You are on page 1of 17

Ikaw, Ako, Tayong

Lahat Sali Na!

HOMEROOM GUIDANCE
Ikaapat na Markahan, Unang Linggo
Layunin
Layunin

Show the ability to participate in


school and community activities
HGA-IVa-1
Sa mga nakaraang leksyon mo noong nakalipas na kwarter ay napag-aralan mo
ang mga karanasang dapat mong ibahagi sa kapwa. Ngayon naman ay kung
paano mo ito ibabahagi upang ikaw ay magtagumpay sa hinaharap.Ang mga
kakayahan, talento at karanasan mo ay marapat na ibahagi sa iba upang ito ay
lalong umunlad at maging kapaki-pakinabang.Ayon sa kasabihan ang kakayahan
ay lalago kung ito ay ipamimigay. Kaya marapat na ang iyong mga natatanging
kakayahan ay ibahagi mo sa iba, sa iyong mga kaklase, mga kapitbahay , kaibigan
at sa inyong pamayanan.Magsisilbing inspirasyon ang mga kabutihan mo sa
ibang tao.Sa lahat ng bagay kung ito ay isinasapuso at ginagawa ng may kaakibat
na kabutihan ay magiging produktibo at matagumpay ka sa hinaharap.
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Anu-ano ang kakayahan ipinapakita sa
larawan? Paano mo mapapaunlad ang iyong kakayahan?
Si Rambo ang Batang Talentado
Kuwento ni: Noemi Q. Pagarigan

Sa isang baryo ng Camiling ay may isang mag-anak na mayroong


isang anak na lalaki. Sina Mang Arnel at Aling Lina ay masayang
naninirahan sa kanilang kubo sa may paanan ng bundok kasama si Rambo
na kanilang anak.Si Rambo ay nasa ikalawang baitang. Nag-aaral siyang
mabuti upang makatapos pagdating ng araw. Siya ay masipag sa pag-aaral,
kahit pa tumatawid siya sa ilog upang makarating lamang sa paaralan.
Maaga siyang nagigising upang hindi siya mahuli sa klase. Tinatapos niya
ang mga pinasusulat ng kanyang guro at agad ginagawa ang mga
proyektong nakaatang sa kanya.Hindi mahilig manood ng telebisyon si
Rambo, bagkus ay ginugugol nya ang oras sa pagbabasa ng libro.
Mayroon din siyang kakayahan gumuhit at kumanta, kaya palagi
siyang sumasali sa mga paligsahan sa kanilang barangay. Kapag
libre ang oras ni Rambo ay gumuguhit siya ng mga puno sa gilid
ng bundok kasama ang mga kabataan sa kanilang
pamayanan.Ayon sa kanilang punongbarangay si Rambo ay isang
modelong bata na dapat tularan ng iba pang kabataan dahil
naibabahagi nito ang kanyang kakayahan sa pagguhit.
Nakatutulong din ito sa mga kabataan na umiwas sa masasamang
bisyo dahil sila ay nagiging abala sa pagguhit.
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong ayon sa
kwentong iyong nabasa.

1. Sino ang anak nina Mang Arnel at Aling Lina?


2. Saan nakatira ang mag-anak ayon sa iyong nabasa?
3. Paano mo ilalarawan ang batang si Rambo bilang mag-
aaral?
4. Paano ginagawa ni Rambo ang kanyang kakayahan na
maging kapaki-pakinabang?
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang buhay na naghihintay kay
Rambo sa pamamagitan ng kaniyang taglay na pag-uugali?
Bakit?
Palatuntunan sa FB Page
Nagkaroon ng palatuntunan sa Facebook Page ang isang paaralang elementarya. Inanyayahan
ang mga mag-aaral na ibahagi at ipakita ang kanilang natatanging talento o kakayahan. Sila’y
nagpakita ng iba’tibang bilang tulad ng pagsayaw, pag-awit, pagpinta gamit ang computer at
pagbigkas ng tula. Sumayaw si Joy, umawit si Marko,habang tumutugtog naman si Carlo ng
piano. Bumigkas ng tula si Ana. Si Jose at Tess naman ay nagpinta gamit ang computer.
Masaya nilang ipinakita ang kanilang kakayahan. Tuwang-tuwa sa kanila ang mga manunuod
lalong-lalo na ang taga-ugnay ng palatuntunan.

