You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN GRADE 11

Nakalaang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Puna


tagpo
I. LAYUNIN
Ika-10 Inaasahang sa katapusan ng aralin na ito, matatamo mo ang
linggo sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
Marso pananaliksik;
13-17 b. Nakagagamit ng mga batayang etika ng isang
mananaliksik: at
c. Nakabubuo ng makabuluhang tanong sa pananaliksik
bilang simula sa pagpili ng paksang sasaliksikin.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ang Pananaliksik

II. KAGAMITANG PAMPATURO:


Aklat (Pinagyamang Pluma), Laptop, Powerpoint
Presentation, Printed Materials

IV. PAGGANYAK
 Magpapakita ang guro ng bilang ng alpabeto at sa likod ng mga
numero na ito ay mabubuo ang paksang tatalakayin.
 Tatawag ang guro ng maaring sumagot.

16 1 14 1 14 1 12 9 11 19 1 11

P A N A N A L I K S I K

A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13
N O P Q R S T U V W X Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

V. PAGTATALAKAY
(Unang Pagtatagpo)
 Sasabihin ng guro, ang inyong nabuong salita ay ang ating
paksang tatalakayin ngayong araw.
 Pagpapakilala sa aralin
 (Sa unang apat na taon mo sa high school ay tiyak na
napakarami nang iba’t ibang uri ng sulatin ang naituro at
naipabuo sa iyo ng iyong mga guro. Nariyan ang iba’t ibang uri
ng ulat o report, mga sanaysay, sulating pormal, at iba’t ibang uri
ng teksto. Ang lahat ng mga sulating iyong binuo sa mga
nagdaang taon ay humasa sa iyong husay at galing sa
pagsusulat. Ngayon ay magagamit mo ang mga kasanayang ito
sa pagsulat ng isa pang higit na mapanghamong uri ng gawaing
pasulat, ang sulating pananaliksik.)
 Isusunod ang pagtatanong ng guro:
 Ano ang inyong ideya o kaalaman tungkol sa pananaliksik?
 Ipakilala sa mga mag-aaral ang paksa na tatalakayin tungkol sa
pananaliksik.
 Ibigay ang tala ng konsepto: Ang Pananaliksik
 Ano ang kahulugan ng pananaliksik?
 Ibigay ang kahalagahan ng pananaliksik
 Pagbibigay ng halimbawa mula sa kahalagahan ng pananaliksik
 Ano-ano ba ang gamit o mga kahalagahan ng pananaliksik?
 Ibigay ang mga katangian ng pananaliksik

SENIOR
SENIOR HIGH
HIGH SCHOOL
SCHOOL
 Ano-ano ang mga katangian ng pananaliksik?

(Pangalawang Pagtatagpo)
 Pagbabalik-aral
 Ibigay ang mga gabay sa etikal na pananaliksik
 Ano- ano ang mga gabay sa etikal na pananaliksik?
 Ibigay ang mga uri ng pananaliksik
 Pagbibigay ng halimbawa mula sa mga uri ng pananaliksik
 Ano-ano ang mga uri ng pananaliksik?

VI. PANAPOS NA PAHAYAG/PAGLALAGOM:


 Bakit mahalagang malaman natin ang mga etika sa
pananaliksik?

VII. PAGTATAYA:
 Hahatiin ang klase sa limang pangkat.
 Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang talahanayan
(Ipapakita ng guro ang halimbawang talahanayan sa harap ng
klase.)
 Magbibigay lamang ng 20 minuto ang guro para matapos ang
gawain.

Panuto: Pumili o mag-isip ng limang paksa kung saan kayo interesado.


Maglista ng hindi bababa sa limang tanong sa pananaliksik
para sa bawat paksa.

Mga Ideya o Paksa Tanong para sa Pananaliksik


 1.
2.
3.
4.
5.
 1.
2.
3.
4.
5.
 1.
2.
3.
4.
5.
 1.
2.
3.
4.
5.
 1.
2.
3.
4.
5.

Krayterya Puntos
1.Malinaw ang pagkakalahad ng mga 10
tanong sa pananaliksik
2. Napapanahon ang napiling paksa 10
3. Kaayusan at kahusayan sa pagbuo ng 10
isang talahanayan

SENIOR
SENIOR HIGH
HIGH SCHOOL
SCHOOL
Kabuuang Puntos: 30

VIII. INTEGRASYON NG PAGPAPAHALAGA:

Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga ang pananaliksik?

Excellence- Napakahalaga ng pananaliksik dahil nagbibigay ito


ng karagdagang kaalaman sa atin tungkol sa mga bagay na hindi
natin alam. Maaari din itong magamit bilang ebidensya at patunay
sa ating pinag-aralang paksa.

SENIOR
SENIOR HIGH
HIGH SCHOOL
SCHOOL

You might also like