You are on page 1of 9

Student’s Activity Worksheet

3rd Quarter SCORE:


FIL 112

A.Y. 2021 - 2022

Pangalan: Petsa:
Asignatura: Pagbasa ng Iba’t Ibang Teksto Taon at Seksyon:
Tungo sa Pananaliksik
Linggo: Pangatlong Linggo Gawain Blg.: 7
Paksang Aralin: Ang Tekstong Naratibo
Pagsusuri sa Pag-unawa
Gawain: Maikling Tugon
Panuto:
1. Basahin at intindihin ang katanungan.
2. Sagutan ito ng hindi lalagpas sa tatlong pangungusap.
Tanong:

1. Ano ang Tekstong Naratibo?


2. Sa paanong paraan ito naiba sa isang tekstong impormatibo?
3. Bakit maituturing na naratibo maging ang mga akdang di piksiyon katulad ng
talambuhay?

Pangkatang Gawain

Gawain: Mangangalap

Panuto:

1. Dumako sa inyong pangkat na tigdadalawa.


2. Kayo ay magbibigay ng mga katangian at kalikasan ng tekstong naratibo. (Sa unang kahon)
Unang miyembro.
3. At isang halimbawa ng teksto at kung bakit ito isang naratibo. (Sa pangalawang
kahon)Pangalawang miyembro.
4. Ang bawat isa ay magsusulat ng kani-kanilang sagot sa loob ng kahon.
5. Sa pangkabuoan buoin ng sabayan ang pangungusap na nakapaloob sa kahon sa gitna.

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


Ang tekstong naratibo ay isang uri ng tekstong …

Pagtataya
Gawain: Sanaysay
Panuto:
1. Basahin at unawaing mabuti ang pahayag.
2. Isulat ang iyong sagot sa hindi bababa sa sampung pangungusap.
3. Bawat bilang ay may nakalaang sampung puntos.

1. Bakit maituturing na pinakapopular na uri ng tekstong tinatangkilik sa buong mundo ang tekstong
naratibo? Paano mo magagamit ang katangiang ito ng naratibo sa pagpaparating ng mahalagang mensahe
sa mambabasa.

2. Paano nakatutulong sa pagpapahusay ng isang naratibo ang paggamit ng maayos na tekstong


deskriptibo?

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


Napakahusay mo!
Ipagpatuloy lamang ang iyong ginagawa.

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


Student’s Activity Worksheet
3rd Quarter
FIL 112 SCORE:

A.Y. 2021 – 2022

Pangalan: Petsa:
Asignatura: : Pagbasa ng Iba’t Ibang Teksto Taon at Seksyon:
Tungo sa Pananaliksik
Linggo: Pangatlong Linggo Gawain Blg.: 8
Paksang Aralin: Mga Katangian ng Tekstong Naratibo
Pagsusuri sa Pag-unawa
Pagsusuri sa Pag-unawa
Gawain: Maikling Tugon
Panuto:
1. Basahin at intindihin ang tanong.
2. Sagutan ito ng hindi lalagpas sa tatlong pangungusap.

Tanong:

1. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?


2. Ano ang ibig sabihin ng “pananaw” o “paningin” sa isang tekstong naratibo? Alin sa
mga pananaw o paninging ito ang higit na gamitin?

Pangkatang Gawain
Gawain: Tayo Mangalap!
Panuto:
1. Dumako sa iyong pangkat tigtatatlo.
2. Kayo ay mangangalap ng isang akdang pampanitikan na naratibo.
3. Mula sa nakalap ay tutukuyin at paglalapatan ninyo ito ng isa sa mga katangian ng tektsong
naratibo. Sabayang mamimili ng isang katangian ng teksto ang magkagrupo.
4. Mula sa katangian na napili ay susuriin ninyo ang akda kung anong katangian ang nakapaloob nito.
5. Isulat sa ibaba ang inyong nakalap na akda at sa ibaba naman nito ay ang inyong pagpapaliwanag
sa napiling katangian at kung bakit ito ang inyong napiling ilapat.

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


Isulat dito ang akdang inyong nasaliksik

Isulat dito ang inyong napiling katangian at bakit ito ang inyong napili. Ipaliwanag sa
hindi bababa sa sampung pangungusap.

