You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6


Ikaapat na Markahan Unang Linggo Ikaapat na Araw

Petsa: Abril 27, 2023 Oras: 10:10-10:45 am

MELCs
Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga suliranin sa pagedeklara ng Batas Militar
2. Naiisa-isa ang mga suliranin sa ilalim ng Batas Militar
3. Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga pangyayari sa Ilalim ng Batas Militar

II. Nilalaman
A. Paksa: Suliranin at Hamon sa Kasarinlan ng Pilipinas sa Ilalim ng Batas Militar
B. Sanggunian: MELC p. 45
PIVOT 4A BOW p. 155
SLM SDO Pasig
www.google.com

C. Kagamitan: slide deck, larawan

D. Pagpapahalaga: pagmamahal sa bansa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik – Aral
Pangkatin ang mga salita ayon sa uri ng epekto ng Batas Militar sa mga mamamayan

B. Panlinang na Gawain
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
1. Pagganyak
Ano-anong mga pangyayaring ipinakikita sa mga larawan sa ?

2. Paglalahad
Nang mapasailalim ang buong bansa sa batas militar sa deklarasyon ni pangulong Marcos, lalong nalagay sa
alanganin ang bansa. Iba’t-ibang suliranin at hamon ang kinaharap nito na nakaaapektp sa halos lahat ng
mamamayan. Nagkaroon ng malawakang curfew at kapangyarihan ang bansa kung saan ang mga tao ay takot ng
kumilos. Masyadong mahigpit ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas na nagdulot ng suliranin sa kalakalan,
kabuhayan,pulitika, at kabuhayan na lalong nagpapahina sa ekonomiya ng bansa. Kontrolado ng militar ang bawat
galaw ng tao.Tuluyang nawala ang mga karapatan ng bawat mamamayang Pilipino. Takot, panganib at pangamba ang
namayani sa puso ng mga tao sa ilalim ng batas militar.

3. Pagtatalakayan
1.Mga Suliraning Panlipunan
Ang mga mayayaman at mga pulitiko ay nagtatag ng kani-kanilang private army.
Madali ang pamimili ng armas at baril, karamihan ay galing sa ibang bansa.
Tumaas ang antas ng krimen sa bansa, marahil dahil sa malayang bilihan ng armas at lumalagong mga private army.

Pagsilang ng Aktibismo
Naging laman ng lansangan ang mga mag-aaral at doon ipinaririnig ang kanilang batikos at puna sa maraming bagay
gaya ng:
a. Patuloy na lumalaganap na katiwalian sa pamahalaan
b. Paglabag sa karapatang pantao
c. Pagtaas ng tuition fee
d. Militarisasyon at pang-aabuso ng mga militar
e. Pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos
f. Mga maling patakaran ng pamahalaan

2. Suliranin sa Pambansang kapayapaan at Kaayusan


Lumaganap din ang krimen sa bansa. Dumami ang walang lisensyang baril.
Naglitawan ang mga private armies.
Laganap ang rali , welga, pulong at demonstrasyon ng mga estudyante at mangaggawa.
Ang mga kamag-anak, kaibigan at kapartido ni Marcos ay gumamit ng karahasan upang maisulong ang kani-kanilang
pansariling interest at kapakanan

3. Suliraning Pangkabuhayan
A. Patuloy na lumaki ang panlabas na utang ng pamahalaan dahil sa laganap na katiwalian nito. B. Ang mga
proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang niya sa mayayamang bansa.
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
C. Tumaas ang halaga ng langis sa pandaigdigang palengke.
D. Patuloy na umangkat ang pamahalaang Marcos, kaya tumaas din ang halaga ng mga bilihin. E. Nagsipagwelga ang
mga manggagawa sa mga pabrika, pagawaan at iba pang establisimyentong pangkalakalan.
F. Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit nilapastangan naman ng mga ito an
gating likas na yaman

4. Suliraning Pampolitika
Naging magulo ang kalagayang pampulitika sa ating bansa dahil sa pagsibol ng iba’t-ibang idelohiya at paniniwala.
Nakadagdag pa ang black propaganda sa gulo at pagkawatak-watak ng mga mamamayan. Iba’t-ibang samahan ang
naitatag sa ating bansa simula pa noong 1963 tulad ng:
Communist Party of the Philippines (CPP)
National Democratic Front (NDF) at National Peoples’ Army (NPA)
Kabataang Makabayan
Lapiang Manggagawa
Malawakang Samahan ng mga Magsasaka
Movement for the Advancement of Nationalism, at iba pa.

