You are on page 1of 4

SANTA MARIA GORETTI COLLEGE, INC.

Poblacion Mahayag, Zamboanga del Sur


LEARNING PLAN IN FILIPINO 8

First Quarter
Module 1

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga


akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


panturismo

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO :


1. Nabibigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit (F8PT-Ia-c-19)
2. Nagagamit ang mga malalalim na Salita sa pangungusap.
3. Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon o opiniyon sa binasang
Tula

PRE-ASSESSMENT

PANUTO : Tukuyin ang angkop na sagot sa bawat bilang. TITIK lamang ang isulat sa isang
kapat na papil.

1. Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't
ibang anyo at estilo.
a. Tula b. Kwento c. Panitikan d. Maikling kwento
2. ang pagkakapareho ng dulong tunog sa isang talodtod sa isang saknong ng tula.
a.sukat b. Pantig c. Saknong
3. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
a. sukat b. Pantig c. Talodtod
4. Ito ay binubuo ng mga linya o taludtod na magkakatulad ang sukat at tugma.
a.tula b. pantig c. tayutay
5. Ito ay tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at tugma o sintunog.
a. kariktan b. Malayang taludturan c talinghaga
INTRODUKSYON

PANGGANYAK

GAWAIN 1

PANUTO : Bawat pangkat ay magbigay ng limang katangian ng isang ina. Bibigyan ko lang
kayo ng dalawang minuto sa inyong gagaw1ing gawain.
Pumili ng isang representante na magpapaliwag sa inyong iawain.

INTERAKSYON

Isang Tula na patungkol sa pasasalamat sa kanyang ina

GAWAIN 2

PAGLINANG NG MGA TALISATAAN


Nabibigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit (F8PT-Ia-c-19)
Nagagamit ang mga malalalim na Salita sa pangungusap.

MGA MAHIHIRAP NA SALITA


1. KATAGANG
2. KALINGA
3. MATIYAGANG
4. SUMUSUWAY
5. PATID

MAHAL KONG INA

May gusto akong sabihin


'Di ko alam ano ang aking uunahin
Bawat katagang aking susulatin
Ay pasasalamat ko sa pagsilang sa akin

Salamat sa iyong pag-aalaga


Sa walang kapantay ma kalinga
Sa pag-aasikaso sa 'kin tuwing umaga
At lalo na sa 'yong pagpapahalaga

Patawarin mo ako sa pagiging pasaway


Sa iyong mga bilin kung minsa'y sumusuway
Kung kadalasan 'di makatulong sa gawaing bahay
Maraming salamat sa binigay mo sa 'king buhay
Maraming salamat sa iyong walang patid na pangaral
Pangako ko na ako'y matiyagang mag-aaral
Maraming salamat sa ating Poong maykapal
Dahil ikaw ang binigay n'ya sa 'kin Isang inang mapagmahal.

GAWAIN 3
PANUTO : Bawat pangkat ay bumuo o sumulat ng isang tula tungkol sa inang mapagmahal na
may tugma sa huling pantig sa bawat taludtod. Isang saknong lamang at gagawin niyo lang ito ng
limang minuto .

INTEGRASYON

 Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon o opiniyon sa binasang tula

Sagutan ang bawat katanungan tungkol sa kahalagahan ng tulang binasa

1. Anong aral na nakukuha mo sa tulang binasa?


2. Gaano kahalaga ang pasusulat ng tula sa iyong buhay?
3. Paano o anong paraan para masusuklian ang kabutihan ng inyong magulang ?

INTERBENSYON

EBALWASYON

PANUTO : Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang mabuo ang isang tula. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa isang kapat na papel.

BUHAY SUMUSUWAY
UUNAHIN KADALASAN
BUHAY MAPAGMAHAL
POONG MARAMING
PAG-AASIKASO PAGSILANGKAPANTAY

May gusto akong sabihin


'Di ko alam ano ang aking ______
Bawat katagang aking susulatin
Ay pasasalamat ko sa _______sa akin
Salamat sa iyong pag-aalaga
Sa walang _______ma kalinga
Sa _________ sa 'kin tuwing umaga
At lalo na sa 'yong pagpapahalaga

Patawarin mo ako sa pagiging pasaway


Sa iyong mga bilin kung minsa'y ______
Kung '______ di makatulong sa gawaing bahay
Maraming salamat sa binigay mo sa 'king ______

______ salamat sa iyong walang patid na pangaral


Pangako ko na ako'y matiyagang mag-aaral
Maraming salamat sa ating _______maykapal
Dahil ikaw ang binigay n'ya sa 'kin Isang inang _________.

You might also like