You are on page 1of 11

Learning Area EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO I

Learning Delivery Modality Modular Distance Learning (MDL)

LESSON Paaralan BULI ELEM. SCHOOL Baitang 3


EXEMPLAR
Guro JENETTE M. VILLANUEVA Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao

Petsa Ika-10 ng Pebrero, 2022 Markahan Ikalawang Markahan

Oras 8:00-8:30 Bilang ng Araw 5

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga gawaing pambata sa komunidad at
paaralan
- paglalaro
- programa sa paaralan
2. Naipapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga
gawaing pambata.
3. Napahahalagahan ang mga gawaing pambata nang may
kasiyahan sa gawain.

A.Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…


Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pakikipagkapwa.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…


Naisasabuhay nang palagian ang mga makabuluhang
gawain tungo sa kabutihan ng kapwa
1. Pagiging matapat sa kapwa
2. Pantay-pantay na pagtingin.

C.Pinakamahalagang Nakikiisa sa kayahang Pambata


Kasanayan sa Pagkatuto EsP3PD-IIh-i-17 pahina 23
(MELC) MELC PIVOT Pahina 200
(Kung mayroon,isulat ang
pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o
MELC

II. NILALAMAN Pakikiisa sa Kakayahang Pambata

INTEGRATION: Filipino, MAPEH, Scouting,

Mathematics

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay EsP3PD-IIh-i-17 pahina 23
ng Guro MELC PIVOT Pahina 200 Curriculum Guide:

b. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3,


Kagamitang Pangmag- Kagamitang pangmag-aaral, pp. 29-36
aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang https://lrmds.deped.gov.ph
Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource

B. Listahan ng mga Powerpoint, audio, pictures, video and audio,tarpapel,Arts


Kagamitang Panturo para sa Materials
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN Corstructivist Approach

STRATEGIES: Thinking Skills

The RMFD Activity


-Recall
- Model
- Familiarize
- Decide
A. PANIMULA Mga Layunin: Ipapakita ng guro ang mga layunin upang
magsilbing gabay sa pagkatuto ng mga bata:
Sa araling ito kayo ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga gawaing pambata sa komunidad at


paaralan
- paglalaro
- programa sa paaralan/Komunidad
2. Naipapakita nang may kasiyahan sa pakikiisa sa mga
gawaing pambata.

3. Napahahalagahan ang mga gawaing pambata nang may


kasiyahan sa gawain.

Recall (Past Experiences) Alamin Gawain 1:

Indicator No.3 Use effective verbal and non-verbal classroom


communication strategies to support learner understanding,
participation, engagement and achievement

(Pagbibigay ng iba’t ibang senyas kamay at berbal at di berbal sa


pakikipagkumunikasyon.
“ Mga bata upang magkaroon tayo ng maayos,mabilis at ligtas sa
anumang gawain bibigyan ko kayo ng ilang mga senyas kamay
halimbawa kapag ako ay pumalakpak ng dalawang beses at itinaas
ko ang aking kanang kamay ibig sabihin ay walang magsasalita o
dapat maging tahimik ang lahat. Kapag narinig ninyo ang salitang hi!
Sasagutin ninyo ako ng Hello! Ibig sabihin naunawaan ninyo ang
aking tinatalakay.
Panuto: Ipakita ang masayang mukha😊) ang diyalogong
nagpapakita ng paggalang o pagpapahalaga sa kapwa bátang
nabibílang sa pangkat etniko at malungkot na mukha (☹) naman
kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. “Umalis ka rito, ang itim mo!”

2. “Ang kapal ng kaniyang labi, haha!”

3. “Sa iyo na itong laruan ko, kaibigan.”

4. “Ambaho mo, umalis ka rito!”

5. “Ando, heto ang iba kong damit, sa iyo na lámang.”

Ako ay nagagalak at mahusay ninyong nasagot ang mga pagsasanay!

Pagsusuri ng Video/VIDEOSEEN

Indicator number 1: Apply knowledge of content within and


across curiculum

Gawain 2:
Panuto: Pagmasdang mabuti at suriin ang sumusunod na mga

video. Ipalakpak ng 3 beses ang kamay kung ang nasa


video ay nagpapakita ng gawaing pambatang tulad ninyo at

ipadyak naman ng 3 beses ang iyong paa kung hindi.


At tukuyin kung anong gawaing pambata ito. Integration of
MAPEH,Scouting

Pag-awit Cheering Squad


Boxing Scouting
Pagsayaw

Filipino Values Month

Sagutin ang mga katanungan.


