You are on page 1of 3

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, kaunting sitsit sa katabi o isang pasimpleng kalabit hanggang sa mapunan ang mga

blangko sa papel. Pamilyar ba ito sa inyo? O minsan ka na ring gumawa nito? “Cheating” kung tawagin sa Ingles,
pandaraya sa wikang Filipino at pangongopya sa lenggwahe ng isang mag-aaral.

Natural na nga raw sa mga tao lalo na kapag ikaw ay estudyante na mandaya upang umangat, pumasa sa mga pagsusulit
o iba pang gawain, o para makuha ang nais sa buhay. Ngunit ang kasanayang ito ay mali at kailanma’y hindi magiging
tama. Ayon kay Resident Patriot mula sa “Bakit hindi dapat mangopya sa klase” (thepinoysite.com- Jan.17,2015) may
mga dahilan kung bakit nga ba masama ang pangongopya, – una dahil ito ay isang paraan ng pagnanakaw, ikalawa ito ay
nagtuturo ng katamaran, ikatlo ito ay pinagmumulan ng kawalang disiplina, ika-apat nagbibigay ito ng kalyo sa
konsensya at panghuli ito ay nagtatanggak ng tiwala sa sarili.

Sa isang pag aaral sa ibang bansa tinatayang may 72% ng mga estudyante ang nangongopya, isang napakalaking
porsyento sa kabuuang 100%. Kung papansinin halos lahat ng paaralan ay may etika na bawal mangopya at kung sino
man na mahuli na gumagawa nito ay may “sanction” na matatanggap. Hindi na rin luma sa nakararami ang mga isyu ng
pandaraya mula sa paaralan hanggang sa politika, kaya naman ang simpleng problemang ito ay tila isa na ring dahilan
kung bakit hindi natutunan ng nakararami na paghirapan ang mga gusto nilang makuha nasanay sa madalian o sa
shortcut. Ang mas mahirap pa dito ay kahit illegal ay itutuloy pa rin.

Napakahirap iwasan ng “Cheating” para itong pang araw-araw na temptasyon na sumusubok sa kakayahan ng tao lalo na
sa mga mag-aaral.

Sa paaralan kung saan mas dapat itong binibigyang pansin ay tila hirap na rin itong kontrolin,maging ang relasyon sa
ibang tao ay naapektuhan rin. Nakasaad na mismo sa bibliya “Huwag kayong magnakaw, ni magdadaya, ni
magsisinungaling sa iba.” -Levitico 19:11 Ito ay isang patunay lamang na mali ang kaisipang pandaraya.

Habang maaga pa, habang wala pang nangyayaring masama, subukan ang sarili na ilayo sa ganitong kasanayan.
L] Klasmeyt! Pakopya!

Hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam na pinaghihirapan ang isang bagay? Mas nakikita ng isang tao ang halaga nito,
dahil ang mga bagay na dinaan sa pandaraya ay hindi nagtatagal.
Ipinahinto na ni President Duterte ang online sabong. Ipinag-utos niya kay Interior Sec. Eduardo Año na itigil ito sa lalong
madaling panahon. Sabi ng presidente, hindi maganda ang mga narinig niya ukol sa e-sabong. Hiningi umano niya ang
mga nalalaman at rekomendasyon ni Año at nagdesisyon na siyang ipahinto ang sugal na ito. Labag aniya sa values at
hindi siya makapapayag sa nangyayari.

Ang pasya ng presidente sa pagpapahinto ng e-sabong ay ikinatuwa nang marami. Sa pagpapahinto ng sugal, maiiwasan
na ang pagkasira ng buhay nang maraming Pinoy na naging addict na sa online na sugal. Dami nang winasak ito mula
nang mauso noong nakaraang taon. May pulis na nagnakaw para mabayaran ang malaking pagkakautang sa e-sabong.
May isa na nagbenta ng sanggol sa halagang P45,000 para mabayaran ang utang sa e-sabong. Mayroong OFW na
naipatalo ang kanyang separation pay at umuwing mahirap pa sa daga. May trabahador na sa labis na depression sa
pagkatalosa e-sabong ay nagpakamatay. Maraming karaniwang manggagawa na ang kahit pambili nila ng bigas para sa
kanyang pamilya ay itinataya sa e-sabong at naipatalo. Madali lang makapaglaro sa e-sabong gamit ang cell phone.

Unang sinabi ng Presidente noong nakaraang buwan na napakalaki ng buwis na nanggagaling sa e-sabong—P640 million
bawat buwan. Kailangan umano ng bansa ang pondo mula sa e-sabong kaya hindi niya ito maaring maipahinto. Huwag
na lang itong pansinin, sabi pa niya.

Pero nagbago ang pasya niya dahil nakita ang malaking impact sa buhay ng mga naaadik dito. Hindi maganda ang
nangyayari na maraming nawawasak na buhay. Isinantabi ang malaking buwis na nakukuha sa e-sabong.

Ngayong hinto na ang e-sabong, ipag-utos din naman sana ang paghanap sa mga nawawalang sabungeros. Ang mga
asawa at anak ng nawawalang sabungeros ay sakmal ng pag-aalala sa nawawalang padre de pamilya. Sana malutas ito sa
lalong madaling panahon upang magkaroon ng kapanatagan ang isipan ng mga mahal sa buhay.

Sa pagpapatigil sa e-sabong siguruhin naman ng DILG na walang lalabag sa direktiba. I-monitor ang mga e-sabong outlet
at baka patuloy na nag-ooperate. Tiyak na maraming gagawa nang kabulastugan para tuloy ang e-sabong.

You might also like