You are on page 1of 16

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Alternative Delivery Mode
Filipino-Ikalabindalawang Baitang
Kuwarter 2 -Modyul 5: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales
o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindi inangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon:
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Daisy S. Sabidor
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor

Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD


Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone Nos.:
(08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
Akademik
Kuwarter 2 - Modyul 5
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna
at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkah

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga REGION
Division of Agusan del Sur
Agusan del Sur National High School
Barangay 5,San Francisco,Agusan del Sur
Senior High School Department
WEEKLY LEARNING PLAN
(Modular at Online)
Ikalawang Semestre,
Ikalawang Kwarter
Panuruang Taon : 2020-2021
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 12
Kwarter: 2 – Linggo 11
Kaukulang Araw : January 22-30, 2021

Kasanayang Mga Gawain Paraan ng


Araw/Oras Asignatura
Pampagkatoto Pagbabahagi
(Date/time) (Learning Area)
(Learning Competency) (Leaning Task) (Mode of Delivery)

06:30am- Pagbangon/ Magtupi sa higaan/mag Ehersisyo


07:00am
07:00am- Kumain ng Almusal,maligo at pagkatapos maghanda para sa mga aktibidadis sa araw na ito.
08:00am
08:00am- Filipino sa Ano ang nalalaman mo? Ipasa ang mga
12:00pm Piling Larang Sagutan ang panimulang
naisagawa na mga
1.Nakasusulat ng
Akademik organisado, malikhain, at pagtataya aktibidadis sa
kapani-paniwalang sulatin. pamamagitan ng
Subukin pag pasa sa
CS_FA11/12PU-0p-r-94
Aralin 1 2.Nakabubuo ng sulating Gawain 1.1 Suriin kung Messenger,email
may batayang pananaliksik TAMA o MALI ang pahayag (Digitized)
ayon sa pangangailangan tungkol sa Pagsulat ng
Ang CS_FA11/12PU-0p-r-95 Replektibong Sanaysay
akademikong
Tuklasin
Sulatin:
Gawain 1.2 Basahin at
Pagsulat ng
unawain ang teksto tungkol
Replektibong
sa Replektibong Sanaysay
Sanaysay
Suriin

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga


katanungan

12:00pm Kumain kasabay ang Pamilya


01:00pm
01:00pm Matulog/magpahinga
02:00pm
2:00pm Pagyamanin
Isulat sa patlang ang
04:00pm kahulugan, mga dapat
isaalang-alang, at hakbang
sa pagsulat ng replektibong
sanaysay.
Isaisip Ipasa sa naatasang
Gawain 1.4 Suriin ang Brgy. Ang Module
pagkakatulad at pagkakaiba sa nakalaang oras
ng replektibong sanaysay at at panahon.
lakbay sanaysay sa (Modular Printed)
pamamagitan ng venn
diagram.

SUMMATIVE TEST
RUBRIK

Inihanda nina: Juvanie R. Pontillas/Irene G. Sinining

Para Saan ang Modyul Na Ito


Ang modyul na ito ay tungkol sa kahulugan, anyo, katangian, kahalagahan, paghahanda,
mga etika at kasanayan sa pagsulat ng replektibong sanaysay. Ang Akademikong Pagsulat na
inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang ay
naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating na siyang lilinang sa
mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat.
Sa Modyul na ito, layunin nitong mabibigyang-kahulugan ang isang replektibong
sanaysay, makilala ang mga katangian ng mahusay na replektibong sanaysay,
matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng replektibong sanaysay, makasulat ng
isang organisado, malikhain at tapat sa katotohanan at maisaalang-alang ang
etika sa binubuong sanaysay.

Ang mga paksa,babasahin,gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa


kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan ,
napapanahon, kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip .

Ang modyul na ito ay may isang aralin:


Aralin 1 : Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:


1.Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
CS_FA11/12PU-0p-r-94
2.Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan
CS_FA11/12PU-0p-r-95

Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa , pag-unawa at pagsusuri sa


nilalaman ng mga aralin,

 Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap.
 Manaliksik sa iba pang sanggunian sa loob aklatan at websites ukol sa aralin upang
maragdagan ang kaalaman .
 Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma at
tumpak na sagot..
 Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay ,pagtataya at pagsusulit .