1. Paano ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano ang iyong naramdaman sa pagpapakita ng kanilang kakayahan?
____________________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Paano mo naman ginagamit at pinahahalagahan ang iyong talento?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Ang kakayahan o talento ay ang kagalingan ng isang tao sa isang
partikular na bagay. Ang talento at kakayahan ay biyaya ng Diyos kaya
dapat natin itong pagyamanin, gamitin sa araw-araw, at ibahagi sa
ibang tao. Bilang isang bata dapat tuklasin at pagyamanin mo ang
iyong talento at kakayahan. Mahalaga na kapag iyong natuklasan ang
iyong talento at kakayahan, agad na ito ay pagyamanin sa
pamamagitan ng pagsasanay nito sa araw-araw. Ito ay regalo mula sa
Diyos kaya dapat itong ibahagi sa ibang tao upang mas yumabong pa.
Ang pagbabahagi ng kakayahang taglay mo ay isang magandang ugali.
Mabuting Dulot ng Pagbabahagi ng Talento o Kakayahan
1. Mapauunlad at mas mapaghuhusay ang taglay na talento.
2. Makapagbibigay ito ng saya sa iyong sarili, pamilya, kaibigan at
kakilala.
3. Malalabanan ang takot at hiya na maaaring maramdaman sa
pagharap sa ibang tao.

Mga Paraan upang makapagbahagi ng mga Natatanging


Kakayahan at Interes sa Paaralan
1. Pagsali sa mga talakayan sa klase.
2. Makibahagi sa mga pangkatang gawain (maaaring gawin
kapag maayos na at wala na ang pandemya).
3. Sumali sa gawaing pampaaralan katulad ng mga paligsahan at
programa.
4. Sumali sa mga organisasyon sa paaralan katulad ng Supreme
Pupil Government, Arts Club, YES-O, Sports Club at iba pa.
5. Tumulong at suportahan ang kaibigan o kamag-aral na kasali sa
mga paligsahan o organisasyon sa paaralan.
Mga Paraan upang makapagbahagi ng mga Natatanging
Kakayahan at Interes sa Pamayanan
1. Makilahok sa mga gawain o paligsahan sa inyong komunidad
na naaayon sa iyong edad (maaaring gawin kapag maayos na at wala na ang
pandemya).
2. Suportahan ang mga gawain o proyekto sa komunidad.
3. Tumulong sa paglilinis sa komunidad.
4. Sundin ang community protocols o mga batas at alituntunin sa
komunidad.
5. Maging halimbawa sa iyong mga kapwa bata, maging
masunurin.
Ang pang-unawa, pagsunod at paggawa sa mga gawaing
ito ay makatutulong sa iyong komunidad. Ang mga natutuhan sa
paaralan ay maaaring mong isabuhay upang makatulong ka sa
iyong komunidad at bansa.
Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at
Mali kung hindi.
__________ 1. Malalabanan ang takot at hiya kapag nakikilahok sa
mga gawain o paligsahan.
__________ 2. Ang mga natutuhan sa paaralan ay maaaring
makatulong sa pamayanan.
__________ 3. Dahil bata pa lamang ako, wala pa akong
kakayahan na magbahagi ng aking mga talento at interes.
__________4. Dapat na makilahok sa mga gawain sa paaralan at
pamayanan upang maibahagi ang mga natatanging kakayahan
at interes.
__________ 5. Ang pagsali sa mga organisasyon sa paaralan ay
makatutulong upang mas mapaunlad ang sariling kakayahan at
makatulong sa kapwa.
Lagyan ng tsek (/) ang mga salita na nagpapakita ng mabuting maidudulot ng
pagbabahagi ng mga kakayahan at interes sa paaralan at pamayanan.
Ang iyong mga kakayahan at talento ay biyaya at regalo mula sa Diyos kaugnay
nito dapat na maging responsable ka sa paggamit nito. Sumulat ng maikling
pangako na pauunlarin at ibabahagi mo ang iyong mga kakayahan at talento.
Sa iyong sagutang papel, buuin ang usapang ito batay sa iyong
natutunan sa Aralin
Iguhit ang masayang mukha () kung ang pahayag ay nagpapakita ng
tamang paraan sa pagbabahagi ng
kakayahan ng isang batang tulad mo at malungkot na mukha
( )naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.
___________1. Nais kong makatapos ng pag-aaral.
___________2. Hindi ako nag-aaral sa bahay namin dahil sa paaralan
lamang dapat mag-aral.
___________3. Hindi ako sang-ayon sa pagpasok sa paaralan dahil
nakakatamad ito.
___________4. Ginagamit ko ang aking angking kakayahan para
maisakatuparan ang mga dapat gawin ng aming pamayanan.
___________5. Ako ay aktibong sumasali sa mga proyektong
pampamayanan tungkol sa pagsulong ng tamang kaalaman sa pag-
unlad ng kapwa ko bata.
Sumulat ng talata na mayroong
limang pangungusap na nagpapakita
ng pagpapahalaga sa pagbabahgi ng
iyong kakayahan sa iyong paaralan o
pamayanan.

You might also like