You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
School Division of Tarlac Province
Moncada North District
SAN LEON ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac

Lesson Plan in KINDERGARTEN


QUARTER 1
WEEK 5

CONTENT FOCUS: IBA’T-IBANG EMOSYON

I. Layunin:

Cognitive: Nakikilala ang mga pangunahing emosyon.(tuwa, galit, lungkot, takot)

Psychomotor: Naisasagawa ang tamang emosyon para sa isang sitwasyon.

Affective: Nauunawaan ang sariling emosyon at damdamin

Most Essential Learning Competency: SEKPSE-00-11

Paksa: Nakikilala ang mga pangunahing emosyon.

Sanggunian: Kindergarten Curriculum Guide


Kagamitan: visual pictures, flashcards, powerpoint presentation, activity sheets

Subject Integration: Language Literacy


Values Integration: Pagkakaroon ng kamalayan sa damdamin ng iba.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati

B. Pagganyak

Pag-awit ng kung ikaw ay masaya…..

C. Balik –Aral

Ngayon mga bata, pagmasdang mabuti ang nasa larawan. Ito ay tungkol sa mga iba’t-ibang
kakayahan na pinag-aralan natin noong inakaraang linggo.Tandaan na bawat isa sa atin ay may iba’t-
ibang kakayanan na dapat ipagmalaki at pagyamanin.

1. Kumanta
2. Sumayaw

3. Magsulat

4. Gumuhit

5. Nagbabasa

*Magaling mga bata! Talagang nakinig at naunawaan nga ninyo ang ating aralin nung nakaraang
linggo.

D. Paglalahad

Mga bata pagmasdan ninyo ang mga larawan. Ano kaya ang nararamdaman ng bawat bata sa
larawan.

1. *Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Ang bata ay malungkot

2. *Ano naman ang nakikita ninyo sa larawang ito?


Ang mga bata ay masaya.
3. * Ano naman ang masasabi ninyo sa larawang ito?
Ang bata ay natatakot

Magaling!, Ito ay mga halimbawa ng iba’t-ibang emosyon na ating nararamdaman sa bawat


sitwasyon.

E. Pagtalakay

1. Ano kaya ang emosyon o damdamdamin ang ipinapakita sa larawan?( masaya)


Kapag tayo ay masaya, tayo ay nakangiti, nakatawa o kaya naman ay natutuwa.
Maari ba ninyong ipakita sa akin ang mukha ng batang masaya?

Tuwing kailan naman kaya tayo nagiging masaya?

a. Nagiging masaya tayo kapag binibilhan tayo ni nanay o ni tatay ng gusto nating laruan.

b. Tayo ay masaya kapag ating kaarawan.

c. Tayo ay masaya kapag kasama natin ang ating buong pamilya.

( show powerpoint presentation)

2. Ano kaya ang emosyon o damdamdamin ang ipinapakita sa larawan?( malungkot)


Kapag tayo ay malungkot ay nakikita sa ating mukha, ang ating mata ay naluluha o kaya ay
naiiyak.
Maari ba ninyong ipakita sa akin ang mukha ng batang malungkot?

Tuwing kailan naman kaya tayo nagiging malungkot?

a. Tayo ay malungkot kapag napapagalitan tayo ni nanay.

b. Tayo ay nagiging malungkot kapag tayo ay nasusugatan

3. Ano kaya ang emosyon o damdamdamin ang ipinapakita sa larawan?( galit)


Kapag tayo ay galit, matinding emosyon ang lumalabas sa ating mukha. Kadalasan ang ating
boses ay tumataas at ang ating kilay ay nagsasalubong.Napapadyak din ang ating mga paa.
Ngayon, maari ba ninyong ipakita sa akin ang mukha ng batang nagagalit?

Tuwing kailan naman kaya tayo nagagalit?

a. Tayo ay nagagalit kapag may umaaway sa atin.


b. Tayo ay nagagalit tuwing may nang-aagaw o sumisira sa ating laruan.

4. Ngayon naman, ano kaya ang emosyon o damdamdamin ang ipinapakita sa larawan?
( natatakot)
Kapag tayo ay natatakot, nakikita sa ating mukha na tayo ay nag-aalala o nangangamba.
Maari ba ninyong ipakita sa akin ang mukha ng batang natatakot?

Tuwing kailan naman kaya tayo natatakot?


a. Tayo ay natatakot tuwing madilim ang paligid.

b. Tayo ay natatakot tuwing nakakakita ng mga insekto tulad ng ipis, daga o mga hayop gaya
ng ahas o malalaking aso.

( Ipakita at tanungin muli iba’t-ibang emosyon)

Iba’t -ibang uri ng emosyon tulad ng:


masaya, malungkot, nagagalit, at natatakot

Mga bata, ang emosyon ay ang nararamdaman ng isang tao. Naipapakita natin ang iba’t-ibang
emosyon sa iba’t-ibang paraan.
F. Pagsasanay

Ngayon mga bata, piliin ang mukha batay sa emosyon na nararamdaman sa bawat sitwasyon na
inyong makikita sa roleta.

Ang aking
nararamdama
n

G. Paglalapat

Pangkatang Gawain

 Hatiin ang mga bata sa tatlong group. Ang bata ay pipili ng lider.

Buuin ang puzzle ng mga mukha na may iba’t-ibang emosyon.


H. Paglalahat

 Mga bata, ano-ano ang mga iba’t-ibang emosyon?


Mahusay! Ito ay masaya, malungkot, nagagalit, at natatakot.

Pagpapahalaga
Tandaan mga bata na ang damdamin o emosyon na ating nararamdaman ay
nakabatay sa mga pangyayari na ating nararanasan sa araw-araw.Kailangan lagi tayong maging
responsible sa mga emosyon na ating ipinapakita.

IV. Pagtataya:
V. Kasunduan:

Prepared by:

MARIA JESUSA CONCEPCION F. ORDANOSO


Kindergarten Teacher

Noted:

LORENA P. CAMACHO,EdD
ESHT – I

Approved:

RHEA B. MADAMBA, EdD


Public Schools District Supervisor

You might also like