You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Sangay ng Samar
Rehiyon VIII
Purok ng Talalora
Mataas na Paaralan ng Talalora
LINGGUHANG PLANO NG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO
Markahan: 1 Baitang: 10
Linggo: 4 Asignatura: Filipino

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCS)


 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. (F10PN-lb-c-63)
 Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at binasang mitolohiya. (F10PB-Ib-c-63)

Mga Nakatakdang
Araw Layunin Paksa Mga Nakatakdang Gawain sa Silid-Aralan
Gawain sa Bahay
 Nasusuri ang tiyak na Ang Tusong Katiwala Panalangin (Biyernes)
1 bahagi ng (Lukas 16:1-15) Pagbati
(Lunes) napakinggang Philippine Bible Pagtala ng liban at hindi Gabayan ang mag-aaral
parabula na Society upang magawa ang mga
naglalahad ng A. Balik-aral sumusunod na gawain.
katotohanan, Magkakaroon ng pagbabalik-aral sa naging aralin noong nakaraang linggo.
kabutihan at B. Tuklasin Magsaliksik o magbasa ng
kagandahang-asal. Gawain 1: Larawan ng Kabutihan isang parabula at suriin ang
(F10PN-lb-c-63) Panuto: Tukuyin ang kilos o galaw na makikita sa bawat larawan at kung anong nilalaman, elemento, at
pamantayang moral o kabutihang-loob ang ipinahihiwatig nito. kakanyahan nito. Sundin
C. Paglalahad ang pormat na makikita sa
Babasahin ng mga mag-aaral ang isang halimbawa ng parabula mula sa Syria at SLM.
pagkatapos ay tatalakayin ang kwento nito.
D. Paglalahat
Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa
Magkakaroon ng pagsagot mula sa binasang parabula bilang batayan kung
naunawaan ang akda.
E. Paglalapat
Gawain 5: KKK (Pangkatang gawain)
Panuto: Batay sa nabasa o napakinggang parabula, magtala ng mga kaganapang
nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal ng isang tao. Gayahin
ang pormat sa sagutang papel.

F. Pagtataya
Pagsagot sa isang pagsasanay na makikita sa SLM.
 Nasusuri ang Kahulugan, Elemento Panalangin
2 nilalaman, elemento at Dapat Tandaan sa Pagbati
(Martes) at kakanyahan ng Pagsulat ng Parabula Pagtala ng liban at hindi
binasang akda gamit
ang mga ibinigay na A. Balik-aral
tanong at binasang Magtatanong ang guro tungkol sa parabula na “Ang Tusong Katiwala” bilang
mitolohiya. (F10PB- pagtanaw kung naalala pa ang kuwento.
Ib-c-63) B. Tuklasin
Gawain: Q&A
Ano-anong mga parabula ang inyong nalalaman?
Kapupulutan ba ito ng aral?
Sa paanong paraan naka-impluwensiya ang binasang parabula?
C. Paglalahad
Pagtalakay sa kahulugan, mga elemento at dapat tandaan sa pagsulat ng parabula.
Pagbasa sa isang parabula na pinamagatang “Mensahe ng Butil ng Kape” isinalin sa
Filipino ni Willita A. Enrijo.
D. Paglalahat
Gawain: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutuhan sa parabula. Gayahin ang
pormat at ilagay ang sagot sa kwaderno,
E. Paglalapat
Gawain: Sino Ako?
Panuto: Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging
kalagayan ng mga tauhan sa binasang parabula. Magtala ng natutuhang mensahe
sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang kasunod na grapikong presentasyon sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari.
F. Pagtataya
Gawain: Mga Bahagi…. Suriin
Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, suriin mo ang mga pangyayari sa
parabula batay sa nilalaman, elemento at kakanyahan nito. Gayahin ang pormat sa
iyong sagutang papel.
Gabay na tanong:
1. Para sa nilalaman, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang kapupulutan
ng ginintuang aral at nagtataglay ng matatalinghagang pahayag?
2. Para sa elemento, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang nagpapakita
ng mga makatotohanang pangyayari na maaaring maiugnay sa iyong buhay?
3. Para sa kakanyahan, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang may tonong
mapagmungkahi?

