You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
CARIGARA NATIONAL HOGH SCHOOL
PONONG, CARIGARA, LEYTE

Banghay Aralin sa Filipino 10


SY 2023-2024

I. Layunin
1. Naipapaliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnay sa
kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig. (F10WG-le-f-60)

II. Paksang-Aralin
A. Maikling Kwento mula sa France
Panitikan: Ang Kuwintas
B. K-12 Teacher’s Guide, Filipino Grade 10, MELC
C. Visual aids, PowerPoint, laptop, T.V.
D. Code (F10WG-le-f-60)

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtsek ng atendans

Balik-aral: #Ibigay, Magpugay. Magbibigay ang mag-aaral ng salita o


lipon ng salita bilang Panandang Pandiskurso. Ibigay ito ayon sa
kanyang uri.

PANANDANG NAGHUHUDYAT NG:


PAGKAKASUNOD-SUNOD PARAAN

 Bakit mahalagang matutunan ang mga Panandang Pandiskurso? Ano ang


maitutulong nito sa atin at sa pag-uugnay nito sa pangungusap?

Pagganyak: #Piliin mo kung sino ka!


Panuto: Isusulat ng mag-aaral ang kanilang mga hangarin sa
buhay kung sila man ay bibigyan ng pagkakataon.
B. Paglalahad sa Aralin
 Pagtatalakay sa kung ano ang Maikling Kwento.
 Pagpapaliwanag sa mga Elemento ng Maikling Kwento
 Pagbibigay-repleksyon sa nabasang Maikling Kwenton a pinamagatang
“Ang Kuwintas” na maiuugnay sa reyalidad ng buhay sa kasalukuyan.
Pagsusuri: Pag-unawa sa Maikling Kwento
1. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa?
2. Ano ang hangarin niya sa buhay? Makatuwirang bai to sa kanyang
kalagayan? Ipaliwanag.
3. Maituturing bang pagsubok sa buhay ang naranasan ni Mathilde? Ipaliwanag.
4. Sa kasalukuyang panahon, may mga katulad pa b ani Mathilde na iyong
nakikita? Patunayan.

C. Paglalahat: Pananaw ko, Ibabahagi ko!


Panuto: Mula sa iyong nabasang maikling kwento na “Ang Kuwintas”, punan ang
talahanayan sa pamamagitan ng pangunahing tauhan sa kanyang katangiang pisikal,
gawi/kilos at reaksyon ng ibang tauhan.

TAUHAN KATANGIANG GAWI/ REAKSYON NG


PISIKAL AKSYON IBANG TAUHAN
1.
2.
3.

Mga katanungan:
 Ano ang mensaheng nais iparating ng maikling kwento?
 Ano kaya sa tingin mo ang maaaring dahilan kung bakit hindi
nakukuntento sa buhay ang isang tao? Paano malulunasan ang ganitong
suliranin?

D. Paglalapat
 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na mapayuhan si Mathilde, ano
anng iyong maibibigay na payo?
 Bilang mag-aaral, may kahalagahan ba ang kagandahan sa kalooban
kaysa sa panlabas na anyo? Patunayan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Katumpakan na sagot 5 puntos

Malinaw na 5 puntos
Pagpapaliwanag
Pangkalahatang puntos: 10 puntos

IV. Pagtataya
A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalangguhit sa Hanay A
ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng sagot mula
sa Hanay B sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
_____1. Sa pagmamasid niya sa babaeng Briton, A. lungkot
nakadarama siya ng lumbay sa kanyang puso. B. nagpapautang
nang may mataas na
tubo
______2. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang C. kainggitan
makita niyang umiiyak ang kanyang asawa. D. kaawa-awa
______3. O kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram E. Naguluhan
kong kuwintas ay imitasyon lamang.
______4. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya,
Maging kahali-halina at pangimbuluhan ng ibang
babae sa kasiyahan.
______5. Nanghiram siya kung kani-kanino, lumagda sa
Mga kasulatan at pumatol ng mga patubuan sa lahat
Ng uri ng manghuhuthot.

B. Panuto: Gumuhit ng tatlong hugis ng kuwintas sa iyong papel para sa iyong


sagot sa sumusunod na tanong. Anong katangian ni Mathilde ang gusto mong
baguhin? Isulat ito sa unang kuwintas. Anong magandang katangiang taglay
naman niya? Isulat ito sa ikalawang kuwintas. Anong natutuhan ni Mathilde sa
kanyang nagging karanasan? Isulat ito sa ikatlong kuwintas. Bigyang patunay
ang iyong sagot.

C. Bigyang-patunay na ang pag-uugali ng mga pangunahing tauhan sa akda ay


masasalamin sa kung ano ang pag-uugali mayroon ang mga tao sa France na
pinagmulan ng akda/ maikling kwento.

V.Takdang Aralin
Magbigay ng halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay sa maikling
kwento na pinamagatang “Impeng Negro”.

REGINEPRIL C. TERRADO
Gurong Nagsasanay
GNG. MA. ZOILA PAMANIAN
Gurong Tagapagsanay

You might also like