You are on page 1of 3

DAILY School: PUNOT ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: III

LESSON PLAN Teacher: ERICKA PAULA A. ISON Learning Area: ESP


( DLP ) Teaching Date September 18, 2023 1st QUARTER
Quarter:
and Time: 10:55-11:25 AM WEEK 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan at
pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng katatagan ng
kalooban
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng katatagan ng kalooban .
EsP3PKP- Ic – 16
II. NILALAMAN Matatag Ako, Kaya Ko!
Inaasahan na naipamamalas mo ang kakayahang nakatutukoy ng mga
damdamin na nagpamamalas ng katatagan ng kalooban
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina ng Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng kagamitang Pang
Mag-aaral
B. Iba pang Kagamitan Laptop, tsart, larawan, manila paper, graphic organizers
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Ano ang mga natutuhan natin sa ating huling aralin tungkol sa katatagan ng loob?
pagsisismula ng bagong aralin

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Bakit dapat nating tatagan ang ating loob?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Mula sa mga lobo na iguguhit ni titser.Isulat sa loob nito ang damdaming
bagong aralin nagpapakita ng katatagan ng loob?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at - Gaano katatag ang iyong kalooban?


paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto ng Indibidwal na Gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #2
Ilarawan ang inyong nararanasang pag-unawa sa kahalagahan ng
sariling kakayahan at pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
F. Paglinang ng Kabihasaan Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang-papel.
1. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, maliban sa:
a. Pagsasabi ng totoo kahit mapagalitan
b. Pagtanggap ng pagkatalo nang may ngiti
c. Tinatanggap ang pangaral ng mga magulang
d. Tinataasan ng boses ang kaklaseng may katampuhan
2. Paano dapat pakikitunguhan ang pambu-bully ng kaklase?
a. Lumiban sa klase
b. Huwag kumibo kapag binu-bully
c. Sabihin sa guro ang totoong pangyayari
d. Makipag-suntukan sa kaklaseng nang-aapi
3. Habang naglilinis ng kanilang silid–aralan, hindi sinasadyang natapik ni Rio ang
paso ng bulaklak ng kanilang guro dahilan upang ito ay mabasag. Alin ang tamang
gawin ni Rio?
a. Hindi kikibuin ang guro kapag kinausap.
b. Ituro ni Rio ang kaniyang kaklase na siyang nakabasag ng
paso.
c. Itago ang nabasag na paso upang hindi malaman ng guro.
d. Kailangang aminin ni Rio sa gurong tagapayo ang totoong nangyari.
4. Pumipila sa canteen para makabili ng pagkain si Edgar nang biglang sumingit sa
pila si Ricky. Sa halip na magalit si Edgar, wala siyang ginawa kundi ang hindi
pagpansin sa inasal ni Ricky. Anong katangian ang ipinakita ni Edgar?
a. Tiwala sa sarili
b. Pagiging positibo
c. Pagpipigil sa sarili
d. Lahat ng nabanggit
5. Ikaw ang napili sa inyong klase upang lumahok sa isang gaganaping patimpalak
sa paaralan. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Mag-ensayo at ihanda ang sarili sa patimpalak
b. Huwag kausapin ang guro dahil ikaw ang napili
c. Lumiban sa klase ng walang paalam sa araw mismo ng patimpalak
d. Ipagmalaki sa lahat na ikaw ang napiling kalahok sa gaganaping patimpalak.
G. Paglalahat ng Aralin Suriin ang sumusunod na mga sitwasyon. Lagyan ng tsek (√ ) kung ito ay ginagawa
mo at ekis ( X ) kung hindi. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Tinatanggap ko ang pagkatalo na maluwag sa aking kalooban.


2. Nagdadabog ako kapag inuutusan.
3. Magsasabi ako nang totoo kahit ako ang mapapagalitan.
4. Humihingi ako ng paumanhin sa kasalanang aking nagawa at iniiwasan ko ang
makipag-away.
5. Tatanggapin ko ang mga pangaral sa akin ng mga nakatatanda.
Kumusta ang iyong ginawa? Ang gawaing iyong natapos ay isang paraan lamang
upang madiskubre ang taglay mong katatagan ng kalooban.
H. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Ang mga damdamin ipinamalas ng isang bata ay may matatag na kalooban.
araw na buhay
IV. PAGTATAYA NG ARALIN
Iguhitangmasayangmukha kungnagpapakita ng katatagan ng loob at

malungkotnamukha kung hindi.