Mga Icon ng Modyul


ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang


lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-


aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag
pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan


ng kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba
pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.
ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.
ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan
ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral .
SUSI NG Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay
PAGWAWASTO at mga Gawain

Ano ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
____1.Ito ay isa mga .uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay, ayon
kay Michael Stratford, isang guro at manunulat.
a.Lakbay-sanaysay b.Replektibong Sanaysay c.Bionote d.Abstrak
____2. Ito ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
a.Sanaysay b.Abstrak c.Posisyong-papel d.Lagom
____3.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng
manunulat.Alin sa mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
____4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa sanysay?
a.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay
sanaysay?
b.Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga
naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
d.Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
____5.Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinuri
ang nagiging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay sanaysay c.akademikong sanaysay
b. b.replektibong sanaysay d.personal nasanysay
____6.Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng
isang manunulat kaugnay ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a.talambuhay b.posisyong papel c.sanaysay d. editoryal
____7.Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod na
pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng prpblema? Sapagkat nakakapag-isip ang isang tao ng
mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng mga kalalabasan ng piniling aksyon.
Napansin kong pinipili at nangyayari ito sa mga taong maraming biyayang natanggap at hindi
nagamit nang wasto.
a.panimula b.katawan c. konklusyon d. lagom
____8. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas b.katawan c.Konklusyon d. bionote
____9.Paglalahad ng mga saloobin, pananaw, kuru-kuro, opinion o anumang nais palitawin na
ideya.
a.wakas b. katawan c. sanaysay d. simula
____!0.Isulat ito gamit ang ___panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakatuon sa personal na karanasan.
a. Unang panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang panauhan d.panauhan
Ang Pagsulat ng Replektibong
Aralin Sanaysay
1
Baitang : 12 Markahan : Ikalawa
Panahong Igugugol : Ikalabing-isa at Ikalabindalawang Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:
1.Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin na
replektibong sanaysay.CS_FA11/12PU-0p-r-94
2.Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan
CS_FA11/12PU-0p-r-95

Subukin

Panuto: Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa

________1.Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-


kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
________2. Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at
lakbay-sanaysay.
________3. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman.
________4.Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiisip, nararamdaman at
pananaw hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat
nito.
________5. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari
Balikan

Panuto: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang


katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.
Ano ang gusto ninyong maging silbi o maiambag sa pamilya at bayan ninyo
pagkatapos ng senior high school?

Tuklasin
Marami ka nang sanaysay na nabasa o naisulat mula sa iyong Junior
High . Alin sa mga sanaysay na iyon ang natatandaan o
pinakanagustuhan mo? Basahin at unawaing lubos ang tungkol sa Replektibong
Sanaysay.

Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa
mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag-
arok sa isip o damdamin (introspection). Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng dyurnal kung saan
nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa
o pangyayari. Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon
ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o
pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron,
ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito
gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa
isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan,
malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito
ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay.
Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik, pagsali sa
isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa isang tiyak na lugar, isyu
sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat
na suliranin, isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay
nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o
katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang
pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madaling
mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa
mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o


kongklusyon.Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano,
at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang
pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa
iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon: siguraduhing ito ay makapupukaw sa


atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng
kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito
ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng
kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.

Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa
paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong
naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng
mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi
ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga
patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.

Sa pagsulat naman ng Konklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng
sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga
natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga
mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-
iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na
pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi
sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.

Mula sa Pinagyamang
Ailene Baisa – Julian at Nestor B. Lontoc
Suriin
Panuto: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili
ang katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.
.Ang sanaysay ay isa sa mga akdang pampanitikang madalas ipabasa
sa talakayin sa mga paaralan. Alam kong marami nang sanaysay ang nabasa
mo simula nang ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang. Alin sa mga
sanaysay ang natatandaan o pinakanagustuhan mo? Ibigay ang iyong
kaalaman hinggil dito.
1. Mga ilang sanaysay na ang iyong nabasa/natalakay?_
_______________________________________________________________
2. Alin sa mga ito ang pinakanagustuhan o natatandaan mo? (Ibigay ang pamagat)
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Anong uri ng sanaysay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Sino ang sumulat ng sanaysay na ito ?
________________________________________________________________
5.Tungkol saan ang sanaysay ?(Ibigay ang pinakabuod
nito?.____________________________________________________________
6. Bakit natatak sa iyong isipan ang nasabing?
________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan, mga dapat isaalang-alang, at hakbang sa
pagsulat ng replektibong sanaysay.

MGA DAPAT
REPLEKTIBONG ISAALANG-ALANG SA MGA HAKBANG SA
SANAYSAY PAGSULAT NG PAGSULAT NG LAKBAY
REPLEKTIBONG SANAYSAY
SANAYSAY

Isaisip
Panuto: Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng replektibong sanaysay
at lakbay sanaysay sa pamamagitan ng venn diagram.

Replektibong Lakbay sanaysay


Sanaysay (Pagkakaiba)
(Pagkakaiba)

PAGKAKATULAD

Tayahin

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na


pahayag tungkol sa replektibong sanaysay. Sa
nakalaang linya ay magbigay ng malikling paliwanag kaugnay sa iyong sagot.

