You are on page 1of 8

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

_______________________________________ _______________________
Guro: Petsa ng Pagpasa:
_______________________________________ _______________________

Susing Konsepto:

Pokus sa Tagaganap / Aktor Pokus kapag ang paksa ang


tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na “Sino?” at
gumagamit ng mga panlaping (mag-, nag-, -um, mang-,
ma-, maka-, makapag-, maki-, na).
Halimbawa:
1. Ang magulang ang maghahatid ng mga
nasagutang LAS ng anak.
2. Sikapin mo na makipag-ugnayan sa guro kung
nahihirapan sa aralin.
3. Sumunod sa ibinigay na oras sa pagsagot ng
LAS ang mga mag-aaral ni Gng. Ofracio.
Paksa Pandiwa
1. magulang maghahatid
2. mo makipag-ugnayan
3. mag-aaral sumunod

Pokus sa Tagatanggap / Benepaktib / Pinaglalaanan


kung ang paksa ang tumatanggap / pinaglalaanan ng kilos
ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
“para kanino? at gumagamit ng mga panlaping (i-, -in,
ipang-, ipag-) siyang pokus ng pangungusap.

Halimbawa:
1. Ipinagluluto nila ng pinakro ang bisita.
2. Ipinagprito ni Cassy ng isda ang kapatid.
3. Ipinaghanda ni G. Dino ng hapunan ang kabiyak.

1
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2
Pandiwa Paksa
1. Ipinagluluto bisita
2. Ipinagprito kapatid
3. Ipinaghanda kabiyak

Kasanayang Pampagkatuto:
Sa gawing pagkatutong ito, inaasahan na:
Nagagamit mo nang wasto ang pokus sa tagaganap (aktor)
at pokus sa tagatanggap (benepaktib/pinaglalaanan) ng
pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. F6L—
Iif-j-5

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Pansinin ang mga pahayag sa usapan.


Sitwasyon: Masayang pinag-uusapan ng magpipinsan ang kanilang nalalapit na
pamamasyal.

Naku! Bukas, pwede na pala


tayong makapamasyal.
Excited na ako!

Sandali! Hindi ba may


covid19 ngayon? Tiyak hindi
tayo makalalabas ng bahay
nito.

2
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2
Opo nga pala kuya Jam.
Magtatanim na lang kami ni
mama ng kamote bukas.

Sige, tayo na lang ang


magtatanim. Tumulong ang
kuya Dazh ninyo sa
pamamahagi ng relief
goods.kanina. Tiyak kong
pagod siya ngayon.

Tita, ano po ang ginagawa


Ah! Ipinagluluto niya
ninyo?
ng ginatan ang mga
frontliners.

Ang sipag mo naman Biele.


Mukhang kanina ka pa
nagtutupi ng mga damit.

Salaamat MD. Tinutulungan ko kasi si


mama. Ipinaglaba ni mama si dada. Mga
damit na ginamit ni dada sa pagduty niya
ng ilang araw.

Hayaan mo Biele. May awa ang


Diyos nabakunahan na tayong lahat,
makabalik na muli sa normal ang
buhay at pag-aaral natin.

3
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2
Ano ang pinag-uusapan ng
magpipinsan? Ano ang kilos ang
kanilang ginawa?

Ano-anong pokus ng pandiwa


ang kanilang ginamit?
Maibibigay mo ba ang mga
pandiwa at ang paksa nito?

Ngayon, maaari mo bang gamitin


ang mga pokus ng pandiwang iyong
natutuhan at gamitin sa sariling
pangungusap?

Pagsasanay 1

Panuto: Buoin ang usapan gamit wastong pokus ng pandiwa.

Sitwasyon: Pag-uusap tungkol sa nagaganap sa isang barangay.


(Pagpipilian ng sagot: magkakapatid na Santos-aktor, anak-tagatangngap,
tao–aktor, kapitbahay-tagatanggap, Mang Ben-aktor, mayayaman- aktor)

Kapitan: Masisiglang gumagawa ang mga (1)_______ sa ating


barangay.

Kagawad: Oo nga. Ipinaghahanda ng nanay ng masustansiyang


pagkain ang kanilang (2)______.

