You are on page 1of 23

St.

Louise de Marillac College of Bogo


Member: Daughters of Charity-St. Louise de Marillac Educational System (DC-SLMES) Modyul sa
Filipino 7
“ FLEx in SLMCB
The St. Louise de Marillac College of Bogo employs FLEx (Flexible Learning Experience) Delivery Mode for SY
2020 – 2021. The chosen delivery mode operates on four basic principle: (1) Principle of Individuality and Creativity,
(2) Principle of Autonomy and Responsible Freedom, (3) Principle of Openness (Social and Communication) and (4)
Principle of Activity that are in consonance with the essence of Christian-Vincentian Education and are to a great
extent; facilitative to the realization of the Vision-Mission and Core Values of SLMCB.
SLMCB.

MODYUL
2:
Akdang Pampanitikan ng Mindanao: Ating
Pagyamanin at Ipagmalaki ”
Lagom-pananaw
Sa nakaraang mga taon, ang tinaguriang Lupa ng Pangako ay naging pook ng labanan.
Napakayaman naman talaga sa panitikan, kultura, at mapagkukunang yaman ang Mindanao.
Kaya, hindi maiiwasang marami pa rin ang nag-iiringan at gustong magmay-ari ng lahat ng ito.
Mula sa yamang lupa hanggang sa yamang dagat ay hindi maikakaila na sagana pa rin ang
Mindanao sa mga ito.
Sa modyul na ito ay mabibigyan ka ng pagkakataong gumawa ng isang makatotohanang
proyektong panturismo upang lalong makilala ang ilan sa mga ipinagmamalaking panitikan,
pasyalan, pagkain, atbp. ng Mindanao hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.
Maging mapanuri sa pagkuha ng mga datos upang masiguro ang kalidad o pagkamakatotohanan
ng mga ito. Inaasahan din na maipapaliwanag mo ng wasto ang paksang tinalakay gamit ang
sarili nating wika para mas maipakilala mo pa hindi lamang ang ating mayamang panitikan
kundi pati na rin ang ating samo’t saring kultura, tradisyon at relihiyon.
Sa modyul na ito, inaasahang matatamo at malilinang ang mga sumusunod:
Aralin Pinakamahalagang Kasanayang
Christian- Sustainable
Bilang Paksa Pampagkatuto Vincentian Development
(MELCs) Values Goals
Aralin # 3 Tulalang F7PB-Id-e-3 Naipaliliwanag ang
1. Pagmamahal at #4 Quality
 Epiko sanhi at bunga ng mga pangyayari
Paggalang Education
 Mga Pang-ugnay F7PB-Ih-i-5 Nasusuri ang
2. May takot sa #11 Sustainable
na Ginagamit sa pagkamakatotohanan ng mga
Diyos Cities and
Pagbibigay ng pangyayari batay sa sariling
3. Pasasalamat Communities
Sanhi at Bunga, karanasan 4. Pagkama #16 Peace,
Panghihikayat at F7PT-Id-e-3 Naipaliliwanag ang sunurin Justice and
Pagpapaha yag ng kahulugan ng mga simbolong ginamit 5.Pakikipagkapwa- Strong
Saloobin sa akda tao Institutions
6. Kapatiran
Aralin # 4 Ang Alamat ng F7PN-Ij-6 Naiisa-isa ang mga 1. Pagmamahal at #4 Quality
Palendag hakbang na ginawa sa pananaliksik Paggalang Education
 Pagbuo ng Isang mula sa napakinggang mga 2. May takot sa #11 Sustainable
Makatotohanang pahayag Diyos Cities and
Proyektong F7PS-Ij-6 Naiisa-isa ang mga hakbang 3. Pasasalamat Communities
Panturismo at panuntunan na dapat gawin upang 4. Pagkama #16 Peace,
maisakatuparan ang proyekto sunurin Justice and
F7PB-Ij-6 Nasusuri ang ginamit na 5.Pakikipagkapwa Strong
Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo. Pahina 1 ng 23
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws.
datos sa pananaliksik sa isang -tao Institutions
proyektong panturismo 6. Kapatiran
(halimbawa: pagsusuri sa isang
promo coupon o brochure)
F7PU-Ij-6 Nabubuo ang isang
makatotohanang proyektong
panturismo
F7PT-Ij-6 Naipaliliwanag ang mga
salitang ginamit sa paggawa ng
proyektong panturismo (halimbawa
ang paggamit ng acronym sa
promosyon)
F7WG-Ij-6 Nagagamit nang wasto
at angkop ang wikang Filipino sa
pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat
na proyektong panturismo

TUKLAS-WIKA
Tulungan si Alex na tukuyin ang mga PANDIWA sa ibaba sa
pamamagitan ng paglagay ng tsek (/) sa mga ito.
Saan dito ang
Pinagkukunan: PNGWING
pandiwa? Maari
mo ba akong
tulungan?

Kasagutan sa Tuklas weka.

1. nag-eehersisyo
2. kumakain
3. nagbabasa
4. lumalangoy
5. nagtatanim
6. sumasayaw

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 2 ng 22
Pinagkukunan: ClipArt Station

Pinagkukunan: Learning Time for Little Mind

Aralin # 3_______________________________________________________________

SIMULAN
NATIN
Ibahagi mo ang iyong nalalaman tungkol sa paksang epiko sa pamamagitan ng pagbuo sa
spider web sa ibaba.

Epikong pam bayani Epikong makabansa

EPIKO

Epikong makabago Epikong pakutya

Ang akdang ating tatalakayin sa araling ito ay isang halimbawa ng epiko. Higit mong
malalaman o makikilala ang epiko bilang isang uri ng akdang pampanitikang namayani sa ating bansa
noon pa man.
Ang epikong ito ay pinamagatang “Tulalang.” Ito ay isang epiko ng mga Manobo at upang
mabigyan ka ng kaalaman tungkol dito ay basahin ang Alam Mo Ba? sa ibaba.

ALAM MO BA?
Ang mga Manobo ay bahagi ng mga pangkat-etniko ng bansa o yaong tinatawag na
indigenous peoples sa Ingles. Sila ay may iba’t-ibang klaster o pangkat batay sa lugar na
kanilang tinitirhan. Karaniwan silang matatagpuan sa Hilagang Mindanao kung saan kabilang
ang mga lalawigan ng Bukidnon, Misamis Occidental at Oriental, at isla ng Camiguin
bagama’t may mangilan-ngilan ding nananahang Manobo sa mga lalawigan ng Agusan,
Davao, at Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Manobo. Sila ay
karaniwang nagtatanim ng mga palay at mais.
Pinamumunuan sila ng isang datu o sultan. Ang mga lalaki sa kanilang pangkat ay
maaaring makapag-asawa ng higit sa isa kung siya ay may sapat ng kayamanan o
kapangyarihan. Nauuri sa dalawa ang mga tao sa kanilang lipunan: ang mga kabilang sa
maharlikang pangkat at ang mga pangkaraniwang mamamayang nasa ilalim ng kapangyarihan
ng mga maharlika.