 Nasusuri ang tiyak na Ang Tusong Katiwala Panalangin


3 bahagi ng (Lukas 16:1-15) Pagbati
(Miyerkules) napakinggang Philippine Bible Pagtala ng liban at hindi
parabula na Society
naglalahad ng A. Balik-aral
katotohanan, Magkakaroon ng pagbabalik-aral sa naging aralin noong nakaraang linggo.
kabutihan at B. Tuklasin
kagandahang-asal. Gawain 1: Larawan ng Kabutihan
(F10PN-lb-c-63) Panuto: Tukuyin ang kilos o galaw na makikita sa bawat larawan at kung anong
pamantayang moral o kabutihang-loob ang ipinahihiwatig nito.
C. Paglalahad
Babasahin ng mga mag-aaral ang isang halimbawa ng parabula mula sa Syria at
pagkatapos ay tatalakayin kwento nito.
D. Paglalahat
Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa
Magkakaroon ng pagsagot mula sa binasang parabula bilang batayan kung
naunawaan ang akda.
E. Paglalapat
Gawain 5: KKK (pangkatang gawain)
Panuto: Batay sa nabasa o napakinggang parabula, magtala ng mga kaganapang
nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal ng isang tao. Gayahin
ang pormat sa sagutang papel.
F. Pagtataya
Pagsagot sa isang pagsasanay na makikita sa SLM.

 Nasusuri ang Kahulugan, Elemento Panalangin


4 nilalaman, elemento at Dapat Tandaan sa Pagbati
(Huwebes) at kakanyahan ng Pagsulat ng Parabula Pagtala ng liban at hindi
binasang akda gamit
ang mga ibinigay na A. Balik-aral
tanong at binasang Magtatanong ang guro tungkol sa parabula na “Ang Tusong Katiwala” bilang
mitolohiya. (F10PB- pagtanaw kung naalala pa ang kuwento.
Ib-c-63) B. Tuklasin
Gawain: Q&A
Ano-anong mga parabula ang inyong nalalaman?
Kapupulutan ba ito ng aral?
Sa paanong paraan naka-impluwensiya ang binasang parabula?
C. Paglalahad
Pagtalakay sa kahulugan, mga elemento at dapat tandaan sa pagsulat ng parabula.
Pagbasa sa isang parabula na pinamagatang “Mensahe ng Butil ng Kape” isinalin sa
Filipino ni Willita A. Enrijo.
D. Paglalahat
Gawain: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutuhan sa parabula. Gayahin ang
pormat at ilagay ang sagot sa kwaderno,
E. Paglalapat
Gawain: Sino Ako?
Panuto: Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging
kalagayan ng mga tauhan sa binasang parabula. Magtala ng natutuhang mensahe
sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang kasunod na grapikong presentasyon sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari.
F. Pagtataya
Gawain: Mga Bahagi…. Suriin
Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, suriin mo ang mga pangyayari sa
parabula batay sa nilalaman, elemento at kakanyahan nito. Gayahin ang pormat sa
iyong sagutang papel.
Gabay na tanong:
1. Para sa nilalaman, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang kapupulutan
ng ginintuang aral at nagtataglay ng matatalinghagang pahayag?
2. Para sa elemento, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang nagpapakita
ng mga makatotohanang pangyayari na maaaring maiugnay sa iyong buhay?
3. Para sa kakanyahan, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang may tonong
mapagmungkahi?

Inihanda ni: Iniwasto ni:


JUDY ANN M. LEGUA SABINO A. ORBONG
Guro Ulong-Guro

Binigyang-puna ni:

ANALIZA P. BUCATCAT
Punong-Guro

Talalora National High School ( Formerly Independencia National High School)


Domingo Street, Barangay Poblacion II Talalora Samar 6719

You might also like