You are on page 1of 33

COLEGIO DE SAN ANTONIO DE PADUA

De La Salle Supervised School

Ramon M. Durano Foundation Compound
Guinsay, Danao City, Cebu

MODYUL 1
SA
FILIPINO SA PILING
LARANGAN

Inihanda ni:

BB. HAZEL A. ARANCO

Guro sa Filipino

1
Panimula
Ang modyul na ito ay inihanda upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa mga
paksang tatalakayin, mga gawaing isasagawa at mga pagsusulit na ibibigay sa bawat paksang
matatalakay. Ang modyul ay kinapapalooban ng Limang (5) mahahalagang paksa. Ito ay ang
sumusunod: Ang Pagsulat, Pagsulat ng Abstrak, Sinopsis/ Buod at Bionote, Pagsulat ng
Memorandum, Adyenda at Katitikan ng Pulong, Pagsulat ng Memorandum, Adyenda at
Katitikan ng Pulong, Pagsulat ng Panukalang Proyekto, Posisyong Papel at Replektibong
Sanaysay, Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay, Pictorial Essay at Talumpati. Sa bawat mahahalagang
paksa, kakikitaan din ito ng mga katulong na paksa upang mas mapalalim at mapalawak pa ang
pag-unawa sa bawat paksang kalakip ng modyul na ito. Mayroon ding mga inihandang gawain sa
bawat paksang tatalakayin na ang pinakadahilan ay upang maibigay sa mga mag-aaral ang
kasanayan sa pagpapalalim at pagpapalawak sa mga talakayan. Ang panghuli naman ay ang
pansariling pagtataya ng mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na matamo ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Nabibigyang kahulugan akademikong pagsulat.
2. Nakikilala ang iba't ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin, (b) gamit (c)
katangian (d) anyo.
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at
katangian ng iba't ibang anyo ng sulating akademiko.
4. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.
5. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
6. Nakasusulat ng talumpati hinggil sa napakinggang halimbawa.
7. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng
sintesis sa napag-usapan
8. Natutukoy ang katangian sa isang sulating akademiko.
9. Nabibigyang kahulugan ang terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin.
10. Natitiyak ang mga elemento na pinanonood ng programang paglalakbay.
11. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapanipaniwalng sulatin.
12. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika.
13. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan.
14. Naisaaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.

2
Talaan ng Nilalaman

Modyul Pahina Petsa

Dahon ng Pamagat 1
Panimula 2
Talaan ng Nilalaman 3
Modyul 1 (Ang Pagsusulat)
Aralin 1: Ang Pagsusulat
Kasanayang Pagkatuto: Ang Pagsusulat 4 Aug. 26, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 1 5 Aug. 27, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 2 6 Aug. 28, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 3 7 Aug. 28, 2020
Pagtataya: Pagkilala 8 Aug. 31, 2020

Aralin 2: Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Kasanayang Pagkatuto: Kahalagahan ng Pagsusulat 9 Sept. 1-2, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 1 10 Sept. 3, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 2 11 Sept. 3, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 3 12 Sept. 3, 2020
Pagtataya: Pagbabahagi 13 Sept. 4, 2020

Aralin 3: Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

Kasanayang Pagkatuto: Mga Gamit sa Pagsusulat 14-21 Sept. 7,2020
Kasanayang Pampagkatuto: 1 22 Sept. 8, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 2 23 Sept. 9, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 3 24 Sept. 9, 2020
Pagtataya: Pagkilala 25 Sept. 10-11, 2020

Aralin 4: Mga Uri ng Pagsusulat

Kasanayang Pagkatuto: Mga Uri ng Pagsusulat 26-27 Sept. 14, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 1 28 Sept. 15, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 2 29 Sept. 16, 2020
Kasanayang Pampagkatuto: 3 30 Sept. 17, 2020
Pagtataya: Pag-iisa-isa 31 Sept. 18, 2020

Kasagutan 32
Tala-Sanggunian 33

MODYUL 1
3
Ang Pagsusulat
Introduksyon:
Ang pagsusulat ay isa sa pinakamahalagang makrong kasanayang pampagkatuto, na kung
saan ito ang nagsisilbing giya natin kung paano maipapahayag ang ating saloobin sa
pamamagitan ng pagsusulat. Dito rin naipapakita ng isang tao ang kakayahang maghabi ng mga
datos o ideya basi sa naobserbahan o nararanasan. Malaking tulong sa isang tao ang kakayahang
pampagkatuto na pagsulat, sa pamamagitan nito naipapahayag ng isang tao ang kanyang nais
ibahagi sa ibang tao na hindi niya maibabahagi sa paraang pasulat. Anuman ang mangyayari sa
buhay ng isang tao, kailanman ay hindi mawawala kung ano ang kaalaman niya tungkol dito.
Unang Paksa
A. Pamagat: Ang Pagsusulat
B. Layunin:
a. Nakapagbibigay ng kahulugan sa salitang pagsusulat.
b. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapanipaniwalng akademikong sulatin.
c. Nakakasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng akademikong
sulatin.
d. Napahalagahan ang pagsusulat ng mga piling akademikong sulatin.
C. Nilalaman
Mahahalagang tanong:
Bakit mahalagang matutuhan ang isa sa makrong kasanayang pampagkatuto (pagsusulat)?
Paano ito mapakikinabangan ng indibidwal?
Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsusulat
Ang pagsusulat ay isa sa makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ayon
kay Cecilia Austera, et al., may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009), ang
pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin
Mabilin, et. al., sa aklat ng Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ito ay
isang Pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipappahayag ng tao
ang nais ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamaitang
maaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisatitik ang nilalaman ng isipan,
damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
May iba't ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa
paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang
kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang
bahagi ng pagtatamo ng kasanayan. Sa mga propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor,
peryodista, sekretarya, guro at iba pa ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa
bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan.Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito
ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa mga taong nakabasa nito at sa maging sa
lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng
nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na
henerasyon. Ayon kay Mabilin, ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman
ay hindi maglalho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpapasalin-
salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay manananatiling kaalman. Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika,
ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog sa mga
mag-aaraal sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba't ibang
disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig, pagbabasa, at panonood, madalas ang
isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang
isipan.
Gawain blg. 1: PAGBUO NG AKROSTIK