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 3 ng 22
PAYABUNGIN NATIN

A. Kompletuhin ang mga salita sa loob ng kahon gamit ang mga pantulong
na salita o mga salita.
b a l a r a w 1. matulis na patalim na magkabilaan ang talim
k a d e n a 2. tanikala; metal na ginagamit na panali
upang hindi makahulagpos o makalaya
k a l u l u w a 3. hindi pisikal na bahagi ng tao; aspektong
pangkaisipan at pandamdamin; espiritu ng tao
k u l a s i s i 4. maliit na uri ng loro
t r i b o 5. pangkat ng mga tao, pamilya o angkang
nagmula sa isang ninuno at bumubuo sa isang
komunidad
B. Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon.
napabantog 1. Ang kasaganaan at kapangyarihan ni Tulalang ay
natanyag hanggang sa malalayong lugar.
hinalinhan 2. Si Tulalang ay pinalitan ng dalawang kapatid nang
siya ay mapagod sa pakikipaglaban.
mahangin 3. Ang mayabang na heneral ay napahamak sa
ginawa niya.
naghinala 4. Nagsuspetsa ang hari ng Bagyo hinggil sa tunay
na pagkatao ng kanyang bagong alipin.
pagbabalatkayo 5. Ang pagkukunwari ni Tulalang bilang alipin ay
natuklasan ng hari ng Bagyo.

Pagkatapos gawin ang gawain sa Payabungin Natin ay basahin ang akdang


“Tulalang” o di kaya’y panoorin ang akda sa
https://www.youtube.com/watch?v=dtirt0w6AAg&t=145s

Pinagkukunan: VectorStock

Tulalang
(Epiko ng Manobo)
Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng ratan na kanilang pagkain. Nakakita siya ng
isang matanda na naaawa pala sa kanilang magkakapatid. Lumapit sa kaniya ang matanda at nagwika, “Huwag
kang mag-alala sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin
ninyo ay mapapa sa inyo.” Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain.
Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag. Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito
ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa iba’t ibang tribu ang nagtungo sa kanilang tahanan upang
pumailalim sa kanilang kapangyarihan.
Mga
Pagkalipas ng Sagut taon,
maraming sa B.ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torogan o
1. natanyag

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 4 ng 22
2. pinalitan
3. mayabang
4. nagsuspetsa
5. pagkukunwari

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 5 ng 22
palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahaling
bato. Walang tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang mga naninirahan sa paligid ng
palasyo ay naaaliw rin.
Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at
mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit naipupulupot niya ng pitong ulit sa kanyang
baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may mahabang manggas at ang pantalon niya ay hanggang tuhod
lamang. Ang kanyang mga daliri ay nagkikislapan sa mga gintong singsing. May balaraw sa baywang at may
pulang turban sa ulo na ginagamit sa paligid. Siya ay laging nakayapak lamang.
Ang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang kapatid na babae na inilagay
sa pinakamalalim na bahagi ng pitong patong na basket na nakabitin sa loob ng silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng
magkakapatid na dapat ingatan. Ngunit ang dalaga ay may kapangyarihang mag-anyo ng iba’t-ibang hugis na
naisin niya. Siya ay gadaliri lamang habang nasa loob ng basket. Siya ay nananatili sa loob ng basket kung wala
siyang ginagawa.
Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago tumanghali ay
namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak na rosas ay nagbabalang may darating na kaaway sa
kanilang kaharian. Isang araw ay biglang nalanta ang bulaklak na rosas. Dumating si Agio at sinalakay ang
Kulaman, ang kanilang kaharian. Hindi man lamang nabahala o natakot si Tulalang at ipinagpatuloy ang kanyang
ginagawa.
Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing ang nagsalita at pinayuhang
labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at inutusan ito na labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap
ay naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at maraming napatay na mga kaaway. Nakita ito ni Agio at
ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya
huminto ito at naging singsing na muli.
Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang ang kanyang balaraw na
makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na namang pumuksa ng mga kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na
ang sundalo ay isang balaraw lamang. Hinawakan niya sa leeg ang balaraw na naging sundalo, at ito ay bumalik sa
dating anyo, ang leeg ang naging hawakan ng balaraw.
Sa pangatlong hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang napatay na mga tauhan ni Agio. Nang
siya ay napagod ay umakyat siya sa palasyo at nagpahinga. Hinalinhan naman siya ng kapatid niyang si
Mangampitan. Sa kanyang kamay naman namatay ang kalahati ng mga kalabang natitira. Siya ay napagod din at
nagpahinga sa palasyo kaya siya ay hinalinhan naman ng pinakabunso sa magkakapatid, si Minalisin. Nangamatay
ng lahat ang mga kalaban maliban kay Agio. Naglaban naman sina Agio at Minalisin. Tinamaan ng sibat si Agio.
Nagbalik sa dating anyo si Agio na kanina ay nag-anyong pulubi bago maglabanan. Siya ay naging isang makisig
na binata. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa mapagod. Nakita pala sila ng kapatid na babae ni Tulalang sa
mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila. Nalaman nila pagkagising na sila palang dalawa ay magpinsan.
Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na nakadapo sa sanga ang
dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-alam sa kanya ng uwak na may darating na isang
napakalaking higanteng kumakain na tao. Sinabi rin sa kanya kung paano ito matatagpuan.
Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang kubong may nainirahang
matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at sa magandang dilag na bihag nito.

