You are on page 1of 2

Banghay- Aralin sa FILIPINO

Ika-7 Baitang
Guro: Bb. Lyndell Grace G. Tan

I. LAYUNIN
a. Natukoy ang pang-uring panlarawan gamit ang mga larawan,
b. Napapahalagahan ang pang-uring panlarawan sa pamamagitan ng paggamit nito sa pangungusap; at
c. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang mga pang-uring panlarawan.
II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Pang-uring Panlarawan
b. Sanggunian: Pluma 8
c. Kagamitan: Laptop, Powerpoint, at mga Larawan
III. Pamamaraan:
 Mga Gawain
 Panalangin
 Pagtatala ng Liban
 Balik-aral
A. Pangganyak:
 Ilarawan Mo!
1. Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay
bibigyan lamang ng isang minuto upang mailarawan ang mga larawang ibinigay. Kung
sinong pangkat ang may pinakamaraming nagawang paglalarawan ay siyang panalo.
2. Guro: mula sa ating ginawang laro na paglalarawan, ano kaya sa tingin ninyo ang ating
tatalakayin ngayon?
Mag-aaral: Pang-uring panlarawan
B. Pagtatalakay sa paksa
o Pang-uring Panlarawan
 Ito ay uri ng pang-uri na nagpapakita ng laki, kulay, hugis o kalagayan ng
pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Malaking brilyante Bilog na unan
Asul na bahay Mahirap na pamilya

Guro: Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may pang-uring panlarawan.

Guro: Ngayong natalakay na natin ang pang-uring panlarawan, sino ang makapagbibigay
ng pangungusap gamit ang pang-uring panlarawan?

C. Gawain
o Gamit ang larawan, bumuo ng limang pangungusap gamit ang mga pang-uring
panlarawan na natutunan sa ating talakayan.
o Ipasa ang mga sagot sa Messenger ng guro.

D. Paglalahat
o Sa ating mga tinalakay, ano ang magandang naidudulot nito sa ating
pakikipagatalastasan araw-araw?
E. Pagtataya
Tukuyin ang mga nakasalungguhit na pang-uring panlarawan kung ito ba ay nagpapakita ng laki,
kulay, hugis, o kalagayan ng pangngalan o panghalip.
1. Suot ko ang magandang damit ni nanay.
2. Masarap matulog sa asul na kuwarto.
3. Pakilagay ng libro sa parisukat na lalagyan.
4. Malaki ang bahay ng aming kamag-anak.
5. Ako ay kayumanggi.
IV. Takdang-Aralin

Gumawa ng isang tula patungkol sa iyong ama o ina, na may dalawang saknong at gamitin ang mga pang-uring
panlawaran. Ilagay ito sa short bondpaper (type written).

You might also like