4
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti.

1. Sumulat ng pangungusap o talata upang makabuo ng sariling kahulugan sa salitang

pagsusulat:

P-
_________________________________________________________________________

A-
________________________________________________________________________

G-
________________________________________________________________________

S-
_________________________________________________________________________

U-

L-
_________________________________________________________________________

A-
_________________________________________________________________________

T-
_________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang wika sa paglinang ng kakayahang pagsusulat?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

3. Paano nakakatulong ang pagsusulat sa katalinuhan ng isang indibidwal?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Gawain blg. 2: PAGSUSULAT NG JOURNAL

5
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Gumawa ng isang sanaysay na may kinalaman sa

ibinigay na pahayag. Bumuo ng limang talata at bawat talata ay binubuo ng limang
pangungusap o higit pang pangungusap.

Pamantayan sa Pagwawasto/Pagmamarka sa Gawaing Pasulat

"Pagsusulat: Gabay sa Magandang Bukas ng Indibidwal bilang Isang Manunulat sa

Hinaharap"

Gawain blg. 3: PAGSUSULAT NG JOURNAL

6
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may kinalaman sa "SARILING KARANASAN".

Bumuo ng limang talata at bawat talata ay binubuo ng limang pangungusap o higit pang
pangungusap.

Pamantayan sa Pagwawasto/Pagmamarka sa Gawaing Pasulat

"SARILING KARANASAN"

E. PAGTATAYA

7
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

A. PAGKILALA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ito ang nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan. ___________
2. Ito ang nagsisilbing pangkalahatang ideya iikutan ng mga ideyang napaloob sa akda.
_______________
3. Ito ay nagsisilbing libangan upang maisatitik ang kaalaman sa paraang pasulat.
_______________
4. Ito ay pambihirang gawaing pisikal at mental sa pamamagitan nito naipapahayag ng tao
ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglipat ng kaalaman sa papel. _____________
5. Sa pamamagitan ng ____________, naisatitik ang kaalaman sa isipan at damdamin.
______________
6. Ito ang nagsisilbing giya sa paghabi ng datos o nilalaman ng isusulat. ______________
7. Paraan ng pagsulat na ang pangunahing layunin ay magkuwento o magsalalaysay ng
pangyayari. ____________
8. Paraan ng pagsulat na ang layunin ay manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
______________
9. Paraan ng pagsulat na ang layunin ay maglarawan ng mga bagay. _______________
10. Paraan ng pagsulat na ang layunin ay magbigay impormasyon. _______________

B. PAGIISA-ISA
Panuto: Ibigay ang bawat hinihingi.
1. Magbigay ng limang akdang pampanitikan na nabasa at isulat rin ang may-akda nito:
a. ____________________________

b.____________________________

c. ____________________________

d. ____________________________

e. ____________________________

2. Magbigay ng limang pamamaraan sa pagsulat:

a. ____________________________

b.____________________________

c. ____________________________

d. ____________________________

e. ____________________________

Ikalawang Paksa

8
A. Pamagat: Layunin at Kahalagahan ng Pagsusulat
B. Layunin:
a. Nakapagsasalaysay ng kahulugan sa salitang pagsusulat.
b. Nakabubuo ng organisado, malikhain at kapanipaniwalng akademikong sulatin.
c. Nakakasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng akademikong
sulatin.
d. Nabibigyang-halaga ang pagsusulat ng mga piling akademikong sulatin.
C. Nilalaman
Bilang isang mag-aaral paano mo bigyang-halaga ang isa sa makrong kasanayang
pampagkatuto (pagsusulat)?
Sa pagsusulat, ano ang iyong adhikain kung bakit mo ito ginagawa?
Layunin at Kahalagahan ng Pagsusulat
Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at
Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng
tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, panagarap, agam-
agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din dito, nakikilalla ng isang tao ang kanyang
sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan at ang mga
naabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang maipabatid sa mga
tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman,
napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang
mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Mahalagang
isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito
magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip at damdamin ng makakabasa nito.
Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsusulat ay maaaring mahati sa
dalawang bahagi. Una, ito ay maaaaring nakabatay sa personal o ekspresibo kung saan ang
layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiiisip o nadarama ng
manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,
kalungkutan, pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang
halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kuwento, tula, dula at
iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal
kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga
halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, pananaliksik, sulating teknikal, tisese at iba pa.
Ginagawa ang sulating ito taglay ang isang tiyak ma layunin at ito ay walang iba kundi ang
llayuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa pangkalahatan, narito ang kahulugan o ang
mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:
1. Masanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisusulat ito sa pmamagitan ng
obhetibong paraan.
2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos nakakailanganin sa isinagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pmamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakahayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales.
5. Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang
pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba't ibang batis ng
kaalamn para sa akademikong pagsusulat.
Gawain blg. 1: NAKIKILALA ANG MAHAHALAGANG KAISIPAN

9
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1.Ayon sa kanya, malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng

tao. ______________

2. Dahil sa _______________, nakikilala ng tao ang kanyang kaisipan at ang mga naabot ng
kanyang kamalayan. _________________

3.Ayon sa kanya, ang layunin sa pagsusulat ay nahahati sa dalawang bahagi.