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 6 ng 22
Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae. Ang bahay ng higante ay
napakataas kaya maraming punong saging na tumubo sa ilalim nito. Natutulog ang higante at nakakulong ang
dalaga sa hawla nang siya’y dumating. Nagising ang higante. “Sino ang nariyan?” ang sigaw ng higante.
“Nakaamoy ako ng baboy, tamang-tama sa aking pananghalian.” “Hindi ako baboy,” ang sagot ni Tulalang. “Ako
ay taong kagaya mo.” Kinuha ng higante ang panggarote at ang dalawa ay naglaban. Nagawang putulin ni
Tulalang ang dalawang kamay, dalawang paa at ulo ng higante.
Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na ang
pangalan ng magandang babae ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya ay Macarangga rin ang
pangalan. Naakit siya sa dalaga kaya niyaya niya itong pakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil pagod, si Tulalang ay
nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga. Nang magising siya ay wala na ang dalaga,
ngunit isang suklay ang sadyang iniwan nito at nakuha naman ng binata. Kaagad siyang nanaog sa tahanan ng
higante at sumakay sa kanyang musala. Nagtanong siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo
niya ang itinuro ng mga ito. Napag-alaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad ang
Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit ito raw ay nasa langit nang puntahan niya. Nagtungo
siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga. Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig
ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw siyang makauwi sa kalangitan.
Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang hari ay namatay na. Sa
gayon, ang kanilang kaharian ay nangangailangan ng hari. Pumayag siyang pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si
Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang
Kulaman upang kunin ang kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa
makalimutan niya ang pangako kay Macaranga.
Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga kaaway. Ang hari ng mga Bagyo ang
pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas na kaaway ni Tulalang sapagkat hindi siya nakikita. Nagapi ng
kaaway ang dalawang kapatid na lalaki ni Tulalang, at ang babae naman ay dinala sa kaharian nito. Nang
tumangging pakasal ang babae sa hari ng mga Bagyo ay nilaslas ang kamay niya.
Nang malaman ito ni Tulalang ay madali siyang sumakay sa musala at tinungo ang kuweba ng hari ng mga
Bagyo. Nag-anyo siyang sibat at pumasok sa kuweba ngunit ang hangin ay wala na roon. Gumawa siya ng paraan
upang makapasok sa kaharian. Nagbalatkayo naman siyang isang bata at sa isang paraan ay nakapasok sa palasyo
at naging alila. Siya ay nadistino sa kusina. Minsan ay nakasalubong niya ang kanyang kapatid na babae.
Isang gabi ay itinakas niya ang kanyang kapatid. Naghinala ang hari na ang batang alipin ay si Tulalang, kaya
ipinasya niyang lusubing muli ang Kulaman. Bago umalis ang hari ng mga Bagyo at ang mga tauhan nito ay
hiniling muna ng hari na huminga sila sa isang bote at takpang mahigpit at ibitin sa loob ng palasyo.
Nang maglaban na ang dalawang pangkat ay napansin ni Tulalang na kapag may napapatay silang kaaway ay
napapalitan kaagad ng dalawa mula sa dugo nito. Lalong dumarami ang kaaway habang marami silang napapatay.
Tinungo niya kaagad ang kaharian ng mga Bagyo. Gumawa siyang muli ng paraan upang makuha ang boteng
pinag-iwanan ng kaluluwa ng hari at mga kawal nito.
Kinabukasan, sa harap ng mga kaaway ay tumayo siya sa beranda ng palasyo at binalaan ang hari at mga
kawal nito. Kung hindi kayo susuko ay babasagin ko ang boteng ito upang mangamatay ang inyong kaluluwa.
Napilitang sumuko ang Hari at mga kawal nito at napaalipin kay Tulalang.
Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na ang sarimbar na galing sa

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 7 ng 22
langit ay darating na upang silang lahat ay kunin. Hiniling niya sa mga tao na manalangin sa loob ng apat na
buwan upang pagdating sa langit ay magiging Katolosan o Kaluluwa, (immortal beings) maging ang apat na
magkakapatid.
Pagkatapos ng apat na buwang panalangin, ay biglang may humihip na malakas na hangin. Nagdala ito ng
balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang manggagaling sa Silangan upang silain ang mga tao sa
Kulaman at isang higante ang haharang sa sarimbar pagbabalik sa langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay
napatay niya ang baboy ramo at higante.
Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa nakasabit sa kadenang ginto. Ito ay hugis bangka ngunit
yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa langit. Isa pang higante ang nagtangkang pumutol

ISULAT NATIN
#1
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
espasyong nakalaan. (Krayterya sa pagwawasto: Nilalaman –2pt., Organisasyon –
2pts. at Mekaniks (Gramatika at Bantas) – 1pt. = Kabuoan – 5pts.)

1. Batay sa mga pangyayari sa buhay ni Tulalang, paano naipakita kung


anong uri ng pinuno siya?

Siya ay naging responsable sa kanyang kaharian, lalo na sa kanyang mga kapatid.

2. Ano pang ibang aral ang hatid sa iyo ng epiko?

Ano pang ibang aral ang hatid sa iyo ng epiko?

3. Paano mo maisasabuhay ang mga aral na hatid nito?

Maiisasabuhay ko ang mga hatid na aral nito sa pamamagitan ng pagpapahalaga


nito at pagsasapuso.

B. Isulat ang tama sa linya kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap. Kung mali,
lagyan ng ekis(X)ang salita/mga salitang nagpamali at isulat ang tamang sagot sa linya.
__tama_______1. Isang matandang makapangyarihan ang unang nagpala sa
buhay ng pamilya ni Tulalang.
___ X ______2. Naghalinhinan sina Tulalang at ang kanyang mga kapatid sa
pakikipaglaban kay Agio, ang mayabang na heneral.
___ X ______3. Ang pagdumi ng isang uwak sa mukha ni Tulalang ay
nangangahulugan ng pagdating ng maraming pagpapala para sa kaharian.
____ X _____4. Hindi nakalimutan ni Tulalang ang kanyang pangakong kasal
kay Macaranga, ang babaeng iniligtas niya sa kamay ng
isang higante.
____ X _____5. Ang lahat ng mamamayan sa kaharian ni Tulalang kasama
ang kanyang mga kapatid ay namatay lahat sa
kalawakan.