1. Ano ang napansin mo sa bawat video (Gawaing pambata na
maaring lumahok ang sinumang bata)
2. Ano ang ginagawa ng bata o mga bata sa bawat
larawan?
3. Lumalahok rin ba kayo?
4. Ano ang ibig sabihin ng lumahok? Literacy
5. Ano ang nararamdaman mo sa tuwing nakikiisa kayo sa mga
ganitong gawain?
6. Anong ugali ang dapat taglayin ng mga mag-aaral kung
lumalahok sa ibat ibang gawain o kompetisyon?
(Pagbibigay ng papuri sa tuwing makasasagot ang mga mag-aaral)

What I know? / Subukin


“Self Check Activities”
Background knowledge ng mga bata tungkol sa aralin.
“Pre-Test or Pre-assessment”

Gawain 3:
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. ilagay ang tsek (✓)
sa pangungusap na nagpapakita ng dapat gagawin sa sitwasyon.
Integration of ICT E-GAMES
1. Nais mong sumali sa patimpalak sa pagsasayaw ngunit tila
mayroon kang pag-aalinlangan. Ano ang dapat mong gawin? Piliin
ang sa dalawang kahon ang kahon ng kabutihan at lagyan ito ng tsek

Mag-ensayo at lakasan ang loob.


Huwag na lámang sumali.

2. Pawang magagaling ang lumahok sa tagisan ng galing sa pag-awit.


Nang ianunsyo ang nanalo ay hindi ninyo ito nakamit. Ano ang
gagawin mo?

Magsisisigaw na hindi patas ang desisyon.


Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang pagkatalo.

3. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong tanggalin sa tuwing


nagtatangka kang sumali sa palaro o paligsahan?

Hiya
Galíng

4. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong linangin sa iyong


pakikiisa sa iba’t ibang gawain?

Tiwala sa Sarili
Pangamba

5. Alin sa mga sumusunod ang naidudulot ng pakikipaglaro sa kapwa


batà?

Napapaunlad ang pakikipagkapwa-tao.


Nalalamangan mo ang kalaban mo.

What’s in?
Gawain 4: Tuklasin
Pagganyak na Tanong:
Anong gawaing pampaaralan ang inyong nasalihan na?
Naranasan mo na bang tumula?
B. Development (Pagpapaunlad)
Ngayong araw halina’t pakinggan natin ang isang tula na may
pamagat na Halina’t Makilahok.

Indicator No.4 Establish safe and secure learning environments


to enhance learning through the consistent implementation of
policies, guidelines and procedures

Bago tayo magpatuloy ating balikan ang mga pamantayang dapat


mamasid sa isang gawaing tulad nito. (Magbibiay ang guro ng mga
pamantayang dapat sundin ng mag-aaral sa panonood ng video)
(Video gawa ng guro)
Halina’t Makilahok
GDViloria
Tulad ko’y isang batà
Mahilig maglaro at makiisa;
Sa mga palaro, laging nangunguna
Sapagkat may saya na nakikiisa.

Sa mga programa, paligsahan sa eskwela


Di pahuhuli, di mahihiya;
Tiwala sa sarili at pagpapahalaga
Sa iba’t ibang gawain, nakikilahok sa tuwina.

Tuwing nanalo, ako’y nagpapakumbaba


Kapag natatalo, iginagalang ang pasiya;
Hindi nagmamataas o nagagalit sa kapwa
Kundi inuunawa kakayahan ng isa’t isa.

Mga Tanong mula sa tula:


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sino ang batang nanaginip?
2. Ano ang kanyang napanaginipan?
3.Ano ang pamagat ng maikling tula?
Pagtalakay sa Aralin gamit ang Frayer’s Model o Graphic
Model Organizer

IndicatorNo.6. Maintain learning environments that


nurture and inspire learners to participate, cooperate and
collaborate in continued learning

Pangkatang Gawain Gamit ang graphic organizer, isulat sa loob ng


parihaba ang bawat hinihingi dito, na hango sa tula; “Halina’t
Makilahok” (Collaborative)

Gawaing Pambata
BISWAL

Halina’t Makilahok

Magbigay ng isang Magbigay ng isang


pangungusap kung saan pangungusap na
ipinakita ang kasiyahan nagpapakita ng
sa sa pakikiisa sa pagpapahalaga sa
gawaing pambata gawaing pambata
Indicator no.5 Maintain learning environments that promote
fairness, respect and care to encourage learning.
4.Ang paglalaro ay isa sa mga Karapatan ng batang katulad ngunit
tandaan rin ninyo na hindi rin sa lahat ng oras at pagkakataon ay
maglalaro na lang kayo,nakakapaglaro ba kayong lahat?

5.May alam ba kayong kakilala na sa halip bigyan ng pagkakataon


maglaro ay pinagtatrabaho o may iba pang hindi magandang
dahilan?Sabihin ninyo sa akin at handing making at tumulong
anumang oras.

