You are on page 1of 3

KONSEPTO SA PAGBUO NG MODYUL PARA SA FILIPINO 3

Ang edukasyon sa new normal ay isang hamon sa Kagawaran ng Edukasyon upang


isulong ang edukasyon sa kabila ng nakamamatay na pandemya na dulot ng covid-19. Kaya
pinagtibay at ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang Modular (Printed), Modular
(Digitized), Online, Educational TV, Radio-Based Instruction, Home Schooling and Blended
Learning.
Ang online distance learning at modular distance learning ay ipinatupad ng City Schools
Division of Dasmarinas. Sa online distance learning ginamit ang Learning Management System
(LMS) kung saan ang mga mag-aaral ay may pribilehiyong ma-access ito kung mayroon silang
internet connection. Ang modular distance learning ay ang paggamit ng mga modyul na ginawa
ng mga guro na may iba't ibang gawain at mga gawain sa pagkatuto. Ang mga modyul ng
parehong modalities ay gumagamit ng Self-Learning Modules (SLM) batay sa Most Learning
Competencies (MELCS) na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang bawat bahagi ng mga
modyul ay may pagganyak at pagtatasa na nagsisilbing gabay ng mga guro at estudyante.
Kung kayat’t bilang tugon sa hamon ng Kagawaran ng Edukasyon, binuo ng modyul sa
Filipino para sa ikatlong baitang upang sila ay may magamit sa kanilang pag-aaral.
Sa modyul ng Filipino 3 ay maipapahayag ng mag-aaral ang kaisipan, pananaw at
damdamin tungkol sa kanilang sarili, pamilya, kaibigan, tahanan paaralan at pamayanan.
Ang layunin ng pagtuturo ng Filipino ay malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2)
replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
May mga pamantayang pangnilalaman sa pagtuturo ng Filipino kaya nakapaloob sa modyul
ang sumusunod:
 Pakikinig- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa
sa napakinggan
 Pagsasalita- Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
 Pagbasa- Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog, naipamamalas
ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang ugnayan ng simbolo at
wika, naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang
pamilyar at di-pamilyar sa salita, at naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan.
 Pagsulat- Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat at nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat.
Sa katapusan ng bawat modyul, ang mga mag-aaral ay nakakaya ng ipakita ang
kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipahayag ng mabisa
ang mga ibig sabihin at nadarama. At ang bawat nilalaman ng modyul ay may pamantayan ng
nilalaman. Bawat mag-aaral ay inaasahan na may natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
gawaing pampagkatuto.

Inihanda ni:

MELLANIE P. VILLANUEVA
Teacher III

Pinagtibay:

JOSEFINO P. REYES
Principal III

DR. FRAGILYN B. RAFAEL


Education Program Supervisor
Education in the new normal is a challenging task in the Philippines to push through education
amidst the deadly pandemic caused by covid-19. The Department of Education (DepEd) adopted
and implemented online distance learning and modular distance learning. Online distance
learning is implemented using Learning Management System where learners have the privilege
to access it if they have internet connection. Modular distance learning is the use of modules
made by teachers with different tasks and learning activities. Modules of both modalities uses
Self-Learning Modules (SLM) based on the most essential learning competencies (MELCS)
provided by DepEd. The modules include sections on motivation and assessment that serve as a
complete guide of both teachers' and students' desired competencies.

You might also like