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 8 ng 22
ALAMIN NATIN

EPIKO
Ang epiko ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko,
rehiyon, o lalawigan ng bansa. Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila. Nangangahulugang ito
ay nailipat o naibahagi sa pamamagitan ng pasalin-saling pagkukuwento o pagsasalaysay
lamang. Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring
di kapani-paniwala o puno ng kababalaghan. Karaniwan itong may tauhang lubos na malakas at
makapangyarihang kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan nito.
Ang epiko ay ginamit ng ating mga ninuno upang maipakita ang
kanilang pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin, at layunin sa buhay. Bagama’t
pasalaysay, ito ay isang tulang inaawit o binibigkas ng pakanta. Ang mga sinaunang historyador
na gaya nina Padre Colin, Joaquin Martinez de Zuñiga, at Antonio Pigafetta ay nagpapatunay
nito. Sa katunayan ay may mga ulat ding nagkaroon ng mga pagtatanghal ng mga epiko ang
ating mga ninuno nang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa Pilipinas noong 1565.
Mahirap masabi kung alin sa epiko ang pinakamatanda, sapagkat maging ang
pagkakasalin sa Espanyol o Ingles ng mga ito ay hindi pa nalalaman. Ang panahon kung kalian
nalikha ang isang epiko ay masasalamin lamang sa mga pangyayaring isinasalaysay ng epiko.
Maraming epiko ang nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno sa bawat pangkat o
rehiyon na kanilang kinabibilangan bagama’t ilan lamang sa mga epikong ito ang nakilala at
lumagaap sa bansa dahil sa kakulangan ng sapat na tala. Si Jose Villa Panganiban sa kanyang
aklat na Panitikan ng Pilipinas (1954) ay nagtala ng dalawampu’t apat na epiko sa ating bansa.
Samantalang si Dr. Arsenio Manuel, isang antropologo at iskolar ng Unibersidad ng Pilipinas, sa
kanyang masusing pag-aaral ng mga epiko ng Pilipinas na pinamagatang Survey of the
Philippine Folk Epics (1963), ay naghanay ng dalawampu’t limang epikong katutubo sa Pilipinas
(Panitikang Pilipino, Antolohiya). Narito ang ilan sa mga epikong nakilala sa bawat rehiyon o
pangkat na ang iba ay matatalakay sa kabanatang ito:
 Epiko ng mga Iloko: Lam-ang
 Epiko ng mga Bikol: Handiong (Ibalon at Aslon)
 Epiko ng mga Ifugao: Hudhud
 Epiko ng mga Meranaw: Bantugan
 Epiko ng mga Magindanaw: Indarapatra at Sulayman
 Epiko ng mga Malay: Bidasari
 Epiko ng mga Manobo: Tulalang
 Epiko ng mga Kalinga: Ulalim
 Epiko ng mga Tagbanua: Dagoy at Sudsud
 Epiko ng mga Ibaloi: Kabuniyan at Bendian

ISULAT NATIN #2

Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo. (Krayterya sa
pagwawasto: Nilalaman – 2pts., Organisasyon – 2pts at Mekaniks (Gramatika at Bantas) – 1pt. = Kabuoan –
5pts.)

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 9 ng 22
o Bakit kaya hanggang ngayon ay laganap pa rin ang mga akdang puno ng
kababalaghan at di kapani-paniwalang pangyayari gaya ng epiko?
Hanggang ngayon ay laganap parin ang mga akdang puno ng kababalaghan at di
kapanipaniwalanv pangyayari gaya ng epiko sapagkat bahagi na ito ng kulturang
Pilipino.Ang mga ito ang sumisimbolo sa pagiging makulay ng paniniwala at
tradisyon nating mga Pilipino.Patunay lamang ito na ang mga pilipino ay may
malawak na imahinasyon at may makulay na panitikan.

KASANAYANG
PANGWIKA
ISAISIP
NATIN
Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat, at
Pagpapahayag ng Saloobin
Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap ay mahalagang
sangkap para sa malinaw, lohikal, at mabisang paglalahad. Sa paggamit ng iba’t ibang pang-
ugnay, higit na nabibigyang-diin ang layunin sa pagpapahayag. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng Sanhi at Bunga
Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan: sapagkat/pagkat,
dahil/dahilan sa, palibhasa, at kasi/naging
o Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta: kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito,
tuloy
2. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat
o Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayon: totoo, oo, mabuti, at sigurado
o Pang-ugnay
SAGUTIN na nagpapakita ng pagtutol: hindi, ngunit, subalit, datapwat at bagama’t
3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin. Ilan sa mga ito ay ang: sa palagay ko,
NATIN
hinuhaBilugan
ko, kapag,
angpag, kung gayon,
pang-ugnay sana, atsabasta.
na ginamit pangungusap at salungguhitan ang salita o mga
salitang pinag-uugnay nito. May mga pangungusap na higit sa isang pang-ugnay ang ginamit.
1. Ang magkakapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na
matulungin sa kapwa.
2. Bagama’t nawala ang minamahal ay hindi niya inalintana para sa
kapakanan ng kanyang bayan.
3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang
isang mayabang na kaaway.
4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ni Tulalang ang kanyang mga
kalaban dahil sa kanyang angking talino.
5. Ang pagdating ng sarimbar ay totoong nagbigay ng kaligayahan sa
mamamayan.

SUBUKIN PA
NATIN

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 10 ng 22
A. Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba mula sa epiko. Isulat sa mga linya kung
ito’y makatotohanan o di makatotohanan batay sa iyong sariling karanasan o karanasan ng
mga taong napapanood mo sa telebisyon o nababasa sa mga balita at akda at saka magbigay
ng patunay kaugnay ng iyong napiling sagot. (Krayterya sa pagwawasto: Nilalaman – 2pts.,
Organisasyon – 2pts. at Mekaniks (Gramatika at Bantas) – 1pt. = Kabuoan – 5pts.)
1. Simula noong makita ng matanda sina Tulalang sa gubat ay nanagana
sila sa pagkain.
Makatotohanan
2. Si Tulalang ay isang binatang matangkad, matipuno, may maputi na
mga ngipin at mahabang buhok.
Di makatotohanan
3. Sa pangatlong hamon ni Agio ay si Tulalang na ang lumaban.
makatotohanan
4. Isang goryon na nakadapo sa sanga ang dumumi sa kanyang mukha
at ipinagbigay-alam sa kanya ng goryon na may darating na isang
napakalaking higanteng kumakain na tao.
Di makatotohanan
5. Ang hari ng Bagyo ang pinakamalakas na kaaway ni Tulalang
sapagkat hindi siya nakikita.
Makatotohanan

C. Sa kahon ay nakatala ang ilang suliraning panlipunang kinahaharap ng


bansa sa kasalukuyan. Pumili ng isa sa mga ito at saka ipaliwanag ang
posibleng sanhi at bunga ng mga ito gayundin ang iba pang hinihingi sa
bawat kahon. Gumamit ng pang-ugnay sa pagsagot.
Sitwasyon Bilang 1: Kahirapan sa Bansa (Dumaraming bilang ng nasa
Below Poverty Level)
Sitwasyon Bilang 2: Ang Laban sa Droga ng Pamahalaang Duterte
Sitwasyon Bilang 3: Ang pandemyang COVID-19

Napiling Sitwasyon: _____________________________________________

Ibigay ang iyong saloobin tungkol sa problemang ito:

