You are on page 1of 12

Unang araw

Subukin Mo

Piliin ang titik ng angkop na wakas


1.Nagtatrabaho sa Dubai ang ama ni Lendy.Nakauwi na siya.
a.Masayang masaya si Lendy
b.Natatakot siya
c.Malungkot talaga siya
d.Umiyak nang umiyak siya
2.Luto na ang sinaing ni Ann.Hindi niya pinatay ang apoy.
a.Nasunog ang sinaing
b.Natapon ang sinaing
c.Nabasa ang sinaing
d.Tamang tama ang luto nito
3.Namalengke si nanay.Wala siyang face mask.
a.Babalik siya at iiyak
b.Magagalit siya sa anak
c.Uuwi at kukunin ang face mask
d.Maligaya siyang babalik
Balikan Mo
Isulat ang titik ng angkop na bunga sa mga sanhi
1.Walang face shield nang nagpunta si Mimi sa Mall.
a.Hindi siya pinapasok
b.Nagwala siya
c.Masaya siya
d.Tumalon siya sa tuwa
2.Sapat ang tulog,pagkain,at ehersisyo ni Roy araw-araw
a.Matamlay siya
b.Malusog siya
c.Sakitin siya
d.Namayat siya
Ikalawang Araw
Tuklasin Mo
Basahin ang nakasulat sa teksto at sagutan ang mga tanong.
Darating ang tiya nina Dina at Danie.Susunduin nila ito sa
paliparan.May dala itong regalo para sa kanila.Tablet ang regalo
kay Dina at cellphone naman ky Danie.Gusto ni Danie ang tablet
at si Dina naman,ang cellphone.
Sagutin ang mga tanong:
1.Sino ang darating?
a.Danie
b.Tiya
c.Dina
d.lola
2.Saan pupunta sina Dina at Danie?
a.mall
b.plasa
c.paliparan
d.dagat
3.Ano ang regalo ni Dina at Danie?
a.cellphone at tablet
b.tablet at relo
c.damit at sapatos
d.pagkain
Suriin Mo

Ang wakas ay pinakamahalagang bahagi ng isang


kuwento. Ito ang nagbibigay ng kahulugan sa mga
kaganapan dito. Dapat unawain at pag-ugnay-
ugnayinang mga pangyayari upang ang gagawing
wakas ay angkop. Sa kuwentong binasa, angkop na
wakas ang magpapalitan ang magkapatid ng regalo.
Ikatatlong Araw
Pagyamanin Mo
Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang mga kuwento.
1. Biglang bumangon sa kama si Rosa nang marinig ang
sigaw ng nanay niya. Nakatihaya ito sa sahig.
a. Tutulungan niya ito. c. Pagagalitan ito.
b. Hahayaan ito. d. Tatalikuran niya ito
2. Marunong magbisikleta si Ching. Gusto ni Lot na matuto
rin. Minsan, dinala ni Ching ang bisikleta sa parke kasama si
Lot.
a. Sisirain nila ito. c. Ibebenta nila ito.
b. Magbibisikleta sila. d. Ipapahiram nila ito.
Isaisip Mo

Sa pagbigay ng wakas sa isang kuwento, nararapat


napag-ugnay-ugnayin ang mga pangyayari mula sa
simula hanggang sa dulo upang maging karapat-dapat at
angkop ang maibibigay na wakas.
Ikaapat na Araw
Isagawa Mo
Panuto: Sumulat ng angkop na wakas sa kuwento.
Inipon ni Mae ang mga natirang pagkain at
hinugasan niya ang pinggan. Narinig niya ang tinig ng
kanyang pusa.
a. Papakainin niya ang pusa. c. Paglalaruan niya ito.
b. Paaalisin niya ang pusa. d. Paliliguan niya ito.
Tayahin Mo
Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na wakas.
1. Lumalakad si Rea pauwi. Umulan. Wala siyang payong.
a. Nabasa siya. c. Malinis pa rin siya.
b. Hindi siya nabasa. d. Tuyong-tuyo ang damit niya
2. May kuneho si Jing. Bukas ang kulungan nito. Wala si
Jing.
a. Umiyak ang kuneho. c. Nakawala ito.
b. Nagkasakit ito. d. Nakatulog ito.
3. Matiyaga sa pag-aaral at nakikinig ng leksyon si Lupe.
a. Aasenso siya. c. Gagapang siya.
b. Maghihirap siya. d. Tataas ang grado niya.

4. Mahal ni Nina ang kanyang aso. Nagkasakit itong bigla.


a. Masaya si Nina. c. Malungkot si Nina.
b. Natakot si Nina. d. Maglalaro si Nina.

5. Naglalaro ang mga bata. Biglang tumunog ang bell.


a. Maglalaro pa rin. c. Sisigaw sila.
b. Papasok na sa klase. d. Magsasalita sila
Ikalimang Araw
Karagdagang Gawain Mo

Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang


maikling kuwento.
Maaga pa. Pinilit ni Annie na bumangon. Nag-
unat
siya at humikab. Inaantok pa siya. Nais pa
niyang matulog.
Naalala niya na araw pala ng Sabado.

You might also like