You are on page 1of 2

St. Martin Montessori School, Inc.

Palatanungan Blg. :

PAGTATASA SA UNANG KWARTER Kabuuang Bilang ng Aytem: 50


FILIPINO 10
Taong Pampanuruan: 2022 - 2023 ISKOR:

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang may pag-unawa ang bawat bilang. Sundin ang isinasaad na paraan ng
pagsagot sa bawat bahagi ng pagtatasa. Isulat ang kasagutan sa inyong libritong pampagsusulit. Huwag sasagutan
ang palatanungang ito.

I. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay isang tulang pasalaysay na patungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
A. Pabula B. Mitolohiya C. Epiko D. Parabula
2. Ito ay mga kuwento na hango sa Bibliya na kapupulutan ng aral sa buhay.
A. Pabula B. Mitolohiya C. Epiko D. Parabula
3. Ayon kay Hesus, ilang beses dapat patawarin ang taong nanakit sa iyo.
A. Tatlo B. Pitumpu't Pito C. Lima D. Pito ng Pitumpu
4. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa sa bawat pangungusap.
Nalito si Achilles sa mungkahi ni Iris.
A. Imperpektibo B. Kontemplatibo C. Perpektibo D. Pawatas
5. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa mga salita, parirala at pangungusap.
A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pangatnig D. Panghalip
6. Katangian ni Pandora na nagtulak sa kanya upang buksan ang kahon.
A. mapagbalat-kayo B. masunurin C. mausisa D. matalino
7. Ito ay pagpupulong na dinadaluhan ng iba't ibang mga tagapagsalita na may kaalaman sa partikular na paksa.
A. palihan B. simposyum C. pulong D. debate
8. Nilikhang nilalang ni Epimetheus.
A. hayop B. tao C. halaman D. karagatan
9. Ito ay isang panitikang nahahati sa ilang kabanata.
A. mitolohiya B. parabola C. nobela D. epiko
10. Ang nagbigay ng apoy sa mga tao.
A. Epimetheus B. Promitheus C. Zeus D. Pandora
11. Panitikang patungkol sa mga diyos at diyosa.
A. epiko B. mitolohiya C. nobela D. Parabula
12. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa sa bawat pangungusap.
Pinalibutan ng lahat si Bidasari.
A. Kontemplatibo B. Perpektibo C. imperpektibo D. Pawatas
13. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa sa bawat pangungusap.
Ipinadala niya sa giyera ang matalik na kaibigang si Patroclus
A. imperpektibo B. Perpektibo C. Kontemplatibo D. Pawatas
14. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa sa bawat pangungusap.
Lalaban ako, ina, dahil ipinaghihiganti ko si Patroclus.
A. imperpektibo B. Perpektibo C. Kontemplatibo D. Pawatas
15. Uri ng pang-ugnay na kumakatawan sa pinanggalingan ng isang pahayag katulad ng ayon kay.
A. panapos B. pananhi C. paninsay D. pang-ukol

II. ASPEKTO NG PANDIWA (2 puntos): Isulat ang pandiwang ginamit sa pangungusap. Pagkatapos ay uriin kung ito ba
ay PERPEKTIBO, IMPERPEKTIBO o KONTEMPLATIBO.

____________16-17. Nabalitaan ng dalaga na ang binata ay may sakit.


____________18-19. May binata at dalagang nag-iibigan kahit bawal ito sa kanilang tradisyon.
____________20-21.Tinawag ng datu ang binata para sa isang misyon.
____________22-23. Lubhang nasaktan ang dalaga sa balita.
____________24-25. Paparating na ang sulat ng binata sa dalaga.
____________26-27. Ang mga mag-aaral ay nagkukumahog sa paggawa ng takdang-aralin.

III. Pagtapat- tapatin ang dalawang kolum. Kilalanin ang iba’t- ibang uri ng ‘di berbal na komunikasyon.
Isulat ang titik ng iyong mapiling sagot.
28. ekspresyon ng mukha A. CHRONEMICS
29. amoy
B. HAPTICS
30. galaw ng mata
31. kulay C. PICTICS
32. haplos D. OLFACTICS
33. distansya E. OCULESICS
34. oras F. PROXEMICS
35. simbolo o larawan G. CHROMATICS
IV. Pasalaysay

PAMANTAYAN:
NILALAMAN – 2 PTS
PAGKAMALIKHAIN – 1 PT
BALARILA AT BAYBAY – 2 PTS
KABUUAN: 5 PTS

1. Ano ang pinapahiwatig ng kulisap o ng umiilaw na insekto na huling lumabas matapos mapakawalan ang mga
maiitim na insekto sa kahon na binuksan ni Pandora? (1-3 pangungusap)

2. Ano ang pinapahiwatig ni Hesus nang sinabi niya na tayo ay dapat magpatawad nang pito ng pitumpu? (1-3
pangungusap)

3.. Ayon sa sanaysay ni Rebecca sa apat na buwan niya sa Espanya, ano-ano ang mga kaugalian ng mga Espanyol
ang makikita rin natin sa kultura nating mga Pilipino? (1-3 pangungusap)

“Ang buhay ay puno ng problema ngunit marapat na ‘di mawalan ng pag-asa.”

- Kahon ni Pandora

Inihanda ni: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

BB. VERLYN GRACE D. CENINA, LPT G. CHRISTIAN DE GUZMAN GNG. LYDIA P. DE GUZMAN
Guro sa Filipino 10 Pangkagawarang Tagapag-ugnay Punong-Guro

You might also like