Problemang Sanhi Posibleng Bunga

_________________________________ __________________________________
Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
_________________________________
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing__________________________________
na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 11 ng 22
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
Sumulat ng isang pangungusap na makahihikayat sa mamamayang tumulong upang
masolusyunan ang nasabing problema: ________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagwawasto
Walang
Nakamit ang Bahagyang Nakamit Hindi Nakamit ang
Higit na inaasahan Napatunaya
Kategorya Inaasahan ang Inaasahan Inaasahan Iskor
(5) n
(4) (3) (2)
(1)
Makabuluhan ang Bawat pangungusap May kakulangan sa Hindi nadebelop ang mga Hindi nakita
bawat pangungusap ay may sapat na detalye pangunahing ideya ang
dahil sa husay na detalye ginawang
Nilalaman
pagpapaliwanag at gawain
pagtalakay tungkol sa
paksa.
Lohikal at mahusay Naipakita ang Naipakita ang Lohikal ang pagkakaayos Hindi nakita
ang pagkakasunod- debelopment ng debelopment ng mga ng mga pangungusap ang
Organisasyon
sunod nga mga mga pangungusap pangungusap subalit subalit ang mga pangyayari ginawang
ng Ideya
pangyayari hindi makinis ang ay hindi ganap na gawain
pagkakalahad nadebelop
Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at nakagugulo Hindi nakita
sa mga bantas, pagkakamali sa nga pagkakamali sa mga ang mga pagkakamali sa ang
Mekaniks kapitalisasyon at bantas, bantas, kapitalisasyon mga bantas, kapitalisasyon ginawang
pagbabaybay kapitalisasyon at at pagbabaybay at pagbabaybay gawain
pagbabaybay
Kabuoan

B. Ang simbolo ay salitang ginagamit upang higit na maunawaan ng mambabasa ang


damdamin at kaisipang nais ipahiwatig sa akda. May mga salitang masasabing ginamit bilang
simbolo sa epikong binasa. Ipaliwanag mo ang kahulugan ng mga ito batay sa intensiyon o
bagay na nais bigyang-diin sa akda. Ang unang bilang ay sinagutan na upang maging gabay
mo. (Krayterya sa pagwawasto: Nilalaman – 2pts., Organisasyon – 2pts. at Mekaniks (Gramatika at Bantas) –
1pt. = Kabuoan – 5pts.)
1. Madalas ay sama-samang nagpunta sa gubat ang magkakapatid
upang kumuha ng ubod ng ratan para sa kanilang pagkain.
Ang ubod ng ratan ay sumisimbolo sa matinding kahirapang naranasan ng
magkakapatid.
Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 12 ng 22
2. Napagpasiyahan ng mgakakapatid na manirahan sa torogan o palasyo.
Ang Torogan ay isang tradisyonal na bahay na itinayo ng mga Maranao sa
lalawigan ng Lanao, Mindanao, Pilipinas.[1] Ang torogan ay isang tanda ng mataas
na katayuan sa lipunan. Ito ay isang noo'y tahanan sa mga Sultan o Datu sa
pamayanang Maranao. Sa kasalukuyan, mga bahay na yari sa konkreto na ang
mahahanap sa mga buong pamayanang Maranao, ngunit may mga natitira pang
mga torogan na sandaang taong gulang na. Ito'y mahahanap sa Dayawan at sa
lungsod ng Marawi, pati na rin malapit sa lawa ng Lanao. Hindi kumpleto ang
isang torogan kapag wala ang maalamat na ibong Sarimanok na dapat makikita sa
loob ng bahay.

3. Araw at gabi ay walang tigil sa pagtugtog ng musika ang mga alipin sa


kaharian.
Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang
kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon
itong kasamang pag-awit.

4. Siya ay hiyas sa kanilang pamilya.


Ang hiyas ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod
5. Pagdating sa kaharian ay nabalitaan niyang sinalakay ng hari ng
bagyo ang kanilang kaharian.
Ang hari ay tumutukoy sa mga taong namumuno sa isang kaharian o nakatira sa
mga Palasyo. Ang hari ay ang may pinakamataas na katungkulan tulad ng mga
Presidente

Pinagkukunan: Learning Time for Little Mind

Aralin # 4__________________________________________________________________

SIMULAN NATIN

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 13 ng 22
Sa maraming pagkakataon sa ating buhay, nakararanas tayo ng pagluha. Ikaw, kailan
ka ba huling lumuha? Ano ang naging dahilan sa iyong pagluha? Batay sa iyong obserbasyon
at maging sa tunay mong karanasan o karanasan ng iyong mga kapamilya o kaibigan, ano-
ano nga ba ang nagiging dahilan sa pagluha ng isang tao? Isulat ang iyong mga sagot sa loob
ng kahon.
sakit na nararamdaman dahil sa labis na sakit na
Mga karaniwang nararamdaman
dahilan ng pagluha
ng isang tao
Heart broken Pinag bully ng classmate

Sa iyong palagay, nakatutulong ba o nakasasama ang pagluha sa isang tao? Paano ito maaaring
makasama? Paano naman ito maaaring makatulong? Bagama’t nakatutulong sa pagluwag ng damdamin
ng isang tao ang pagluha, kapag naman labis-labis na ay maaari na itong makasama lalo pa kung ang
taong lumuha nang dahil sa kabiguan ay hindi na nakabangon sa sakit at dalamhating kanyang
naranasan.

ALAM MO BA?
Ang unang pag-iyak at pagluha ng bagong silang na sanggol ay ikinatutuwa ng mga taong
nakasaksi sa pagsilang sapagkat ito ay nagpapakitang buhay ang bata. Habang lumalaki ang
sanggol, ang pag-iyak o pagluha ay nagiging malaking bahagi ng kanyang buhay. Dahil wala
pang kakayahang magsalita, ito ang nagagamit niya upang maipaabot sa kanyang mga
tagapag-alaga ang iba’t iba niyang pangangailangan. Katunayan, tinatayang ang sanggol ay
karaniwang umiiyak nang mula 1 hanggang 3 oras sa maghapon para sa layuning ito.
Sa paglaki ng sanggol, ang dalas ng pag-iyak o pagluha ay nababawasan subalit ayon sa
pag-aaral, ang mga babae ay mas madalas
lumuha kaysa sa mga lalaki. Ang karaniwang bilang ng pag-iyak o pagluha raw ng mga babae
ay 50 beses sa isang taon samantalang ang mga lalaki ay nasa 10 beses lamang bagama’t
madalas ay hindi nila tahasang inaamin ang pagluha.