__________________

4. Layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.

_________________

5. Layunin ng pagsulat na nakabatay sa pansariling pananaw. __________________

6. Ibang tawag sa layuning ito ay pagsusulat ng transiyaksonal. __________________

7. Nakikilalala ng isang tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng ____________ na may

kaugnayan sa makrong kasanayang pampagkatuto. _______________

8. Nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi ang mga ideya at mga
kaisipan. ________________

9. Isa sa makrong kasanayang pampagkatuto, kung saan maibabahagi ang mga kaalaman na
hindi maisasabi ng harapan. ___________________

10. Layunin ng pagsulat na makipag-ugnayan sa ibang tao. ____________________

Gawain blg. 2: PAGSUSULAT NG JOURNAL

10
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Gumawa ng isang sanaysay na may kinalaman sa

ibinigay na pahayag. Bumuo ng limang talata at bawat talata ay binubuo ng limang pangungusap
o higit pang pangungusap.

Pamantayan sa Pagwawasto/Pagmamarka sa Gawaing Pasulat

"Layunin at Kahalagahan: Daan Tungo sa Magandang Panulat ng Taong may

Pangarap"

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Gawain blg. 3: PAGSUSULAT NG SANAYSAY

11
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may kinalaman sa "LAYUNIN AT

KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT". Bumuo ng limang talata at bawat talata ay
binubuo ng limang pangungusap o higit pang pangungusap.

Pamantayan sa Pagwawasto/Pagmamarka sa Gawaing Pasulat

"LAYUNIN AT KAHALAGAHAN SA PAGSUSULAT"

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

E. PAGTATAYA

12
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

E. Pagtataya

A. PAGBABAHAGI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang sagot sa titik.

1. Magbigay ng limang kahulugan ng salitang layunin:

a. __________________________________________________

b. __________________________________________________

c. __________________________________________________

d. __________________________________________________

e. __________________________________________________

2. Ipaliwanag ang salitang sosyal o panlipunan na may kinalaman sa kahalagahan ng pagsulat:

a. ___________________________________________________

b. ___________________________________________________

c. ____________________________________________________

d. ____________________________________________________

e. ____________________________________________________

3. Ipaliwanag ang salitang personal o ekspresibo na may kinalaman sa kahalagahan ng

pagsulat:
a. ____________________________________________________

b. _____________________________________________________

c. ______________________________________________________

d. ______________________________________________________

e. ______________________________________________________

Ikatlong Paksa
13
A. Pamagat: Mga Gamit o Pangangailangan ng Pagsusulat
B. Layunin:
a. Nakikilala ang mga gamit o pangangailangan sa pagsusulat.
b. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapanipaniwalng akademikong sulatin.
c. Nakakasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng akademikong
sulatin.
d. Napahalagahan ang pagsusulat ng mga piling akademikong sulatin.
C. Nilalaman
Bakit kailangang alamin natin ang mga gamit o pangangailangan ng pagsulat?
Ano ang kahalagahan ng paksa sa pagsusulat?
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsusulat
Madalas marinig na ang pagsusulat daw ay isang talento at hindi raw ang lahat ng tao ay
may kakayahang makapagsusulat ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Totoong hindi
madali ang pagsusulat para sa maraming tao ngunit ito ay maaaring mahubog o malinang. Upang
mangyari ito, mahalaga ang pagkakaroon ng interes at ng wastong kaalaman kung paano maging
isang mahusaty na maunulat. Una sa lahat, dapat mabatid ang mga bagay na dapat isaalang-alang
sa pagsusulat ng partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang ilan sa mga ito:
1. Wika- ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais
sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma
sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba.
Mahakagang magamit ang wika sa mlinaw, masining tiyak at payak na paraan.
2. Paksa- mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang mapapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng
sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan at
wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. Ang pananaliksik at
pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay makatutulong nang malaki upang mapalawak ang
kaalaman sa paksang nais bigyang pansin/
3. Layunin- tulad ng tinalakay sa unahan, mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat.
Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang
iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.
4. Pamamaraan ng pagsulat- may limang pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang
kaalman at kaisipan ng manunulat batay sa layunin o pakay ng pagsusulat.
Ang pamamaraang impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensya,
kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.
Di tulad ng ibang uri ng teksto ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng
may-akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinion kundi sa katotohanan at mga
datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Elemento ng Tekstong Impormatibo
1. Layunin ng may-akda. Maaaring magkakaiba-iba ang layunin ng may-akda sa
pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang
mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo; masaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng
insekto, hayop, at iba pang nabubuhay; at iba pa. gayunpaman, anuman ang
layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng
impormasyon.
2. Pangunahing ideya. Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng
manunulat ang mga magyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa
kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang

14
mga pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi- tinatawag din itong organizational
markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.
3.Pantulong na kaisipan. Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na
kaisipan o mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng mambabasa
ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
4. Estilo ng Pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na
bibigyang-diin. Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak
nap ag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o
kagamitang/sangguniang mabibigyang-diin sa mahalagang bahagi tulad ng
sumusunod:
a. Paggamit ng mga larawang presentasyon- makatutulong ang paggamit
ng mga larawan, guhit dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa upang
higit na mapalalim ang pag-unawa mga mambabasa.
b. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto- nagagamit ditto ang
mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o
nalalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga
salitang binibigyang-diin sa babsahin.
c. pagsulat ng mga talasanggunian- karaniwang inilagay ng mga
manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang diin ang katotohanang naging
basehan sa mga impormasyong taglay nito.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan. Sa uring ito, inilalahad ang mga
totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang
pangyayari ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang
isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang
nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasakisihan at
pinatutunayan ng iba tulad naman ng sulating pangkasaysayan o historical
account. Ang uring ito ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang
mabisang panimula o introduksiyon.
2.Pag-uulat Pang-impormasyon. Sa uring ito nakalahad ang mahahakagang kaalaman
o impormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ang ilang halimbawa ay mga
paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na
malapit nang maubos.
3. Pagpapaliwanag. Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung
paano o bakit nagana pang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng
mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang
paksa sa ganitong kalagayan. karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan,
dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag.
Ang Pamamaraang Deskriptibo o Deskriptiv
Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang
tao, lugar, bagay, o pangyayari. Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na “Ano“.Sa
Tekstong Deskriptibo, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang larawan gamit ang mga
salitang magmamarka sa damdamin at isipan ng mambabasa. Upang mailarawan at mabigyang
buhay sa imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw o kilos,
karaniwang gumagamit ang may akda ng pang-uri at pang abay. Gumagamit din ng manunulat
ng iba pang paglalarawan tulad ng panggalan, pandiwa, tayutay, pagwawangis, pagsasatao at iba
pa. Ang tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto, partikular sa tekstong
naratibo.

Dalawang uri ng paglalarawan sa Tekstong Deskriptibo

 Subhetibo
Nakabatay sa mayamang imahinasyon.

15
 Obhetibo
Ito ay may pinagbatayang katotohanan

Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo

Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas
malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto. Ang cohesive devices ay kailangan upang mas
higit na makita at maunawaan ang kahulugan o kabuluhan ng bawat bahagi ng teksto.

Limang pangunahing Cohesive Device

1.Reperensiya (Reference)
Ang cohesive device na ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy sa
paksang pinag-uusapan.

Dalawang uri ng reperensiya

 Anapora
Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy.

 Katapora
Nauna ang panghalip at malalaman lamang kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa

2. Substitusyon
Ito ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit aa halip na maulit ang salita.
Halimbawa:
Sa halip na “Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong ballpen.” ay
gagawing “Nawala ko ang iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.”

3. Ellipsis
Ito ay ang pagbabawas ng ibang parte ng pangungusap pero hindimababawasan ang diwa
at sapagkat makakatulong na ang naunang pahayag upang matukoy ang nais iparating o
ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng limang aklat at si Rina nama’y dalwa.

4. Pang-ugnay
Ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga pangungusap, parirala o
sugnay.

5. Kohesyong Leksikal
Ito ay mabibisang salita na ginagamit sa teksto para magkaroon ito ng koheson.

DALAWANG URI NG KOHESYONG LEKSIKAL

A.Reiterasyon
Kapag ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Ang reiterasyon ay may tatlong
uri:
Pag-uulit o repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
B. Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan aa isa’t isa

kaya pag nabangit ang ang isa ay maari din maisip ang isa.
Halimbawa:
tatay – nanay

16
guro – mag-aaral
maliit – malaki

Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo

 Paglalarawan sa Tauhan
Ang paglalarawan sa tauhan ay ang paglalarawan sa pisikal na anyo at katangian ng
bibigyang buhay na tauhan, ngunit hindi sapat na mailarawan lang ang itsura at mga detalye ng
tauhan, sa halip dapat maging makatotohanan din ang paglalarawan dito. Halimbawa, hindi sapat
na sabihing “Ang aking kaibigan ay maputi, matangkad, at may matangos na ilong”. Bagamat
tama ang mga detalye sa paglalarawang ito ay hindi ito magmamarka sa isipan at damdamin ng
mambabasa. Ang mga salitang tulad ng maliit, matangkad, maganda, bata, matanda at iba pa ay
ang mga halimbawa ng pangkalahatang paglalarawan, kung saan ito ay hindi nakakapagbigay ng
mas malinaw o mabisang imahe sa imahinasyon ng mambabasa. Sa paglalarawan ng tauhan
dapat mabubuo sa isipan ng mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay at iba pang mga
katangian sa pamamagitan ng paggamit ng pinaka angkop na mga pang-uri. Mahalaga ding
mabigyan ng paglalarawan ang mga kilos ng tauhan para mas lalong magmarka sa mambabasa
ang mga katangiang taglay niya, halimbawa ay kung paano sya maglakad, tumawa, makipag-
usap at iba pa. Ang pinaka mahusay na paglalarawan sa tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang
sa pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa. Kahit na ang tauhan ay produkto
lamang ng mayamang imahinasyon ng akda, hindi sila basta makakalimutan.

 Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

Ito ay bahagi rin ng paglalarawan sa tauhan subalit ito ay nakatuon lamang sa damdamin o
emosyong taglay ng tauhan. Sa pamamagitan ng paglalarawang ito, madadama ng mambabasa
ang mga emosyon ng tauhan.

 Paglalarawan sa Tagpuan
Ang paglalarawan sa tagpuan ay ang paglalarawan sa tamang lugar at panahon kung saan at
kailan naganap ang akda.

 Paglalarawan sa mahahalagang bagay

Ito ay ang paglalarawan sa isang napaka-halagang bagay sa akda. Sa maraming pagkakataon, sa
isang mahalagang bagay umiikot ang mga kaganapan sa akda at ito rin ay nagbibigay ng mas
malalim na kahulugan.

Ang tekstong deskriptibo ay maari mo din magamit sa tekstong  persuasive  sa pamamagitan ng

maayos na paglalarawan ay mas makakahikayat ka ng tao.

Pamamaraang Persuweysib
Ito ay tekstong naglalayong manghimok o mangumbinsi. Ginagamit upang
maimpluwensyahan ang paniniwala, pag-uugali, intensiyon at paninindigan ng ibang tao.
Ilan sa mga halimbawa ng sulatin o akda:
 Talumpati
 Patalastas
Elemento ng Tekstong Persweysib
3 Elemento ng Panghihikayat ayon kay Aristotle
1. ethos o karakter- Ang Karakter, Imahe o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita
 Karakter o kredibilidad ng nagsasalita batay sa paningin ng nakikinig
 Ito ang nagpapasiya kung kapani-paniwala ang tagapagsalita o ang manunulat
Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang nagsasalita ay . . .
 may magandang ugali
 maayos kausap

17
 may mabuting kalooban
 maganda ang hangarin
 may sapat na kaalaman at kakayahan sa paksa
2. logos o lohika-AngOpinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat/Tagapagsalita.
 pangangatwiran
 panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman
 katuturan ng sinasabi upang makahikayat ng iba
3. Pathos o emosyon-Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig
 emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang tao
 malaki ang impluwensya nito gaya ng galit, awa at takot sa pagdedesisyon at
paghuhusga
Tandaan!
 Isaalang-alang ang etika ng panghihikayat
 Hindi wasto na mas pahalagahan ang pathos o ethos at tuluyang kaligtaan ang logos
o Responsibilidad ng manunulat o mananalita na ibigay ang wasto at totoong
impormasyon at magkaroon ng kredibilidad.
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Nanghihikayat
 Kredibilidad ng may-akda
 Nilalaman ng teksto
 Pagtukoy sa elementong pathos sa pagnhihikayat
 Bisa ng panghihikayat ng teksto
Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat
 Magsaliksik ng salungat na posisyon o opinion at gamitin ito bilang paghahambing
 Magbigay din ng alternatibo o ibang panig
 Isaalang-alang ang wasto, may batayan, mabuting layunin at nilalaman ng impormasyong
ipalalaganap.
Pamamaraang Naratibo
 layuning magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari
 ang mga pangyayari ay pinadadaloy ayon sa nais ng manunulat
 binibigyang-diin nito ang takbo ng mga pangyayari
 nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng imahe sa kanyang isip
 nagagamit sa pagbibigay ng karagdagang detalye upang mabigyang buhay sa isip ng
mambabasa ang karanasang tinatalakay

Ilan sa mga uri ng Tesktong Naratibo:

 Salaysay na nagpapaliwanag
 Salaysay ng mga pangyayari
 Salaysay na pangkasaysayan
 Likhang katha batay sa kasaysayan
 Salaysay na pantalambuhay

 Salaysay ng nakaraan
 Salaysay ng pakikipagsapalaran
Ilan sa mga halimbawa ng sulatin o akda:
 Maikling kwento
 Nobela
 Mito

18
 Kwentong-bayan
 Alamat
 Parabula
 anekdota
 Talambuhay
 Paglalakbay
 Balita
 Report tungkol sa nabasang libro
 Rebyu ng pelikula/palabas
 Buod ng kwento
Elemento ng Tekstong Naratibo
1. Banghay
o Kawil-kawil na pangyayari
o Ang isang kwento na walang banghay ay sinasabing isa lamang pagsasalaysay
ng mga pangyayari
o Pagkakaayos ng mga pangyayari habang isinasalaysay ito
o Karaniwang sinusunod ang Freytag’s Pyramid

2. Tagpuan
o Nakadaragdag ito sa organisasyon ng naratibo
o Nagaganap ang isang pangyayari sa isang tiyak na oras, araw o panahon
o Mahalagang naaalinsunod ang mga pangyayari sa kahingian ng tagpuan
3. Tauhan
o Nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay
o Kumikilos sa mga pangyayari
o Maaaring maging dahilan ng pagbabago-bago ng mga pangyayari
4. Suliranin o Tunggalian
o Pinakamadramang tagpo ng kwento
o Walang kwento na hindi nagtataglay ng suliranin
o Nakasalalay rito ang pagbabago ng daloy ng isang naratibo
o Maaaring mag-ugat sa loob ng mga tauhan o bunga ng kalamidad at suliraning
panlipunan
5. Diyalogo
o Ginagamit upang gawing makatotohanan ang mga pangyayari
o Hindi lahat ng pagsasalaysay ay kailangang may diyalogo

