You are on page 1of 4

Page | 1

ASIGNATURA/ANTAS FILIPINO 11
PAKSA TEKSTONG PERSUWEYSIB AT NARATIBO
SESYON IKAAPAT NA LINGGO

GABAY SA PAG-AARAL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PANGKALAHATANG PANUTO: Tiyaking basahin nang may pang-unawa ang


modyul na ito. Gawin lahat ang mga iniatang na gawain at sundan ang mga
hakbang na inilahad upang mas matamo ang pagkatuto para sa mga aralin.

Sa pag-aaral ng Filipino 11 sa Ikatlong markahan, kailangan mong malaman ang


mga sumusunod:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto
ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa
mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
Ibig sabihin nito’y ang mga gawain sa bawat aralin ay lilinang ng kakayahan sa
kritikal na pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto na gagamitin upang makabuo ng
makabuluhang pananaliksik sa mga piling paksa sa iba’t ibang larangan. Layunin ding
madebelop ng mga gawain ang iba’t ibang kasanayang pangkomunikatibong gaya ng
mapanuring diskorsal at istratedyik.

I. PANIMULA

Mga mag-aaral! Sa mga nakaraang pag-aaral ay natalakay natin ang mga


kaalaman at kasanayan sa pagbasa. Sa pagkakataong ito ay aalamin natin ang iba’t
ibang uri ng teksto. Nawa’y magpatuloy ang alab ng iyong puso upang makamit ang
iyong mga pangarap sa tulong ng edukasyon. Kung gayon, umpisahan na natin ang
pag-aaral sa mga araling makatutulong sa iyo upang mahubog ang iyong natatanging
kaalaman.

II. SAKLAW NG MODYUL

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na Aralin


Aralin 4 (TEKSTONG PERSUWEYSIB AT NARATIBO)
1. Tekstong Persuweysib
2. Elemento sa Pagbuo ng Mahusay na Narasyon
3. Pagsulat ng Creative Nonfiction (CNF)

Matututuhan mo sa araling ito ang mga dapat gawin upang mahusay na


makahikayat at ang pagbuo ng mahusay na narasyon.

1|Page
Page | 2

Sasagutin mo sa araling ito ang mga mahahalagang tanong na


magpapalalim sa iyong pang-unawa. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Bakit
mahalagang magkaroon ng kahusayan sa panghihikayat? Paano makatutulong sa
iyo ang kasanayan sa pagsulat ng Creative Nonfiction o CNF? Ang mahahalagang
tanong na ito ay magiging gabay mo sa pagbuo at pagtuklas ng mahalagang konsepto
o pag-unawa sa aralin na ito.

SESYON: IKAAPAT NA LINGGO

III. INAASAHANG MGA KASANAYAN

Upang mapagtagumpayan mong masagutan ang mga aralin at malinang ng


lubos ang iyong pang-unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga
sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa F11PS – IIIf – 92
2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto F11PU – IIIb – 89

IV. PAGTALAKAY SA ARALIN

Aralin 4
(TEKSTONG PERSUWEYSIB AT NARATIBO)

A. Pagtuklas

-Gawain : Ngayon ay handa ka na upang magsimula sa Aralin 3. Simulan natin


ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng Lusong-Kaalaman sa pahina 74.

Ngayon ay may kaunting kaalaman ka tungkol sa tekstong persuweysib,


isaisip ang mahahalagang tanong na ito dahil ito ay makatutulong sa pag-unawa
ng konsepto ng aralin. Bakit mahalagang magkaroon ng kahusayan sa
panghihikayat? Paano makatutulong sa iyo ang kasanayan sa pagsulat ng
Creative Nonfiction o CNF?

-Kailangan mo ring malaman na pagkatapos ng pag-aaral sa aralin na ito ay susulat ka


ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.
A. Paglinang

-Gawain : Basahin ang Tekstong Persuweysib sa pahina 75-79 at sagutin ang


mga katanungan na nasa Layag-Diwa A at B sa pahina 79-80.

-Gawain : Upang higit na mapagtibay ang pag-unawa mo sa araling ito ay


sagutin ang mahahalagang tanong na ito. Bakit mahalagang magkaroon ng
kahusayan sa panghihikayat?

B. Pagpapalalim

2|Page
Page | 3

- Ang tekstong persuweysib ay palalalimin sa pamamagitan ng pagsagot sa


Salok-Dunong na nasa pahina 83-86.

-Gawain 4: Basahin ang “Tekstong Naratibo at Elemento ng Naratibo” na nasa


pahina 88-93 at ang Pagsulat ng creative Nonfiction sa pahina 93-96 ng iyong aklat.
Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa pahina 97. (IPAPASA SA IYONG
GURO)

Ngayong nalaman mo na ang mga element ng tekstong naratibo maging ang


pagsulat ng CNF ay Paano makatutulong sa iyo ang kasanayan sa pagsulat
ng Creative Nonfiction o CNF?

C. Paglalapat

-Naunawaan mo ba ang tekstong persuweysib at naratibo?


- Kung HINDI, balikan mo ulit ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa mga
paksang ito. Kung OO naman, maaari ka ng magtungo para sa iyong inaasahang
gawain.

V. PAGTATAYA / EBALWASYON

- INAASAHANG GAWAIN: Buksan ang iyong aklat sa pahina 98 at gawin ang


Lambat-Likha 2 (Malikhaing Pagkukwento ng Panitikang Pambata) (IPAPASA SA
IYONG GURO)
- Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto F11PU – IIIb – 89

Pamantayan
Batayan ng Grado Kaukulan Grado
g Puntos
Malikhain at nakapupukaw ng interes ang pagkukwento sa 5
mga bata.
Makabuluhan ang paksa ng kuwentong pambata at angkop 5
sa edad at kalagayan ng mga bata.
Kabuuan: 10

VI. SANGGUNIAN

Crizel Sicat-De Laza at Aurora E. Batnag. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store, INC
2019.
Pahina 74-99.

3|Page
4|Page

You might also like