_________1. Ayon kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University, ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula
sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
Paliwanag:
______________________________________________________________
________2.Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa
karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng
pagsulat.
Paliwanag:
___________________________________________________________________
_________3. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal at academic portfolio.
Paliwanag:
_______________________________________________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) G12
Senior High School Department
SUMMATIVE TEST
(Modular at Online)
Unang Semestre, Ikalawang Kwarter
Panuruang Taon : 2020-2021

MODYUL 5: PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Sa mga nagdaang pagtalakay gamit ang inyong SLM (Self Learning Module).
Inaasahang kayo ay naging matatas na sa mga konsepto at teorya.
 Sa pagkakataong ito tatayain ang inyong kaalaman, gawin ang mga sumusunod
ayon sa hinihingi ng bawat aralin, gagamitin ang rubrik para sa pagbibigay
puntos sa inyong mga awtput.
 Ang gawaing ito ay maaring encoded at at maaring sulat kamay. Sa mga encoded
maaring e edit lang ito at ito ang gagamiting template sa pagpasa.
 Gagamitin ang rubrik sa pagbibigay puntos sa bawat awtput
 Sa pagpasa, sundin ang format sa paglagay ng pangalan sa inyong mga awtput
kung sakaling ipapasa ninyo ito sa pamamagitan ng lawaran. Sundin ang mga
sumusunod:

1.) Encoded: (Pangalan, magsisimula sa Family Name, Given Name,


MI_ST_M2_Aralin1/2
Halimbawa: Dela Cerna, Naruto N._ST_M2_Aralin1at2

2.) Sulat Kamay


(Ipapasa sa pamamagitan ng larawan na format, sundin ang mga
sumusunod: Pangalan, magsisimula sa Family Name, Given Name,
MI_ST_M2_Aralin1/2_L1), ang ibig sabihin ng L ay larawan at ang 1
ay tumutukoy sa kung pang ilang larawan na ito.

Halimbawa: Dela Cerna, Naruto N._ST_M2_Aralin1at2_L1


Dela Cerna, Naruto N._ST_M2_Aralin1at2_L2

PAALALA: Ugaliing sumunod sa ano mang panuto, alituntunin o instruksyon.

SUMMATIVE TEST 1 (PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY)


Panuto: Gamitin nang makatotohanan ang iyong natutuhan sa araling ito. Gawin ang
mga sumusunod.
1. Sumulat ng isang replektibong sanaysay batay sa pelikulang “Kalel 15” (Netflix)
2. Gumawa ng paglalagom sa buong estorya ng pelikula
3. Sa paggawa ng replektibong sanaysay bigyang diin ang mga sumusunod bilang
nilalaman :
a. Tagpuan
b. Tauhan
c. Genre ng pelikula
d. Tunggalian (Conflict) ng estorya
e. Mensahe ng pelikula
f. Kultural na katuturan (Cultural Significance)
g. Repleksyon
4. Kinakailangang makikita ang mga dapat isaalang-ang sa pagsulat ng replektibong
sanaysay at mga hakbang sa pagsulat nito
5. Gagamitin ang rubrik sa pagbibigay puntos.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor
(5) Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
(4) Inaasahan (2) (1)
(3)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi nakita sa
ang introduksyon. introduksyon ang introduksyon ang ang introduksyon ginawang
Malinaw na pangunahing pangunahing at ang sanaysay.
nakalahad ang paksa gayundin paksa subalit pangunahing
pangunahing paksa ang panlahat na hindi sapat ang paksa. Hindi rin
gayundin ang pagtanaw ukol pagpapaliwanag nakalahad ang
panlahat na dito. ukol dito. panlahat na
pagtanaw ukol dito. pagpapaliwanag
ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan Hindi nadebelop *
bawat talata dahil sa may sapat na sa detalye ang mga
husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *
ng mga Ideya ang pagkakasunud- debelopment ng pagkakaayos ng na organisado ang
sunod ng mga ideya; mga talata mga talata subalit pagkakalahad ng
gumamit din ng mga subalit hindi ang mga ideya ay sanaysay.
transisyunal na makinis ang hindi ganap na
pantulong tungo sa pagkakalahad nadebelop.
kalinawan ng mga
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasya
palagay o paksa batay sa mga tungkol sa paksa
batay sa katibayan at katibayan at mga batay sa mga
mga katwirang inisa- katwirang inisa- katibayan at mga
isa sa bahaging isa sa bahaging katwirang inisa-
gitna. gitna. isa sa bahaging
gitna.
Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at
sa mga bantas, pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
kapitalisasyon at mga bantas, mga bantas, mga pagkakamali
pagbabaybay. kapitalisasyon at kapitalisasyon at sa mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon at
pagbabaybay.
Gamit Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at *
sa estruktura ng mga pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
pangungusap at estruktura ng estruktura ng mga pagkakamali sa
gamit ng mga salita. mga pangungusap at estruktura ng mga
pangungusap at gamit ng mga pangungusap at
gamit ng mga salita. gamit ng mga
salita. salita.
Kabuuan

You might also like