19
TANDAAN!
 Hindi lahat ng mga nabanggit na elemento ay palaging tinataglay ng isang tekstong
naratibo
 Maaaring walang diyalogo o hindi sumunod sa estrukturang Freytag’s Pyramid
 Pinakamahalaga ay may sinusundang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
 Kailangang bigyang-diin ang mahahalagang pangyayari tulad ng pagbabago ng tauhan,
sluiranin at iba pa
 Dapat may punto at naghahayag ng isang ideya o kaisipan
 Mahalagang nararamdaman ng mambabasa ang mga pangyayaring isinasalaysay nang
parang siya’y kasangkot sa pangyayari
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Naratibo
A. Layunin ng may-akda
 Anong uri ng pagsasalaysay?
 Ano ang hangarin ng may-akda?
 Mabisa ba ang ginamit na uri ng pagsasalaysay?
 Malinaw bang naipakita ang layunin ng may-akda?
B. Mga ginamit na elemento ng naratibo
 Ano ang ayos ng mga pangyayari?
 Anong teknik sa pagsasalaysay?
 Mabisa ba ang ginamit na teknik?
 Saan at kalian naganp ang salaysay?
 Sino-sino ang tauhan?
 Ano ang tampok na bahagi ng salaysay?
Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Naratibo
 Isipin ang Paksa at layunin
 Piliin ang itatampok na pangyayari
 Isa-isahin ang mga detalye na bubuo rito
 Piliin kung alin sa mga pangyayari ang dapat bigyang-pansin
Kung susulat ng kwentong pampanitikan . . .
 Sundin ang kombensiyon at elemento sa pagsulat nito
 Dapat pa ring magkaroon ng tauhan, tagpuan at banghay
 Maaaring gumamit ng iba-ibang teknik sa paglalahad ng mga pangyayari
 Maging organisado

Gamitin ang pagsasalaysay bilang gabay sa mambabasa tungo sa layunin ng teksto

 Isaisip ang mahusay na paggamit ng wika
 Isaalang-alang ang ugnayan ng mga ideya, diin at kalinawan ng mga pahayag
Pamamaraang Argumentatibo
o Layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan

o Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o pagbibigay ng kasalungat laban sa nauna

gamit ang mga ebidensya
Ilan sa mga halimbawa ng sulatin o akda:
 Tesis
 Posisyong papel
 Papel na pananaliksik
 Editoryal
 Petisyon

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Argumentatibo

20
 Pagpapahayag ng tesis at balangkas ng teksto
 Tibay ng argumento
 Bisa ng panghihikayat ng teksto

 Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

 Suriin nang mabuti ang iba-ibang panig tungkol sa isang usapin
 Magsaliksik at humanap ng mga ebidensyang batay sa katotohanan
 Pinakasimple at diretso sa puntong balangkas (Introduksiyon, tig-iisang talakay ng bawat
ebidensya, konklusyon)
Sa introduksiyon . . .
 Kailangang madaling makakuha ng atensyon at interes ng mambabasa
 Magbigay ng pang-unang impormasyon tungkol sa paksa
 Maaaring talakayin ang “pinanggalingan” ng may-akda (kung bakit niya naisipang
bumuo ng argumento)
 Pinakamahalagang unang mabuo ang pahayag ng tesis ng teksto
 Isaad nang malinaw ang posisyon o panig
 Hindi dapat bumaba sa tatlo ang ibibigay na ebidensya
Sa katawan ng teksto. . .
 Talakayin ang bawat ebidensyang susuporta sa argumento
 Magtampok ng pamaksang pangungusap at maayos na suportang detalye
 Maaaring magbigay ng mga estatistika, resulta ng pag-aaral o pananaliksik
Sa konklusyon . . .
 Lagumin ang mga pangunahing punto
 Pag-isipan kung paani “isasara” ang teksto nang mag-iiwan ng impresyon sa mga
mambabasa
 Kailangang mahikayat ang mambabasa na umayon sa panig ng may-akda
Tekstong Persweysib Tekstong Argumentatibo
 Nakabatay sa opinyon  Nakabatay sa mga totoong ebidensya
 Walang pagsasaalang-alang sa  May pagsasaalang-alang sa kasalungat
kasalungat na pananaw na pananaw
 Nakabatay ang kredibilidad sa karakter  Ang panghihikayat ay nakabatay sa
ng nagsasalita, at hindi sa merito ng katwiran at mga patunay na inilatag
ebidensya at katwiran  Nakabatay sa lohika
 Nakabatay sa emosyon

5. Kasanayang pampag-iisip- sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-

analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga
impormasyon sa akdang isusulat.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat- dapat isaalang-alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki
at maliit na titik.7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin- tumutukoy ito sa kakayahang
mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining
na pamamaraan mula sa panimula ng akda

21
Gawain blg. 1: PAGBUO NG EDITORYAL
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Basahin ng maigi ang artikulo sa ibaba. Bumuo ng iyong argumento.

Editoryal-nCoVphobia
(Pilipino Star Ngayon)-February 6, 2020-12:00 A.M.