Sa araling ito ay mababasa ninyo ang isang akda mula sa Magindanao


na pinamagatang “Ang Alamat ng Palendag.” Alamin kung ano ang
kinalaman ng pagluha o pag-iyak na nabanggit sa Simulan Natin sa
akdang ito.

PAYABUNGIN
Ang materyal na ito ay NATIN
personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 14 ng 22
Pinagkukunan: VectorStock

A. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa hanay A batay sa
konteksto ng pangungusap. Hanapin ang sagot sa hanay B Isulat ang titik ng tamang sagot sa
linya.
Hanay A Hanay B
_c___1. Madarama ang bigat ng suliraning dinadala ng a. inubos
dalaga sa kanyang tahimik ng paghikbi. b. nakasaling
_b___2. Ang kalungkutan ng dalaga ay tunay na nakaantig c. pagluha
sa aking damdamin. d. sundalo
_d___3. Inatasan ng hari ang kawal upang mamuno sa e. tungkulin
isang digmaan.
_e___4. Ipinadala ng hari ang binate sa isang mahalagang
misyon kaya kinailangan niyang iwan ang minamaha.
__a __5. Ginugol niya ang oras sa kanyang habihan upang
makalimot sumandali sa kanyang kasawian.
B. Ang tatlo sa apat na salita sa bawat bilang ay magkakasing-kahulugan.
Lagyan ng ekis (X) ang salitang may naiibang kahulugan.
1. nakalilikha nakagagawa nakabubuo X nakabibili

2. inaliw X nilibak pinasaya nilibang

3. X dumalang dumalas parati palagi

4. nabigo nasawi X nagtagumpay natalo

5. lihim tago X bunyag sekreto

ANG ALAMAT NG PALENDAG


(Alamat ng mga Magindanawon)
Salin ni Elvira B. Estravo ng “The Legend of Palendag”
Ang palendag ay isang instrumentong pangmusika ng mga Magindanaw. Ito’y galing sa salitang
Magindanaw na lendag, na nangangahulugang paghikbi. Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na
bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may habang dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang
butas sa magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plauta.
Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili. Nabibigyang-
kahulugan ng isang mahusay na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang damdamin at nakalilikha ng isang
maganda at makaantig- damdaming musika.
Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook. Nagkakaisa ang kanilang
damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang
pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.
Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang
malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis ang binata.
Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki. Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad pagkatapos ng
Ang misyon.
materyal na Ipinangako rin
ito ay personal na niyang
pag-aari susulatlamang
at nakalaan nangparamadalas.
sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga
Sahindi awtorisadong
unang ilang paggamit
linggo,atpanay
paggawa ang
ng sariling
datingkopyang
ay itinuturing
sulat nana punung-puno
sakop sa paglabag ngngCopyright Laws.
pagmamahal atPahina 15 ng 22
pag-aalaala.
Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.
Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang
babae, sa lugar ng kanyang misyon.
Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang,
maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang
luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa
laging pagpatak dito ng luha ng dalaga. Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at
lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng
SAGUTIN
NATIN
A. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na mga tanong batay
sa binasang alamat.
1. Ang dalaga sa alamat ay isang ______________.
a. mananahi b. tagaburda c. manghahabi d. magsasaka
2. Ang kasintahan naman ng dalaga ay isang ______________.
a. manlalakbay b. datu c. kawal d. mangangalakal
3. Hindi na natupad ng binate ang pangakong pagbabalik sa kasintahan
dahil siya ay ______________.
a. ikinasal sa ibang babae
b. natalo sa sinalihang labanan
c. namatay habang naglalakbay
d. nakatagpo ng magandang kapalaran
4. Ang palendag ay isang instrumenting pangmusikang tinutugtog na
parang isang ______________.
a. gitara b. plawta c. tambol d. piyano
5. Ayon sa alamat, ang unang bersiyon ng instrumentong ito ay nalikha sa
pamamagitan ng ______________.
a. pagtusok ditto ng karayom na gamit sa paghahabi
b. pag-ihip nang malakas sa kapirasong kawayan
c. paggamit ng makina para mabutas ang kawayan
d. laging pagpatak ng luha sa bahagi ng kawayan

B. Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang lahat ng mga kaisipan o ideyang tinalakay sa akda.
Ekis (X) naman ang ilagay kung hindi ito nabanggit sa akda. Pagkatapos, sa mga linya sa
kabilang pahina ay bigyang-reaksiyon mo ang dalawa sa mga kaisipan o ideyang nilagyan mo
ng tsek (/).
/
Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 16 ng 22
1. Ipinagbabawal ng tradisyong Magindanawon ang pagliligawan
ng binata at dalaga.
X Nakuha ng dalaga at ng binate ang basbas ng kani-kanilang
2.
magulang para sa kanilang relasyon.
/ 3. Naranasan ng dalaga ang masakit ng kabiguan nang hindi na
muling bumalik ang kasintahan.
/ 4. Labis na dinamdam ng dalaga ang kabiguang naranasan kaya’t
siya’y umiyak o lumuha hanggang sa mabutas ang kawayang
pinapatakan ng kanyang luha.
X 5. Tinulungan ng kanyang mga kapamilya at kaibigan ang dalaga
upang muling makabangon sa kabiguang naranasan.
/ 6. Inaliw ng dalaga ang sarili sa pamamagitan ng pagtugtog ng
palendag.
Magbigay ng reaksiyon sa dalawa sa mga pahayag na nilagyan mo ng tsek (/). Isulat sa mga
linya ang bilang ng pahayag at ang reaksiyon mo para sa bawat isa.
 _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
 _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PALAWAKIN PA
NATIN
Ito na ang huling aralin sa kabanata at sa unang tatlong aralin ay inaasahang napaglalim ang
iyong pag-unawa at pagpapahalaga hindi lang sa pisikal na yaman at ganda ng Mindanao kundi
gayundin sa taglay nitong makulay at mayamang kultura at tradisyon.
Ngayon ay gusto mong patunayang “It’s more fun in the Philippines” o sabihin nating “It’s
more fun in Mindanao.” Ipagpalagay mo na ikaw ay isang advertising executive na kinomisyon
ng Departamento ng Turismo sa Mindanao upang bumuo ng travel brochure na makapang-aakit
ng mga turista upang dalawin o pasyalan ang iba’t ibang lugar sa Mindanao. Makatutulong sa
pagbuo ng gawaing ito ang sumusunod:
 Mga datos at kagamitang kakailanganin sa pagbuo ng travel brochure:
 colored paper  kultura ng mga taga  history ng mindanao
 glue Mindanao  mga tourist spots
 dekorasyon  namumuno sa lugar ng  mga pagkain sa lugar
mindanao ng mindanao

