You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN sa FILIPINO 3

I. Layunin: Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.
F3WG – IIef – 5

II. Paksa: Paggamit ng Pandiwa


Kagamitan: larawan, Power Point Presentation
Sanggunian:
Gabay sa Pagtuturo: P. 131-132
Kagamitang ng Mag-aaral: P. 76
Integrasyon: Araling Panlipunan: Magagandang Lugar sa Barangay Kibia
ESP: Pananalig sa Diyos

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala ng liban
4. Pagbibigay ng Pamantayan

B. Panlinang na Gawain
1. Pagsasanay
 Isang Laro: CHARADES
Bigyan ang bawat grupo ng ‘flaglets’. Tumawag ng isang miyembro na
bubunot sa kahon. Iaarte sa harap ng klase ang sinasaad na kilos ng nabunot
na papel.Ang grupo na handang sumagot ay magtataas ng kanilang ‘flaglet’.
Ang grupo na makuha ng sagot ang magkakaroon ng pagkakataon na
pumunta sa harap at magpahula ng salitang kilos.

2. Balik-Aral
 Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari:
Magpaskil ng mga larawan. Lalagyan ng mga bata ng bilang ang mga larawan
batay sa pagkakasunud-sunod nito. (Numeracy Skills)
3. Pagganyak
Ipakita ang larawan na nagsasaad ng mga salitang kilos.

4. Pagtatalakay
 Ipaskil ang talata: (Integration: Araling Panlipunan) Hanapin ang mga
Pandiwa na ginamit sa talata.
Maagang gumising si Nina. Mamamasyal kasi sila ng kanyang
pamilya. Maglilibot sila sa Barangay Kibia at sa kalapit nitong lugar .
Sumakay na sila sa kanilang sasakyan.
Una nilang pinuntahan ang Orchids Farm. Nakita nila ang
magagandang orchids na namumulalak. Sunod nilang binisita ang Gimo
Swimming Pool, ang tanyag na paliguan sa kanilang barangay dahil sa
napakalamig na tubig nito.
Pagkatapos nito ay pumunta sila sa Maligaya Overview kung saan
nakita nila ang mga iba’t ibang tanawin at matataas na mga bundok.
Pagkatapos dito ay nagtungo sila sa Lovers’ Lane kung saan madalas
pinupuntahan ng magkakapamilya o magkakabarkada.
Huminto sila sa Sta. Maria upang kumain ng mainit na balut. Bago
sila umuwi, dumaan sila sa simbahan upang magpasalamat sa ligtas at
masayang paglalakbay.

 Mga gabay na tanong:


1. Ano-ano ang mga pandiwa na nabanggit sa talata?
2. Ano ang ibig sabihin ng Pandiwa?
3. Anu-ano ang mga gawain natin sa ating paaralan? Sa tahanan? At sa
pamayanan?
Magbigay ng mga halimbawa ng Pandiwa at gamitin ito sa pangungusap.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
 Ano ang Pandiwa?
 Magbigay ng halimbawa. Gamitin ito sa pangungusap.

2. Paglalapat
Gawain 1: Pangkatang Gawain:
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata. Ibigay ang mga pamantayan sa paggawa ng
grupo. Ibigay ang mga panuto sa paggawa.Ipaskil sa pisara ang natapos na gawa ng
bawat pangkat.
Pangkat 1: Hanapin at bilugan ang pandiwa na isinasaad ng larawan.
Pangkat 2: Kulayan ang mga kahon na may salitang kilos o pandiwa.
Pangkat 3: Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa mga gawain sa Paaralan,
Tahanan at Paaralan.

Rubrik ( Pangkatang Gawain 1&2)


5 3 1
Nilalaman Wasto ang lahat May isa o dalawa May tatlo na
na mga sagot na hindi wasto hindi wasto ang
ang sagot. sagot.
Kooperasyon Lahat ay Halos lahat ay Isa lang ang
nagtutulungan sa nagtutulungan sa sumasagot.
pagsagot. pagsagot
Oras Natapos ang Natapos ang Di-natapos ang
Gawain bago ang Gawain Gawain.
itinakdang oras. pagkatapos ng
itinakdang oras
Rubrik ( Pangkatang Gawain 3)
5 3 1
Nilalaman Nakabubuo ng 5 Nakabubuo ng 3-4 Nakabubuo ng
wastong wastong 1-2 wastong
pangungusap pangungusap pangungusap
gamit ang mga gamit ang mga gamit ang mga
salitang kilos o salitang kilos o salitang kilos o
pandiwa. pandiwa. pandiwa.
Kooperasyon Lahat ay Halos lahat ay Isa lang ang
nagtutulungan sa nagtutulungan sa sumasagot.
pagsagot. pagsagot
Oras Natapos ang Natapos ang Di-natapos ang
Gawain bago ang Gawain Gawain.
itinakdang oras. pagkatapos ng
itinakdang oras

Gawain 2:
WORD SEARCH (Literacy Skills)
Magpaskil ng Word Search sa pisara. Hahanapin ng mga bata ang mga pandiwa na
nakalista.Gamitin ang mga salitang ito sa pangungusap.

IV. Pagtataya
Gamitin ang wastong salitang kilos o pandiwa sa bawat pangungusap.Pumili ng sagot
sa kahon sa ibaba.

nagdidilig sinusulat naglilinis


nagluluto naglalaro nagbabasa
1. _____________ namin ang aming pangalan sa papel.
2. _____________ kami ng iba’t ibang kwento sa paaralan.
3. Si nanay ay _______________ ng masarap na almusal araw-araw.
4. Kami ay _______________ng aming kapaligiran sa pamayanan.
5. Tuwing umaga ay ____________kami ng mga tanim.

V. Takdang-Aralin
 Magtala ng mga pandiwaang ginagamit mo kung ikaw ay nasa bahay.
Gamitin ito sa pangungusap.

Prepared by:

CHRISTINE P. RIVERA
Teacher I

Observed by:

HAYDEE S. CALUBAN
Master Teacher I

AIREEN F. MAQUERME
Principal I
CERTIFICATE OF ENROLLMENT

To Whom It May Concern:

This is to certify that ARNIL M. ELESTERIO with LRN 467503160053


(Name of Pupil)

is enrolled in this school as Grade Three pupil for school year 2020-2021.
(Grade Level)

This certification is issued upon her/his request for whatever legal purpose it may
serve best.

Given this 12th day of March, 2021 at Kibia, Matalam, Cotabato.

AIREEN F. MAQUERME
Principal I
WORK FROM HOME WEEKLY PLAN
APRIL 5-9, 2021
DAY ACTIVITY EXPECTED OUTPUT REMARKS
MONDAY Printing of Module 2 Done printing of modules
( 3rd Quarter) ( 3 subjects )
TUESDAY Printing of Module 2 Done printing of modules
( 3rd Quarter ) ( 3 subjects )
WEDNESDAY Sorting of Module 2 Ready for Distribution
( 3rd Quarter )
THURSDAY Checking of Summative Tests Done checking of
and Performance Tasks Summative Tests and
Performance Tasks

FRIDAY Holiday Holiday

Prepared by:
CHRISTINE P. RIVERA
Teacher 1

Noted:

AIREEN F. MAQUERME
Principal I

You might also like