Nadagdagan pa ang mga bansang may namatay dahil sa nobel coronavirus (nCoV). Isa
ang namatay sa Hong Kong at isa rin sa Bangkok. Dito sa Pilipinas, isa na ang namatay. Ayon sa
Department of Health (DOH) ang biktima ay isang 44-anyos na Chinese at naging companion ng
38-anyos na babaing Chinese na unang nag-positive sa nCoV. Ayon sa DOH, galing Wuhan City
sa China ang lalaki. Ang Wuhan ang epicenter ng nCoV outbreak na sa kasalukuyan ay 400 na
umano ang namamatay. Ang pagkamatay ng lalaki ay nagdulot naman ng pangamba sa marami
at nag-panic sa pagbili ng face mask. Halos lahat ng mga naglalakad sa kalye ngayon ay naka-
face mask sa takot na ma hawa sa nCoV. Bago pa ang balita sa pagkamatay ng Chinese, marami
na ang dumagsa sa mga tindahan ng face mask sa Bambang, Sta. Cruz para makabili ng face
mask. Mayroong nakipagbalyahan para lamang makasiksik sa pila ng mga bumibili ng face
mask. Mayroong nagmumura dahil nauna siya sa pila pero siya ang huling nabigyan ng face
mask. Mayroong eskuwelahan na pinagbawalan ang mga estudyanteng Chinese na pumasok sa
klase sa takot na mahawahan ng nCoV. Mayroon pang nag tatanong kung dapat ba siyang
magsuot ng face mask kahit nasa bahay. Mayroon din namang nakasuot ng face mask kahit
nagmamaneho ng kotse. Marami ang nagka-nCoVphobia. Sabagay, karaniwan na lamang ang
ganitong nararamdaman dahil nakakatakot na mahawahan ng sakit. Pero sabi ng DOH, hindi
naman daw dapat mag-panic. Hindi raw dapat makipag-unahan sa pagbili ng face mask ang mga
tao. Payo pa ng DOH, kailangang palakasin ang immune system para hindi mahawa ng sakit.
Kumain nang masustansiyang pagkain at panatilihin ang kalinisan sa katawan. Laging maghugas
ng kamay upang hindi kumalat ang sakit. Hindi raw dapat mataranta, matakot at mag-panic ang
mamamayan!

______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

22
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain blg. 2: MALIKHAING PAGLALARAWAN SA ISANG LARAWAN

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Bumuo ng isang tula na naglalarawan sa larawang ipinapakita. Limang talata,

bawat talata ay kinapapalooban ng apat na saknong.

23
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Gawain blg. 3: PAGGAWA NG PATALASTAS

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ______________________________________

Panuto: Batay sa nais mong itayong kompanya, gumawa ng isang advertisement upang
mahikayat ang mga tao na tangkilikin ang iyong kompanya sa paraang pasulat.
Pamantayan sa Pagwawasto/Pagmamarka ng Advertisement
Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
ng Pagpapabuti
4 3 2 1
Orihinalidad Ang gawain ay Kakikitaan ng Ang gawain ay Karamihan sa
(x3) kakikitaan ng mga ebidensya koleksyon ng ideya ay hindi
mahahalagang ng orihinalidad ideya ng ibang orihinal. Hindi
ebidensya sa at maimbento. tao, produkto at kakaikitaan ng
orihinalidad. imahe. May ebidensya ng
Ang mga ideya kaunting bagong ideya.
ay bago, orihinal ebidensya sa
at maimbento. bagong ideya.
Pagkakasulat Ang Ang Ang Hindi klaro ang
(x2) pagkakasulat ay pagkakasulat ay pagkakasulat ay pagkakasulat. may
klaro at walang klaro ngunit halos klaro mahigit sa 6 ang
mali sa may 1-3 ngunit may 4-6 kamalian sa
gramatika. kamalian sa na kamalian sa gramatika
gramatika. gramatika.
Pormat ng Ang Ang Ang Ang presentasyon
Presentasyon Presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay ay hindi orihinal at
(x2) kaakit-akit, kaakit-akit, kaakit-akit. hindi ito
masining at masining at halimbawa ng
orihinal ang maganda ang napiling pormat.
pormat. napiling pormat.
Teknik Ang Ang Ang Hindi gumamit g
(3) adbertisment ay adbertisment ay adbertisment ay teknik.
gumamit ng gumamit ng gumamit ng
napakahusay na mahusay na nmagandang
teknik sa teknik sa teknik sa maayos
masining at masining at na paraan.
maayos na maayos na
paraan. paraan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

24
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
E. PAGTATAYA

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________

Petsa: ________________________________________

PAGKILALA: Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B Sagot:

1. Parabula A. Argumentatibo _____
2. Tesis B. Deskriptibo _____
3. Maikling Kuwento C. Naratibo _____
4. Nobela D. Persuweysib _____
5. Paglalarawan sa Tauhan _____
6. Mito _____
7. Kuwentong Bayan _____
8. Talumpati _____
9. Patalastas _____
10. Paglalarawan sa Damdamin _____
11. Posisyong Papel _____
12. Paglalarawan sa Mahahalagang Bagay _____
13. Papel na Pananaliksik _____
14. Editoryal _____
15. Petisyon _____