Sa Mindanao, lalong lumala ang hidwaan ng mga Kristiyano at Muslim. Binuo ang Moro National Liberation Front
(MNLF), sa pamumuno ni Nur Missuari,na may layuning bumuo ng isang bansang Moro at ihiwalay ang pamamahala
nito na sumasaklaw sa mga pulo ng Mindanao, Sulu at Palawan.

Maraming pagdukot at pagpatay sa mga pinuno at mga kawani ng pamahalaan ang kinasangkutan ng NPA. Balak ng
kilusang ito na pabagsakin ang pamahalaan ng Pilipinas.

Nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan dahil sa paggamit ng kapangyarihan ng administrayong Marcos.


1. Tinanggal ang ilang tanggapan at kawanihan at lumikha ng bagong tanggapan.
2. Pinagsama ang kapangyarihang ehekutibo at lehislatibo at lumikha ng panibagong batas Nawalan ng
kapangyarihan ang Senado at Kongreso
3. Siya lang ang may kapangyarihan sa anumang ipinasya ng hukumang militar, na kalaunan ay naging diktador.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano-anong suliranin ang dinanas ng bansa sa panahong iyon?
2. Nalutas ba ang mga suliraning ito?
3. Bakit nakaranas ang mga Pilipino ng kahirapan noong panahong ito?
4. Paano binago ni pang. Marcos ang pamahalaan?
5. Makatwiran baa ng ginawa ni Pang. Marcos noong panahong yaon? Bakit?

4. Pagsasanay
Pagtapatin ang kolum A sa Kolum B. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Kolum A Kolum B
___1. MNLF A. Nalabag sa mga mamamayan
___2. Karapatang Pantao B. Pag-aari ng mga mayayamang Politiko
___3. Cronies C.Mamamayang bumabatikos sa pamamahala ng nasa
___4. Private Army tungkulin
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
___5. Aktibista D. Samahang ng Moro na may layuning ihiwalay ang
pamamahala sa mga pulo ng Mindanao
E. kamag-anak, kaibigan, kaalyado ni Marcos F.
Pagtatayo ng samahang pabor sa pamahalaan

5. Paglalahat
Ngayon, masasabi o matutukoy mo ba ang mga suliranin o hamon sa kasarinlan ng Pilipinas sa ilalim ng Batas
Militar? Isa-isahin ang mga ito.

6. Paglalapat
Itanong: Ang dinanas ng ating mga mamamayan sa panahong ito ay di-biro. Maraming di-mabuting pangyayari ang
kanilang naranasan. Bilang mag-aaral ano ang kaya mong gawin upang hindi na maganap ang ganitong pangyayari?

7. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang suliraning pangkabuhayan?
A. Lumaganap ang krimen sa bansa.
B. Naitatag ang iba’t-ibang samahang lumalaban sa pamahalaan.
C. Nagpatuloy ang welga ng mga manggagawa dahil sa maliit na pasahod.
D. Paglabag sa karapatang pantao ng mga kapulisan.

2. Maraming suliranin ang naranasan ng Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar, alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa suliraning pampolitika?
A. Patuloy ang pagtatayo ng private army ng mayayamang politico.
B. Paglabag ng military sa karapatang pantao
C. Paghihirap ng mga mamamayandahil sa kawalan ng trabaho.
D. Pagtatayo ng mg samahang CPP/NPA na nakikipaglaban sa pamahalaan.

3. Alin samahan ang naitatag ni Nur Missuari bilang lider nito na nagnanais na ihiwalay ang pamamahala nito na
sumasaklaw sa mga pulo ng Mindanao, Sulu at Palawan?
A. National Democratic Front
B. Communist Party Of The Philippines
C. New People’s Army
D. Moro National Liberation Front

4. Ang mga sumusunod ay suliraning pangkabuhayan maliban sa isa. Ano ito?


A. Pagbaba ng pasahod sa mga manggagawa.
B. Patuloy na pagbili ng mga armas ng mga politiko para sa sarili.
C. Pagbaba ng halaga ng piso sa pandaigdigang palitan.
D. Lumaki ang utang ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa katiwalian.

5.Alin ang hindi binago ni Pang.Marcos sa kanyang pamamahala sa bansa?


A. Lumikha ng bagong tanggapan
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
B. Gumawa ng mga batas para sa mga mamamayan
C. Binigyan niya ng tungkulin ang Kongreso at Senado
D. Siya lang ang tanging may kapangyarihan sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

IV. Kasunduan
Basahin at laging pag-aralan ang mga aralin sa AP.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


Pagtataya_____

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation_____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na


nakaunawa sa aralin______

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng


lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan


sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na


nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro

Inihanda ni:

CHEENY M. DE GUZMAN
Teacher

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202

You might also like