6. Basahing muli ang tula ano-anong mga salita ang nagpapahiwatig


ng salitang kilos o galaw.

Indicator number 1: Apply knowledge of content within and


across cuuriculum
7. Anong bahagi ng pananalita ang mga salita? Filipino
- maglaro
- makiisa
- nakikilahok
- nanalo
- nagpapakumbaba
- iginagalang
- nagmamataas

What is it? / Pagyamanin


Gawain 5 Isigaw Mo!
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isigaw ng
masigla ang HORRAY kung nagpapakita ng pakikiisa sa mga
gawaing pambata at mahinang HEPHEP naman kung hindi.
____1. Lagi kang umiiwas sa tuwing naghahanap ang iyong guro ng
kakatawan sa mga patimpalak o paligsahan. Batid mong kaya mo
naman ito.
____2. Sa tuwing sinasabihan ka ng iyong guro na sumali sa palaro
ay lagi kang nagdadahilan ng hindi totoo upang makaiwas lámang.
_____3. Sumali ka sa paligsahan sa pagtula. Nang ikaw ay nása
bulwagan na, nakita mong napakaraming tao ang nanonood.
Huminga ka ng malalim at nilakasan ang iyong loob.
_____4. Nagwagi ang kaibigan mo sa patimpalak sa pagpipinta.
Sumamâ ang iyong loob sa kaniya at hindi mo na siya binati.
_____5. Nang ikaw ay nanalo sa tagisan ng talino. Ikaw ay
nagyabang sa iyong mga kalaro.

C. PAGPAPALIHAN What’s more? / Isagawa


Gawain 6: Alin sa kanila?
Indicator No.5 Maintain learning environments that promote
fairness, respect and care to encourage learning
Panuto: Basahin ang sitwasyon.Alin sa kanila ang pipiliin
mo.Ipakita ang senyas na FINGER HEART kung nagpapakita ng
kasiyahan sa pakikilahok sa mga gawaing pambata at FINGER
PEACE kung hindi. English
Display proficient use of Mother Tongue, Filipino and English
to facilitate teaching and learning
1. Ako ay nakikipaglaro nang maayos.
2. Sumasali ako sa mga paligsahan sa aming paaralan.
3. Hindi ako nahihiyang makisalamuha sa tuwing may programa sa
aming paaralan.
4. Sa tuwing ako’y nakikilahok sa palaro o paligsahan ay
nagtitiwala ako sa sarili at sinasabing “ kaya ko ito”.
5. Iginagalang ko ang pasiya sa tuwing ako’y natatalo.

Gawain 7
Collaborative
What we can do/ Linangin
SING MO TO!

Indicator No.5 Maintain learning environments that promote


fairness, respect and care to encourage learning
-Hindi man perpekto ang ating mga boses ngunit tayong lahat
ay may kakayahang umawit.
- Walang sintunado lahat tayo ay await kaya’t halika na ang
lahat ay tumayo at tayo at await na!
Mechanics:
- Kumuha ng kapareha
- Sabayan ang awitin at sabihin ang nawawalang lyrics o ilang
bahagi ng awit sa tulong ng iyong kapareha. Music Indicator
number 1: Apply knowledge of content within and across
cuuriculum

Gawain 8 (BRINGING LEARNING ENVIRONMENT IN


THEIR OWN SETTINGS

Apply a range of successful strategies that maintain learning


environments that motivate learners to work productively by
assuming responsibility for their own learning

What else I can do? / HANDOG


Panuto: Pakinggan ang maikling balita tungkol sa pangyayaring
naganap sa aing paaralan at sagutin ang mga tanong. video sariling
gawa ng guro)

