You are on page 1of 3

PAARALAN Agoncillo College Inc.

BAITANG 7
DAILY LESSON GURO Rhoda S. Punzalan ASSIGNATURA Filipino 7
PLAN ARAW NG PAGTUTURO Ikatlong Araw KWARTER Unang kwarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Naipamamalas ang pag – unawa sa mga akdang-pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Nakububuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo.
pagganap

C. Most Essential Learning  Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga element nito (F8PB-Id-f-230
Competencies  Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat (F8PT-Id-f20)
 Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di – makatotohanan ng mga puntong binibigyang-
diin sa napakinggan (F8PN-Id-f-21)
 Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat sa binasang alamat (F8PD-Id-f-20)
 Mga Layunin:
 Naiisa – isa ang mga elementong bumubuo sa isang alamat;
 Nasasagot ang mga tanong na may kinalaman sa binasang alamat; at
 Nasasabi ang mahalagang kaisipan ng alamat.

II. NILALAMAN
A. PAKSA ARALIN 1. Alamat sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol, at Hapones
REX EDUCATION
B. SANGGUNIAN Filipino 8 kuwater 1 Modyul 2
Pahina: 2 -13
C. KAGAMITAN Modyul, Panulat, at Laptop
III. PAMAMARAAN

Panimulang Pagsusulit:
INTRODUKSIYON
A. Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. (5
bilang)
B. Panuto: Bilugan ang pang-abay na pamanahon at ikahon ang pang abay na panlunan na ginamit sa pangungusap.
(5 bilang)
C. Ayusin ang mga bahagi ng banghay. Isulat ang bilang 1 – 5 sa patlang batay sa oagkakasunod-sunod nito. (limang
bilang)
Pagbabalik Aral
Ayusin ang mga ginulong letra sa bawat bilang tungkol sa karunungang-bayan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang. (limang
bilang)

Pagtuklas
Pag-aralan ang larawan at pagkatapos, ayusin ang mga letra upang matukoy ang lugar na ipinakikita sa larawan. Sagutin ang
mga tanong sa susunod na pahina nito. (3 bilang)
Basahin mo nang may pang – unawa ang teksto.
PAGPAPALALAGO O
PAGTATALAKAY
Ang Unang Hari sa Bembaran
(Alamat ng Maguindanao)
Salin ni Venancio L. Mendiola

Sagutin ang mga tanong batay sa binasang teksto.(5 bilang)

Ang alamat ay isang akdang pampanitikan tungkol sa kuwento ng pinagmulan ng isang bagay. Karaniwan itong nagsasalaysay
ng mga pangyayari na may pinagbatayan sa kasaysayan. Masasalamin dito ang paniniwala at tradisyon ng mga tao na nabibilang
sa isang pangkat o lahi.
Katulad ng ibang uri ng akdang panitikan, gumagamit din ng matatalinhagang pahayag ang alamat. Ito ay mga pahayag na may
itinatagong kahulugan.

Pagtitiyak sa Naunawaan
Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang sagot.
1. Taglay ba ng teksto ang mga elemento ng alamat?______
2. Tunay bang kapana-panabik ang kasukdulan sa kuwento?_______
3. Nailararawan baa ng tauhan batay sa kaniyang mga kinikilos?____

Mahalagang Kaalaman
 Ang Alamat ay kuwento ng pinagmulan ng isang bagay.
 Ito ay binubuo ng sumusunod na elemento: tauhan, tagpuan, saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan, kakalasan,
at katapusan.
PAGLILINANG Ginabayang Gawain:
Tukuyin ang kahulugan ng ilang matalinghagang pananalita na sinalungguhitan sa pangungusap na matatagpuan sa alamat.
Humingi ng gabaysa inyong magulang o tagapangalaga sa pagsasagot nito. (3 bilang)
PAGLALAPAT Sumulat ng sariling alamat na may 20 pangungusap.
Mag-isip ng limang matatalinghagang salita at ilagay ang kahulugan nito.
IV. PAGTATAYA

Inihanda ni:
Gng. Rhoda S. Punzalan
Guro sa Filipino

Pinagtibay ni:
G,Christopher C. De Leon
Punongguro

You might also like