_____1.Nagsasabi ng totoo sa kasalanan na ginawa.
_____2.Ang matatag na loob ay hindi nagpapakita ng galit sa kapwa.
_____3. Madaling mapikon sa pag-uusap o salaro.
_____4, Mahinahon nakikipag-usap sa nakasamaan ng loob.
_____5.Tinatanggap ang pagkatalo nang nakangiti.
V. TAKDANG-ARALIN Pag-aralan ang sumusunod na mga larawan. Alin sa mga ito ang sa tingin mo ay
nagpapakita ng katatagan ng kalooban? Bakit mo ito nasabi?

V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na ___ mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang mga aktibidad para sa
nangangailangan ng iba pang Gawain remidiation
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ___Oo ___Hindi
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin ___ mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy ___ mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng
sa remediation remidiation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo Epektibong estratehiyang ginamit:
ang nakatulong ng lubos? Paano ito • ___ Metacognitive Development: Mga Halimbawa: pagsusuri sa sarili, mga
nakatulong? diskarte sa pagkuha ng tala at pag-aaral, at mga takdang-aralin sa bokabularyo.
• ___ Pagtutulay (Bridging): Mga Halimbawa: think-pair-share, quick-writes, at
anticipatory chart.
• ___ Pagbuo ng Iskema: Mga Halimbawa: pagkakaiba at pagkakatulad, pag-aaral
ng jigsaw, peer teaching, at mga proyekto.
• ___ Kontekstwalisasyon: Mga Halimbawa: demonstrasyon, media,
manipulatibo, pag-uulit, at mga lokal na pagkakataon.
• ___ Text Representation: Mga Halimbawa: pagguhit, video, at laro na likha ng
mag-aaral.
• ___ Pagmomodelo: Mga Halimbawa: Mabagal at malinaw na pagsasalita,
pagmomodelo ng wikang gusto mong gamitin ng mga mag-aaral, at pagbibigay ng
mga halimbawa ng gawain ng mag-aaral.
Iba pang mga Teknik at Istratehiyang ginamit:
___ Tahasang Pagtuturo
___ Pagtutulungan ng pangkat
___Gamification/Pag-aaral sa pamamagitan ng paglalaro
___ Pagsagot sa mga paunang gawain/pagsasanay
___ Carousel
___ Diads
___ Muling Pagbasa ng mga Talata/Tula/Kuwento
___ Differentiated Instruction
___ Role Playing/Drama
___ Paraang Pagtuklas
___ Paraang Lektura
Bakit?
___ Kumpletong IMs
___ Pagkakaroon ng mga materyales
___ Ang pananabik ng mga mag-aaral na matuto
___ Kolaborasyon/pagtutulungan ng miyembro ng grupo sa paggawa ng kanilang
mga gawain
___ Audio Visual Presentation ng aralin
F. Anong suliranin ang aking naranasan __ Bullying sa mga mag-aaral
na solusyonan sa tulong ng aking __ Pag-uugali/saloobin ng mga mag-aaral
punongguro at superbisor? __ Makukulay na IMs
__ Hindi Magagamit na Kagamitan sa Teknolohiya (AVR/LCD)
__ Science/ Computer/ Internet Lab
__ Karagdagang mga gawaing Klerikal
G. Anong kagamitang panturo ang aking Mga Nakaplanong Inobasyon:
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga __ Kontekstwalisayon/Lokalisasyon at Indiginisasyon ng IM's
kapwa ko guro? __ Mga Lokal na Video
__ Paggawa ng malalaking libro mula sa mga tanawin ng lokalidad
__ Pagre-recycle ng mga plastik na gagamitin bilang IMs
__ lokal na komposisyong patula

Inihanda ni:

ERICKA PAULA A. ISON


Teacher III
Iniwasto ni:
ANNA MADELYNE C. MALGAPO
TIC/MTII

You might also like