You are on page 1of 1

PAGPAPATUPAD SA ABORTION

Ako ay hindi sang-ayon at kailanma’y hindi sasang-ayon sa isyung gawing legal


ang aborsyon sa Pilipinas. Ang proposisyong gawing legal ang aborsyon ay maaring
maging solusyon sa problemang pangkabuhayan ngunit ito rin marahil ang
magbibigay karapatan sa mga magulang na maging iresponsable sa kanilang gawa.
Hindi ito nararapat na gawing legal sapagkat ang mga inosenteng sanggol ay biyaya
sa atin ng poong Maykapal. Karapatan nila na maranasan ang masaganang buhay na
sa ati’y ipinahiram ng Diyos.

Mangyari pa, ang aborsyon ay nagdudulot ng iba’t ibang pisikal at sikolohikal na


epekto sa mga babaeng nagpapa-abort. Sa pisikal na aspeto, ang kababaihan ay
maaring makaranas ng pagdudugo na maaari nitong ikamatay. Maaari rin itong
magdulot ng matinding lagnat na ,kapag hindi naagapan, ay maaaring humantong sa
“renal failure”. Magdudulot rin ito ng matinding pananakit, pagkawala ng gana,
insomnia, pagbaba ng timbang, “ectopic pregnancy” at “menstrual disturbances”. Sa
aspetong sikolohikal, maaari silang makaranas ng pagkakonsensya, pagkawala ng
kumpiyansa sa sarili, pagtanim ng galit, at pagpapakamatay. Samakatwid, hindi
lamang ang buhay ng walang kamuwa muwang na sanggol ang damay ngunit pati na
rin ang buhay at kalusugan ng mga kababaihan.

Noong nakaraang sabado, ika-21 ng Enero taong 2006, ipinalabas ng programang


Imbestigador ang walang awang pagkitil sa buhay ng mga sanggol. Dahil dito,
dinakip at naparusahan ang manghihilot na sangkot sa pag-aabort. Ayon sa pahayag
ng isang doktor, talagang mapanganib ang aborsyon sa kalusugan ng taong
nagpapalaglag. Sa mga kaso naman ng panggagahasa, hindi ako sang-ayon sa
solusyong aborsyon. Oo nga’t ang batang bunga ng kahalayang ito ang sanhi ng
kanyang mga kabiguan, hindi tama na ipagkait sa bata ang karapatang mabuhay. Ika
nga nila, hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.

You might also like