You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
Malitam Elementary School

GRADE 1 to 12 Paaralan (School) MALITAM ELEMENTARY SCHOOL Baitang/Antas 1


(Grade Level)
DAILY LESSON
Guro (Teacher) Sir Jon Albert C. Puyo Asignatura Health
(Learning Area)
Petsa/Oras (Teaching Markahan 4th Quarter
Date & Time) (Quarter)
Week 8-Day 4

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
The learner demonstrates understanding of safe and responsible behavior to lessen risk
and prevent injuries in day-to-day living
B. Pamantayang Pagganap:
The learner appropriately demonstrates safety behaviors in daily activities to prevent injuries
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
Practices ways to protect oneself against violent or unwanted behaviors of others
D. Layunin:
1. Natutukoy ang mga paraan upang protektahan ang sarili laban sa marahas o hindi
gustong pag-uugali ng iba.
2. Naisasagawa ang mga paraan upang protektahan ang sarili laban sa marahas o
hindi gustong pag-uugali ng iba.
3. Nabibigyang halaga ang mga paraan upang protektahan ang sarili laban sa marahas
o hindi gustong pag-uugali ng iba.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Mga Paraan ng Pangangalaga sa Sarili Laban sa mga Karahasan at
Masamang Gawi
B. Sanggunian: MELC pahina 243, PIVOT SLMs Arts 1 pahina 34-37
C. Kagamitan: larawan, powerpoint presentation
D. Integrasyon: ESP- Mabuti at Masamang Gawain
E. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga paraan upang protektahan ang sarili laban
sa marahas o hindi gustong pag-uugali ng iba.
III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Panuto: Lagyan ng kung ang larawan ay nagpapakita ng tamang
paghawak at kung mali.
2. Pagganyak
Pagganyak na tanong: Ikaw ay niyakag ng iyong kaklase na sumubok
uminom ng alak at manigarilyo, ano ang iyong gagawin? Isadula ito sa
unahan.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang aralin sa tulong ng mga larawan.

2. Pagtalakay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
 Ano-ano ang mga gawaing ipinakikita sa mga larawan? Tama ba ito o mali?
Ipaliwanag ang sagot.
 Ano-ano pang masamang gawi ang iyong dapat iwasan?
 Kung ikaw ay mahaharap laban sa mga kaharasan tulad ng nasa larawan,
ano ang iyong gagawin?
 Bakit mahalaga na pangalagaan ang sarili laban sa mga karahasan o
kasamaan?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
A. Panuto: Lagyan ng X ang mga bagay na dapat mong iwasan na hawakan upang
mapangalagaan ang iyong sarili ay tsek (√) naman kung hindi.
_____1. Gulok
_____2. Panyo
_____3. Thumbtacks
_____4. Pako
_____5. Bubog

B. Panuto: Lagyan ng hugis puso ang larawan na nagpapakita ng ligtas na gawain


at star o bituin kung hindi.
2. Paglalahat
• Bakit mahalaga na pangalagaan ang sarili laban sa mga karahasan o
kasamaan?
Tandaan:
Bawat tao ay dapat mapangalagaan ang sarili laban sa mga karahasan
o kasamaan upang mabuhay ng ligtas at payapa.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang MALI kung ang pahayag ay nagsasaad ng maling gawain para
sa pangangalaga sa sarili at TAMA naman kung nagsasaad ng mga tamang
gawain.
___1. Sinisigawan ni Edna si Elsa sa gitna ng kalsada.
___2. Si Menard ay umaakyat sa puno ng manga kasama ang kanyang
nakababatang kapatid.
___3. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigang Nelson at Romy tungkol sa
kanilang pinag-aralan sa paaralan.
___4. Sugatan ang sarili gamit ang kutsilyo dahil hindi ka nakapasa sa inyong
pagsusulit sa Matematika.
___5. Maligo at magsuot ng malinis na damit araw-araw.

V. Kasunduan:
Panuto: Magtala ng limang paraan kung paano mo mapangangalagaan ang iyong
sarili.
1. ___________________________________________
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________
4. ___________________________________________
5. ___________________________________________

Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.______
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa aralin______
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation_______

Inihanda ni:

JON ALBERT C. PUYO


Teacher I

Pinansin ni:

MARIFE D. FRANE, PhD


Principal IV

You might also like