 Ang iba’t ibang maaaring mapagkunan ng mga impormasyon


 Ang Internet
 Ang mga Aklat o Libro
 Mga Artikulo sa Magasin at Diyaryo
 Mga Video mula sa YouTube, mga Dokumentaryo, at Iba pang Palabas
Pantelebisyon
 Mga Panayam, Seminar at Workshop
 Ang mga hakbang sa pagbuo ng travel brochure na mababasa sa ibaba upang
makapagsagawa ng makatotohanan at makapanghihikayat na proyektong panturismo.
Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 17 ng 22
Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng Makatotohanan at Mapanghikayat na
Proyektong Panturismo (Travel Brochure)
1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong “Travel Brochure”
Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang aakit sa mga turista upang
ang lugar ay pasyalan. Makabubuti kung gayon na magsaliksik at magbasa ka upang marami kang
maibahagi tungkol sa lugar na ito. Ngunit napakahalagang suriin mo ang mga datos na iyong
nasaliksik upang umangkop sa uri ng turistang nais mong maabot ng iyong gagawin. Makatutulong
ang pagsagot sa tanong na nasa ibaba:
Anong uri ng turista ang target ng iyong travel brochure? Sila ba’y mga kabataang mahilig sa
adventure? mga backpacker na may limitadong badyet? mga mag-aaral na gusto ng isang
educational fieldtrip? pamilyang may mga anak? mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik na
bakasyon?
Kapag alam mo na ang uri ng turistang nais mong maabot ng iyong travel brochure ay ituloy
mo na ang pananaliksik. Mula sa iyong nasaliksik ay piliin ang pinakamahalagang bagay na gusto
mong bigyang-diin tungkol sa lugar na sa tingin mo ay aakit sa uri ng turistang target ng iyong travel
brochure. Maging maingat at mapili sa mga salitang ilalagay mo sa brochure. Dapat, naglalaman
lamang ito ng pinakainteresante at pinakamahalagang impormasyon patungkol

sa lugar dahil hindi makabubuti kung mapupuno ng salita ang brochure. Bakit kasi katamaran na itong
basahin ng target mong babasa.
2. Pagpili ng mga Larawang Isasama sa Travel Brochure
Pumili ka ng mga larawang aangkop sa iyong binubuong travel brochure. Ang mga larawang
ito ay inaasahang lalo pang makapang-aakit sa target mong uri ng turista. Makabubuti kung mas
maraming larawan ang iyong ihahanda para mas marami kang pagpilian dahil hindi naman lahat ng
larawang ito ay isasama mo. Maliban sa larawan ng iba’t ibang pasyalan o magagandang tanawin ay
huwag mo ring kalimutang magsama ng mga larawan ng puwedeng gawin sa mga lugar na ito tulad
ng pangangabayo, pagzi-zipline, pagpi-piknik, o simpleng paglalakad-lakad sa malapulbos na
dalampasigan. Tiyaking ang mga larawan ay sadyang makaakit, bago, at may mataas na kalidad o
hindi Malabo.
3. Pagbuo ng Borador Para sa Iyong Travel Brochure
Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo muna ng borador
para maging huwaran o template ng iyong bubuoin. Sa pagbuo ng borador o draft ay tiyaking nagamit
mo ang wasto at angkop na wikang Filipino upang ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi
makapanghihikayat din sa target na mambabasa. Kahit wala munang mga larawan o teksto, iguhit lang
muna kung saan ilalagay ang mga ito gayundin kung paano titiklupin ang travel brochure. Karaniwang
tinitiklop sa tatlo ang travel brochure.
4. Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure
Mula sa borador ay handing-handa ka na sa pagbuo ng aktuwal na travel brochure. Gagamitin
mo na ngayon ang mga impormasyong iyong nasaliksik gayundin ang mga larawanng pinili mo.
Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure. Iwasan ang masyadong maliliit na

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 18 ng 22
titik. Bigyang-diin ang pinakamahalagang bahagi sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang kulay o
paggamit ng diin (bold face) sa mga ito.
Sangguniin ang binuong borador para matiyak na naaayon sa plano ang harap, gitna, at ang
huling bahagi ng brochure. Tiyaking tama ang baybay at bantas sa iyong gagawin at naipaliliwanag
din ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyekto tulad ng mga acronym. Gumamit din ng wasto
at angkop na wikang Filipino. Ito ang isang uri ng sulating ginagamitan ng pormal na wika at hindi ng
mga balbal, kolokyal, o lalawiganing salita. Makatutulong ang mga libreng template na matatagpuan
sa Internet sa pagbuo ng travel brochure.
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo
Ngayon ay handang-handa ka na upang buoin ang iyong proyektong panturismo. Sundan ang
mga hakbang na tinalakay sa mga nagdaang pahina sa pagsasagawa nito. Pagkatapos mabuo ang
travel brochure, bilang isang advertising executive ay kailangang ilahad mo ang ilahad mo ang binuo
sa

harap ng iyong kliyente, ang mga kinatawan ng Kagawaran ng Turismo ng Mindanao. Ilalahad mo
ang mga hakbang na ginawa mo sa pagkuha ng datod gayundin ang mga hakbang na ginamit mo
kaugnay ng binuong proyekto. Kung gayon, bago ka mag-ulat o maglahad ng nabuo mo sa kanila ay
sagutin muna ang sumusunod na mga tanong tungko sa iyong travel brochure at sa gagawing pag-
uulat. Lagyan ng tsek (/) kung nagawa mo o ng ekis sa hindi. Bago ka maglahad ng nabuo ay muling
balikan at ayusin ang mga nilagyan mo ng ekis (X) upang matiyak na naisagawa mo ito nang buong
husay.
/ Nakabuo ka ba ng isang makatotohanang proyektong panturismo?
X Naisa-isa mob a ang mga hakbang na ginawa mo sa pananaliksik ng
mahahalagang datos tungkol sa Mindanao?
X Nasuri mo ba ang ginamit o pinagkunan ng datos o impormasyon sa
pananaliksik? Angkop o mapagkakatiwalaan ba ang pinagkunan mo ng
mga datos o impormasyon?
/ Naglagay ka ba ng pagkilala o citation sa mga pinagkunan mo ng mga
datos o impormasyon?
/ Naipaliwanag mo ba ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyek-
tong panturismo tulad ng halimbawa ng mga acronym na ginamit mo?
X Naisa-isa mo ba ang mga tamang hakbang at panuntunan sa
paggawa ng proyekto ?
/ Nagamit mo ba nang wasto at angkop ang pormal na wikang Filipino sa
pagsasagawa ng iyong proyektong panturismo?

