You are on page 1of 12

K

Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Unang Markahan – Ikalimang Linggo – Modyul 1


Nakikilala ang mga Pangunahing Emosyon (tuwa, lungkot, takot at galit)

Manunulat: Gina T. Nesas


Tagaguhit: Rovinia M. Tejerero

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Sa modyul na ito ay makilala ang mga pangunahing emosyon gaya ng tuwa,


galit, takot at lungkot.

Layunin ng modyul na ito ang:

1. matukoy ang mga pangunahing emosyon gaya ng tuwa, galit, takot at lungkot;

2. matukoy ang kahalagahan ng pagkontrol sa sariling damdamin sa anumang

sitwasyon;

3. maipakita ang tamang emosyon ayon sa nakasaad na sitwasyon.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Subukin

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Ano-ano ang mga emosyong ito? Kailan
pinapakita ang emosyong masaya? Kailan pinapakita ang emosyong malungkot? Kailan
pinapakita ang emosyong takot? Kailan pinapakita ang emosyong galit?

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Karagdagang Gawain:

Paggawa ng “Stick Puppet”


( Pagkamalikhain )
Kagamitan: Drill board Gunting
Popsicle Sticks Colored Pens
Glue Shape Tracer

Pamaraan sa Paggawa:
1. Bumakat ng bilog sa makapal na karton na may isang dangkal ang laki
at gupitin ito.
2. Gamit ang colored pens iguhit sa bilog ang mukha ng tuwa, galit, takot
at lungkot.
3. Kulayan ng nais na kulay ang bawat mukha.
4. Idikit ito sa popsicle sticks upang mabuo ang stick puppet.
Paalala sa magulang o guardian: Gabayan ang bata sa paggawa ng stick puppet at ipabatid sa bata ang
maingat na paggamit ng gunting.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Aralin Pagkilala ng mga Pangunahing Emosyon
1 (tuwa, galit, takot at lungkot)

Tuklasin
Babasahin ng iyong magulang o gardiyan ang maikling kwento at sagutin ang
mga tanong tungkol dito.

Ang Masayang Kaarawan ni Lola


Gina T. Nesas

Aalis sina Erik at Elsa. Isasama sila ng tatay at nanay sa probinsiya. Dadalo sila sa
kaarawan ni Lola Edna. Maaga silang umalis. Sumakay sila sa bus. “Malayo pala ang Bicol ang
sabi ni Erik. “ Hindi bale kuya, makikita naman natin si Lola Edna. “
Masigla silang sinalubong nina Lolo Emong at Tiya Emma. Naroon na rin ang mga pinsan
nila. Maraming handa si Lola . May litsong manok at baboy. Maraming inihaw na tilapia.
Masarap ang pansit. Matamis ang leche flan at suman.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
“Sana araw-araw ay kaarawan ni Lola,” ang masayang sabi ng mga bata, habang
sabay-sabay silang naghuhugas ng kanilang mga kamay bago kumain.
Masayang-masaya ang bawat isa na nagsalo-salo ng handang pagkain ni Lola.

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino-sino ang aalis papuntang probinsiya?

2. Saan sila pupunta?

3. Sino ang may kaarawan?

4. Ano-ano ang mga handa ni Lola Edna?

5. Bakit masaya ang mga bata?

6. Kung ikaw si Elsa o si Erik paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong lolo o
lola?

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Suriin

Sa gabay ng iyong magulang o gardiyan, gupitin ang mga larawan ng mukha


at idikit sa tamang bilog ng emosyong mararamdaman sa bawat sitwasyon.

hhj

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Pagyamanin
Pinatnubayang Gawain

Upang mas lalong maunawaan ang pagkilala sa emosyon o damdamin,


gumawa ng “cube face” sa tulong ng iyong magulang o gardiyan.

Kagamitan: maliit na kahon ( cube ), marker o colored pens

Paghahanda: Sa bawat mukha ng kahon, iguhit ang larawan ng mukha na


nagpapakita ng iba’t-ibang emosyon.

Pamaraan: 1. Ihagis paitaas nang marahan ang cube.


2. Sa bawat mukhang makikita sa cube, hikayatin ang bata na
magbahagi ng kanyang karanasan tungkol dito.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isaisip

Alam mo ba na ang:

tuwa, lungkot, takot, galit

ay mga pangunahing emosyon na nararamdaman ng isang batang tulad mo.


Mahalagang alam mo kung kailan ito dapat maramdaman at paano ito
kontrolin.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isagawa

Makinig nang mabuti sa sitwasyong babasahin ng iyong magulang o gardiyan.


Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang bata sa kwento? Kulayan ang
tamang mukha.

Sumapit ang kaarawan ni Joy. Hinandaan siya ng kaniyang


1. nanay ng “spaghetti, chicken, at cake”. Niregaluhan siya ng
kanyang tatay ng pinapangarap nyang manika.

Wala pa ang mga magulang ni Rovic mula sa trabaho. Mag-


2.
isa lang sya sa bahay nang biglang nagbrown-out. At may
narinig syang kaluskos mula sa likuran ng bahay.

Si Justin ay may bagong laruan. Gustong-gusto nya ito. Isang


3. araw habang sya ay naglalaro bigla itong inagaw sa kanya
ng isang bata, at ito ay nasira.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Sanggunian

 https://drive.google.com/drive/folders/1bdO9_Yz_FE0z1SKh1QZGg5ma9YfzFDgm?f
bclid=IwAR3VBD7QE-urSlempoIuw_CVTtBJ3o-usKsZMgZ8K5jjws0RczGBHXhGIAw

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gina T. Nesas (MALES)
Editor:
Natalia B. Carale, (PES)
Elvira S. Brutas, (CIS-EL)
Hazel Hope Margaret F. Bamba (SSSVES)
Tagasuri:
Ma. Aloha E. Veto, School Head, (BES)
For inquiries or feedback, please write
Amabelle H. Santiago, School Head, (SMES) or call:
Leah A. De Leon, EPS
Schools Division Office- Marikina City
Melissa T. Bartolome, PNU Professor
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City,
Tagaguhit at Tagalapat: Rovinia M. Tejerero (MALES) 1800, Philippines

Tagapamahala: Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989


Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala Email Address:
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala sdo.marikina@deped.gov.ph

Elisa O. Cerveza
Hepe ng Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leah A. De Leon
Superbisor sa Kindergarten

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE

You might also like