You are on page 1of 8

Kabanata II: Mga Hakbang ng

Pananaliksik para sa Papel Pananaliksik

Aralin 1: Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Pamagat


Pampananaliksik

Panimula:

Matututuhan sa araling ito kahulugan, katangian, ang mga hakbang at dapat


taglayin sa pagbuo ng isang mahusay na pamagat pampananaliksik.

Mga Layunin:

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:


1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng pananaliksik;
2. Nasusuri ang mga dapat taglayin ng isang mahusay na pamagat;
3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng pamagat pananaliksik; at
4. Nakabubuo ng isang mahusay na pamagat pananaliksik.

PAGTALAKAY:

PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong


inkwiri ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito. Good (1963)

May detalyadong depinisyon.Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa


mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Aquino (1974)
Ang pananaliksik ay prosesong pangangalap ng mga impormasyon o datos upang malutas ang
isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan. Manuel at Medel(1976)

Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning


masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. Parel (1966)

Isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. E. Trece at J.W. Trece
(1973)

Katangian ng Pananaliksik

1. Obhetibo
2. Sistematiko
3. Napapanahon o naiuugnay sa kasalukuyan
4. Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan
5. Empirikal
6. Kritikal
7. Dokumentado

Gawain 1:

1. Mag-iisip ng problema ang mga mag-aaral na kanilang kinakaharap araw-araw. (Problema


sa Komunidad o Paaralan)
(wika, kultura at kurso)
2. Pipili ng tatlong problema at itatala sa papel.
3. Magbibigay ng isang halimbawa ang guro ng pamagat pampananaliksik, mula sa napiling
problema ang mga mag-aaral ay bubuo ng pamagat.
5. Venn diagram( pagkakaiba at pagkakatulad ng ibinigay na halimbawa ng guro at mag-aaral)
6. Susuriin at tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga dapat taglayin o nilalaman ng isang
mahusay na pamagat pampananaliksik.
Antas ng Kaalaman sa Paggamit ng mga Salitang Filipino sa Pangungusap ng mga
Mag-aaral na nasa Ikasampung Baitang sa Universidad ng Nueva Caceres

Gawain II:

Bumuo ng isang mahusay na pamagat pampananaliksik. Gawing gabay ang


rubrik sa ibaba para sa bubuoing pamagat.
1. Sa isang kawalong bahagi ng papel, isulat ang inyong pamagat at suliranin.
2. Kinakailangan ang bawat pangkat ay may tatlong pamagat na may suliranin.
3. Ang suliranin ay binubuo ng tatlong bilang.
Unang Bilang: Sumasagot sa Pag-aaral
Ikalawang Bilang: Sanhi ng Problema o Suportang Ideya
Ikatlong Bilang: Makatutulong sa pag-aaral
Pormat:

Pangalan:
Pamagat:
Paglalahad ng Suliranin:
1.
2.
3.

Rubrik:

4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Kailangang Isaayos
1- Muling Gawin

Puntos Pamantayan

4 Nagtataglay ng lahat ng katangian ng isang pamagat

3 Malinaw at espisipiko ang pamagat

2 Kulang sa katangian na dapat taglayin ng isang pamagat

1 Hindi nagtataglay ng katangian ng isang pamagat

Takdang-Aralin

1. Ano-ano ang bahagi ng kabanata I sa pananaliksik?


2. Ano-ano ang nilalaman ng bawat bahagi ng kabanata I sa pananaliksik?

Aralin II: Kabanata 1- Introduksyon


Panimula:

Matututuhan sa araling ito ang nilalaman at iba’t ibang bahagi ng kabanata 1 na siyang
magiging daan sa pagsisimula sa paggawa ng papel pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang mahusay na Introduksyon.

Mga Layunin:

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:

1. Natutukoy ang nilalaman ng unang kabanata;


2. Nasusuri ang nilalaman ng bawat bahagi ng kabanata 1; at
3. Nakagagawa ng kabanata 1.

Gawain I: Pagsasaayos

Panuto: Pagsunod-sunurin ang bahagi ng kabanata 1. Isulat sa patlang sa baba ang


pagkakasunod-sunod ng bawat bahagi.

Kahalagahan ng Pag-aaral Katuturan ng Pagtalakay Panimula

Paglalahad ng Suliranin Saklaw at Delimitasyon Layunin

1. _________________________ 4. ________________________
2. _________________________ 5. ________________________
3. _________________________ 6. ________________________
Gawain II:

1. Pag-aaralan ng mga mag-aaral ang konsepto at hahanapin nila ang kahulugan


ng mga ito (Pagpapaliwanag)
2. Magbibigay ng handout ang guro upang tayahin ng mag-aaral ang kanilang
kasagutan.
Kabanata 1-handout
3. Matapos maayos ang tamang pagkakasunod-sunod ng Kabanata 1. Magsisimula
na ang mga mag-aaral sa pangangalap ng impormasyon.
4. Paggawa ng unang kabanata.

Pagtalakay:

KABANATA I

PANIMULA

Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa


ng pananaliksik. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. “Ano ba ang tungkol
sa iyong pinag-aaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pag-aralan.” Sa mga mananaliksik na
mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina sa bahaging ito ay sapat na.Nakatala dito ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa Inilalalahad sa unang bahaging ito kung saan at
paano nagsimula ang ideya.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong. Sa bahaging ito
inilalahad at inilalarawan ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus. Inilalahad dito ang
mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi
ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad ay
nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang parameter ng


pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pag-aaral.
Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag aaral,
habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limitasyon ng pananaliksik. Tinatalakay
ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin sa pag aaral. Ipinapakita sa
bahaging ito ang lawak ng sakop ng ginagawang pag-aaral. Ipinapaalam din dito ang mismong
paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin. Naglalaman
ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang
hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Inilalahad dito ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.


Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito
ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan
ng edukasyon at siyensya.

KATUTURAN NG PAGTALAKAY

Inililista rito ang mga salitang ginagamit sa pag-aaral. Tanging mga katawagan, salita, o
pariralang may espesyal na gamit o natatanging kahulugan sa pag-aaral ang bibigyan ng
depinisyon. Ang pagbibigay ng kahulugan ay may dalawang paraan. Maaaring itong:
Operasyonal na Pagpapakahulugan – dito bibigyang kahulugan ang mga salitang
mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung
paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Konseptwal na Pagpapakahulugan – Ito ay ang
istandard na kahulugan. matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal
na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.

Gawain III: Paggawa ng kabanata 1

1. Sa isang buong papel o short size bond paper, gumawa ng kabanata 1. (Naglalaman ng
PANIMULA, LAYUNIN NG PAG-AARAL, PAGLALAHAD NG SULIRANIN, SAKLAW AT
DELIMITASYON, KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL, KATUTURAN NG PAGTALAKAY).
2. Gawing batayan ang pamantayan sa ibaba.

Rubrik:

4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Kailangang Isaayos
1- Muling Gawin

Puntos Pamantayan

4 Malinaw at nagtataglay ng lahat ng nilalaman ng kabanata 1

3 Nagtataglay ng lahat ng nilalaman ng kabanata 1

2 Kulang ang nilalaman ng kabanata 1

1 Hindi nagtataglay ng nilalaman ng kabanata 1

You might also like