Mga Halimbawa ng Travel Brochure:

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 19 ng 22
Pinagkukunan: WordPress Pinagkukunan: Infograph Pinagkukunan: YouTube

Pinagkukunan: Facebook

Pamantayan sa Pagwawasto
Di gaanong Sadyang Di
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pamantayan Mahusay Mahusay
(5) (4) (3)
(2) (1)
Naisa-isa ang mga hakbang na ginawa mo sa
pananaliksik ng mahahalagang datos tungkol sa
Mindanao.
Nasuri ang ginamit o pinagkunan ng datos o
impormasyon sa pananaliksik kaya’t angkop o
mapagkakatiwalaan ang pinagkunan mo ng mga
impormasyon.
Naglagay ng pagkilala o citation sa mga
pinagkunan ng datos.
Naipaliwanag ang mga salitang ginamit sa
paggawa ng proyektong panturismo tulad
halimbawa ng mga acronym na ginamit mo.
Naisa-isa ang mga tamang hakbang at panuntunan
sa paggawa ng proyekto
Nakabuo ng isang makatotohanang proyektong
panturismo.
Nagamit nang wasto at angkop ang pormal na
wikang Filipino sa pagsasagawa ng iyong
proyektong panturismo.
Kabuoan

Mga Kasagutan!
Tuklas-Wika
 nag-eehersisyo  nagbabasa  nagtatanim
 kumakain  lumalangoy  sumasayaw

Aralin 1
Payabungin Natin (A) Payabungin Natin (B) Isulat Natin #1
1. balaraw 1. natanyag 1. tama
2. kadena 2. pinalitan 2. mali
3. kaluluwa 3. mayabang 3. mali
4. kulasisi 4. nagsuspetsa 4. mali
5. tribo 5. pagkukunwari 5. mali
Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 20 ng 22
Isulat Natin* Aralin 2 Sagutin Natin (A)
1. sapagka’t Payabungin Natin (A) 1. c
2. bagama’t 1. c 2. c
3. subalit 2. b 3. a
4. dahil, sa aking hinuha 3. d 4. b
5. totoong 4. e 5. d
5. a
Subukin Pa Natin (A) Payabungin Natin (B) Sagutin Natin (B)
1. makatotohanan 1. nakabibili 1. / 6. /
2. di makatotohanan 2. nilibak 2. X
3. makatotohanan 3. dumalang 3. /
4. di makatotohanan 4. nagtagumpay 4. /
5. makatotohanan 5. bunyag Para sa mga katanungan,
5. X maari ninyong kontakin ang guro sa m

?
media accounts at numero ng selepono:

Hezeil Catadman

hezeilcatadman@gmail.com

09056307663

Mga Sanggunian
Baisa-Julian, A. G., Lontoc, N. S., & Esguerra-Jose, C. (2018). Pinagyamang Pluma 7.
Quezon: Phoenix Publishing House.

Baisa-Julian, A. G., Lontoc, N. S., & Esguerra-Jose, C. (2018). Pinagyamang Pluma


Teachers WrapAround Edition Grade 7. Quezon: Phoenix Publishing House.

Danigirl12. (2019, November 18). Ano ang mga datos o kagamitang kakailanganin para sa
pagbuo ng travel brochure tungkol sa mindanao? Retrieved August 19, 2020, from
Smart Answers: https://smart-answers.ph/filipino/ano-ang-mga-datos-o-kagamitang-
kaka-2261990#otvet

Estravo, E. B. (n.d.). Ang Alamat ng Palendag. Retrieved August 19, 2020, from KapitBisig:
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-ang-
alamat-ng-palendag_282.html

Garza, D. (2013, December 17). Project in Filipino. Retrieved August 19, 2020, from
WordPress.com: https://deznielgraza.wordpress.com/author/deznielgraza/

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 21 ng 22
LIMy, N. (n.d.). Pandiwa. Retrieved August 21, 2020, from Pinterest:
https://www.pinterest.ph/pin/710302172462129720/

Mishti, R. (2016, December 1). Hand made travel brochure. Retrieved August 19, 2020,
from YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=w8pd00XOsH4

Sitiehainadiagone. (n.d.). 999:Request Failed. Retrieved August 21, 2020, from Pinterest:
https://in.pinterest.com/pin/767723067707062124/

Sitiehainadiagone. (n.d.). Panguri. Retrieved August 21, 2020, from Pinterest:


https://www.pinterest.ph/sitiehainadiagone/panguri/

tigatelu. (n.d.). Cartoon Male Teacher Vector Image. Retrieved August 21, 2020, from
VectorStock: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/cartoon-male-teacher-
vector-5167967

Unknown. (2014, March 5). Proyektong Panturismo Featuring Castillo Handicrafts.


Retrieved August 19, 2020, from Facebook:
https://www.facebook.com/490406137731261/photos/travel-brochure/494969020608
306/

Unknown. (2017, October 13). Epiko ng Manobo. Retrieved August 14, 2020, from Webdog:
https://www.youtube.com/watch?v=dtirt0w6AAg&t=145s

Unknown. (2018, July 29). infograph. Retrieved August 19, 2020, from WordPress.com:
https://www10peaceinfographics.wordpress.com/2018/07/29/andie-so-10-peace-24/

Unknown. (2018, February 27). Mga Kasarian ng Pangngalan. Retrieved August 21, 2020,
from Pixel Help Option: https://pixelhelpoption.blogspot.com/2018/02/blog-post.html

Unknown. (n.d.). Cartoon Pencil png images. Retrieved August 21, 2020, from PNGWING:
https://www.pngwing.com/en/search?q=cartoon+Pencil

Unknown. (n.d.). Lalaki Clipart. Retrieved August 21, 2020, from Clipart Station:
https://clipartstation.com/lalaki-clipart/

Unknown. (n.d.). thinking smiley clipart 6. Retrieved August 21, 2020, from ClipArt Station:
https://clipartstation.com/thinking-smiley-clipart-6/

Unknown. (n.d.). Tulalang. Retrieved August 16, 2020, from KapitBisig:


https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-tulalang-
epiko-ng-manobo_1036.html

Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 22 ng 22
Ang materyal na ito ay personal na pag-aari at nakalaan lamang para sa mga mag-aaral ng St. Louise de Marillac College of Bogo.
Ang mga hindi awtorisadong paggamit at paggawa ng sariling kopya ay itinuturing na sakop sa paglabag ng Copyright Laws. Pahina 23 ng 22

You might also like