Kapitan: Ang tatay naman, binigyan ng kamoteng ani niya ang (3)
_______, at humingi ng tulong si (4) ______ na isang drayber ng dyip
dahil tigil pasada ngayon.

Kagawad: Mabuti ang (5)______ ay magtatanim ng gulay sa bakuran


kaya wala nang gumagala-gala.

4
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2
Matapos mong masagutan ang picture story; mag-isip
ng tatlong pangngalan at dalawang panghalip gamitin
mo sa isang usapan tungkol sa pakikipag-usap sa
kalaro o kaibigan. Isulat sa sagutang papel.

Pagbati sa matagumpay na gawain!


Matapos mong sagutin ang pagsubok,
tingnan kung ito ay tama o mali sa
pahina _____.

Pagsasanay 2

Panuto: Gamitin ang pokus na tagaganap (aktor) at pokus na


tagatanggap (benepaktib) sa pagbuo ng usapan. Isulat ito sa patlang.ang
pokus ng pandiwang may salungguhit

Andy: Sa pagsisimula ng taong 2020 malaking pagsubok ang dumating


sa ating buhay, bro.
Ely: Oo, mabilis ang pagkalat ng coronavirus at dumarami ang kaso ng
nagpositibo nito sa bansa. Kaya nangangamba 1. (tagaganap)___________ sa
ating kaligtasan.
Andy: Kaya nga kumilos agad ang ating pamahalaan. Nagpatupad ng
agarang ECQ ang 2. (tagaganap)________. Nagsiuwian ang ilang
manggagawa sa probinsiya. Nawalan ng trabaho ang karamihan sa atin.
Ely: At ang mga bata’t 3. (tagaganap)_____ ay nanatili na lamang sa
loob ng bahay.Nakatanggap rin ang bawat 4. (tagatanggap)
_________ ng konting ayuda ng pamahalaan.
Andy: Pero, hindi pa rin sapat iyon, lalo na kung malaking pamilya.
Kung may mga pananim, hindi 5. (tagaganap)____________magugutom.

5
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2
Pagsasanay 3

Sitwasyon: Ngayong tayo ay nahaharap sa isyung pangkalusugan at


napasailalim tayo sa community quarantine o pananatili sa ating mga
tahanan/pamayanan, bilang mag-aaral ano ang iyong magagawa upang
makatulong na maibsan ang agam-agam at pangamba ng iyong mga
magulang? Sumulat ng limang (5) pangungusap tungkol dito gamit ang
mga pokus ng pandiwang napag-aralan.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

6
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2
Bilib ako sa iyo! Nagawa mo ang lahat ng gawain,
kaya Smile naman diyan , ayan bilang pangwakas
punan mo ang patlang sa ibaba upang mabuo ang
kaisipan ng natutuhan mo sa ngayon 

Sa pakikipag-usap higit tayong


mauunawaan ng ating kausap kung nagagamit
natin nang maayos wasto ang mga salitang
tumutukoy sa ____________ at ___________.
Mahalaga ring matutuhan ko ang
paggamit ng mga ito sapagkat__________.
______________________.

7
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2
Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. Tao-aktor 1. tayo
2. Anak-tagatanggap 2. pangulo
3. Kapitbahay-tagatanggap 3. matatanda
4. Mang Ben-aktor 4. pamilya
5. Magkakapatid na Santos-aktor 5. sila
Pagsasanay 3 (Batayan sa Pagwawasto-Rubriks)
Batayan 5 4 3
Nagamit nang May kaunting Maraming
Nilalaman buong husay ang kakulangan sa kakulangan sa
mga pokus ng paggamit ng mga paggamit ng
pandiwa sa usapan pokus ng pandiwa mga pokus ng
sa usapan pandiwa sa
usapan
Nakasulat ng Nakasulat n lipon Maraming mga
angkop na mga ng salita o pagkakamali sa
Gramatika lipon ng salita, pangungusap, ginamit na mga
baybay, bantas at baybay, bantas at lipon ng salita o
bahagi ng bahagi ng pangungusap,
pananalita pananalita baybay, bantas
at bahagi ng
pananalita

Sanggunian

Filipino 6 Kwarter 2, Modyul 2

Inihanda ni: Janine D. Medallada


Guro, Sorsogon East Central School

8
RO_Filipino_Baitang 6_K2_LP2

You might also like