You are on page 1of 2

PRINCESS SARAH B.

MEDRANO
GENERAL ASSESSMENT ARALING PANLIPUNAN WEEK 22

1.) Prohibition on Forced Employment Restraint Act of 2022


- Kung ako ay isang mambabatas at naatasan na magpanukala ng batas sa
kongreso ukol sa pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan, ang isa sa mga
batas na ito ay tinatawag na Prohibition on Forced Employment Restraint Act of 2022 o
ang batas na nagbabawal sa mga tao lalo sa mga lalaki na sapilitang pigilan o
hadlangan ang pagtatrabaho ng mga babae o ng kanilang mga asawa. Kailangan ang
batas na ito lalo na sa Pilipinas sapagkat kita natin ngayon na karamihan sa mga tao
lalo na ang mga lalaki ay iniisip na kapag sila ay may asawa na dapat na patigilin nila
ang mga ito sa pagtatrabaho kahit na mismong asawa nila ay ayaw tumigil dahil para sa
mga lalaki ang babae ay dapat nasa bahay lamang, naglilinis, at nag-aalaga ng mga
anak nila. Kung saan ako ay hindi sang-ayon sa ganitong gawain at pag-iisip nila
sapagkat ang mga kababaihan din ay may iba’t-ibang pangarap sa buhay na gustong
abutin, mayroon silang kanya-kanyang gustong gawin sa pang araw-araw. Nagtapos sila
sa pag-aaral upang makapagtrabaho, kumita, magawa ang kanilang matagal ng
inaasam na propesyon, at maabot ang kanilang mga pangarap kaya walang karapatan
ang mga tao lalo na ang mga lalaki na sapilitang pigilan o hadlangan ang pagtatrabaho
ng kanilang mga asawa o ng mga kababaihan. Kaya sa pamamagitan ng batas na ito
tiyak na mapapangalagaan at mapoprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan na
magtrabaho, maghanapbuhay, o kumita para sa kanilang sarili at sakanilang mga
pamilya.

2.) Prohibition of Enslavement Focusing on Women Act of 2022


- Kung ako ay isang mambabatas at naatasan na magpanukala ng batas sa
kongreso ukol sa pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan, ang isa pang batas
na aking ipapanukala ay tinatawag na Prohibition of Enslavement Focusing on Women
Act of 2022 o ang pagbabawal sa mga tao lalo na sa mga lalaki na gawing alipin ang
mga kababaihan o ang kanilang asawa. Dito sa Pilipinas, kahit na may batas ng ukol
dito para sa kalahatan, ito ay hindi masyadong ginagawa, sinusunod, o kinatatakutan ng
mga tao dahil hindi din naman ito masyadong pinagtutuunan pansin ng gobyerno.
Makikita natin na marami pa din talaga ang kaso ng pang-aalipin sa Pilipinas na kung
saan tinatantya ng Global Slavery Index na may humigit-kumulang 784,000 biktima ng
modernong pang-aalipin sa Pilipinas at karamihan sa mga biktima nito ay mga babae.
Libu-libong babae ang seksuwal na pinagsasamantalahan buwan-buwan lalo na sa
paligid ng Metro Manila at mga karatig na lungsod at bayan na kung saan inaalukan ng
mga lalaki ang mga ito ng pera upang mapapayag sila at upang sundin ng mga babae
ang gusto nilang mangyari na seksuwal. Bagama't ipinagbabawal ng batas,
pinapayagan pa din ng mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas ang sex trafficking sa mga
kababaihan kapag nagbigay sila ng mga permit at lisensya sa mga sex bar at brothel.
Hindi lang ito sapagkat mayroon ding mga lalaki na pilit kontrolin ang buhay ng kanilang
mga asawa na kung saan katulad ng aking sinabi kanina pinipilit nila na patigilin sa
pagtatrabaho ang mga ito, gusto nila na sa bahay lang ang kanilang asawa at puro
gawaing bahay at pag-aalaga lang sa mga anak nila ang gawin. Kung saan minsan pa
ay hindi nila pinapayagan na maglibot ang kanilang mga asawa kahit saglit, mayroong
mga lalaking nagagalit at nagiging agresibo paglumabag ang kanilang asawa. Ako ay
hindi sang-ayon sa lahat ng mga ito sapagkat kawawa ang mga kababaihan at hindi
nararapat na tratuhin sila ng ganon dahil sila ay tao din at sila ay may mga karapatan
din. Kaya sa pamamagitan ng batas na Prohibition of Enslavement Focusing on Women
Act of 2022 tiyak na mas magiging strikto na ang gobyerno, matitigil na ang pang-aalipin
ng mga tao lalo na mga lalaki sa mga babae, at tiyak na mapapangalagaan at
mapoprotektahan na talaga ang karapatan ng mga kababaihan na maging malaya at
masaya.

You might also like