You are on page 1of 3

St. Martin Montessori School, Inc.

Palatanungan Blg. :

PAGTATASA SA UNANG KWARTER Kabuuang Bilang ng Aytem: 50


KOMUNIKASYON 11
Taong Pampanuruan: 2022 - 2023 ISKOR:

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang may pag-unawa ang bawat bilang. Sundin ang isinasaad na paraan ng
pagsagot sa bawat bahagi ng pagtatasa. Isulat ang kasagutan sa inyong libritong pampagsusulit. Huwag sasagutan
ang palatanungang ito.

i. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang mga sumusunod ay mga bansang nagpapatupad ng patakarang monolingguwalismo MALIBAN SA:
A. England B. France C. South Korea D. Pilipinas
2. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas.
A. Charles Darwin B. Henry Allan Gleason C. Dr. Robert Fox D. Chomsky
3. Ito ang barayti ng wika na kung saan matutukoy ang antas ng lipunan ng taong gumagamit nito.
A. etnolek B. idyolek C. sosyolek D. dayalek
4. Wikang puro at walang halong anumang barayti
A. heterogenous B. pidgin C. monolingguwalismo D. homogeneous
5. Siya ang pangulo na sumusog sa mungkuhing ibatay ang Wikang Pambansa sa umiiral na wika (Tagalog).
A. Manuel Quezon B. Benigno Aquino III C. Diosdado Macapagal D. Fidel Ramos
6. Sa paanong paraan ginamit ang wika sa pahayag ni Heneral Luna na "hindi ang mga Amerikano ang ating tunay na
kalaban kundi ang ating mga sarili"?
A. interaksyunal B. personal C. poetic D. instrumental
7. Wika na may kaugnayan sa isang propesyon.
A. register B. conyo C. jargon D. idyolek
8. Siya o sina ang lingguwistang nagsabi na ang wika ay dapat munang pagaralan bago matutuhang gamitin.
A. Charles Darwin C. Jose E. Romero
B. Paz, Hernandez at Peneyra D. Henry Allan Gleason
9. Wikang nagsimula sa pidgin.
A. sosyolek B. etnolek C. creole D. idyolek
10. Ito ay unang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino.
A. baybayin B. alibata C. abecedario D. abakada
11. Isa sa mga lahi na nandayuhan ayon sa wave migration theory ni Dr. Henry Otley Beyer.
A. Austronesian B. Callao man C. Taong tabon D. Malay
12. Ang nagpanukala na biyaya sa tao lamang ang paggamit ng wika.
A. Gobernador Tello B. Chomsky C. Carlos II D. Carlos I at Felipe II
13. Sa paanong paraan ginamit ang wika sa pahayag na "Pabili po ng asukal."?
A. instrumental B. heuristiko C. impormatibo D. conative
14. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.
A. ikatlong wika B. pangalawang wika C. unang wika D. ikaapat na wika
15. Sa paanong paraang ginamit ang wika sa pahayag na "Magandang umaga, Binibining Verlyn!"
A. interaksyunal B. dayalek C. idyolek D. sosyolek
16. Dahilan ng pagsunog ng mga Espanyol sa mga patunay ng ating mga ninuno na nakasulat sa paraang baybayin.
A. dahil ito ay tumutuligsa sa pamahalaan
B. dahil ito ay hindi nasa Wikang Espanyol
C. dahil ito ay taliwas sa kanilang patakaran
D. dahil paniniwala nila na ito ay gawa ng diyablo
17. Nagta-Tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga-Metro
Manila. Anong barayti ng wika ito?
A. dayalek B. sosyolek C. register D. idyolek
18. Bilang ng diyalekto at wikang pinangalanan ng DepEd na gagamitin bilang wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3.
A. 17 B. 19 C. 18 D. 20
19. Ito ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakikiusap.
A. emotive B. metalingual C. referential D. conative
20. Teoryang nagsasabi na ang wika ay mula sa panggagaya ng tunog mula sa kalikasan.
A. Dingdong B. Bow Wow C. Pooh Pooh D. Ta ta

II. Isulat kung anong teorya ng pinagmulan ng wika ang tinutukoy sa bawat pangungusap.
Piliin ang tamang sagot sa kahon.
21. mula sa hayop TEORYANG YOHEHO
22. mula sa kalikasan TEORYANG POOH POOH
23. mula sa matinding damdamin
24. mula sa paggamit ng pwersa TEORYANG BOW WOW
25. kaugnay sa kumpas ng kamay TEORYANG DINGDONG
TEORYANG TATA
III. Pagtapat- tapatin ang dalawang kolum. Kilalanin ang iba’t ibang gamit ng wika. Isulat ang titik ng iyong mapiling
sagot.

26. kuro-kuro A. EMOTIVE


27. damdamin B. PHATIC
28. masining na paraan C. POETIC
29. pinagmulan ng impormasyon D. METALINGUAL
30. pakikipag-ugnayan sa ibang tao E. REFERENTIAL
31. panghihikayat F. CONATIVE

IV. BAYBAYIN: Isulat sa baybayin ang mga sumusunod na salita. (3 PUNTOS)

32-34. KOMUNIKASYON

35-37. TAGALOG

38-40. PILIPINAS

IX. Pasalaysay

PAMANTAYAN:
NILALAMAN – 2 PTS
PAGKAMALIKHAIN – 1 PTS
BALARILA AT BAYBAY – 2 PTS
KABUUAN: 5 PTS

1. Tayong lahat ay nakagamit na ng wika. Magbigay ng isang sitwasyon na kung saan ginamit mo ang wika at tukuyin
kung anong uri ito. Pangatwiran ang napiling gamit ng wik. (Ito ba ay instrumental, regulatori, interaksyunal, personal,
imahinatibo, heuristiko o impormatibo at bakit?) 3 pangungusap - 5 puntos

2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkamatay o pagkawala ng isang wika? (3 pangungusap - 5 puntos)

“Ang tao lamang ang may kakayahang gumamit ng wika.”

Inihanda ni: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

BB. VERLYN GRACE D. CENINA, LPT G. CHRISTIAN DE GUZMAN GNG. LYDIA P. DE GUZMAN
Guro sa Komunikasyon 11 Pangkagawarang Tagapag-ugnay Punong-Guro

You might also like