25
Ika-apat na Paksa
A. Pamagat: Mga Uri ng Pagsulat
B. Layunin:
a. Naipapakita ang kahulugan ng mga uri ng pagsulat.
b. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapanipaniwalng akademikong sulatin.
c. Nakakasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng akademikong
sulatin.
d. Napapahalagahan ang pagsusulat ng mga piling akademikong sulatin.
C. Nilalaman
Ano ang kaibahan ng malikhaing pagsulat sa tekinikal na pagsulat?
Bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang uri ng pagsulat?
Sa anong paraan mo mapapahalagahan ang iba’t ibang uri ng pagsulat?
Mga Uri ng Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na
isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng
imahinasyon o kathang isipi lamang. Maibibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling
kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye,
kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
para lutasin ang isang problema o suliranin. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Feasibility Study
on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre
in Caloocan City, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.
3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa
isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang
paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Gaya ng halimbawa ng mga guro, mahahalagang matutuhan nila ang wastong pagsulat ng lesson
plan, at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit o assessment. Ang mga mag-aaral
habang nag-aaral pa ay mahalagang masanay sa paggawa nito para maging handa sila sa trabaho
o propesyong kanilang papasukan.
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama
na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa. Mahalagang ang mga taong
sumusulat nito tulad ng journalistic, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa
pangangalap ng mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan
sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin o kaya naman ay iulat sa radyo
at telebisyon.
5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga pinakukunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis o disertasyon. Layunin din ng pagsulat na
ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring magpagkunan ng mayamang kaalaman
hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling bahagi ng
isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related
Literature (RRL). Ang RRL o kaugnay na literatura ay mga pag-aaral na pinaghanguan ng mga

26
prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang
panananaliksik.

6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

Isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan. Lubos ding pinatataas ang uri ng
pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba't ibang larangan bunga ng masusing pag-
aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

Mga Katangian na Dapat Taglayin sa Akademikong Pagsulat

Mahalagang maunawaan din ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. Ilan
sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Obhetibo- kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang

pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na
opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinalakay.
2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng
mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad
ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.
3. Maliwanag at organisado- ang paglalahad ng kaisipan at datos ay nararapat na maging
malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-
sunod.
4. May Panindigan- ang kanyang layunin ay dapat na maisagawa ito na may paninindigan
hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat.
5. May Pananagutan- ang mga ginamit na sanggunian ng mga nakalap ng datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng pagkilala.

Iba't Ibang Uri ng Akademikong Sulatin

1. abstrak 7. katitikan ng pulong

2. sintesis/buod 8. posisyong papel
3. bionote 9.replektibong sanaysay
4. panukalang proyekto 10. pictorial-essay
5. talumpati 11. lakbay-sanaysay
6. agenda

27
Gawain blg. 1: NAIISA-ISA ANG MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang
concept map. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

Katangian ng
Akademikong
Pagsulat

28
Gawain blg. 2: PAGSUSULAT NG JOURNAL
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti.

Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsulat

partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?

Pamantayan sa Pagwawasto/Pagmamarka sa Gawaing Pasulat

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

29
_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
Gawain blg. 3: PAGSAGAWA NG PANIMULANG PANANALIKSIK SA INTERNET/MGA
BABASAHIN NA MAKIKITA SA PAMAMAHAY
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Magsagawa ng panimulang pananaliksik sa internet/mga babasahin na makikita sa

pamamahay kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling tatlong uri ng akademikong
sulatin sa tulong ng graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:

30
E. PAGTATAYA
Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksiyon: ________
Petsa: ________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat sa numero ang sagot.

MGA URI NG PAGSULAT

1. Ibigay ang kahulugan ng malikhain.
1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

2. Ibigay ang kahulugan ng propesyonal.

1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

3. Ibigay ang kahulugan ng akedemiko.

1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

4. Ibigay ang kahulugan ng teknikal.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

5. Ibigay ang kahulugan ng dyornalistik.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

6. Ibigay ang kahulugan ng reperinsiyal.

1. ___________________________________________________________

2. ____________________________________________________________

7. Ibigay ang kahulugan ng akademikong pagsulat.

1. ___________________________________________________________

2. ____________________________________________________________

8. Magbigay ng kahulugan sa salitang layunin.

1. ___________________________________________________________

2. ____________________________________________________________

31
TALAAN NG PAGWAWASTO

Pahina 8 Pahina 10 Pahina 25

1. Wika 1. Royo 1. C
2. Paksa 2. Pagsulat 2. A
3. Wika 3. Mabilin 3. C
4. Pagsulat 4. Personal/ Eksprisibo 4. C
5. Pagsulat 5. Personal/ Eksprisibo 5. B
6. Layunin 6. Panlipunan/Sosyal 6. C
7. Paraang Naratibo 7. Pagsulat 7. C
8. Paraang Persuweysib 8. Pagsulat 8. D
9. Paraang Deskriptibo 9. Pagsulat 9. D
10. Paraang Impormatibo 10. Panlipunan/Sosyal 10. B
11. A
12. B
13. A
14. A
15. A

32
Sanggunian:

Sanggunian: Tamani, Reinmark J. at Latugan, Eddielyn P., "Antas ng kaalaman ng mga

Katutubong Gaddang Hinggil sa Kanilang Mga Awiting Bayan", Isang Tesis, St. Mary’s
University 2012.

Sanggunian: Hinango sa Magandang Balita Bibliya, Lukas 15:11-32

Sanggunian: http://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yourself.html.

Sanggunian: https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-
ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatangal-ng/727134210658842

https://lakbaysanaysay.home.blog/2018/09/18/halina-sa-baguio/

https://lakbaysanaysaycom.wordpress.com/2017/10/15/lakbay-sanaysay/

https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-hakbang-tungo-sa-pagbabago/

PINAGYAMANG PLUMA: FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

AILENE BAISA-JULIAN
NESTOR B. LONTOC
AWTOR

ALMA M. DAYAG
KOORDINEYTOR

33

You might also like