You are on page 1of 8

Aralin V: Kabanata IV- Analisis at Interpretasyon 

 
 
 
Panimula: 
 
 
Matututuhan sa araling ito ang bahagi at nilalaman ng kabanata 4 na tutulong
upang mas lalong mahubog ang kasanayan sa pag-aanalisa at pag-iinterpreta ng mga nakalap
na datos.
 
 

Mga Layunin: 
 
Pagkatapos ng aralin, ​inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng presentasyon, analisis at


interpretasyon ng mga datos;
2. Naisasaayos at naaanalisa ang mga datos na ipepresenta; at
3. Nakagagawa ng Kabanata 4.

Gawain 1: Human Bingo 


 
 
Mangangalap ang mag-aaral ng mga impormasyon tungkol sa kanilang
kapamilya, kamag-anak o kapitbahay sa tulong ng isang human bingo card. Pagkatapos
nito, pipili ng tatlo (isang kapamilya, isang kamag-anak, at isang kapitbahay) ang
mag-aaral. Gagawa ng isang maikling sanaysay na ipinapakilala ang kanilang napili.
Inaasahang maipakilala ang profile ng kanilang mga napili sa tulong ng mga
impormasyong nakalap mula sa gawain.

Pagkatapos ng gawain ay sagutan ang sumusunod na katanungan tungkol sa


mabisang Presentasyon, Analisis at Interpretasyon gamit ang mga gabay na tanong sa
ibaba:

1. Bakit maituturing ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos bilang


pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik?
2. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagtatanghal o presentasyon ng
mga datos na natuklasan sa pag-aaral?
3. Bakit dapat iayon ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos sa
disenyong ginamit sa pananaliksik?
36
4. Bakit dapat suriin din ang mga datos na nakalap sa pananaliksik at hindi
lamang basta ilabas o itanghal? Ano-ano kaya ang mga dapat
isaalang-alang sa pagsusuri ng datos?

HUMAN BINGO 
Pinakamaingay Naglalaro ng Bunso sa May nunal sa Magaling sa
sa klase chess magkakapatid noo Math

Paborito ang Mayroong Mahiyain Nag-iisang Magaling


kulay pula tindahan anak kumanta

Panganay sa Mayroong Mahilig Magaling


magkakapatid alagang aso manood ng sumayaw
Kdrama

Mahilig sa Natutulog ng Mahilig Pinakapayat sa Mahilig


branded na madaling araw mangolekta ng klase mag-selfie
damit bag

Mahilig Umiinom ng Dalawa ang Paborito ang Consistent


maglaro ng ML vitamins cellpone tinolang manok Honor Student

 
 
 
 
 
 
37

 
 
Pagtalakay 
 
 
KABANATA IV
PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
(Maiksing Introduksyon ukol sa ikaapat na kabanata)

Tabyulasyon - ito ay ang proseso ng paglalahat ng mga datos


na nakalap upang dumaan sa higit na pagsusuri.

Sa kabanatang ito, tinatalakay ang inyong mahahalagang suliranin


o problemang nais mabigyang solusyon gamit ang mga grapikong
larawan o mga ilustrasyon.

 
Gawain II: Pagsulat ng Kabanata IV 
 
 
Base sa mga nakalap na datos, gumawa ng kabanata 4.
 
Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Natatangi (3 Puntos) Naisagawa (2 Puntos) Papaunlad (1 puntos)

Pananaliksik at Nakakalap ng Nakakalap ng Nakakalap ng


pangangalap ng impormasyon na impormasyon subalit impormasyon subalit
impormasyon kapaki-pakinabang sa hindi lahat ay may kaunti lamang ang
pamagat kaugnayan sa pamagat naging
kapaki-pakinabang
para sa pamagat

Pagsunod sa Natapos lahat ang Halos nagawa ang Kaunti lamang ang
Mekaniks naibigay na gawain naitalagang bahagi sa natapos sa naiatas na
proyekto gawain

Kaayusan Nakaayos ang mga Nakaayos ang mga Nahihirapan ang mga
impormasyon sa impormasyon kung tagapakinig na
maliwanag at malinaw saan madaling intindihin ang
na maintindihan ng mga presentasyon dahil ang
pagkakasunod-sunod tagapakinig mga impormasyon ay
kung saan madaling nakaayos sa di
maintindihan ng mga wastong paraan.
tagapakinig

Gamit ng Wika Walang pagkakamali May kaunting bilang ng Medyo marami ang
sa baybay at/o mga salitang may bilang ng mga salitang
gramatika maling baybay at/o may maling baybay
maling gramatika at/o maling gramatika

 
 
 
 
Aralin VI: Kabanata V- Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon 
 
 
Panimula: 
 
Matututuhan sa araling ito ang paraan ng pagsasagawa ng lagom at pagbibigay
ng konklusyon at rekomendasyon base sa naging resulta ng isinagawang pananaliksik.
 
