You are on page 1of 2

Antas ng Pagbasa ng Mag-aaral sa DAPRES Tinasa!

Ayon sa website ng Gemm Learning, maraming mabubuting epekto ang pagbabasa.Sinasabi rito
na ang pagbabasa ay isang importanteng life skill. Mahihirapan umano sa pag-aaral ang mga batang
nagkakaproblema sa pagbabasa (lalo na siguro kung hindi ito maaagapan agad).HIgit pa silang
mahihirapan sa paghahanap ng trabaho, pagiging independent at pagiging mabuting mamamayan,
magulang o manggagawa kung sila man ay makapagtapos.

Base sa datos ng level ng pagbasa ng mga mag-aaral sa buwan ng Agosto, sa kabuuang bilang ng
mga bata na dalawang daan at dalawamput dalawa(222) animnaput siyam na mag-aaral (69) o
31.08% ang nasa antas ng pagkabigo.

Kaya naman nitong Marso 31, 2023 ang pamunuan ng Distrito ng Indang sa inisyatibo ng aming
butihing punongguro na s i Gng. Katrina M. Romen at sa pangunguna ni Dr. Gemma L. Filipino ay
naglunsad ng Balidasyon sa pagbasa upang malaman ang lagay ng katayuan ng mga mag-aaral sa
pagbabasa at mabigyang solusyon ang kalagayan ng mga batang nahihirapan dito.
Gamit ang Proyektong VERGEL (Various Exercises and Reading materials Guided and given
Equally to diverse Learners) ng paaralan ang mga guro ay naglunsad ng mga interbensyon tulad ng
mga sumusunod:

Remedial Reading

Upang masolusyunan ang problemang kinakaharap ng mga mag aaral na nasa antas ng pagkabigo,
ang mga guro ay ginamit ang naturang interbensyon kung saan ang mga mag aaral na nasa antas ng
pagkabigo ay masusing tinuturuan gamit ang mga materyales at istratehiya na naaangkop sa
kanilang level.

12:30 Reading habit


Sa mga oras na ito ang mga mag-aaral na nasa antas ng pagkabigo ay papasok sa itinakdang oras
upang maturuan ng guro, at mga nagboluntaryong magulang.

Partner Reading

Ang mga mag-aaral na nasa antas ng pagsasarili ay katuwang o kaagapay na ng mga guro sa
pagpapabasa, Sa ganitong paraan ay mas mas nakakatulong sila sa kanilang mga kamag-aral at
nahahasa pa ang kanilang kasanayan sa pagbabasa.

Sa kabila ng nararanasang suliranin sa antas ng pagbabasa ng mga mag-aaral ng Paaralang


Elementarya ng Dr. Alfredo Pio De Roda. Ang Pamunuan ng paaralan ,at mga magulang ay sama
sama at tulong tulong upang masolusyunan ang problema sa kinakaharap ng mga mag-aaralng mga
mag-aaral.

You might also like