Outreach Program: Pamaskong Handog Para SA Mag-aaral


2021

Ika-17 ng Disyembre, taong 2021, nagdaos ang Buli


Elementary School ng Outreach Program: Pamaskong Handog Para
sa Mag-aaral sa Pamumuno ng PTA President ng paaralan na si
Gng. Cherine C. Mendoza, punong-guro,guro at iba pang kasapi ng
organisasyon.Dumalo rin bilang panauhin ang kapitan ng barangay
na si Kapitan Edwin Semaña.Nakilahok ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbibigay ng regalo o halaga na aabot sa 500
piso. Tuwa,galak at pasasalamat ang naramdaman ng lahat sa
tulong na ito. Isang daan at dalawampung mag-aaral na higit na
nangangailangan ang nabigyan ng Pamaskong Handog. Kabilang sa
mga mag-aaral na ito ay kasama sa mga pamilya na inilipat sa
Gawad Kalinga sa ibabang bahagi ng ating barangay na
pinagkalooban ng lupa’t bahay dahil sa kalamidad na pagputok ng
bulkan at bagyo, mga pamilyang nawalan ng permanenteng hanap-
buhay o mga pamilyang nawalan ng hanap-buhay dahil sa
pandemic. Hindi nakalimutan ng lahat na sundin ang health
protocols tulad ng social distancing,paggamit ng alcohol at
pagsusuot ng facemask.Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral at
pamilya sa biyayang kanilang natanggap.
Sagutin ang mga katanungan:
1. Ano ang pamagat ng proyekto?
2. Sino-sino ang natulungan ng proyektong ito?
3. Kayo ba ay nakiisa sa gawaing pampaaralan na ito? Sa paanong
paraan?
4. Sa inyong palagay ang mga kamag-aaral lang ba ninyo na
nagkaloob ng 500 piso ang maaaring lumahok sa ganitong mga
gawain?
5. Paano mo pahahalagahan ang mga ganitong gawain?
Indicator number 1: Apply knowledge of content within and
across cuuriculum
6. Kung ang halaga ng bawat regalo at 500 piso at may 120 mag-
aaral ang nabigyan, magkano ang kabuuang halaga ang lahat ng
regalo? Mathematics
7. Anong proseso ang gagamitin? 120 x 500? Mathematics
8. Tandaan na sa pagpaparami ng mga bilang na may 2 at 3 –digit
sa pamamagitan ng multiples of 10 and 100, imultiply muna ang
non-zero digits pagkatapos ay iannex ang zeros sa product.ano ang
kasagutan sa 120x500? Mathematics
9. Paano isinaalang-alang ang kalusugan ng bawat isa? (HOTS)
10. Bakit kailangang bigyang pansin ang health protocols na
ibinigay ng DOH?(HOTS)

D. PAGLALAPAT What I have learned / Isa-isip


Ano ang aking natutunan? (Generalization)
Tandaan:
Familiarize
Ano-ano mga kabutihang dulot ng paglalaro o pakikilahok sa
mga gawaing pambata.
a. napagyayaman mo ang iyong kakayahan;
b. nalilinang mo ang tiwala sa sarili;
c. nawawala ang hiya sa sarili;
d. natututo kang makipagkapwa-tao sa mga bátang katulad mo.
e. nalalaman mo ang wastong pag-uugali sa tuwing nanalo o natatalo
sa paligsahan.

*Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga


gawaing pambata.
Lumahok sa mga paligsahan ng may kasiyahan
Aawitin sa tonong: Masaya ang Sama-Sama Music
Indicator No.3 Use effective verbal and non-verbal classroom
communication strategies to support learner understanding,
participation, engagement and achievement
Mga bata,Hi!
(Pagbigkas ng guro ng katagang Hi na ngangahulugang
naunawaan ba nilaang aralin at Hello naman ang isasagot kung
naunawaan ng mga bata)

Decide Gawain 9 Ano Ang Aking Natutunan


Pagtataya
Panuto: Lagyan ng TAMA ang bawat diyalogo sa ibaba na
nagpapakita ng pakikiisa sa mga palaro o paligsahan at iba pang
gawaing pambata. MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
___1. “Ben, ikaw na lang ang sumali sapagkat nahihiya ako kasi
napakaraming manonood.”
___2. “Lina, mauna ka na sa paaralan, tinatamad akong dumalo sa
programa.”
___3. “Benny, ayaw kong sumali dahil natalo tayo. Naiinis ako!”
___4. “Marites, halika at tayo’y dumalo sa programa sa paaralan
tungkol sa pagbabasá. Nais kong matunghayan ito at matuto.”
___5. “Salamat po, Panginoon, sa aming pagkakapanalo. “

Gawain 10
Indicator No.5 Maintain learning environments that promote
fairness, respect and care to encourage learning.
Takda:
Retrospect Batang Batangueño Challenge/Task:
Panuto: Sumali sa isang laro o paligsahan kasama ang iyong mga
nakababata o nakababatang kapatid,magulang o sinomang kasama
sa bahay. Ipakita mo ang katangian ng pagiging mabuting bata sa
pakikipaglaro lalo na kung ikaw ang nataya at natalo sa laro.
Maaaring mag-post ng picture sa facebook o magmensahe sa guro
kung paano mo naipakita ang kabutihan mo at kung ano ang
naramdaman mo tungkol sa ginawa mo.

V. PAGNINILAY Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong personal na


natutunan mula sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga
pahayag sa ibaba.

Nauunawaan ko na
_________________________________________________
Nabatid ko na
______________________________________________________

Inihanda ni:
JENETTE M. VILLANUEVA
TEACHER III

Binigyan Pansin ni :

DELIA C. ISLA
MASTER TEACHER II

Pinagtibay:

MARILOU T. SARA
PRINCIPAL III

You might also like