 
 
Mga Layunin: 
 
Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga impormasyong dapat nakapaloob sa lagom, kongklusyon at


rekomendasyon;
2. Nasusuri ang mga impormasyong gagamitin sa paggawa ng lagom, kongklusyon at
rekomendasyon; at
3. Nakagagawa ng Kabanata 5.
Gawain I: Pinoy Detekbib 
 
Susuriin ng mga mag-aaral ang isang larawan. Sila ang magiging detektib
ng isang pangyayaring maoobserbahan sa larawan. Sa pagsasagawa nito, sasagutin nila ang
mga sumusunod na gabay na tanong:

39
 
1. Ano-ano ang inyong naobserbahan sa larawan?
2. Sa mga nabanggit na obserbasyon, ano ang maaari mong maging konklusyon mula
rito? Magbigay ng tatlong halimbawa.
3. Dahil sa pangyayaring ito, ano ang iyong maaaring maging rekomendasyon?
 

 
 
 
 
 
Gawain II: Pagsusuri 
 
 
Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng halimbawa ng isang pananaliksik (lagom,
konklusyon, at rekomendasyon). Sa pagsasagawa nito gagamitin nilang gabay ang mga
sumusunod na tanong:

1. Ano ang nilalaman ng bawat bahagi?


2. Saang bahagi ng pananaliksik kinuha ang lagom ng natuklasan?
3. Paano nabuo ang konklusyon?
4. Paano nauugnay ang rekomendasyon sa konklusyon?

40

Pagtalakay 
 
 
 
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
(Maikling introduksyon ukol sa ikalimang kabanata)

LAGOM
Naglalaman ito ng buod ng mga natuklasang datos. Sa bahaging
ito, nakalista (enumerated) lamang ang mga natuklasan mula sa
pananaliksik.

KONKLUSYON
Itinuturing na isa sa pinakamahirap na bahagi ng pananaliksik.
Dapat na matandaan ng mananaliksik na karaniwang natatandaan ng mga
mambabasa ang kongklusyon kaya’t higit na kailangan ito ang bahagi na
pinakamalakas sa pananaliksik.

Ang kongklusyon ay kinakailangang:


1. Sumasalamin sa panimula
2. Magbabangit muli ng thesis statement at lalong nagiging
pangkalahatan
3. Nilalagom ang mga pangunahing ideya
4. Nagpapaluwag sa mambabasa bakit makahulugan ang iyong
pananaliksik
5. Nagpapakita ng resulta ng iyong pag-aaral
6. Humihimok na pag-isipin ang mambabasa hinggil sa paksa
7. Mag-iwan ng tanong sa mambabasa
8. Mag-iwan ng babala o hypothesis
9. Magpakita ng mahahalagang kaisipan
10. Magtala ng isang angkop na anekdota

41
REKOMENDASYON
Ang pagsasagawa ng rekomendasyon ay higit na madaling
gawin. Ang tanging dapat na gawin ng mananaliksik ay hayaan ang
kanyang pananaliksik ay masipi.
 

Gawain III: Paggawa ng Kabanata V 


 
 
Base sa naging resulta ng isinagawang pananaliksik, gumawa ng kabanata 5.
 
Pamantayan  4  3  2  1 

Kawastuhan ng Natugunan nang Kompleto/ May ilang Maraming


Nilalaman higit sa malinaw/ kakulangan/ hindi kakulangan/ hindi
inaasahan/ natugunan ang gaanong malinaw/ malinaw/ hindi
mahusay/ inaasahan/ hindi gaanong napaghandaan
natatangi karaniwan napaghandaan

Gramatika Wasto ang salita Sapat at wasto Sapat ang salitang Nangangailangan
at baybay na ang salitang ginamit ngunit pa ng
ginamit. Angkop ginamit maliban maraming pagpapaunlad sa
upang sa ilang pagkakamali aspektong
maipaliwanag pagkakamali sa gramatika
nang maayos gramatika

Kaisahan Mahusay at may Mahusay ang Mahusay ngunit Nangangailangan


(coherence) kaisahan ang mga kaisipan na may mga pa ng
kaisipan na inilahad kaisipang hindi pagpapaunlad sa
inilahad malinaw kaisahan ng
kaisipan

You might also like