Pagtataya
Gawain: Pagtatala
Panuto:

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


1. Basahin at unawaing mabuti ang pahayag.
2. Isulat ang iyong sagot sa hindi bababa sa limang pangungusap.
3. Magbigay ng iyong sariling pagpapakahulugan sa tekstong naratibo at magtala ng
limang (5) halimbawa nito; (Isa sa maikling kuwento, isa sa nobela, isa sa alamat, isa sa
awit at korido at isa na pabula) kasama ang may-akda nito.

Magaling! Ako’y nagagalak sa iyong ginawa.

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


Student’s Activity Worksheet
3rd Quarter SCORE:
FIL 112

A.Y. 2021 - 2022

Pangalan: Petsa:
Asignatura: Pagbasa ng Iba’t Ibang Teksto Taon at Seksyon:
Tungo sa Pananaliksik
Linggo: Pangatlong Linggo Gawain Blg.: 9
Paksang Aralin: Elemento ng Tekstong Naratibo

Pagsusuri sa Pag-unawa
Gawain: Maikling Tugon
Panuto:
1. Basahin at intindihin ang katanungan.
2. Sagutan ito ng hindi lalagpas sa tatlong pangungusap.

Tanong:
1. Ano-anong uri ng tauhan ang karaniwang makikita sa mga tekstong naratibo?
2. Ano-anong bagay ang kabilang sa tagpuan at panahon? Bakit mahalagang maging mahusay ang
pagkakalarawan sa tagpuan?
Pangkatang Gawain
Gawain: Pagbuo ng Tekstong Naratibo
Panuto:
1. Sa inyong pangkat. (Tigtatatlo)
2. Bumuo ng Tekstong Naratibo mula sa uring napili sa natalakay na leksyon.

Ikaw ay isang baguhang manunulat sa Liwayway, isamng magasing nagsimula pa noong 1922 at
itinuturing na pinakamatandang magasin sa Pilipinas. Dito nailathala ang mga obra ng pinakamahuhusay na
Pilipinong manunulat tulad nina Severino Reyes, Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, Lope K.
Santos, Inigo Ed. Regalado, Liwayway Arceo, Lualhati Bautista, Genoveva Edroza-Matute, Benjamin Pascual,
Efren Abueg, at iba pang mga higanteng pangalan sa larangan ng panitikang Pilipino.

Ito na ngayon ang iyong pagkakataong makapagsulat ng sarili mong tekstong naratibo partikular ang
maikling kuwentong ilalathala rin sa nasabing magasin kung papasa sa panlasa ng editor. Gamitin mo ang
mga natutuhan mo sa tamang paglalarawan mula sa aralin sa tekstong deskriptibo, gayundin ang mga
kaalaman ukol sa mga katangian at elemento ng tekstong naratibo upang makabuo ka ng maikling
kuwentong hindi lamang makapagbibigay-aliw kundi mag-iiwan din ng mahalagang aral sa mga
mambabasa at pagkalipas ng maraming taon ay maaari pang maituring na isa ring obra maestra ng
panitikang Pilipino.

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong susulating maikling kuwento.

Puntos Pamantayan
4 Napakahusay ng pagkakasulat, lubhang nakaaaliw, at nakapag-iiwan
din ng mahahalagang aral sa mambabasa.
3 Mahusay ang pagkakasulat, nakaaliw, at nagtataglay ng mahahalagang
aral para sa mambabasa.
2 Hindi gaanong mahusay ang pagkakasulat kaya naman hindi naaakit
ang mambabasa at hindi malinaw na naipabatid ang taglay na aral.
1 Maraming kakulangan sa pagkakasulat, hindi nakaakit, at hindi
malinaw ang taglay na aral.

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022


Pagtataya
Gawain: Pag-alam sa isang tekstong naratibo
Panuto:
1. Basahin ang kuwentong Mabangis na lungsod
2. At sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit pinamagatang “Mabangis na Lungsod” ang akda? Batay sa mga nabasa mong pangyayari, akma ba
ang pamagat na ito?

2. Sa iyong palagay, bakit kaya siya nasadlak sa ganitong buhay?

3. Batay sa binasang akda at sa mga sinagot mong tanong tungkol dito, paano napatutunayan ang
kapangyarihan ng tekstong naratibo sa pagpaparating ng mahahalagang mensahe?

Pagbati! Matagumpay kang natapos sa iyong mga


gawain.

SJSFI Learning Worksheet 2021-2022

You might also like