga mag-aaral na nagkakalat ng basura sa loob ng
silid aralan.

31. Magbigay ng angkop na pamagat sa talata.


31.

Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking suliranin kasama ang iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ang
pagkakaroon ng sakit na tinatawag na COVID-19, na kung saan ito ang puno’t dulo ng nangyayaring gulo at lubos na
kahirapan sa buhay ng bawat Pilipino. Ang Kagawaran ng Kalusugan ay nagbigay ng mga patakaran upang
masolusyunan at maiwasan ang panganib na dulot ng nakakatakot na sakit tulad ng social distancing, paggamit ng
mask, paghuhugas ng kamay, paggamit ng hand-sanitizer o alcohol, at iba pang pamamaraan upang hindi mahawaan
ng nakatatakot na sakit na kinakaharap ngayon ng buong mundo.

Magbigay ng sariling opinion/reaksyon sa mga sumusunod na isyu.


32. Paghinto sa pag-aaral ng maraming estudyante dahil sa pandemya
Opinyon: Naniniwala akong

33. Maraming estudyante ang napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkahilig sa paglalaro ng mobile games.
Reaksiyon: Nakakalungkot isipin na

34. Paglabas ng mga bata sa lansangan kahit na may covid 19 pa


Opinyon: Sa palagay ko

35-37. Alin sa mga pangkalahatang sanggunian ang magagamit mo kung nais mong malaman ang sumusunod na mga
impormasyon?
A. diksyunaryo B. atlas C. peryodiko D. almanac
35. kahulugan ng salita
36. balitang “sports”
37. mapa sa buong Asya

38-40. Bumuo ng talata tungkol sa iyong naranasan sa panahon ng pandemya.


Ang Aking Karanasan sa Panahon ng Pandemya

You might also like